Reaksyon ni Cristy Fermin sa Cyber Libel Case ni Dominic Roque

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Tinapos na ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang kanyang pananahimik sa maraming kaso na natanggap niya mula sa iba't ibang celebrity dahil sa kanyang mga pahayag sa kanyang online program.


Kamakailan lamang ay nakapanayam ng GMA News si Cristy Fermin tungkol sa mga kaso na natanggap niya mula kay Dominic Roque at sa iba pang mga celebrities.


Ayon kay Cristy Fermin hindi umano niya inasahan na maging si Dominic Roque ay magsasampa rin ng kaso laban sa kanya at ipinaalam lamang ito sa online.


Ipinunto rin ng beteranong columnist na si Cristy Fermin na hanggang ngayon ay hinihintay niya ang subpoena para sa mga kasong isinampa sa kanya ni Bea Alonzo na hanggang ngayon ay wala pa naman umanong dumarating.


Gayunpaman, nagpahayag ng kumpiyansa si Cristy na matagumpay niyang maipagtanggol ang sarili at hindi siya mapaparusahan ninuman ng mga nagsampa ng kaso laban sa kanya.


“Hindi ko pa alam eh. ‘Yung kay Bea nga, hindi pa kami nag-start, hindi pa namin nakukuha ‘yung subpoena,”  saad ni Cristy Fermin.


Sinabi naman ni Cristy Fermin na karapatan naman ng mga nagsampang celebrities sa kanya subalit tingnan na lamang umano sa huli kapag nagkasagutan na kung sino ang mananalo.


“Karapatan naman nila ‘yan. Karapatan nila ‘yan basta tignan na lang natin kung ano ang mangyayari kapagka nagsagutan na, ‘di ba?” kompyansang pahayag ni Cisty Fermin.


Ibinahagi rin ni Cristy Fermin na maglalabas siya ng opisyal na pahayag sakaling matatanggap na niya ang mga subpoena ng mga kasong isinampa laban sa kanya.


Bukod kina Dominic Roque at Bea Alonzo, sinampahan rin ng kaso si Cristy Fermin ng ina ni Sarah Lahbati na sina Esther Lahbati, Kiko Pangilinan, at Sharon Cuneta.


Matatandaang nakilala ang beteranong columnist sa kanyang mga sinasabi tungkol sa mga celebrity  kung saan hindi niya fini-filter ang mga sinasabing pahayag laban sa mga artista kaya naman hindi na kataka-taka na makasuhan siya ng cyber libel.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo