Ipinapakita ang mga post na may etiketa na abscbnshutdown. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na abscbnshutdown. Ipakita ang lahat ng mga post

Cristy Fermin, Nagbigay Ng Reaksyon Sa Pagtakbong Senador ni Willie Revillame

Walang komento

Biyernes, Oktubre 11, 2024


 Naging usap-usapan ang desisyon ni Willie Revillame na pumasok sa mundo ng politika matapos niyang mag-file ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) para sa pagka-senador sa darating na 2025 midterm elections. Sa programang "Cristy Ferminute" noong Oktubre 10, ibinahagi ni Nanay Cristy Fermin ang kanyang saloobin ukol sa hakbang na ito ni Willie. 


Sa kanyang komentaryo, sinabing, “ITONG si Willie Revillame papasok sa mundo ng politika ng walang armas, hindi mo alam kung ano ang kanyang plataporma kundi ang magpasaya lamang at magbigay ng tulong sa mahihirap sa ating kababayan!”


Ipinahayag ni Cristy ang kanyang pagtataka sa biglaang pagpasok ni Willie sa politika, na sinamahan ni Romel Chika sa kanyang pagsasalita. 


Sinasalamin nito ang pagka-abala ng mga tao sa balitang ito, lalo na sa mga sumubaybay sa kanyang show. Sa mga tanong mula sa media matapos ang kanyang pag-file, sinubukan ng mga mamamahayag na alamin ang mga batas na nais ni Willie isulong at ang kanyang mga plataporma. Ngunit ang naging sagot ni Willie ay hindi nakakapagbigay-linaw. Aniya, huwag siyang madaliin dahil bagong file lang niya ang kanyang candidacy. 


Dito na nagulat ang mga naroroon, dahil tila siya lamang ang kumandidato na may ganitong pananaw. Ang ilan sa mga kasama ni Willie sa event ay nagkatinginan at tila nagtataka sa kanyang sagot, na nagbigay ng impresyon na hindi siya handa sa mga katanungang ito.


Nanumbalik si Cristy sa kanyang mga pahayag at nagbigay ng kanyang reaksyon: “Wag daw siyang apurahin (kung ano ang plataporma). Aba’y susmaryosep, ‘wag kang apurahin, e, bakit ka pumasok?” 


Ipinahayag nito ang kanyang pagdududa kung talagang handa si Willie para sa hamon ng politika. Isang tanong na hindi maiiwasang itaas ng mga tao ay kung ano talaga ang layunin ni Willie sa kanyang pagpasok sa larangan ng pulitika. 


Sinasabing pangunahing dahilan ni Willie ay ang pagtulong sa mga mahihirap, lalo na sa mga matatanda at senior citizens. Sa kanyang saloobin, sinabi ni Cristy, “Alam n’yo po, mga Kapatid, sa totoo lang, most maligned na litanya ni Willie Revillame ang pagtulong sa mga matatanda, walang pambili ng gamot, walang pagkain sa hapag. Asan ang batas, bakit hindi ka nakahanda? Ano ang plataporma mo?” 


Ipinahayag din ni Cristy na tila ang layunin ni Willie ay mas nakatuon sa pagpapasaya sa mga tao, sa halip na sa mga konkretong plano para sa kanyang nasasakupan. “Ano, gusto mo lang naghahalakhakan ang mga Pinoy dahil pinatatawa mo at binibigyan mo ng pera kaya kumakain at may pambili ng gamot?” dagdag pa niya.


Ang kanyang mga komento ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinaw na plataporma at mga konkretong hakbang para sa mga kandidato sa politika. Sa kanyang pananaw, ang mga ito ay mahalaga hindi lamang para sa mga botante kundi para rin sa mga taong may tiwala at umaasa sa kanilang mga lider. 


Dagdag pa ni Cristy, “Hindi pa man gumugulong ang kampanya, marami na siyang kaaway.” 


Isang pahayag na nagmumungkahi na maaaring maging hamon ang kanyang pagpasok sa mundo ng politika. Sa kabila ng kanyang popularidad sa telebisyon, ang politika ay may sariling hanay ng mga hamon at responsibilidad. Ang pagsali sa ganitong larangan ay nangangailangan ng mas malalim na pang-unawa sa mga isyu at mas matibay na plano para sa mga tao. 


Ang mga reaksyon ni Cristy ay nagpapakita ng kabatiran ng publiko sa mga hangarin ng mga celebrity na pumasok sa politika. Sa kabuuan, ang pagpasok ni Willie Revillame sa mundo ng politika ay hindi lamang isang simpleng hakbang; ito ay isang makabuluhang desisyon na nagdadala ng mataas na inaasahan mula sa mga tao. Ang kanyang kakayahan na makapagbigay ng konkretong solusyon at mga plano sa kanyang plataporma ang magiging batayan ng kanyang tagumpay o pagkatalo sa darating na halalan.




Sharon Cuneta, Humihiling Ng Panalangin Sa Kanyang Mga Fans

Walang komento

Huwebes, Pebrero 1, 2024


 Nananawagan ngayon ng panalangan ang Mega Star na si Sharon Cuneta dahil sa mga kinakaharap niyang isyu patungkol sa kanyang kalusugan.


Naniniwala na ang Mega Star na tila hindi na umano normal ang kanyang nararamdaman at nahihirapan na siya dahil rito.


Sa isang social media post ni Sharon Cuneta, inilahad niyang gusto na niyang makipagbreak sa kanyang katawan dahil sa kanyang nararanasang hirap at sakit na nagpapaalala na umano sa kanyang edad na 58 years old.


Isa sa mga nararamdaman ngayon ni Sharon Cuneta ay ang kanyang ubo na tila inlab na inlab umano sa kanya dahil hindi na siya tinatantanan. Dagdag pa rito ang congestion na hindi rin siya iniiwan.


Inamin rin ni Sharon Cuneta na naka-schedule siyang magpa-MRI dahil sa mga nauna niyang results kung saan nakitang mayroon siyang torn ligament sa kanyang right knee at pinched nerve sa kanyang lower back.


Kinumpirma na rin umano sa kanya ng dalawang hospital ang pagkakaroon niya ng scoliosis. Nais rin umanong malaman ni Sharon Cuneta kung ano ang nangyari sa kanyang pinched nerve na tila nag-travel sa right side ng kanyang katawan o kung may iba pa siyang mga injury bukod rito.


Isiniwalat din ni Sharon Cuneta na magmula nang umuwi sila sa bakasyon nila sa Seoul noong nagdaang taon ay iika-ika na siya sa kanyang paglalakad na labis na niyang ikinabahala.


Naniniwala si Sharon Cuneta na epekto na ito ng mahulog siya noon sa kabayo noong kabataan niya, marahil ay ngayon pa lamang umano siya sinisingil ng kanyang katawan.


Humiling naman ng panalangin si Sharon Cuneta sa kanyang mga fans na sana ay isama siya sa mga dasal, na malampasan niya ang lahat ng mga iniinda niyang sakit sa kanyang pangangatawan na marahil dala na rin ng kanyang katandaan.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa ibinahaging update ni Sharon Cuneta.


"Oh,may history ka pala ng injury nong bata ka pa. Pa MRI ka na Shawie,will pray for you na maging ok result. Take care always. God bless"


"There is only one that can heal all our infirmities, that is our one and only God, our Lord Jesus Christ. He still heals our sick body and even change change our Old life to a new Creation."



30th birthday ni Enrique Gil sa Palawan, may napansin ang mga fans sa kanilang dalawa ni Liza!

Walang komento

Biyernes, Abril 1, 2022



Sa Palawan nagcelebrate ang aktor na si Enrique Gil ng kanyang 30th birthday nitong March 30, 2022 kasama ang kanyang girlfriend na si Liza Soberano. Ipinakita ni Liza through her social media post ang mga ginawa nila sa isang island getaway sa isang beach club at resort sa El Nido Palawan. Caption na pagbati ni Liza kay Enrique,

My boy in his element 🌊


Happy 30th champ. I love you with all my heart 🤍


Kasama nito ang isang video kung saan ibinahagi ni Liza ang kanilang mga ginawa as a celebration and getaway sa birthday ng boyfriend. Ipinakita rin ni Liza ang birthday cake nito at ang kanilang masayang dinner with the family.

