Ina Ng Foreign Vlogger Na Nanggulo Sa Mga Pilipino, Ipinagtanggol Ang Anak

Martes, Abril 22, 2025

/ by Lovely


 Sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng Russian-American na vlogger na si Vitaly Zdorovetsky sa Pilipinas, lumantad ang kanyang ina, si Elena Zdorovetskaia, upang humingi ng paumanhin at pang-unawa mula sa sambayanang Pilipino. Ginawa ni Elena ang pahayag na ito matapos mapagdesisyunan ng gobyerno ng Pilipinas na hindi ituloy ang deportation kay Vitaly, sa kabila ng mga reklamo at isyung ibinabato sa kanya.


Ayon kay Elena, buong puso niyang tinatanggap ang responsibilidad sa mga naging kilos ng kanyang anak. Sa kabila ng hindi maganda at tila walang pagsisising asal ni Vitaly habang inaaresto at ipinapakita sa publiko, sinabi ng ina na ito ay isang pagkakamali ng anak na kanyang pinagsisisihan nang lubos.


“I want to be very clear: my son made a mistake, and he takes full responsibility. However, he meant no harm and deeply regrets his actions,”  ani Elena sa kanyang opisyal na pahayag.


Ang mga prank ni Vitaly, ayon sa kanyang ina, ay hindi layuning makasama. Isa sa mga naging laman ng balita ay ang insidenteng tila tinangka ni Vitaly na holdapin ang isang Pilipino bilang bahagi ng kanyang prank video—isang eksena na maraming netizen ang hindi nagustuhan at tinawag na labis na delikado at hindi naaayon sa kulturang Pilipino.


Ibinunyag din ni Elena na may kondisyon ang kanyang anak—si Vitaly ay na-diagnose umano ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder o ADHD, isang uri ng mental health condition na maaaring makaapekto sa kakayahang kontrolin ang sarili at magdesisyon nang maayos. Hindi raw ito dahilan upang palampasin ang kanyang mga pagkakamali, ngunit sana raw ay magsilbing konteksto sa mga hindi naiintindihang asal ng kanyang anak.


“The man behind the headlines is also a man of faith, generosity, and remorse. He has already lost his online platform, his only source of income, and his ability to continue supporting our small family, including his 87-year-old grandmother and me,” dagdag pa ng ina.


Binanggit ni Elena na hindi lamang panloloko ang layunin ng pagbisita ni Vitaly sa bansa. May bahagi raw ng kanyang plano ang pagtulong sa mga nangangailangan, ngunit hindi na ito naituloy dahil sa mabilis na pagkalat ng mga negatibong reaksyon sa kanyang mga prank.


Sa kasalukuyan, nahaharap si Vitaly sa kasong kriminal at inaasahang mananatili sa Pilipinas nang ilang taon habang nililitis ang kanyang kaso. Ayon sa mga opisyal, kung mapatunayang nagkasala, maaari siyang makulong sa bansa ng ilang dekada.


Habang patuloy ang pag-ikot ng kaso sa legal na proseso, umaasa si Elena na may mga Pilipinong handang magpatawad at magbigay ng pangalawang pagkakataon. “Bilang isang ina, masakit sa akin ang nakikitang pagkapahiya at paghihirap ng anak ko. Pero mas higit ang aking pag-asang unti-unti niyang matutunan ang leksyon, at balang araw, makabawi sa mga nasaktan niya,” pagtatapos ni Elena.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo