Usec. Castro, Tinalakan Si VP Sara Duterte Inuna Pa Ang Pagpuntang Abroad

Miyerkules, Marso 26, 2025

/ by Lovely


 Sa isang press briefing nitong Miyerkules, Marso 26, 2025, tumugon si Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro sa pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa umano’y "road to dumpster" na daw ang Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Pinuna ni Castro ang mga komento ni VP Sara, at binigyan ng kanyang sariling pananaw ukol dito.


Ayon kay Castro, maaaring hindi naunawaan ni VP Sara ang mga nagawa at proyekto ng pamahalaan. 


“Siguro sinasabi n’ya ‘yan na road to perdition na tayo, bakit? Dahil hindi naman niya nakikita kung ano ang mga ginagawa, proyekto, programa na naisagawa na at naitulong na ng pamahalaan sa taumbayan. Dahil malamang hindi siya nanonood ng ating press briefing everyday,” sabi ni Castro. 


Tinutukoy niya dito ang mga hakbang at inisyatiba ng administrasyon na makikinabang ang mga mamamayan, kaya hindi niya maitindihan kung bakit ipinapahayag ni VP Sara na walang pag-asa ang bansa.


Dagdag pa ni Castro, mas mainam daw kung maiintindihan ni VP Sara na mas malala ang magiging kalagayan ng bansa kung ang mga lider na katulad niya ang hahawak ng gobyerno. 


“Hindi ba mas magiging…mapupunta tayo sa dumpster kung ang magiging Pangulo natin o ang magiging leader natin ay ang mga katulad nina VP Sara? Mas inuuna pang magpunta sa abroad. Magsilbi sa isang tao, although tatay n’ya po yun. Pero marami pa rin pong Pilipino na umaasa sa kaniya bilang Bise Presidente. Mahihirapan po tayong magkaroon ng Pangulo kung lagi pong nasa abroad, hindi po ginagawa ang trabaho dito sa Pilipinas,” ani Castro. 


Ipinahayag niya na hindi magiging maayos ang pamamahala kung ang mga lider ay patuloy na nasa ibang bansa at hindi ginagawa ang kanilang mga responsibilidad sa Pilipinas.


Nang tanungin ng mga miyembro ng media kung ito na ba ang tamang oras para bumalik si VP Sara sa bansa, sagot ni Castro, "Obligasyon po niya ang maging Bise Presidente. Alam po niya ang mga tungkulin na kaakibat ng kanyang posisyon." 


Ipinunto ni Castro na ang pagiging Bise Presidente ay may mga obligasyong dapat tuparin sa bansa, at hindi ito maaaring balewalain.


Matatandaang sinabi ni VP Sara Duterte sa isang panayam sa The Hague, Netherlands, na wala na siyang babalikang bansa dahil patapon na raw ang Pilipinas. 


“We should be working on our way up, but it seems that we are working to the dumpster. As I said noon, we are on this road to perdition, sinabi ko na ‘yan noon. Sa tootoo lang, walang nakikitang hope yung mga tao dahil wala rin silang nakikita mula sa gobyerno,” ani VP Sara. 


Sa kabila ng mga pahayag na ito, nanatili pa ring nakabase sa The Hague si VP Sara simula nang maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte at mapunta ito sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC) dahil sa kasong crimes against humanity na isinampa laban sa kanya.


Sa kabila ng mga opinyon at pananaw na ibinanggit ng mga opisyal, patuloy na nagiging tampok na isyu ang pahayag ni VP Sara at ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa mga mata ng mga mamamayan. Ang tugon ni Castro ay isang bahagi ng patuloy na palitan ng mga ideya at pananaw hinggil sa pamamahala at direksyon ng bansa.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo