Nagbahagi ng bagong video update si Philmar Alipayo sa kanyang Facebook patungkol sa kontrobersiya na kinasasangkutan nila ng kanyang partner na si Andi Eigenmann. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook Reels, ipinakita ni Philmar ang ilang sandali ng kanilang pamilya na nagsasama-sama, na nagpapakita na bumalik sila sa kanilang normal na routine.
Sa caption ng kanyang video, sinabi ni Philmar, "It all went way too far and should have been handled in private. Ok na kami sanan ok ra kami."
Noong nakaraang weekend, naging usap-usapan sa social media ang tungkol sa isyu nina Andi at Philmar. Isang bahagi ng kontrobersiya ay ang pagkakaroon ni Philmar ng katulad na ‘224’ tattoo na may kasamang foreign na kaibigang babae, isang bagay na hindi ikinatuwa ni Andi.
Sa kabila ng mga spekulasyon, nilinaw ni Andi na wala namang nangyaring pangloloko mula kay Philmar. Ngunit hindi rin nakaligtas sa mata ng mga netizens ang paggamit ni Andi ng ‘Chat GPT’, isang AI program, nang mag-post siya ng screenshot ng kanilang pag-uusap. Ang ginawa niyang ito ay naging paksa ng matinding pagtalakay sa social media, kung saan maraming tao ang nagbigay ng kani-kanilang opinyon tungkol dito.
Sa kabila ng mga issue at usap-usapan, tila nagpasya sina Philmar at Andi na pagtuunan ng pansin ang kanilang pamilya at ibalik sa normal ang kanilang mga buhay. Ang video na ibinahagi ni Philmar ay isang simpleng paalala na ang bawat relasyon ay may mga pagsubok, ngunit mahalaga na ayusin ito ng magkasama at nang tahimik, at hindi na kailangan pang gawing pampubliko ang mga pribadong isyu.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!