Sino Ang Nasa Wallpaper ng Cellphone Ni Kim Chiu?

Martes, Hunyo 25, 2024

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin makapaniwala ang aktres na si Kim Chiu sa mga nangyayari ngayon sa kanyang showbiz career.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens na talagang matagumpay ngayon ang tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Sunod-sunod ang kanilang mga matatagumpay na shows na talaga namang dinaluhan ng maraming mga tagasuporta nila dalawa.


Maging ang aktres na si Kim Chiu ay aminado ring halos hindi lubos akalain na maging ganito ang kahihinatnan ng kanyang showbiz career ngayong katambal na niya ang aktor na si Paulo Avelino.


Sa kamakailang Instagram post ni Kim Chiu inilahad niya ang kanyang tuwa sa nangyari ngayong buwan ng June kung saan nagkasunod-sunod ang mga shows na dinadaluhan nila ni Paulo sa iba't-ibang mga lugar sa bansa.


"Had a blast! Still can’t believe almost three consecutive days of flying in and out and performing here and there! Maraming maraming salamat sa mainit na pagtanggap Agusan Del Sur, Sorsogon and Surigao Del Sur!" caption ni Kim Chiu sa kanyang Instagram post.


Hindi pa natapos ang paggiging abala ni Kim Chiu dahil sa darating na June 30 ay lilipad naman ito papuntang Birmingham UK para sa Kapamilya Barrio Fiesta.


Samantala, inakala ng maraming mga netizens na solo picture lamang ni Kim ang kanyang ibinabahagi subalit sa huli ng kanyang post ay makikita ang cute pose nila ni Paulo Avelino.


Sa kabilang banda, humihirit naman ang mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino na ipakita rin ng aktres ang kanyang cellphone wallpaper, nais kasing malaman ng mga netizens kung katulad ba ni Paulo Avelino na siya ang wallpaper nito.



Matatandaan na naunang nakorner si Paulo Avelino kung saan naipakita nito ang kanyang wallpaper kung saan makikitang ang larawan ito ng aktres noong ABS-CBN Ball 2023.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo