Miss Universe PH, Kinondena Pang-Ookray Ng Vlogger Kay Chelsea Manalo

Martes, Nobyembre 26, 2024

/ by Lovely


 Hindi pinalampas ng Miss Universe Philippines Organization (MUPH) ang mga komento ng isang vlogger at pageant analyst na si Adam Genato patungkol sa pambato ng Pilipinas sa 73rd Miss Universe 2024 na si Chelsea Manalo. 


Si Chelsea, na ipinadala ng Pilipinas sa nasabing kompetisyon, ay hindi umuwing luhaan, kundi nagtagumpay at tinanghal na Miss Universe Asia 2024. 


Gayunpaman, nagbigay ng hindi magagandang pahayag si Genato tungkol kay Chelsea, na nagdulot ng kontrobersya at naging usap-usapan sa social media.


Ayon kay Adam Genato, kung ibang kandidata raw sana ang ipinadala ng Pilipinas sa Miss Universe 2024 sa Mexico, malamang daw ay patuloy na nagdiriwang ang mga Pilipino ngayon.


Ayon pa sa kanya, tila may mga aspeto ng kompetisyon na hindi naabot ni Chelsea at sinasabing baka may iba pang kandidata na mas may potensyal na magwagi o makapasok sa mga mataas na posisyon. 


Ang pahayag na ito ni Genato ay agad nakatagpo ng matinding reaksyon mula sa mga netizens, na nagalit sa kanyang komento. Para sa kanila, tila hindi makatarungan ang mga sinabi ng vlogger laban kay Chelsea, na nagbigay ng pinakamahusay na pagsusumikap sa laban na ito at ipinakita ang kahusayan ng isang Filipino candidate sa isang prestihiyosong international pageant.


Hindi pinalampas ng MUPH ang insidenteng ito at agad naglabas ng isang opisyal na pahayag na ikino-ndena ang mga pahayag ni Adam Genato. 


Ayon sa pahayag ng MUPH, hindi nila ikokonsidera ang ganitong klase ng diskriminasyon at paninira laban sa kanilang mga kandidata. 


"The Miss Universe Philippines Organization condemns the recent video commentary of Mr. Adam Genato regarding Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo," bahagi ng pahayag ng MUPH. 


Binigyang-diin ng MUPH na hindi nila itotolerate ang anumang anyo ng cyberbullying o hindi responsible na vlogging, lalo na kapag ang mga ganitong komento ay nanggagaling mula sa mga taong kasapi o malapit sa kanilang mga partners, na naging bahagi na ng kanilang mga events at pagtulong sa mga kandidata.


Sa gitna ng matinding backlash mula sa mga fans ng Miss Universe Philippines at mga netizens, agad naman humingi ng paumanhin si Adam Genato. 


Sa pamamagitan ng social media, nagbigay siya ng pormal na paghingi ng tawad sa lahat ng kanyang nasabi patungkol sa laban ni Chelsea sa Miss Universe 2024, at lalo na sa kanyang pagwagi sa Miss Universe Asia 2024. 


Ayon kay Genato, nauunawaan niya ang bigat ng kanyang mga pahayag at humihingi siya ng paumanhin sa lahat ng naapektohan.


Bagamat humingi na ng tawad si Genato, patuloy pa rin ang mga reaksiyon mula sa publiko. Para sa mga tagasuporta ni Chelsea at ng MUPH, hindi biro ang mga pahayag na binitiwan ni Adam, at ang insidenteng ito ay nagsilbing paalala na mahalaga ang pagrespeto sa mga kandidata at ang mga positibong pananaw sa kanilang mga pagsusumikap sa malalaking kompetisyon tulad ng Miss Universe. 


Ang mga ganitong komento ay hindi lamang nagdudulot ng hindi pagkakasunduan, kundi maaari ding maka-apekto sa mental na kalusugan ng mga kalahok na nagtatrabaho ng husto para sa kanilang mga pangarap.


Sa kabila ng lahat ng ito, ipinagdiwang ng mga tagasuporta ni Chelsea Manalo ang kanyang tagumpay bilang Miss Universe Asia 2024 at patuloy nilang ipinagmalaki ang kontribusyon ni Chelsea sa pageant world. Samantala, ang MUPH ay nagsusulong pa rin ng respeto at pagkakaisa sa mga pageant fans at mga vlogger, upang matiyak na ang mga ganitong insidente ay hindi na mauulit sa hinaharap.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo