Xian Lim Iginiit Ang Katotohanan Sa Likod Ng Hiwalayan Nila Ni Kim Chiu!

Biyernes, Hunyo 14, 2024

/ by Lovely

Sa kabila ng pakiusap ni Kim Chiu kay Xian Lim na itigil na ang pagbibigay ng detalye sa naganap nilang paghihiwalay ay nagpatuloy pa rin ang Kapuso actor-director na si Xian sa pag-uusap tungkol sa nakaraan niyang relasyon sa Kapamilya actress.


Matatandaan na sa naging panayam kay Kim Chiu bago ang pagpunta nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa Dubai, ay iginiit ng aktres na nais niyang manahimik na lamang sa isyu ng hiwalayan nila ni Xian Lim noong nakaraang taon.


Ayon kay Kim Chiu nais niyang mag-umpisa ng panibagong chapter at patahimikin na lamang ang nakaraan nila ni Xian Lim at hiniling na irespeto na lamang nila ang isa't-isa alang-alang sa kanilang mga pinagdaanan.


Subalit, sa kabila nito ay patuloy pa rin na naglalabas ng mga pahayag si Xian Lim at hayagang sinasagot ang mga katanungan sa kanya kaugnay sa naging paghihiwalay nila ni Kim Chiu noong nakaraang taon.


Sa panayam kay Boy Abunda, ibinunyag ni Xian Lim na hindi pa niya nakakausap si Kim simula noong breakup nila last year.


Subalit, nilinaw niya na mapayapa ang kanilang breakup at naghiwalay sila bilang isang magkaibigan.


“Kasi Tito Boy, to be completely honest ever since we went our separate ways, jindi pa po kami nakakapag-usap. But we of course, when that night happened, maayos ‘yung pag-uusap namin. Of course, mayroong iyakan but there was that assurance na we went through 12 years of our existence, it has that respect,” saad ni Xian Lim.


Muli ring iginiit ni Xian Lim na hindi niya desisyon ang makipaghiwalay kay Kim Chiu kundi si Kim Chiu ang unang bumitaw sa kanilang relasyon.


“To be completely honest I wasn’t the one engaged in the separation, ‘yun lang po siya, it’s that simple. I know they’re saying na…. I wasn’t the one who initiated the breakup,” pagdidiin ni Xian Lim.


Very proud ding ipinahayag ni Xian Lim na hindi siya kailanman na nagloko sa 12 years relationship nila ni Kim Chiu taliwas sa mga ibinabato sa kanya ng maraming fans ng aktres.


“Nag-usap kami privately. Hindi na kailangan himayin kung sino ang nag-kulang. I think the length speaks for itself, and ‘yung pambabatikos sa akin ng karamihan, I think they should look at it from us … For more than a decade, I never had any … My record is clean, and I am proud of that,” pahayag ni Xian Lim.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Kim Chiu patungkol sa hindi pakikinig ni Xian Lim sa kanyang pakiusap na manahimik na sa isyu ng kanilang paghihiwalay at irespeto ang isa't-isa.


 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo