Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang tila unti-unting pagkalabnaw ng relasyon nina Kyline Alcantara at Kobe Paras. Napansin ng mga netizen ang pagbabago sa kanilang mga social media accounts, partikular na ang pag-aalis ng ilang larawang dati’y simbolo ng kanilang matamis na samahan.
Sa isa sa mga pinakabagong Instagram post ni Kyline, agad nagbaha ng mga komento mula sa kanilang tagasuporta. Napansin kasi ng ilan na nawawala na ang ilang litrato nilang dalawa, kabilang na ang mga kuhang magkasama sila noong Valentine's Day at sa Palawan.
Ayon sa isang fan, “Sana hindi totoo na dinelete na ‘yung mga pictures nila. Pero kung sakali man, sana ok lang sila pareho. Walang perpektong relasyon pero sana maayos pa rin.”
May isa ring sumulat, “Kung totoong wala na kayo, Kyline, mas mabuti sigurong ituon mo na lang ang oras mo sa sarili mo. Ipagpatuloy mo ‘yung mga pangarap mo. Stop na muna sa love life, self-love muna.”
Samantala, isang malungkot na tagahanga ang nagbahagi ng saloobin: “Favorite couple ko pa naman sila. Nakakalungkot. Kung si Kobe ang may pagkukulang, sana mapagtanto niya na napakaganda ng naging bahagi ni Kyline sa buhay niya. Sayang talaga.”
Isa pang netizen ang tila kumpirmado na ang hinala: “Andami nang nawala sa mga pictures nila. Feeling ko totoo na. Ang next na lang, mag-unfollow-an sila.”
Ayon sa mga obserbasyon ng netizens, mukhang burado na nga ang maraming sweet moments nila sa kani-kanilang accounts. Ang mga natitirang larawan ay kadalasang kuha na lang mula sa mga brand endorsements at events kung saan sabay silang dumalo bilang endorsers o guests.
Bukod sa mga social media hints, may ilang ulat na lumabas mula sa mga media outlets na nagsasabing may source na umano silang nagsiwalat na hiwalay na nga ang dalawa. Gayunpaman, hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag sina Kyline at Kobe ukol dito kaya’t nananatiling haka-haka pa rin ang lahat.
Habang wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa magkabilang panig, umaasa pa rin ang kanilang fans na baka hindi pa huli ang lahat at maaari pa silang magkaayos. Marami ang nagsasabing bagay na bagay sila sa isa’t isa at sayang ang pinagsamahan kung totoo man ang bali-balita.
Samantala, open pa rin ang Pinoy Celebrity News sa anumang pahayag mula kina Kyline at Kobe. Nakahanda silang ipalabas ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa, kung kailanman sila maging handang magsalita.
Matatandaang noong Nobyembre ng nakaraang taon, unang inamin nina Kyline at Kobe ang kanilang relasyon sa publiko. Sa isang interview, tinanong si Kobe kung sino ang kanyang celebrity crush, at walang pag-aalinlangang binanggit niya si Kyline, na kalauna’y umamin rin na may espesyal na namamagitan sa kanila.
Sa kabila ng katahimikan ngayon mula sa dalawa, nananatili silang sentro ng atensyon ng mga tagahanga at showbiz followers. Habang ang iba’y nalulungkot, may ilan pa rin ang nagdarasal na baka ang lahat ng ito ay isang misunderstanding lamang at hindi pa tuluyang pagtatapos ng kanilang love story.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!