Tila hindi raw aware si Maris Racal, ang bida ng pelikulang Incognito, sa tunay na estado ng relasyon ng kanyang ka-loveteam na si Anthony Jennings.
Sa isang eksklusibong panayam ng ABS-CBN News noong Biyernes, Disyembre 6, inamin ni Maris na nang ipaalam niya kay Anthony na nakipaghiwalay na siya kay Rico Blanco, sinabi rin daw ni Anthony sa kanya na wala na rin siyang karelasyon.
“Bago nagsimula ‘yong maraming trabaho namin, I told Anthony that I broke up with my ex. And he also say the same thing,” ayon kay Maris.
Dagdag pa ni Maris, noong mga panahong iyon ay nararamdaman niyang labis siyang malungkot at vulnerable.
Aniya, “I was in a very lonely place. I was so lonely. And I was so vulnerable at that time. Like everybody na kaka-break lang, you would be so vulnerable. I was working every day. At sa lahat ng trabaho na ‘yan, kasama ko si Anthony.”
Ipinahayag din ni Maris na sa kabila ng kanyang pagiging malungkot, unti-unti niyang naramdaman ang espesyal na koneksyon kay Anthony.
“Aaminin ko, sa araw-araw na punta trabaho namin, nahulog din ‘yong loob ko. He would be very sweet to me. He would be such a gentleman to me. He would say things to me. He would tease me on the set in front of other people. He would tell all the people who were close to me that he was single,” sabi ni Maris.
Dahil dito, naging kumportable siya kay Anthony at tiwala siyang walang ibang dahilan o motibo ang kanilang samahan. Ayon pa kay Maris, alam ng mga taong malalapit sa kanila na walang ibang nangyayari sa kanilang dalawa.
Noong Hulyo, matapos niyang kumpirmahin ang kanilang hiwalayan ni Rico sa isang press conference, inamin ni Maris na hindi naging dahilan si Anthony sa kanilang breakup.
Gayunpaman, sa kabila ng kanyang mga paliwanag, humingi pa rin ng paumanhin si Maris sa nangyaring isyu. Inamin niyang nagkaroon siya ng pagkakataon na makasakit sa relasyon ng kanyang ka-loveteam at humingi ng tawad sa publiko dahil sa hindi inaasahang epekto ng mga pangyayari.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!