Nagbigay na ng pahayag ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto hinggil sa mga kasong isinampa laban sa kanya dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code. Sa pahayag na inilabas ng kanyang abogado noong Martes, Disyembre 3, mariing itinanggi ni Rufa ang mga paratang na ipinupukol sa kanya.
"I have no connection whatsoever to any fraudulent activity and I categorically deny these baseless accusations. If anything, I am also a victim and I am determined to seek justice," ani ni Rufa sa pahayag na ipinalabas.
Ipinahayag niyang wala siyang kinalaman sa anumang iligal na gawain, at tinitiyak niyang magsusulong siya ng katarungan para sa kanyang sarili.
Ayon pa kay Rufa, matagal na niyang pinaghirapan ang pagbuo ng kanyang karera at ang pangangalaga sa kanyang magandang reputasyon na nakabatay sa integridad at dedikasyon.
Aniya, "Over the years, I have worked tirelessly to build my career and maintain my untarnished reputation, which is rooted in integrity and dedication."
Sinabi rin niyang palagi niyang ipinakita ang pagiging propesyonal, transparent, at may respeto sa mga taong at brand na kanyang ka-partner sa trabaho.
Malungkot man si Rufa sa mga nangyayari, nakahanda raw siyang harapin ang mga isyu at ipaglaban ang kanyang pangalan at reputasyon.
"I have always demonstrated professionalism, transparency, and respect for the people and brands I work with," dagdag pa niya.
Sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala siya na sa huli, lalabas din ang katotohanan.
“I will cooperate fully with the authorities and face this issue through the proper legal forum. Rest assured, I will fight for my name and reputation,” wika pa ng komedyante.
Tiniyak ni Rufa na makikipagtulungan siya sa mga awtoridad at haharapin ang isyu sa tamang legal na proseso. Naniniwala siyang sa huli ay magkakaroon siya ng katarungan at malilinis ang kanyang pangalan mula sa mga maling paratang.
Sa pagtatapos ng kanyang pahayag, ipinahayag din ni Rufa ang kanyang pasasalamat sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.
“I would like to express my heartfelt thanks to everyone who has shown me love and support amidst all that’s happening,” aniya.
Ipinagpasalamat niya ang mga taos-pusong suporta ng mga kaibigan, pamilya, at tagasuporta sa kabila ng mga pagsubok na kanyang kinakaharap.
Sa kabila ng mga hamon na dulot ng mga kasong isinampa laban sa kanya, pinapalakas ni Rufa ang kanyang loob at naniniwala siyang makakamtan pa rin niya ang katarungan. Nakahanda siyang patunayan ang kanyang inosente at mapanatili ang kanyang magandang pangalan at reputasyon sa industriya.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!