Xian Lim May Patama Kay Kim Chiu Dahil Sa Patuloy Na Paninisi Sa Netizens Sa Break-up

Lunes, Hunyo 3, 2024

/ by Lovely


 Tila hindi pa tapos ang actor-director na si Xian Lim sa kanyang pagpapansin sa social media dahil mula na naman siyang nagbigay ng pahayag na patama sa kanyang dating karelasyon na si Kim Chiu.


Muli na namang nagkwento ang aktor na si Xian Lim patungkol sa naging karanasan niya sa pag-ibig at sa dating karelasyon.


Nagbigay ng pahayag si Xian Lim poatungkol sa pinaglaruan sa isang panayam sa press para sa kanyang pelikulang "Playtime."


Ang pelikulang Playtime ay patungkol sa isang lalaking ginagampanan ni Xian Lim, na nang-aakit ng mga babae sa kakahuyan, kung saan niya hinuhuli ang mga ito sa isang "game."


Naitanong ng press kay Xian Lim kung naranasan na ba niyang paglaruan ang ibang tao, kabilang na ang mga dati niyang nakarelasyon kasama na ang aktres na si Kim Chiu.


Ayon kay Xian Lim, hindi siya nang-playtime sa kanyang mga nakarelasyon subalit hindi rin umano niya alam kung siya ba ang na-playtime ng mga ito.


“Kung ako yong nang-playtime, hindi po. If ako ba yong na-playtime niya or nila, hindi ko rin alam,” pahayag ni Xian Lim.


Ayon pa kay Xian Lim, ang mahabang relasyon ay hindi dapat maging isang indikasyon ng 'playtime'.


“If sa duration ng relationship masasabi mo na no matter kung may playtime nga yan sa tagal ng relationship nyo kung weeks, months or years, you can never say it was playtime,” saad ng aktor.


“There was a reason kung bakit dumating yang tao sa buhay mo mapa maganda man on or hindi. There’s a reason why the person came into your life,” dagdag pa niya.


Samantala marami naman sa mga tagahanga ni Kim Chiu ang naniniwala na muli nanamang binanatan ng aktor si Kim Chiu sa kabila ng pananahimik nito patungkol sa nangyaring paghihiwalay nila matapos ang labin dalawang taon.


Sa ngayon ay mayroon ng bagong girlfriend at karelasyon si Xian Lim ang VIVA Producer na si Iris Lee.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo