Dia Mate ng Pinas, Kinorohan Reina Hispanoamericana 2025!

Martes, Pebrero 11, 2025

/ by Lovely


 Itinalaga bilang Reina Hispanoamericana 2025 ang pambato ng Pilipinas mula sa Cavite na si Dia Mate matapos maganap ang coronation night ng prestihiyosong pageant sa Bolivia noong Lunes, Pebrero 10, ayon sa oras ng Pilipinas.


Pinahanga ng kagandahan ni Mate ang mga hurado at manonood nang magsuot siya ng isang eleganteng gold gown na idinisenyo ng kilalang designer na si Rian Fernandez. Ang kanyang pambihirang hitsura ay isa sa mga naging dahilan kung bakit siya pinalad na magwagi sa prestihiyosong titulo.


Hindi rin pahuli ang national costume ni Mate na lubos na nakatawag-pansin. Ipinakita nito ang kahanga-hangang sining at kultura ng Pilipinas, partikular ang mga baroque churches, na sumasalamin sa ating makulay na kasaysayan. Ang nasabing kasuotan ay dinisenyo ni Ehrran Montoya at naging dahilan upang makuha ni Mate ang Best in National Costume award sa nasabing patimpalak.


Dumating din ang pagkakataon na itanong kay Mate sa Question and Answer Portion ng kompetisyon ang isang mahalagang tanong na: "What values do you think are the most important to our society, and why do you think this is important?" 


Hindi nag-atubiling sagutin ni Mate ang katanungan at ipinahayag ang kanyang pananaw na ang pinakamahalagang halaga na dapat taglayin ng bawat isa ay kabutihang-loob.


Ayon kay Mate, "I think the most important value that we should have is kindness. In my experience here in Bolivia, Latinas have shown me so much kindness and so much love even though racially I am not Latino.” 


Ibinahagi niya ang kanyang karanasan sa Bolivia, kung saan nakatagpo siya ng mga tao na ipinakita sa kanya ang hindi matatawarang kabutihang-loob at pagmamahal, kahit hindi siya Latino sa lahi.


Dagdag pa niya, "And the most beautiful thing I've noticed is that even though we don't speak the same language, we share the same culture, same heart, and same faith in God, and I hope this shows everybody that if we use kindness we can show that we are all the same and can create a better world and a better society for us all." 


Sa kanyang pahayag, ipinaabot ni Mate ang mensahe ng pagkakaisa at pagtanggap, kahit pa may mga pagkakaibang linggwistika at kultura. Ipinakita niya na sa pamamagitan ng kabutihang-loob, mas magkakaroon tayo ng mas malalim na koneksyon at mas magandang pamumuhay bilang isang lipunan.


Ang pagtatagumpay ni Dia Mate ay isang malaking karangalan hindi lamang para sa kanya kundi pati na rin sa buong bansa. Ipinakita niya sa buong mundo na ang Pilipinas ay may mga kinatawan na hindi lamang magaganda, kundi may malasakit at may malasakit na mga puso na kayang magbigay ng positibong epekto sa lipunan. Ang kanyang mensahe ng kabutihang-loob at pagkakaisa ay tiyak na magsisilbing inspirasyon sa maraming tao, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong mundo.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo