Rosmar at Rendon Ideneklarang Persona Non Grata Sa Buong Palawan

Martes, Hunyo 18, 2024

/ by Lovely

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng ilang mga netizens sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang kinasangkutang kaguluhan ng Team Malakas na pinangungunahan nina Rendon Labador at Rosmar Tan sa Coron, Palawan.


Umabot na sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan ang insidente na kinasangkutan ng motivational speaker na si Rendon Labador, negosyanteng si Rosmar Tan, at mga kasamahan nila sa Team Malakas sa isang munisipalidad sa Coron kung saan bigla na lamang nilang sinugod ang isang staff na nagtatrabaho sa munusipyo ng Coron.


Sa kanyang speech, itinulak ni Palawan Board Member Anton Alvarez na ideklara sina Rendon Labador, Rosmar Tan, at iba pang miyembro ng Team Malakas bilang persona non-grata sa buong lalawigan.


Ayon sa kanya, matinding aksyon ang ginawa ng Team Malakas sa kanilang biglaang pagsugod sa municipal hall ng Coron dahil lang sa naglabas ng negatibong opinyon laban sa kanila ang isang empleyado ng munusipyo.


“Nadamay po ang buong munisipyo ang Coron sa aksyon ng iisang tao na hindi naman po dapat. Ni-generalize po nila ang mga tao ng Coron ay masama,” pahayag ni Board Member Anton Alvarez.


Dagdag pang sinabi ni Anton Alvarez na maging ang mga opisyal ng Coron ay nakiusap na sa kanya na suportahan ang deklarasyon ng persona non-grata laban sa nasabing mga social media personalities sa buong lalawigan upang maturuan ang mga ito ng mahirap na leksyon dahil sa kanilang pambabastos sa munucipall hall.


“Gusto ko pong i-open sa ating mga kasamahan sa Sangguniang Panlalawigan na gawin po natin ito, dahil po sa aking personal na opinyon dapat po talaga maturuan ng leksyon ang mga panauhing ito,” saad nito.


“Masakit po sa damdamin, hindi po natin dapat palampasin ‘yon. Dapat ay matuto ang mga gumawa ng mga aksyon na ito.


“Let’s us discuss the possibility of also declaring the said personalities persona non-grata not just only in the municipality of Coron, but the whole province of Palawan,” dagdag pa nito.


Kaagad naman na umani ng mga mensahe ng pagsuporta mula sa iba pang nfa opisyales ng nasabing lalawigan.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng anumang pahayag ang Team Malabas patungkol sa posibilidad na maideklara silang persona non-grata ng Palawan.


 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo