Vice Ganda Inamin Ang Dahilan Ng MisUnderstanding Nila Ni Billy Crawford

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Hindi naman lingid sa kaalaman ng maraming mga netizens ang nangyari sa pagkakaibigan nina Billy Crawford at Vice Ganda. 


Sina Billy Crawford at Vice Ganda ay kilala bilang magbestfriend subalit nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan dahilan para magbatuhan sila noon ng mga masasakit na salita.


Tila naayos naman na nila ang gusot sa kanilang pagitan nang magkaayos sila mismong anniversary ng It's Showtime kung saan naging guest sina Billy Crawford at asawa nito na si Coleen Garcia.


Bagama't nagkapatawaran na ang dalawa, hindi na nila idinitalye pa ang totoong naging dahilan ng kanilang hindi pagkakaintindihan.


Samantala, sa latest vlog ni Vice Ganda, naibahagi ng kanyang guest ang naramdamang lungkot ng nakita niyang ikinakasal na ang kanyang mga kaibigan at tila napag-iiwanan na umano siya.


Kaagad naman sinabi ni Vice Ganda na naiintindihan niya ang ganitong pakiramdam dahil naramdaman din umano niya iyon nang makitang unti-unti nang nagpapakasal ang kanyang mga kaibigan at It's Showtime family na sina Karylle, Anne Curtis at Billy Crawford.


Sinabi naman ni Vice Ganda na totoong masaya siya sa pagpapakasal ng kanyang mga kaibigan pero nalulungkot rin siya para sa kanyang sarili.


Inamin din ni Vice Ganda na muntik na siyang hindi pumunta sa kasal nina Coleen Garcia at Billy Crawford noon dahil tinamaan siya ng matinding lungkot.


Nag-umpisa na rin umano niyang kwestyunin ang kanyang sarili kung hanggang doon na lamang ba siya, kung maiiwan ba siyang mag-isa at magiging forever single habang ang kanyang mga kaibigan ay masaya na sa piling ng kani-kanilang mga asawa.


Sinabihan naman umano niya si Billy Crawford na hindi siya makakapunta sa kasal nito at ni Coleen. Dito na umano nagalit si Billy, marami siyang ginawang alibi para lamang hindi makapunta subalit nagawan ito ng paraan ni Billy Crawford.


Sa huli ay pumunta naman si Vice Ganda sa kasal nina Coleen Garcia at Billy Crawford subalit hanggang ceremony lamang siya, hindi na siya nagpunta sa reception dahil labis-labis na ang kanyang naramdamang lungkot.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo