Andre Paras Ipinagtanggol Ang Kapatid Na Si Kobe Sa Pambabatikos

Miyerkules, Abril 16, 2025

/ by Lovely


 Hindi nagpalagpas si Andre Paras, isang kilalang Kapuso actor, sa paninira ng isang content creator laban sa kanyang kapatid na si Kobe Paras. Umalma si Andre matapos mapanood ang vlog kung saan pinagbintangan si Kobe na umano’y sobrang nagpakasaya sa isang party, sa gitna ng mga tsismis ukol sa paghihiwalay nila ni Kyline Alcantara.


Sa kanyang Facebook page, naglabas ng isang mahabang pahayag si Andre bilang tugon sa naturang vlog. Hindi nito pinalampas ang ginawang pagdikit ng vlogger sa pangalan ni Kobe sa negatibong isyu. Kalakip ng post ay tatlong larawan – ang una ay profile ng nasabing vlogger, ang pangalawa ay video reel kung saan makikita ang mukha ng vlogger, at ang pangatlo ay caption na tila nagpapahiwatig ng masama: “Lifestyle na gusto niya.”


Ayon sa profile ng content creator, tila tagahanga ito ni Kyline Alcantara. Umiinit ang usapin dahil ipinakita ng vlogger na tila mas pinili ni Kobe na mag-party sa halip na magpakita ng “lungkot” matapos ang diumano’y hiwalayan nila ni Kyline.


Hindi napigilan ni Andre ang maglabas ng saloobin. Aniya, “Kobe is with his friends and he’s having fun. They are doing it in the right place and time. They are in a club. It’s legal to have fun and make noise there right?"


Dagdag pa niya, “Magtaka po kayo kapag nag club ang isang tao tapos nag nagbabasa lang sila lang ng libro doon o kaya pumunta doon para lang matulog.”


Ipinaliwanag din ni Andre na kung tunay na concern ang vlogger sa tambalang Kyline at Kobe—o “KyBe” gaya ng tawag ng fans—hindi na sana ito nag-post ng ganitong klaseng content na may halong malisya.


“If you really cared about kybe then you will not be doing this at all this. I know what you’re trying to do. You’re trying to make my brother look like a bad person,” diin ni Andre.


Hindi rin pinalampas ni Andre ang paglalantad ng vlogger sa mga babaeng nasa party. Nilinaw niya na ang mga babaeng naroon ay mga nobya ng mga kaibigan ni Kobe. 


“Since magaling kayo mag stalk eh di dapat alam niyo yung mga kasama na babae dyan ay ang mga girlfriend ng mga friends ni kobe? Pero of course di mo sasabihin sa followers mo yan dahil gusto mo gumawa ng issue."


Sa kanyang post, inilahad ni Andre ang pananaw niya sa layunin ng vlogger: “Issue equals views, views equals kita. I understand how addicting it is to get views and comments on a social media post. But doing it this way? Nako po. Using others name and private life for clicks and views?"


Nagbabala rin si Andre sa vlogger, sinabing huwag subukang burahin ang mga video o i-block siya.


“Don’t even try deleting the videos you’ve made or even blocking me. You’ll just be tampering with evidence. I’m his kuya and I have the right to stand up for him against people like you who only care about making him look bad.”


Sa huli, tila naapektuhan ang vlogger at agad na naglabas ng paumanhin kay Andre. “Hello po Andre, sorry po sa mga naipost ko. Nasobrahan lang po ako sa pagiging apektado. Patawad po talaga.”


Sa kabuuan, ipinakita ni Andre Paras ang pagiging isang responsableng kapatid—handa siyang lumaban para sa kapakanan ni Kobe, lalo na laban sa mga taong gumagamit ng social media para siraan ang iba. Isa itong paalala kung paanong dapat gamitin ang plataporma ng maayos, at hindi sa paninira ng kapwa para lamang sa pansariling pakinabang.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo