Ayon kay Joji Villanueva Alonso, isang abogado at film producer, wala umano silang ginawang krimen si Maris Racal at Anthony Jennings kaugnay sa mga kontrobersyal na isyu na lumabas kamakailan.
Subalit, nilinaw niya na may mga legal na hakbang na maaaring isampa laban kay Jamela Villanueva, ang ex-girlfriend ni Anthony, kaugnay ng insidente ng pagsisiwalat ng mga pribadong mensahe na kanilang palitan. Aniya, maaaring kasuhan si Jamela ng cyber libel at paglabag sa data privacy.
Ipinahayag ni Alonso na, “Assuming that all the screenshots are legit, the fact remains that Maris and Anthony have committed NO crime. Their actions may be regarded as morally wrong, but they were never married to their respective partners.”
Dagdag pa niya, sa kabila ng pagkakaroon ng kontrobersya, wala namang criminal na ginawa sina Maris at Anthony. Samantalang si Jamela, ayon kay Alonso, ay maaaring nahaharap sa kasong cyber libel at paglabag sa data privacy dahil sa kanyang mga aksyon.
Ayon sa abogado, hindi pwedeng gawing dahilan ng isang tao ang sakit na dulot ng isang breakup para gawin ang hindi tamang hakbang.
“Jamela, on the other hand, may have committed at least 2 crimes with her actions – cyber libel and violation of data privacy,” sabi ni Alonso.
Ipinunto pa nito na ang mga ganitong uri ng aksyon ay hindi nararapat at dapat may karampatang pananagutan.
Dahil dito, maraming fans ni Maris ang nagsusulong na kasuhan si Jamela ng mga kaso. Ayon sa kanila, kahit hindi nila personal na kinikilingan si Maris, kung sila ang nasa kalagayan ni Maris, maghahain sila ng kaso laban kay Jamela.
“Hindi ako maka-Maris ha, pero kung ako siya, kakasuhan ko ‘yung girl. Maraming tao ngayon ang kailangang maturuan ng leksyon. Hindi nila alam na kriminal na ang ginagawa nila online. Dapat silang masampolan,” isang komento ng fan.
Ayon pa sa isa pang netizen, “Maris should take legal action against that girl. Some people might try to defend her by saying, ‘yun ang way of coping.’ But no, being broken or struggling emotionally doesn’t excuse her actions. What she did was wrong. Don’t enable her just because she’s the one who’s hurt.”
Marami pang nagsasabing ang ex ni Anthony, na nag-leak ng mga pribadong mensahe, ay nararapat ding kasuhan.
“Sa totoo lang, the ex who leaked the convo should be sued! Sayang, papasikat pa naman sana tong dalawa na ‘to. Sila na sana yung next na binibuild up,” isang fan na nagsabi ng kanyang opinyon.
Ipinapakita ng mga reaksiyon ng fans na may mga nagmamalasakit kay Maris at nagtatanggol sa kanya laban sa mga nangyari, habang pinapakita rin nila ang kahalagahan ng pananagutan sa mga aksyon sa social media.
Sa kabila ng mga puna at opinyon, patuloy na umaasa ang mga tagasuporta ni Maris na matatapos na ang kontrobersiyang ito nang maayos at may tamang hakbang na ginawa. Sa mga susunod na araw, makikita kung anong hakbang ang gagawin ni Maris at Anthony, pati na rin kung paano haharapin ni Jamela ang mga alegasyon laban sa kanya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!