Kamakailan, tinalakay ni Sam Milby ang mga kumakalat na isyu ukol sa kanyang personal na buhay sa isang media conference para sa kanyang serye na "Saving Grace."
Sa isang eksklusibong panayam sa ABS-CBN News, ipinahayag din ni Sam ang tungkol sa kanyang nakaraan sa singer na si Moira Dela Torre, at inamin na hindi na sila magkaibigan.
Sa panayam, malinaw na itinanggi ni Sam ang mga paratang na may kinalaman ang ibang tao sa kanyang paghihiwalay kay Catriona Gray. Pinabulaanan niya ang mga haka-haka na si Moira daw ang dahilan ng kanilang breakup.
"There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all," aniya.
Nagbigay din ng paalala si Sam sa mga tao na maging maingat sa pagpapakalat ng maling impormasyon online. Nang tanungin tungkol sa kanilang relasyon ni Moira, inamin ni Sam na nagkaibigan sila dati, ngunit ngayon ay hindi na sila magkaibigan.
"We are not friends anymore," ang simpleng sagot ni Sam.
"It's an issue that's really sensitive," dagdag pa niya.
Si Sam at Moira ay dati nang magkaibigan, at maraming taon na ang kanilang pagkakaibigan kung saan madalas nilang ipakita ang kanilang suporta sa isa’t isa sa kani-kanilang karera.
Naalala rin ng marami ang sinabi ni Moira sa isang interview kay Toni Gonzaga kung saan inamin niyang minsang tumira siya sa condo ni Sam. Ipinaliwanag ni Moira na noong mga panahong iyon ay nahihirapan siya sa kanyang mga personal na isyu.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!