Rosmar Tan at Rendon Labador, Idineklarang Persona Non-Grata sa Coron, Palawan

Lunes, Hunyo 17, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag ang Mayor ng Coron Palawan na si Mayor Mario T. Reyes Jr. hinggil sa isyung panunugod nina Rendon Labador at Rosmar Tan sa kanyang opisina para kumpruntahin ang isang staff na nagpost ng anila'y paninira laban sa kanila na sumira sa kanilang bakasyon.


Viral at mainit na pinag-uusapan sa social media ang kumakalat na video kung saan makikita ang pagkumprunta ni Rendon Labador sa isang staff ng munisipyo sa Coron, Palawa.


Nag-ugat ang isyu ng i-call out ng isang staff, na kinilalang si Jho Cayabyab Trinidad sina Rendon Labador at ang team Malakas ni Rosmar Tan sa pang-aabala sa kanila at panggamit para lamang umano sa kasikatan ng mga ito.


Sa nasabing post, ipinahayag ng isang staff ang kanyang pagkadismaya dahil ilang oras umano silang naghintay nagutom. Maging ang mga stadd ng gobyerno ay ginamit rin umano ng dalawa tapos wala man lamang ibinigay sa kanila. Pinuna rin nila ang pagpapa-bring me ng mga ito ng 'pustiso'.


Hindi nagustuhan nina Rosmar Tan at Rendon Labador nang makarating sa kanila ang pagpopost ni Jho Trinidad, dahilan para pumunta sila sa munisipyo.


Sa kumakalat na video makikitang hindi naging maayos ang approach ng dalawa at may punto pa na tila hinahamon na ni Rendon ang staff na pumuna sa kanila ni Rosmar.


Samantala, sa gitna ng usaping ito, naglabas na ng statement ang Mayor's Office patungkol sa nasabing insidente kung saan inilahad nito na hindi sila nasiyahan sa ginawa ng dalawa na parehong social media personalities.


“Binigyang-diin ng Punong Bayan na hindi siya nasiyahan sa naganap na insidente sa kanyang opisina lalo na’t wala siya sa lugar ng mga oras na iyon,” mababasa sa ibinahagi nilang statement.


“Inatasan niya ang nasabing departamento na ikalap ang lahat ng mga dokumento, opisyal na mga reklamo at mga viral videos para sa mga susunod na hakbangin at aksyon na gagawin,” dagdag pa nito.


Naghain naman ng resolution ang isa sa mga councilor ng lungsod para ideklara bilang mga persona non-grata sina Rendon Labador at Rosmar Tan sa Coron Palawan.


“RESOLVED, as it is hereby RESOLVED, to declare Rendon Labador, Rosemarie Tan Pamulaklakin a.k.a. Rosmar and Marki Tan as persona non-grata in the Municipality of Coron, Palawan for their disrespectful behavior, negative publicity, incitement to conflict, and violation of Republic Act No. 10951, also known as the ‘Property and Damage Penalty Adjustment Act’; Article 153 of the Revised Penal Code; and Republic Act No. 11313, also known as the “Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law).”


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo