Usap-usapan ngayon sa social media ang isang Facebook post ni Gardo Versoza, kung saan pabirong nagkomento ang beteranong aktor kaugnay ng pagpanaw ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor.
Sa nasabing post, ibinahagi ni Gardo ang isang throwback photo mula sa isang eksena sa teleserye, kung saan kasama niya ang dalawa sa pinakamahuhusay at pinaka-iconic na aktres ng industriya: si Nora Aunor at ang yumaong si Cherie Gil, na pumanaw noong 2022.
Sa caption, pabirong sinabi ni Gardo, “Mukhang ako na ang next ah.”
Bagamat halatang may halong biro ang kanyang sinabi, mabilis itong naging viral at umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizen. Marami ang nabigla, natawa, at meron ding napa-komento ng may halong concern.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa kanyang post:
"Wag ganun mars!"
"Mabubuhay ka naman pag gabi, Machete ka eh!"
"Hala! In Jesus Name… Di mo pa panahon, cupcake! Marami pa tayong takbo na tatahakin."
Makikita sa mga tugon ng netizens na karamihan sa kanila ay nag-alala ngunit naiintindihan din ang pilyong tono ng aktor. Kilala si Gardo hindi lamang sa pagiging seryosong aktor kundi pati na rin sa kanyang kwelang personalidad sa likod ng kamera.
Samantala, sa isang naunang post, nagbigay din si Gardo ng taos-pusong pamamaalam kay Nora Aunor. Hindi man mahaba ang kanyang mensahe, dama sa kanyang salita ang respeto at pagmamahal para sa yumaong Superstar.
Aniya, “Paalam, mare… hanggang sa muli.”
Si Nora Aunor, na binansagang "Superstar" ng industriya, ay pumanaw nitong Miyerkules Santo, Abril 16, dahil sa acute respiratory failure matapos sumailalim sa operasyon sa puso. Ayon sa anak niyang si Ian De Leon, ramdam na raw ni Nora ang kanyang huling sandali at nag-iwan pa ito ng emosyonal na mensahe bago pumanaw.
Ang pagpanaw ni Nora ay nagdulot ng matinding lungkot sa buong showbiz industry at sa kanyang milyon-milyong tagahanga. Isa siya sa mga haligi ng sining sa bansa at naging inspirasyon sa maraming artista, kabilang na rin si Gardo.
Sa mga nakakakilala kay Gardo, hindi na bago ang ganitong klaseng biro mula sa kanya. May mga nagsasabi pa nga na ito ang paraan niya ng pagharap sa lungkot—sa pamamagitan ng patawa pero may kurot sa puso.
Ngunit sa kabila ng biro, ramdam pa rin sa kabuuan ng post ni Gardo ang bigat ng kanyang damdamin sa pagpanaw ng isang taong naging bahagi ng kanyang showbiz journey. Isa itong paalala na kahit may halong biro ang paraan ng ibang artista sa pagpoproseso ng lungkot, hindi ibig sabihin na kulang ito sa respeto o pagmamahal.
Sa huli, ang post na ito ay nagsilbing paraan ni Gardo upang magbigay pugay sa dalawang babaeng malaki ang naiambag sa sining—kay Cherie Gil, at ngayon nga ay kay Nora Aunor. At kahit pa may halong biro, ramdam ang sinseridad sa kanyang mensahe.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!