Ria Atayde Kinumpirma Ang Pregnancy Sa First Baby Nila Ni Zanjoe Marudo!

Lunes, Hunyo 17, 2024

/ by Lovely


 Isiniwalat na mismo ng aktres na si Ria Atayde ang kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ng actor na si Zanjoe Marudo. Sa pagdiriwang para sa araw ng mga Ama, isiniwalat ni Ria Atayde ang pagiging ama ni Zanjoe Marudo sa pamamagitan sa pagbati rito.


Sa Instagram pos ni Ria Atayde nitong lingo June 16, 2024 binati niya ang kanyang mister na si Zanjoe Marudo, kalakip ang larawan nilang mag-asawa kung saan makikita ang kalakihang baby bump ni Ria Atayde.


"To the dad you already are and the dad I know you'll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you," mababasang caption ni Ria Atayde sa kanyang post.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa mag-asawa mula sa kanilang mga tagahanga at maging sa mga kaibigan at kasamahan nila sa showbiz industry.


Sa kabilang banda, hindi na ito gaanong ikinagulat pa ng ilang mga netizens dahil nauna nang naging laman ng mga usap-usapan noon ang pagbubuntis ni Ria Atayde na itinuturong dahilan ng biglaang pagpapakasal nilang dalawa.


Marami ang mga umiintriga noon sa kanilang dalawa subalit pareho silang nanahimik sa usaping ito, maliban na lamang sa isang kapatid ni Ria Atayde na naglabas noon ng pahayag na hindi nagbubuntis ang kanyang kapatid.


Iginiit pa noon ng kapatid ni Ria Atayde na imposibleng buntis ang aktres dahil sa health condition nito.


Samantala, may mga netizen na naman na nagtatanggol kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa hindi pag-amin noon ng kanilang pregnancy.


Ayon sa ilang mga tagahanga nila, na normal lamang na hindi kaagad nila sabihin ang pagdadalang tao ni Ria Atayde dahil tiyak umano na marami na naman ang mang-iintriga rito na kaya lamang pinakasalan ay dahil sa pagbubuntis.


Ipinunto pa ng ilang mga tagahanga nila na wala namang pakialam ang mga tao kung nais ba nilang isa-publiko ang balitang ito dahil hindi naman ito sakop sa trabaho nila bilang mga artista.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo