Sa isang TikTok video, nagbigay ng sagot ang aktres na si Sue Ramirez patungkol sa mga kumakalat na balita ukol sa kanilang relasyon ni Dominic Roque. Sa kabila ng mga tanong ng mga tao, pinili ni Sue na maging maingat at hindi magbigay ng detalyadong impormasyon.
“Basta I’m happy, we’re enjoying each other’s company. That’s all I can say for now,” pahayag ni Sue.
Dagdag pa niya, “We’ve been seeing each other,” sabay ngiti at thumbs up.
Nagsimula ang mga usap-usapan tungkol sa kanilang relasyon matapos silang makita sa isang bar na magkasama at may eksena ng halikan. Sa isang video na kumalat sa social media, makikita si Sue na hinawakan ang mukha ni Dominic bago ito yumuko at magbigay ng halik.
Bagamat hindi malinaw kung sa labi o pisngi ito, ang video ay agad na ikino-kwento ng maraming tao. May mga nagsasabi ring posibleng bahagi lamang ito ng isang laro ng truth-or-dare, ngunit hindi rin maiwasan ng mga fans na mag-isip na maaaring may namumuong romantikong relasyon sa pagitan nila.
Samantala, iniulat ng ex-boyfriend ni Sue na si Javi Benitez na sila ay naghiwalay na apat na buwan na ang nakalilipas. Ayon kay Javi, “I wish her nothing but happiness and the love she deserves. Here's to those good times, held close to my heart and to the grace of whatever lies ahead. I hope she continues to share her God-given talent with many more, touching lives as she has touched mine.”
Tungkol naman kay Dominic, kamakailan lamang ay naghiwalay din siya sa kanyang dating fiancée na si Bea Alonzo, na inaasahang magiging asawa niya sa taong ito. Sina Dominic at Bea ay nagsimulang mag-date noong 2019, at noong Agosto 2021, inilantad nila sa publiko ang kanilang relasyon.
Noong Hulyo 2023, nag-propose si Dominic kay Bea sa Las Casas, ngunit sa kabila ng kanilang mga plano, nauwi ito sa isang pag-hiwalay. Ayon kay Dominic, siya ay nakakamove on na at okay na siya sa lahat ng nangyari.
Hanggang sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag si Dominic tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kanila ni Sue, kaya’t nananatili pa ring misteryo ang kanilang relasyon para sa mga tagahanga at publiko.
Source: Artista PH Youtube Channel
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!