Nagbigay ng matapang na pahayag ang beauty queen, actress, host na si Rabiya Mateo matapos silang pagbintangan ng kanyang nobyo na si Jeric Gonzales ng ilang mga netizens na nanood ng concert ni IU subalit hindi umano sila nagbayag ng ticket.
Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang isang blind item na inilabas ng isang Facebook page na Hyein's Modeling Agency, matapos inihayag ng mga ito sa kanilang post ang dalawang magjowang artista at beauty queen ang bigla na lamang umanong nag-entrance sa concert ni IU dahil gustong manood.
Hindi naman umano nagbayad ang mga ito subalit gusto pang maupo sa VIP seat gayung puno na ang venue.
“First hand chika. Sinetch itey na mag jowang actor at beauty queen ang biglang nag entrance sa concert ni IU at gustong manood kahit hindi naman daw nag bayad. Ang bet pa ay VIP seat pero wiz na vacant kaya hanash ang user at secu kaka-find,” pa blind item ng isang page.
Napag-alaman ng mga netizens na sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ang tinutukoy ng page matapos nitong ibihagi sa comment section ang isang social media post na ibinahagi ng aktor tungkol sa concert kung saan makikitang nakaupo na sila ni Rabiya Mateo.
Kaagad namang nakarating kay Rabiya Mateo ang nasabing blind item kaya naman kaagad nitong hinarap ang admin ng nasabing page, kalaunan ay naglabas ng public apology ang page para kina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.
Kaagad namang ni-repost ni Rabiya Mateo ang public apology ng nasabing page kalakip ang kanyang paglilinaw sa isyu.
Iginiit ni Rabiya Mateo na katulad ng marami ay bumili sila ni Jeric Gonzales ng ticket para sa concert ni IU sa bansa na nagkakahalagang 12,000.00 bawat isa.
Sinabi rin ni Rabiya Mateo na talagang pinaghirapan nila ni Jeric ang pagibili ng ticket katulad ng maraming fans at hindi rin umano siya nag-demand ng VIP treatment sa mga ushers.
Gayunpaman, pinasalamatan niya ng malaki ang mga ushers na tumulong para mahanap nila ni Jeric ang kanilang seats.
Ipinakita rin ni Rabiya Mateo ang pictures ng kanilang tickets ni Jeric Gonzales bilang patunay na talagang bumili sila.
Ibinahagi pa niya na na-scam pa sila noong una ng mga scammers. Inamin rin ni Rabiya Mateo na nahirapan silang maghanap ng ticket dahil wala naman umanong artista-artista sa paghahanap.
“We wanna clarify that the rumors circulating are not true. We bough the tickets for 12,000PHP each. Just like the rest of them. We worked very hard to afford the tickets and never demanded for any VIP treatment but we would like to commend the ushers for helping us find our seats,” saad sa caption ni Rabiya Mateo.
“We’ve been scammed the first time we tried to buy these tickets. Just like the rest of you. We had a hard time looking for available tickets. Contrary to what most of you think, walang artista-artista sa paghahanap,” dagdag pa niya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!