Sa sumunod na post naman ni Liza makikita na naka twining outfit sila ni Enrique habang sweet na nagkakatitigan. Caption ni Liza rito,

 Paradise is anywhere with you. Happy birthday my love 🤍


Samantala nagpost rin si Enrique Gil sa kanyang Instagram ang parehong larawang ibinahagi ni Liza at ng mga kasama nila sa beach. Caption naman ni Enrique,

 30 is bangin with this crew. For life ❤️


Subalit ang mga netizens ay may napansin sa pagcecelebrate ngayon ni Enrique sa kanyang 30th birthday. May mga nagkomento na tila hindi tumatanda ang itsura ni Enrique Gil considering na 30 na siya ngayong taon. Pareho umano sila ni Liza na bata pa ang itsura. Samantala may mga netizens din ang nakapuna na tila pareho umanong alagang alaga nila ang isa't isa dahil pareho silang tumataba ngayon mula sa pagiging macho at sexy noon. Marahil ito daw ay bunga ng pandemya at sa pagkawala ng prangkisa ng ABSCBN kaya ineenjoy muna ng dalawa ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanila habang wala pa silang trabaho.

Si Liza Soberano, 24 year old ay naging onscreen partner ni Enrique mula noong 2014. Nagcelebrate sila ng kanilang 7th year anniversary as a couple noong October 2021. Pareho sila naka showbiz hiatus mula noong makansela ang prangkisa ng ABSCBN at makansela ang kanilang serye na Make It With You noong June 2020. Nakatakda naman ang pagbabalik telebisyon ng dalawa ngayong taon.

Mayor Joy Belmonte tumulong sa ilang empleyadong nawalan ng trabaho dahil sa pagsara ng ABSCBN!

Walang komento

Lunes, Marso 28, 2022



Aminado si Mayor Joy Belmonte na isa siya sa nagdamdam sa pagsasara ng ABSCBN noong 2020. Iniisip niya umano ang mga empleyadong nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya. Nabanggit din niya na maayos umano na magbayad ng buwis ang ABSCBN na siyang nakatulong umano sa kanilang lungsod. Marami sa mga nawalan ng trabaho sa nasabing network ang nabigyan naman ng trabaho ni Mayor Joy sa Quezon City. Matatandaang hindi na muling nabigyan pa ng prangkisa ang ABSCBN dalawang taon na ang nakakalipas.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz inilahad ni Mayor Joy ang kanyang saloobin dahil maraming mga artista at empleyado ang naapektuhan dahil dito.

"Una, kasi dinamdam ko ang pagsasara ng ABSCBN because ABSCBN is in Quezon City. I gave my statement of support because ABSCBN pays their taxes well. Malaki ang natutulong ng buwis na nagmumula sa ABSCBN sa mga mamamayan ng lungsod namin. Marami sa mga empleyado sa ABSCBN ay mula sa Quezon City at sila ay mga  bread winners sa kanikanilang pamilya. And I felt really bad about that actually," paliwanag ng Alkalde.


 

Dahil dito ilan sa mga nawalan ng trabaho ay nabigyan niya ng trabaho sa Quezon City. Dagdag pa ni Mayor Belmonte 'yung iba umano mas inuna ang pagpapasara ng ABSCBN. Hindi niya binanggit ang pangalan ngunit malinaw na tinutukoy niya si ANAKALUSUGAN party list representative Michael "Mike" Defensor na kabilang sa mga bumoto para tanggihan ang pagrenew ng prangkisa ng ABSCBN noong July 2020. Pagpapatuloy pa ni Belmonte,

"Ni hindi mo inisip kung paano na ang pang-aral at pangkain ng mga anak ng mga empleyado ng ABSCBN."


