Maaaring hindi na makakabalik sa Coron Palawan ang Motivational Speaker na si Rendon Labador at Entrepreneur na si Rosmar Tan, matapos harapin ang isa sa mga staff ng munisipyo na bumatikos sa kanilang humanitarian mission.
Nagsimula ang isyu nang magpost sa social media ang isa sa mga staff ng munisipyo na si Jho Cayabyab Trinidad kung saan kinoll-out nito sina Rosmar at Rendon Labador dahil sa abala sa mga taga-Coron, na umaasang makatanggap ng tulong mula sa mga social media influencers.
Iginiit ni Jho Cayabyab Trinidad na ginamit lamang nina Rendon at Rosmar ang mga kawani ng LGU ng Palawan para sa kanilang publicity.
“Dear Rosemar at team Malakas, Ginamit nyo lang mga taga-Coron para sa mga vlog vlog nyo at socmed… dismayado dahil naghintay sila ng isang oras at gutom… at lalong ginamit niyo mga staff para mag assist sa inyo tapos Wala kayong inabot kahit singkong duling! Kayo ba naman nagpa laro ng bring Me pustiso Hindi niyo nga hinawakan?” pahayag ng government employee.
Kaagad naman itong nakarating kina Rendon Labador at Rosmar Tan dahilan para kaagad silang pumunta sa munisipyo upang komprontahin ang staff na naninira umano sa kanila sa social media.
Iginiit ni Rendon Labador na ang pinunta nila sa Coron Palawan ay para mag-enjoy subalit ang pambabatikos ang isinalubong ng gobyerno sa kanila. Nasabi rin ni Rendon Labador na sa pagpunta nila sa Coron ay para mapromote rin ito sa social media.
Ipinahayag rin ni Rosmar na hindi naman umano siya kumikita sa pagvivideo dahil naglive lang naman umano siya.
Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, marami ang hindi nasiyahan sa ginawa ng dalawang influencer lalong lalo na ang mga salitang binitiwan nila sa isang government staff.
"Sabi ni rendon PUBLIC SERVANT LANG NAMAN.. pakinggan nyo sa huli"
"Demanda nyo yan si rendon dina nirespeto mayors office. Puro kasi vlog vlog nagpapasikat lang yang rosmar. Gusto nya makilala na super rich sya sa buong pinas."
"hindi nio n kailangan i promote ang CORON kilala n yan bago p kau makilala kung mkaduro k sa tao ha yabang mo"
Samantala, naglabas na ng pahayag ang mayor ng Coron, Palawan kung saan kinundena niya ang ginawang pagsugod ni Rendon Labador at Rosmar Tan sa kanilang opisina.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!