Kagaya ng mga naunang pahayag ni Senate President Chiz Escudero, binigyang-diin nito na hindi dapat minadali ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Escudero, inaasahan niyang magsisimula ang paglilitis sa bise presidente sa Hulyo, matapos ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
“Most likely when the new Congress already enters into its functions — after Sona. Sona, I think it is on July 21. So, the trial will commence after that day,” paliwanag ni Escudero sa isang press conference na ginanap nitong Lunes.
Naniniwala rin si Escudero na walang dahilan para humiling siya kay Pangulong Marcos na magpatawag ng special session. Ayon sa kanya, wala namang sinuman ang nagnanais na magdaos ng special session at maglunsad ng impeachment trial bago ang darating na eleksyon.
"Dagdag pa rito, sino pa ang may gusto na mag-special session kami at mag-trial kami bago mag-election? Sino ba ang humihiling nun? Sino? Hindi, sino nga? Yung pro. Sabi ko na, sinumang pro o anti VP Sara hindi namin papakinggan," ani Escudero.
Isinusulong ng mga ilang miyembro ng Senado at mga grupo na agarang isagawa ang impeachment laban kay Duterte, ngunit tinitingnan ito ni Escudero bilang isang ordinaryong proseso. Kung titingnan ang nakaraan, may mga ibang opisyal na na-impeach na rin at isinailalim sa impeachment trial, ngunit hindi naman minadali ang Senado upang mag-convene ng impeachment court para dito. Kaya naman, tinanong ni Escudero kung bakit kinakailangang madaliin ang impeachment laban kay Duterte.
“Bakit ko iibahin ang pagtrato dito sa impeachment complaint na ito? Hindi ito espesyal. Hindi ito kakaiba. Ang tingin dapat namin dito ordinaryong impeachment complaint lamang laban sa isang impeachable officer,” dagdag pa ni Escudero.
Sa kabila ng mga isyung ibinabato laban kay Duterte, naniniwala si Escudero na nararapat lamang na sundin ang proseso ng impeachment ng walang pagmamadali at ayon sa itinakdang mga alituntunin ng batas. Kailangan aniya ng sapat na oras upang mapaghandaan ang trial at upang matiyak na ang bawat hakbang ay sumusunod sa mga tamang pamantayan. Para kay Escudero, hindi nararapat na gawing espesyal ang impeachment laban kay Duterte, dahil ang mga kasong ganito ay may tiyak na mga proseso na dapat sundin upang makamtan ang hustisya.
Ang mga pahayag na ito ni Escudero ay nagbigay linaw na ang Senado ay magiging maingat sa proseso ng impeachment at hindi nila papayagan na maging pabigla-bigla ang mga hakbang na maaaring magdulot ng hindi pagkakaunawaan o mga legal na isyu sa hinaharap. Sa kabila ng mga isyu at kontrobersya na bumabalot kay Vice President Sara Duterte, malinaw ang posisyon ni Escudero na ang impeachment trial ay hindi dapat mangyari nang walang pag-iingat at tamang pagpaplano, upang masiguro ang integridad ng proseso at ang tamang pag-apruba ng mga desisyon batay sa mga ebidensya at argumento.
Sa ngayon, ang impeachment laban kay Duterte ay isang isyu na patuloy na pinapalakas ng ilang sektor, ngunit si Escudero ay patuloy na nagsusulong ng tamang proseso at hindi pagmamadali sa mga hakbang na gagawin ng Senado sa pagdinig ng kaso.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!