 

Daniel Padilla nagsalita na ukol sa ABS CBN Shutdown Issue | Ipinagtanggol sina Kim at Coco Martin

Walang komento

Sabado, Mayo 16, 2020


Ang superstar na si Daniel Padilla ay ang pinakabagong artista na nagsalita laban sa pagsasara  ng NTC sa ABS-CBN. Hinihimok niya ang mga kapwa Pilipino na buksan ang kanilang mga puso at mga mata sa katotohanan.

Si Daniel Padilla, 25, ay nagbahagi ng kanyang video statement sa pamamagitan ng Instagram. Sa hashtag na #LabanKapamilya, ang banner ng isang kampanya sa social media  na nagpo-protesta sa pagsasara ng ABS-CBN. Ikinalulungkot ni Daniel Padilla na ang pagpapalitan ng mga opinyon ay nagsasangkot ng mga insulto. Lalo na laban sa mga kapwa niya artista na dati ng sumali sa kampanya ng Laban Kapamilya.

Nang ma-upload ni Daniel Padilla ang kanyang pahayag noong Miyerkules ng hapon, inaprubahan na ng House of Representative Committee of the Whole ang isang panukalang batas na nagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN hanggang Oktubre 2020.

Ang pansamantalang lisensya will "give both the House of Representatives and the Senate [time] to hear the issues being raised for and against the renewal, and assess, with complete impartiality and fairness, whether or not the network shall be granted a franchise for another 25 years." 

Tinantya ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sa Hunyo - sa sandaling aprubahan ng Senado at Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas - babalik ang ABS-CBN.

Panuorin ang video:


Kathryn Bernardo, hinikayat ang mga kabataan na magsalita at lumaban para sa ABS-CBN

Walang komento

Ang superstar ng pelikula na si Kathryn Bernardo ay nanahimik ng matagal sa gitna ng pagsara ng NTC sa kanyang home network na ABS-CBN, dahil sa takot na maging target ng walang tigil na pagbash tulad sa ibang celebrities na dati nang nagsalita sa isyu.

Ngunit noong Miyerkules, sa wakas ay binasag na ni Kathryn ang kanyang katahimikan upang sumali sa libu-libo na nagpo-protesta sa pagsasara ng ABS-CBN, sa ilalim ng #LabanKapamilya banner sa social media.

Sa isang video statement na na-upload sa Instagram, kung saan siya ay may higit na 12 milyong mga followers, ipinaliwanag ni Bernardo ang kanyang naunang pag-aalangan na magsalita sa kanyang propesyonal na tahanan na 17 na taon, ang ABS-CBN.

Ang huling pagkilala sa mataas na profile ni Bernardo sa politika ay noong 2016, nang inendorso niya ang dating kandidato sa pagkapangulo na si Mar Roxas laban sa ngayoy-president na si Rodrigo Duterte. 

Mula noon, naging maingat na siya sa mga paksang pampulitika.

Nang ma-upload ni Bernardo ang kanyang pahayag noong Miyerkules ng hapon, inaprubahan na ng House of Representative Committee of the Whole ang isang panukalang batas na nagbibigay ng prangkisa ng ABS-CBN hanggang Oktubre 2020.

Ang pansamantalang lisensya will "give both the House of Representatives and the Senate [time] to hear the issues being raised for and against the renewal, and assess, with complete impartiality and fairness, whether or not the network shall be granted a franchise for another 25 years." 

Tinantya ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sa Hunyo - sa sandaling aprubahan ng Senado at Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas - babalik ang ABS-CBN.

Panuorin ang video:


Coco Martin at Kim Chiu Memes Compilation ABS CBN SHUTDOWN

Walang komento

Panuorin natin ang mga memes ni Kim Chiu at Coco Martin. Pati si Gerald Anderson ay nakisali na rin. Hindi rin naintindihan ni Babalu ang Law of the Classroom. Naisipan na ring lumipat ni Coco martin sa GMA sa memes na ito. Ginawan na rin ng background music ang law of the classroom ni Kim. Nang sumikat ang law of the classroom, nagsilabasan rin ang iba't ibang klase ng law. Kabilang na rito ang law ng pag-aasawa, law ng inuman, law ng relasyon, law ng grocery store, law ng swimming pool. May gumawa na rin ng flowchart para mas lalong maintindihan ang law of the classroom ni Kim. May isa ring netizen ang nag post na mas naintindihan pa nila si Miss Everything kaysa sa Law of the Classroom ni Kim Chiu. Sa memes rin na ito ay may binabalak si Coco sa Presidente. Nagsanib pwersa rin si Kim Chiu at Mayor Joy Belmonte. Nagkatotoo nga kaya ang sinabi ni Quiboloy kay Vice Ganda? Iniabot na rin sa Raffy Tulfo ang hinaing ni Kim Chiu at Coco Martin. Ginawan na rin ng kanta ang Law of the Classroom ni Kim entitled "Bawal Lumabas". Natatawa ba kayo sa memes na ito? Isulat ang yong komento sa ibaba at huwag kalimutang mag subscribe for more videos. Credits po pala sa owners ng videos at pictures na ito.


Dating cameraman ng ABS-CBN, ibinulgar ang baho ng network at ang tunay na ugali ni Coco Martin

Walang komento

Martes, Mayo 12, 2020


Isang dating camera man ng ABS-CBN na si Journalie F. Payonan, ibinulgar ang baho ng network.

Inihayag ni Journalie F. Payonan ang saloobin sa ABS-CBN network. Isa siya sa nag demanda sa ABS-CBN noong 2002 dahil sa illegal na pagtanggal ng empleyado. 

Nakasama ng camera man na ito si Coco Martin sa paggawa ng ilang movies. Nang mapanuod niya ang saloobin nila Kim Chiu at Coco Martin, naisipan niyang magsalita. Tingnan ang video:



Kim Chiu nalito rin sa kanyang law of classroom

Walang komento

Linggo, Mayo 10, 2020



Noong Sabado humingi ng tawad si Kim Chiu sa kanyang pagtatangkang iugnay sa classroom ang ABS-CBN issue.

Ginawa ng aktres ang nakalilito na pahayag sa isang session sa Facebook Live nitong Biyernes, kung saan inusisa niya at ng iba pang mga Kapamilya star ang hakbang na isara ang operasyon ng ABS-CBN.



Sa Instagram, sinisi niya ang kanyang sarili dahil nagpadala siya sa kanyang bugso ng damdamin.



Sumulat siya: “Maraming salamat sa lahat ng nakinig at umunawa sa amin kagabi. Thank you for choosing kindness, empathy and compassion! Maraming salamat po.” 

Pagkatapos ay hinarap niya ang kanyang mga kritiko: “Sa sinabi tungkol sa ‘classroom,’ nung binasa ko, hindi ko din naintindihan. Haha! Pareho lang tayo!” 

“Parang pagpapasara lang ng NTC sa ABS, ‘di maintindihan. Okay po. Sensya na! Nadala lang ng bugso ng damdamin. Sa dami ng sinabi ko 'yun lang talaga ang napansin niyo?. Kahit ano paman ang sabihin niyo OKAY LANG PO basta.” 

Sa nasabing stream, inilabas ni Chiu na ang ABS-CBN ang nagbibigay sa mga ordinaryong tao ng mga avenues at platform upang makamit ang kanilang mga pangarap at tulungan ang kanilang mga pamilya.



Isa si Kim Chiu sa mga ABS-CBN stars na nagbahagi ng kanyang saloobin, kasama na rin rito sina Coco Martin at Judy Ann Santos.



Ang stream ay ginamit upang maglunsad ng isang online campaign, na tinawag na "Laban Kapamilya," at hinihikayat ang mga tagahanga ng ABS-CBN na mag-post ng mga larawan online bilang isang simbolo ng pagsuporta.

Panuorin ang video:



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo