Nagbigay ng pahayag si dating House Speaker at kasalukuyang Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez tungkol sa posibilidad ng muling pagtakbo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na 2028 Presidential Elections, na may layuning bumalik sa Malacañang.
Ayon kay Alvarez, naniniwala siya na ang kasalukuyang Konstitusyon ay hindi nagbabawal sa isang dating pangulo na tumakbo muli, basta’t hindi siya kasalukuyang nakaupo bilang presidente. Sa kanyang pahayag, sinabi niya na ang legalidad ng pagbabalik ni Duterte sa politika ay dapat pagdesisyunan ng hukuman, ngunit ang huling pasya ay dapat manggaling sa mga tao—sila ang magpapasya kung nais pa nilang muli siyang pamunuan.
“Hindi dapat ito mag-apply sa mga dating Pangulo na hindi na incumbent. Puwede pa rin silang tumakbo ulit. Kung titingnan natin si dating Pangulong Duterte, 13 oras siyang tinanong sa mga Senado, at nakikita natin na malakas pa siya, at ang puso niya ay nasa tamang lugar—totoo ang layunin niyang maglingkod sa bayan,” pahayag ni Alvarez.
Dagdag pa ni Alvarez, ang mga senador ay pinapayagan ding tumakbo muli basta’t hindi magkasunod ang kanilang mga termino. “Hinahayaan na ang tao ang magdesisyon kung gusto nilang ibalik ang isang senador. Ganun din sa Amerika, si President Trump halimbawa, muling hinirang ng mga tao,” aniya.
“Kung tunay na naniniwala tayo sa demokrasya, ang tao ang dapat magdesisyon.”
Ayon kay Alvarez, kung magpapasya si Duterte na muling tumakbo, malaki ang posibilidad na siya ay manalo, batay sa suporta at tiwala na patuloy niyang natamo mula sa mga mamamayan.
Bukod sa pagsuporta kay Duterte, binatikos din ni Alvarez ang QuadComm hearings, isang komite na nag-iimbestiga sa mga isyu sa gobyerno. Ayon sa kanya, ito ay isang pag-aaksaya lamang ng oras at mga resources ng pamahalaan, at hindi nakakatulong sa pag-unlad ng bansa.
Pinili ni Alvarez na iparating ang kanyang opinyon sa publiko, upang maging malinaw sa lahat na kung ang mga tao ay nagnanais na muling pamunuan ni Duterte, ito ay isang desisyon na karapatan nilang gawin. “Let the people decide,” dagdag pa niya.
Sa huli, ang mga pahayag ni Alvarez ay naglalayong ipakita ang kanyang pananaw na ang demokrasya ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga mamamayan na magdesisyon sa kanilang mga lider. Kung ang mga tao ay naniniwala na si Duterte ay karapat-dapat pang maglingkod, nararapat lamang na bigyan siya ng pagkakataon na patunayan ang kanyang sarili muli sa mga susunod na eleksyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!