Philmar Alipayo Nagsalita Na Tungkol Sa Viral Video Nila Ni Crissa Liaging at Ang Issue Sa Kanila!

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang kilalang surfer at partner ni Andi Eigenmann na si Philmar Alipayo sa isyung kinaharap niya matapos i-upload ng isang content creator ang kanilang meeting sa social media.


Matatandaang nag-upload ng video ang content creator na si Crissa Liaging sa kanyang TikTok account kung saan makikita ang kanyang pakikipag-usap kay Philmar Alipayo sa Siargao.


Kaagad itong nakakuha ng milyun-milyong view at magkahalong reaksyon mula sa mga netizen dahil sa ginamit niyang background music.


Ang video ay nakakuha ng iba't ibang interpretasyon mula sa ilang netizens dahil gumamit si Crissa Liaging ng isang romantikong kanta habang ipinapakita ang kanyang pakikipag-usap kay Philmar Alipayo na half naked sa panahong iyon.


Tanging action lamang din ang makikita sa video dahil hindi naman naririnig kung ano ang kanilang pinag-usapan.


Samantala, ibinahagi ng entertainment reporter na si Boy Abunda ang kanyang nakuhang impormasyon mula kay Philmar Alipayo patungkol sa nangyari. Ayon sa pahayag umano ni Philmar Alipayo ay nakainom siya noong mga panahong iyon, na nagpapaliwanag ng mga ikinilos niya sa harap ni Crissa.


Ibinunyag pa ni Boy Abunda na noong una ay nagtawanan lamang umano sina Philmar at ang kanyang partner na si Andi Eigenmann nang i-upload ang video. 


Gayunpaman, naging seryoso ang isyung ito nang muling ginamit ng ilang tao mga tao ang content ni Crissa at binabahiran na ng malisya.


“What happened was, Philmar drank, had a friendly conversation with this girl on the video, and that’s it, according to Philmar and Andi,” pahayag ni Tito Boy. 


“Kaya ‘nung una nilang nakita ang video, nagtawanan lang sila ni Andi, but what bothered them, it was edited and uploaded to create an issue,” dagdag pa nito.


Matatandaan na nauna nang nagbigay ng pahayag si Andi Eigenmann kung saan binatikos niya ang mga taong nagbibigay ng malisya sa ginawa nina Philmar Alipayo at Crissa Liaging gayung wala naman umanong masama sa pakikipag-usap ni Philmar dahil hindi rin naman umano niya pinagbabawalan si Philmar na minsan ay sumama sa kanyang mga kaibigan.


Nagbigay na rin naman ng pahayag si Crissa Liaging kung saan iginiit niyang walang landian na naganap sa pagitan nila ni Philmar Alipayo. Hindi rin umano niya intensyon na lagyan ng malisya ang ibinahaging video dahil sa backgroung music nito dahil ginamit lamang niya sa video ang kanyang paboritong kanta.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo