TV Host Aktres Sumama Ang Loob Sa Network, Lalayas Na!

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Talagang ikinasama ng loob ng Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo ng tanggalin siya bilang isa sa mga host ng Kapuso show na TikToClock.


Kamakailan lamang ay inanunsyo bilang bagong endorser ng Royalty Aesthetics ang actress-host at beauty queen na si Rabiya Mateo, isa sa mga naikwento rito ni Rabiya Mateo ay ang nagtapos niyang journey bilang co-host ng TikToClock.


Inamin ni Rabiya Mateo na masama ang kanyang loob dahil sa nagtapos niyang journey sa TikTokClock ipinahayag rin niya na talagang nami-miss na niya ang kanyang mga kasamahan roon sa show.


Gayunpaman, ipinahayag  ni Rabiya Mateo na malaki ang kanyang pasasalamat sa pamunuan ng TikTokClock bagama't hindi umano nila ni-renew ang kanyang kontrata ay nabigyan naman siya ng labis na exposure dahil sa show.


Hiling naman ni Rabiya Mateo na sana balang araw ay mabigyan siya ng pagkakataon na muling makasama sa GMA show na TikTokClock.


Samantala, naging laman ng mga usapk-usapan noon ang dahilan ng pagkasibak ni Rabiya Mateo sa show na TikTokClock. May mga naglabasang mga isyu na ang totoong dahilan kung bakit tinanggal siya rito ay ang kanyang pagiging attitude noong minsan ay napagalitan siya.


Ayon sa mga kumakalat na usap-usapan, napagsabihan si Rabiya Mateo nang minsang malate ito sa show subalit hindi ito maayos na tinanggap ng aktres at napawalk out pa dahil ayaw nang pinagsasabihan.


Kung sakaling ganito ang work ethics ni Rabiya Mateo talagang hindi siya magtatagal sa kahit na anong show at kahit na anung network.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo