Paulo Avelino, Aminadong Magkahawig Ang Anak Na Si Aki at Si Kim Chui!

Martes, Hunyo 25, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga napansin ng mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa anak ng aktor sa dating aktres na si LJ Reyes.


Marami sa mga tagahanga nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang nakapansin na magkahawig umano sina Kim Chiu at Aki, ang anak ni Paulo Avelino sa dating aktres na si LJ Reyes.


Ayon sa ilang mga netizens na tila storya mula sa mga fairytales ang pagkakahawig ng anak ni Paulo Avelino na si Aki sa kanyang rumored girlfriend ngayon na si Kim Chiu.


Tila match made in heaven talaga umano ang dalawa dahil dito.


Samantala, naitanong na rin naman kay Paulo Avelino ang mga napansin na ito ng kanilang mga fans sa kanyang anak at kay Kim Chiu. Kaagad naman itong sinagot ng aktor kung saan tila inamin niyang maging siya ay napansin na rin ang pagkakahawig ng dalawa.


Ayon kay Paulo Avelino, ganoon talaga kapag mga chinito at chinita tila nagiging magkamukha.


Matatandaan na ilang araw na rin ang nakakalipas nang kumalat sa social media ang mga larawan kung saan makikitang pinagtabi ang mga larawan nina Kim Chiu at Aki para makita ng mga netizens ang pagkakahawig ng dalawa.


Sa kamakailang panayam kay Paulo Avelino, inilahad niyang masaya siya dahil talagang mahal siya ng kanyang mga tagahanga dahil napansin pa ng mga ito ang pagkakahawig nina Kim Chiu at Aki. Masaya umano siya dahil isa umano ang kanyang anak sa mga pinakamahalagang tao sa kanyang buhay.


Kahit pa nasa, ibang bansa umano ngayon ang kanyang anak ay hindi naman umano ito naging hadlang para hindi niya ito suportahan at mahalin. 


Nagkakilala na rin umano ang dalawa through video call, sa katunayan ay magkavibes umano ang dalawa at hiniling pa ni Paulo na sana ay magkabonding ang dalawa kapag makauwi sa bansa si Aki.


Samantala, nauna na rin naman umanong nagbigay ng pahayag si LJ Reyes kung saan inilahad nitong magiging masaya siya at susuportahan niya ang kung sino mang babae na nais makasama ni Paulo Avelino basta tanggapin rin nito ang kanilang anak na si Aki.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo