Usap-usapan sa social media ang hula ng kilalang psychic na si Rudy Baldwin, kung saan binanggit niyang may dalawang beteranang artista at dalawang kilalang mang-aawit ang magpapaalam na sa ating mundo. Ang post na ito ay nag-viral matapos kumalat sa mga platform tulad ng TikTok at Reddit.
Sa kanyang Facebook post noong Marso 11, 2025, isinulat ni Rudy:
"MAHALAGA SA LAHAT ANG KALUSUGAN. ME NAKITA AKONG DALAWANG BETERAN NA ARTISTA AT DALAWANG KILALANG MANG-AAWIT ANG MAGPAPAALAM NA SA MUNDO NATIN."
Kasama sa post na ito ang isang mensahe tungkol sa mga politiko at TV host na maaaksidente at masasawi rin. Hindi naman tinukoy ni Rudy kung sino ang mga ito, ngunit agad itong naging paksa ng mga netizen.
Isang netizen ang nagkomento:
"Dalawa ito sa mga kilalang artista at mang-aawit beteranang maituturing talaga na maitatatak natin sa mga puso't isip natin nakakalungkot na halos magkasunod ang kanilang pagpanaw. REST IN PEACE nakikiramay ang lahat sa inyong pagpanaw. Rudy Baldwin isa po ito sa mga navision nyo na sobrang nakakalungkot sa industriya ng showbiz."
Ang tinutukoy ng netizen ay si Asia's Queen of Songs Pilita Corrales, na pumanaw noong Sabado, Abril 12, at si National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Aunor, na namayapa noong Miyerkules Santo, Abril 17.
Bagamat hindi kinumpirma ni Rudy kung ang mga tinutukoy ng netizen ay siya ngang mga personalidad na kanyang nakita sa kanyang pangitain, nagbigay siya ng mensahe ng pakikiramay:
"ISA AKO SA MGA TAGAHANGA NILA MULA NUN PA MAN. SA GALING NILA SA PAG-AWIT AT PAG-ARTE. TAOS-PUSO AKONG NAKIKIRAMAY SA PAMILYA NILA MISS PILITA CORALES AT MISS NORA AUNOR. ANG INYONG PANGALAN AT GALING AY MANATILI SA BAWAT PUSO NG INYONG MGA TAGAHANGA. R.I.P MGA IDOL."
Ang mga hula ni Rudy Baldwin ay laging pinag-uusapan sa social media, at may mga netizen na naniniwala sa kanyang mga prediksyon. Gayunpaman, may mga nagsasabi ring hindi dapat paniwalaan ang mga ito at mas mainam na magdasal at magtiwala sa Diyos.
Sa kabila ng mga kontrobersiya, patuloy ang mga hula ni Rudy Baldwin na nagiging paksa ng mga diskusyon sa online community.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!