Vice Ganda Binatikos Matapos Na Ipahiya Ang Contestant Sa It's Showtime

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Naglabas na ng pahayag si Vice Ganda kaugnay sa naging kontrobersyal na reaksyon niya sa isang searchee sa segment nila sa It's Showtime na Expecially For You.


Nagbigay na rin umano ang searcher kung saan nilinaw niyang walang naganap na halikan sa kanila ng searchee at tila na misinterpret lamang ni Vice Ganda ang lahat.


Matatandaan na inakala ng maraming mga netizens na may naganap na halikan sa pagitan ng isang searchee at searcher sa isang episode ng segment na Expecially For You sa It's Showtime.


Kaagad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at mga manonood ng show kaya naman minabuti na ng searcher na magbigay ng pahayag patungkol rito para maging malinaw na ang lahat.


Nag-ugat ang nasabing usapin ng mapansin ng maraming mga netizens na tila nailang ang searcher na si Christine sa pagbeso ng napiling searchee na si Axel na kaagad namang sinita ni Vice Ganda.


Samantala sa pagbibigay ng linaw ni Christine sa nangyari ay agad namang humingi ng paumanhin si Vice Ganda sa kanyang naging reaksyon sa segment sa pamamagitan ng kanyang Twitter post.


Inamin ni Vice Ganda na mali ang kanyang reaksyon sa pagbeso ni Axel inakala kasi umano niya at maging ng ibang mga madlang pipol na naroon ay na-off ang kanilang contestant dahil bigla na lamang siyang sinuggaban ng halik at inakala nila na nakaramdam ng pagka-violate ang nasabing babae subalit dahil ito na mismo ang nagsasabing walang halik na naganap ay humihingi ngayon si Vice Ganda ng paumanhin sa lalaki.


Marami naman sa mga netizens ang pumuri kay Vice Ganda dahil sa paghingi niya ng paumanhin sa lalaki matapos ang paglilinaw ni Christine na wala itong nagawang masama para na rin matigil na ang mga nambabash sa tao dahil sa naging reaksyon ni Vice Ganda.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo