Nagbigay ng reaksiyon ang kilalang showbiz insider na si Ogie Diaz hinggil sa isang video na kumakalat sa social media na kinasasangkutan ng re-electionist na konsehal ng 5th district ng Quezon City at aktor na si Alfred Vargas. Ang video ay nagsasaad ng umano'y paraan ng "pamumulitika" ni Vargas na naging sanhi ng mga puna at batikos mula sa mga netizens.
"Nakakahiya naman sa mga magkakaibang mga leader. ikaw na mismo na konsehal ang nang aalipusta sa mga leaders na yan, konsi sa sobrang taas mo masakit kapag lumagapak ka."
"Nakakahiya naman sa inyo mag kapatid kung mga adik kame Ano pa kayo MAGNANAKAW Ng Distrito Singko Hinay hinay Sa Pag sasalita Baka Bumalik sa inyo yan!!"
"Wow hiyang hiya nman sa adik na leader! ano pa kaya yang kagat kagat labi mo alfred hahaha may something kaden ba hahahaha. wag mapang husga hnd porket hnd pumabor sainyo yung mga tao eh lalaitin at ijujudge nyona!!! asan ang manners!"
"Awit sayo Konsi! May mga kaibigan din ho kami leaders nyo, pero ni minsan wala ho kami away. Dahil sa ginawa nyo magkakaroon nang 'GAP' mahal namin ang kaibigan namin magkaiba man kami nang sinusuportahan nandun ang respeto namin sa bawat isa."
Ibinahagi ni Ogie sa kaniyang Facebook post ang nasabing video, na unang inilathala ng "Kilusan Kontra Korapsiyon." Sa caption ng post, binanggit ni Ogie na ang klase ng "pamumulitika" na ipinakita ni Vargas ay maaaring pagmumulan ng mga isyu, at nagbigay ng babala hinggil sa magiging epekto nito sa mga darating na araw. Binanggit pa ni Ogie ang isang pahayag na nasulat sa caption: "GANITO ANG MAGKAPATID NA VARGAS KUNG PAANO MANG ALIPUSTA NG TAO KUNG KAYA NILA GAWIN SA IBA, KAYA DIN NILA GAWIN SA INYO."
Pagdating sa video, maririnig ang pahayag ni Vargas na nagsasabing, "Matikas 'di ba? Iyan ang gusto natin. Kasi kami, halimbawa, kami ni Cong. PM, 'pag namimili kami ng amin, pinipili namin 'yong magaganda at guwapo. Tapos kung titingnan ninyo, 'yong mga nakaupong leaders ng mga kalaban namin, mukhang adik."
Ipinagpatuloy pa ni Vargas ang mga pahayag laban sa kanilang mga kalaban sa politika, na sinabihan niyang maraming "adik" at "may mga utang" ang mga nakaupong lider ng kanilang mga kalaban. Dagdag pa ni Vargas, sa kanilang kabila ay may plano daw silang magsagawa ng mga pagkilos upang hulihin ang mga "adik."
Dahil dito, nagbigay ng reaksyon si Ogie Diaz sa kanyang post at sinabing, "Baka gustong linawin ito ni Alfred Vargas. Puro nega ang comment sa kanya. Bakit dumating na raw siya sa ganitong point ng pamumulitika?" Ayon kay Ogie, nakakalungkot daw ang mga komentong mababasa sa post ni Vargas, na tila nagpapakita ng hindi magandang epekto ng kanyang mga pahayag.
Sinuri ng Balita ang mga reaksyon mula sa netizens hinggil sa isyung ito, at narito ang ilan sa mga komento na lumabas sa social media:
Sa kabila ng mga reaksyon, wala pang opisyal na pahayag o reaksyon mula sa kampo ni Alfred Vargas hinggil sa isyung ito. Gayunpaman, nananatiling bukas ang Balita sa anumang tugon mula sa kanyang panig.
Ang isyung ito ay nagbigay-diin sa mga klase ng pahayag at asal ng mga politiko, at kung paano ang kanilang mga pahayag ay maaaring makaapekto sa kanilang reputasyon at sa pananaw ng publiko sa kanila. Sa kasalukuyan, patuloy ang mga usap-usapan at komentaryo tungkol sa mga posibleng epekto ng ganitong klase ng pamumulitika sa darating na mga eleksyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!