Nagbigay ng reaksyon ang kapatid ni Club DJ Jellie Aw, na si Jo Aw, sa pahayag ni Jam Ignacio na ipinahayag sa isang pambansang telebisyon.
Matatandaang si Jam ay nahaharap sa mga kasong isinampa laban sa kanya dahil sa umano'y pambubugbog kay Jellie, ang kanyang fiancée.
Sa nasabing panayam, inilarawan ni Jam ang insidente bilang isang simpleng hindi pagkakaintindihan lamang nila ni Jellie. Subalit, batay sa mga ebidensiyang pisikal, malinaw na ang insidente ay hindi isang ordinaryong hindi pagkakaintindihan. Ang mga aksyon ni Jam ay halos naging sanhi ng malubhang pinsala sa mukha ni Jellie.
“Alam mo ‘yan kung gaano kita kamahal, protektahan, bantayan. Sa lahat ginagawa mo, lagi akong nakasuporta sayo,” ani Jam.
“Sorry sa mga nangyari, pinapangako ko sayo na hindi mauulit ‘to.”
“Bigyan mo ako ng pagkakataon na ayusin natin ‘to ng pribado… tayong dalawa lang,” dagdag pa niya.
Nagpakumbaba rin si Jam at humiling ng pangalawang pagkakataon, pinaalala pa na malapit na silang magpakasal. Subalit, hindi pinalampas ni Jo, ang kapatid ni Jellie, ang pagkakataon upang magbigay ng babala.
Ayon kay Jo, dapat na raw itigil ni Jellie ang pakikipag-ayos kay Jam.
“Magiging kwento ka na lang talaga pag binalikan mo pa ‘to, Jellie Aw,” paalala ni Jo sa kanyang kapatid.
Makikita sa mga pahayag na lumalabas na matindi ang pagtutol ni Jo sa anumang uri ng pakikipag-ayos kay Jam, dahil sa naging insidente at ang kanyang pag-aalala sa kaligtasan at kapakanan ng kanyang kapatid. Sa kabila ng humihingi ng tawad si Jam at ang mga pangako niyang hindi na mauulit ang insidente, nagsisilbing babala sa mga tagapakinig at sa publiko ang pahayag ni Jo tungkol sa hindi na pagpapatawad o pagbabalik-loob sa sitwasyong ito.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!