Ogie Alcasid Ipinagtanggol Si Vice Ganda sa Mga Bumabatikos, Tama Ang Ginawa Kay Axel

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely


 Nagpahayag ng pagsuporta si Ogie Alcasid sa kanyang It’s Showtime co-host na si Vice Ganda sa gitna ng mga batikos na natatanggap ng huli mula sa mga netizens matapos ang desisyon nitong i-call out ang isang searchee ng EXpecially For You na si Axel.


Sa kanyang tweet, iginiit ni Ogie Alcasid na ang tanging hangarin ni Vice Ganda ay mapasaya ang mga tao, na sumalungat sa akusasyon ng ilang kritiko na ginagawang katatawanan ng komedyante ang mga ordinaryong tao.


“This is long overdue. There is a friend I know who comes to work only with the sole intention of making people happy. This person takes it all—for the team, for the show, and for the madlang pipol. This is why I stand for this friend of mine, imperfect as she is. Love you meme,” tweet ni Ogie Alcasid ng pagtatanggol kay Vice Ganda.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang tweet ni Ogie Alcasid. Marami sa mga tagahanga ni Vice Ganda ang nagpapasalamat rito dahil sa pagsuporta nito sa kaibigan.


"We love you all Showtime Family we are not only  standing for Vice Ganda but to the whole showtime family walang taong perpekto pero feeling perfect marami bwak bwak bwak Thanksss kuya Ogie for the unconditional love sa ating meme"


"Thank you, Sir Ogie for standing up for Meme Vice."


"I’m crying thanks sir ogie!!!! Kahit inookray ka minsan ni Vice, you still chose to see the beauty in her"


Sa kabila nito, hindi rin naman maitatanggi na maging si Ogie Alcasid ay binabatikos na rin ng ilang mga critics ni Vice Ganda dahil sa pagtotolerate umano nito sa mga maling gawi ng Unkabogable Star.


Mayroon pang hayagang pinangaralan si Ogie Alacasid na ang kanyang ginagawa ay hindi gawain ng isang mabuting tao na mayroong prinsipyo.


"Don’t let that FRIEND of Yours insult you yun langssss di nakaka proud moment"


"Hope your friend finds that humility to apologize, would not hurt his pocket even a centavo”


"A true friend never tolerate someone's bastos and mapagmataas  behaviour, dapat pagsabihan... never use "imperfect" as he is, kasi it depends on how he perceived and accepted his imperfections in other areas but tend to disregard his bastos and arogante na behaviour.. kapit tuko?"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo