Nagkaroon ng matinding usapan sa social media tungkol sa isang post sa X ng isang netizen na nagngangalang "fonso" na may kinalaman sa bagong pasok sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, na si Vince Maristela. Ipinakilala si Vince bilang ang "Charming Bro-Next-Door ng Cainta" na kasali rin sa mga housemates ng PBB, kasama si Emilio Daez, isang Star Magic artist, na pumasok din sa Bahay ni Kuya noong weekend.
Ngunit bago pa man ganap na makilala ng publiko si Vince, isang post sa X mula kay "fonso" ang agad na nagbigay daan sa mga usapan. Ayon sa post, sinabi ni "fonso," "Walang 'tong ambag sa groupworks nung college eh HAHAHA." Bagamat wala pang sapat na impormasyon kung may personal na karanasan si "fonso" kay Vince, agad itong naging viral at naging usap-usapan sa social media.
Kapansin-pansin na noong isinulat ang artikulong ito, mukhang ginawa nang private ng nasabing netizen ang kanyang account, ngunit dahil sa dami ng mga screenshots na kumalat, patuloy na pinag-uusapan ang isyu. Hindi rin malinaw kung personal na kilala ni "fonso" si Vince o kung ito ay isang maling impormasyon lamang na may layuning manira. Dahil dito, umani ito ng mga magkahalong reaksyon mula sa mga netizens.
May mga nagbigay ng suporta kay Vince at nagsabi na huwag agad magpapaniwala sa mga hindi pa beripikadong post na naglalaman ng mga tsismis o walang matibay na basehan. Sinabi ng isang netizen, "Ang lala, binigyan agad ng bad impression sa mga tao." May iba namang nagsabi na hindi makatarungan ang pagsasalita ng ganito dahil hindi pa kilala ng publiko si Vince at hindi pa siya nakapagbigay ng sarili niyang opinyon sa isyu.
"Kawawa naman siya, nasa loob ng Bahay ni Kuya at hindi niya mapagtatanggol ang sarili niya," ayon sa isa pang komento.
Hindi rin nakaligtas ang post mula sa ilang netizens na nagtangkang tanungin ang kredibilidad ng source ng impormasyon. Isang netizen ang nagtanong, "Paano namin malalaman na legit o totoo yan tweet mo kung alt account lang na tulad mo ang nag post? Proof nga." Ipinapakita ng mga komento ang pagdududa ng marami sa mga ganitong klase ng post na madalas ay naglalayong manira nang walang sapat na pruweba.
May mga nagsabing, "Ang aga manira ng buhay ni beshy," na nagpapakita ng pag-aalala tungkol sa epekto ng mga ganitong isyu sa mga taong hindi pa ganap na nakikilala. May mga nagkomento ring tumawag sa isyu bilang isang halimbawa ng "Pinoy coded," na tila nagpapakita ng isang kulturang nang-uusig at nagpapakalat ng kwento nang hindi binibigyan ng pagkakataon ang isa na magpaliwanag.
Hanggang ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Vince o mula sa Sparkle GMA Artist tungkol sa isyung ito. Wala ring reaksyon mula kay Vince na maaari niyang ipaliwanag ang kanyang bahagi. Samantalang ang mga fans at netizens ay patuloy na nag-aabang kung paano ito magiging bahagi ng kanyang paglalakbay sa Pinoy Big Brother.
Dahil sa ganitong uri ng isyu, malinaw na ang social media ay isang makapangyarihang platform na maaaring magdala ng mabilis na impormasyon, ngunit minsan ay nagiging sanhi rin ng hindi pagkakaunawaan at paninira. Ang mga ganitong sitwasyon ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging mapanuri at maingat sa pag-share ng mga impormasyon, lalo na kung ito ay walang sapat na ebidensya o kredibilidad.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!