Nagbigay ng pahayag si Aiah Arceta, miyembro ng BINI, ukol sa ilang tao na ginagamit ang kanyang pangalan para magpanggap na siya. Sa kanyang Instagram story noong Pebrero 3, umapela si Aiah sa publiko na huwag maniwala sa mga mensahe na ipinapadala mula sa Telegram at Viber na diumano’y galing sa kanya.
Ayon kay Aiah, ang tanging ginagamit niyang social media account ay ang kanyang Instagram para makipag-ugnayan sa mga tao, at ito lamang ang kanyang official account. Sinabi niyang mayroon lamang siyang isang personal na numero at bihira niyang ibigay ito para sa kanyang kaligtasan.
“I mainly use my Instagram to message people and this is my only main account. I also only have one number and I rarely give out my personal number for security purposes,” pahayag ni Aiah sa kanyang Instagram story.
Nagbigay din siya ng karagdagang paglilinaw, “People who truly know me know that I never start a private message, especially on Viber pa. Unless if it is something important or if it is something emergency.”
Aminado si Aiah na may mga pagkakataong may mga tao na nagpanggap na siya, at sa ilang pagkakataon ay may mga gumawa ng group chat kasama ang ibang mga kaibigan niya at hinanapan pa sila ng mga personal na impormasyon.
Ang pahayag ni Aiah ay isang apela para sa mga tao na maging maingat sa mga ganitong uri ng panlilinlang at panloloko, at pinayuhan ang mga followers na mag-ingat at huwag basta maniwala sa mga mensahe na nanggagaling sa hindi kilalang mga account.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!