Sino Si Jasmine Helen “Pbb Jas” Dudley-Scales at Bakit Malakas Daw Siya Sa Abs-Cbn

Martes, Setyembre 17, 2024

/ by Lovely


 Sino nga ba si Jasmine Helen, o mas kilala bilang 'PBB Jas', Dudley-Scales at bakit tila may malakas na koneksyon siya sa ABS-CBN? Ipinakilala si Jas bilang optimistikong Ate mula sa Dumaguete bago siya pumasok sa bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Gen 11, kung saan naging bahagi siya ng grupo ng mga adult housemates.


Ngayon ay lumipas na ang 57 araw mula nang magsama-sama sila ng mga housemates sa loob ng bahay. Maraming tagasubaybay ng reality show ang naging masigasig sa panonood, kahit na mukhang may mga pagbabago sa konsepto ng programa kumpara sa dati.


Madalas na binabatikos si Jas dahil sa kanyang pagpapakita ng tunay na pagkatao sa harap ng camera kasama ang iba pang housemates. Sa kabila ng mga batikos, dalawang beses na siyang na-nominate, ngunit dahil sa dami ng kanyang mga tagasuporta, patuloy siyang naililigtas mula sa pagkatanggal sa bahay ni Kuya.


Naging usap-usapan din ang mga kilig moments sa bahay nang umamin ang co-housemate niyang si JM tungkol sa kanyang nararamdaman para kay Jas. 


Ngunit sino nga ba si Jas sa tunay na buhay? Si Jasmine Helen Dudley-Scales ay isinilang sa Dumaguete noong December 21, 1999. Siya ay half British at half Pinay, dahil ang kanyang ama ay isang British national habang ang kanyang ina ay purong Filipino.


Ayon sa kanya, pinangalanan siyang Jasmine dahil ito ang paboritong bulaklak ng kanyang ama. Gayundin, ang pangalan ng kanyang grandmother at great-grandmother ay Jasmine. Ang pangalang Helen naman ay mula sa kanyang great-grandmother, na siyang pangalan din ng kanyang lola.


Noong 2019, pumanaw ang kanyang ama dahil sa cancer. Ilang taon pagkatapos nito, ang kanyang ina naman ay na-diagnose din ng parehong sakit. 


Hilig ni Jas ang maglakbay at pumunta sa beach. Isa siyang certified scuba diver at natutunan din niya ang free diving. Bagamat mahilig siya sa sports, hindi siya gaanong nagpo-focus sa paglalaro nito.


Makikita rin na achiever si Jas sa kanyang akademikong buhay, dahil nagtapos siya bilang cum laude sa Diliman University noong 2022, na may kursong public affairs and governance na may major sa foreign affairs.


Maraming parangal ang tinanggap ni Jas habang siya ay nag-aaral pa. Kabilang dito ang college honor noong May 2022, class honor noong February 2019 at May 2021, at leadership awards sa senior high school noong March 2018. Nakatanggap din siya ng Miss Diliman Best in Advocacy Implementation noong August 2017 at itinanghal na Miss Diliman Cover Girl sa parehong buwan at taon.


Sa kabilang banda, ipinapalagay ng marami na may malakas na koneksyon si Jas sa ABS-CBN, dahil sa ilang events na na-cover nila para sa network na ito. May mga netizens na nagmumungkahi na ang mga pagbabago sa PBB ay tila pabor sa kanya, na nagbigay ng impresyon na parang isang malaking cooking show na ang programa dahil sa mga pagbabagong ito.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo