Labis ang pagkadismaya ng kilalang makeup artist na si Jelly Eugenio matapos hindi maisama sa kanyang biyahe ang kanyang makeup luggage, na nagresulta sa pagkawala ng isang mahalagang trabaho na umano’y may anim na digit ang bayad.
Sa isang TikTok video na ibinahagi niya noong Biyernes, Abril 11, inilahad ni Jelly ang kanyang pagkabigla at pagkadismaya sa nangyaring insidente sa kanyang flight na patungong Siargao. Ayon sa kanya, hindi ito ang unang pagkakataon na na-offload ang kanyang gamit, kaya lalo siyang nainis sa pangyayari.
"PAL did it again. They left my luggage again. And i think they will forever target my luggage for this," ani Jelly sa kanyang video.
Ibinahagi pa niya na ang naiwan na bagahe ay ang pinakamahalagang gamit niya — ang makeup bag na ginagamit niya para sa trabaho.
"They offloaded my makeup luggage from myflight and i have to go straight towork - every makeup artist’s nightmare. This is the second time, first in Palawan, now in Siargao," aniya pa.
Dagdag ni Jelly, bago pa man siya mag-check in, nagtanong na siya nang maayos sa counter staff kung posible bang ma-offload ang kanyang bag. Dahil may masamang karanasan na siya noon sa Palawan, naging mas maingat siya ngayon.
"And i respectfully asked the counter kung may chance mag-offload dahil tatanggalin ko na lang dun and ihahandcarry yung important - paulit ulit ko tinanong na sure napo ha? Because i had previous experience na nga. Sabi hindi mao-off load. Nilagyan pa ng tag na priority because nga iexplained how im going straight to work," kwento pa niya.
Ngunit hindi rito natapos ang kanyang problema. Aniya, nalaman niya ring delayed ang kanilang flight ng halos dalawang oras.
"First surprise, this flight is delayed by 2hrs, were already in the airport and our supposed plane is still in manila. No notice, no anything," sabi niya.
Ang ikinagulat niya lalo ay nang malamang ang kanyang ‘priority’ luggage pa mismo ang naiwan.
"And if i thought that was already bad, them randomly picking my “priority” workbag to offload is a nightmare. Sana yung damit na luggage na lang iniwan. Mata-target talaga nila yung bag ko for work because it’s heavy. May mga makeup. May mga brush. May ilaw," giit niya.
Aminado si Jelly na mabigat talaga ang kanyang makeup kit, pero hindi ito dahilan para piliing i-offload iyon, lalo’t may tag na priority at ipinaliwanag na niya ang kahalagahan nito sa kanyang trabaho.
"This is tiring and traumatizing. Tapos babayad na naman kayo ng 2k sa nawala na job na 6 digits," dagdag niya.
Dahil sa nangyari, maraming netizens ang nagpahayag ng suporta kay Jelly. Marami rin ang nagpahayag ng pagkadismaya sa airline at nanawagan ng mas maayos na serbisyo, lalo na sa mga pasaherong umaasa na makarating nang kumpleto sa kanilang destinasyon — gamit at lahat.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!