Sarah Lahbati Tinanggal Na Ang Gutierrez Na Apelyedo, Magpapa Annul Na Kay Richard?

Walang komento

Lunes, Nobyembre 20, 2023


 Mapangahas na tinanggal ng aktres na si Sarah Lahbati ang apilyedong Gutierrez sa kanyang Instagram account.


Makikitang Sarah Lahbati na lamang ang mababasa sa profile ng aktres sa kanyang Instagram account na dati ay Sarah Lahbati Gutierrez naman.


Gayunpaman, makikita naman sa bio nito ang initials na SLG na maaring Sarah Lahbati Gutirrez ang nais ipakahulugan.


Kumakalat ngayon ang isyung may pinagdadaanan ang marriage life nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez dahil ilang buwan nang hindi nakikitang magkasama ang dalawa.


Maging sa mahahalagang okasyon ay hindi sila nagsasama at tila ba ay naghihiraman na lamang sa kanilang mga anak.


Nakadagdag din sa hinala ng mga netizens na on the rocks ang samahan ng dalawa ng kumalat sa social media ang larawan nina Richard Gutierrez at Kazel Kinouchi na kuha umano noong Undas vacation.


May mga naghinala pa na si Kazel ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.


Sa kabilang banda, naglabas na ng pahayag ang aktres na si Kazel Kinouchi sa pagkakadawit niya sa isyu ng mag-asawa. Ayon sa kanya, normal lamang na minsan ay makikita silang tila magkasama ni Richard Gutierrez dahil magkapit-bahay sila sa Ayala, Alabang.


Iginiit din niya na wala silang relasyon ni Richard Gutierrez at ang panahon na lamang umano ang magsasabi nito.


Samantala, hindi pa naman tuluyang naglalabas ng pahayag ang aktres na si Sarah Lahbati hinggil sa totoong estado ng relasyon nila ni Richard Gutierrez.


Maging ang aktor ay dedma na lamang din sa kumakalat na isyu ngayon patungkol sa kanya at sa kanyang buhay may-asawa.






Kazel Kinouchi, Nilinaw Ang Totoong Relasyon Kay Richard Gutierrez

Walang komento


 Nilinaw ng GMA Sparkle actress na si Kazel Kinouchi ang relasyon nila ni Richard Gutierrez sa gitna ng mga tsismis na umano'y may romantic relationship sila ng aktor at siya ang third party sa napapalitang hiwayan nina Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah Lahbati.


Sa isang live stream, sinabi ni Kazel na habang nagpapasalamat siya sa publicity na nakuha niya dahil sa pagkaka-link kay Richard, iginiit niya na walang katotohanan na isa siyang mistress ng aktor.


“Ang masasabi ko lang, time is the ultimate truth teller,” saad ni Kazel.


Paggigiit pa niya, “Hindi po totoo yun, napakaganda ko naman, ang haba naman ng hair ko guys.” 


Nilinaw din ni Kazel na talagang makikita silang magkasama ni Richard Gutierrez sa ilang pagkakataon dahil magkapit bahay naman sila.


“Hindi po totoo ‘yon, kapitbahay lang po namin yun, maawa na po kayo sa akin. Wag niyo ko pag-chismisan,” hiling ng aktres.


Matatandaan na kumalat ang isyu na may relasyon sina Kazel Kinouchi at Richard Gutierrez nang mamataan sila ng ilang mga netizens na magkasama sa iisang sasakyan kung saan nakasama pa nila ang dalawang anak ng aktor.


Napapabalitang may problema sa relasyon ngayon si Richard sa kanyang partner na si Sarah Lahbati, matapos mapansin ng mga netizens na hindi nakikitang magkasama sa publiko at maging sa kanilang mga post sa social media.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens.


"wala nga pic na magkasama yung dalawa nasa iisang party lang naging kabit pa bigla ng wala sa oras hah"


"i think magkaibigan sila or same village."


"Take this example @blythe ! Madali lang umamin kapag Hindi ka Kabet pero kapag KABET ka ay Tahtahimik ka na lang"



@ashlileyy_ HAHAHAHA LOVE HER SO MUCH #kazelkinouchi #zoeytanyag #foryourpage #fypageã‚· #fypã‚· #fyp #foryou #foryoupage #viralvideo #trending #trendingnow #fypptiktok #xybca #zyxcba #keÅŸfet ♬ original sound - ashley⚘

Michelle Dee, Sinabing Kaya Niyang Sagutin Ang Q&A Kung Nakapasok Siya Sa Top 5

Walang komento


 Aminado rin ang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe na nanghihinayang siya na hindi siya napasama sa top 5 ng nasabing kompitisyon at hindi siya nabigyan ng pagkakataon na sumagot sa Q and A.


Marami sa mga pageant fans ang labis na nanghihinayang sa nangyari sa katatapos lamang ng Miss Universe sa El Salvador.


Sinabi ni Michelle Dee na nalulungkot din siya sa hindi niya pagpasok sa top 5 ng Miss Universe 2023.


Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Michelle na bagama't nakaramdam siya ng saya pagkatapos niyang maging kinatawan ng bansa sa prestihiyosong pageant, nagpahayag siya ng panghihinayang sa hindi niya pag-abot sa question and answer portion ng nasabing kompetisyon.


“It felt amazing. I love putting on a show, but most especially, I love just making all my countrymen so proud. Everything that I could afford to give, I left it on that stage,” saad ng beauty queen.


Dagdag pa niya, “Ultimately, I left it to destiny. Of course, it is not the result that we wanted, but I know as long as all of you are proud, as long as all of you saw the hard work and dedication that was made not just for myself but the whole team behind me as well, that’s enough for me. I hope you are all happy.”


Ayon sa kanya, marami siyang pinaghandaan para sa final portion ng Miss Universe at siniguradong kaya niyang sagutin ang bawat posibleng katanungan na maaaring ibato sa kanya.


“Sayang hindi ako nakahawak ng mic, but if anything just know that I was training the whole year to make sure that if ever I had that moment walang butas. But again, it is all about destiny.”


Matatandaang umabot lamang sa top 10 ng kompetisyon si Michelle, na ikinadismaya ng maraming fans at inakusahan pa ang organisasyon ng Miss Universe na minamanipula ang resulta ng pageant para hindi makarating sa Q&A ang Filipino beauty queen.


Marami pa ang nagsasabi na sinadya ng organisasyon na palitan si Michelle Dee ng pambato mula sa Thailand base na rin sa naunang top 5 na ibinahagi ng Miss Universe El Salvador Instagram account.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento  ng mga netizens.


"You have my utmost respect for trying very hard to win it for the country! 🇵🇭🇵🇭 And yes, they know na Q&A ang forte mo kaya tinumba ka agad. 

 We are proud of you!"


"Michelle hindi kami na-disappoint and I think that is very evident on your performance. Magpasalamat kamo sila at di ka nakahawak ng mic coz they knew what you’re capable of. All I have is respect! Congratulations "


"We are sooooo proud of you MMD 🇵🇭💪👑 you are our miss Universe 2023 . Sayang naman tlgang dika bnigyan nang chance na mapakinggan man lang kaya siguro dika pinapasok kasi alam nilang ioown mo ung mic kasi lalabas ung knowledge mo from the heart. Siguro this is not yet for you but Filipinoes are so so proud of you imagine sa top ten and 80 ang delegates grabe yun ."


"Alam namin lahat na deserve more ang spot sa top 5, you did a great job from day 1. For us you are the REAL WINNER and our Ms. Universe. Wala ka ng kailangan i prove pa. Congrats MMD - FILIPINAS!"




Show Ni Willie Revillame Sa PTV, IBC Hindi Na Matutuloy

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang indefinitely postponed ang show ni Willie Revillame na nauna nang naiulat na eere sa mga governement owned channel na PTV at IBC.


Ayon pa sa mga kumakalat na ulat, nagkaroon ng isyu sa usapan sa pagitan ng television host na si Willie Revillame at mga executives ng mga nasabing channel.


Sa isang episode ng programa ng Veteran Showbiz Columnist na si Manay Cristy Fermin na Cristy Ferminute, isiniwalat niya na hindi natutuloy sa pag-ere ang show ni Willie Revillame sa PTV at IBC dahil sa maraming demand ni Willie Revillame.


Ayon kay Fermin, nasanay na si Willie na magtanong ng mga demands tulad ng ginawa niya sa negosasyon niya sa ABS-CBN, TV5, at GMA.


Gayunpaman, hindi na katulad ang sitwasyon ngayon ni Willie Revillame sa dating private owned network dahil may mga prosesong dapat sundin ang mga channel na pag-aari ng gobyerno.


“May mga kumakalat kasi na maraming demand itong si Willie. Kasi noong nasa ABS siya tapos dito sa TV5, GMA… talagang nasunod ang kaniyang gusto,” pagsisiwalat ni Cristy Fermin.


Matatandaang kinuwestiyon ng ilang mambabatas ang desisyon ng PTV at IBC na kunin si Willie bilang kanilang host.


Ipinaliwanag naman ni IBC 13 President and CEO Jose C. Policarpio, Jr. na gusto nilang maging bahagi si Willie ng kanilang channel para madali nilang maabot ang ‘lowest of the lowest among the people.’


Nakasaad din sa mga ulat na hindi nakatakdang tumanggap ng anumang suweldo mula sa gobyerno si Willie Revillame.


Maging ang mga sponsor na hahawakan ni Willie bilang PTV at IBC ay nasa ilalim ng Commission on Audit.


Nagsimula si Revillame bilang host ng noontime variety program ng GMA Network na Lunch Date noong huling bahagi ng 1980s kasama si Randy Santiago. 


Noong 1995–1997, kinanta ni Revillame ang theme song ng TV drama series na Villa Quintana bilang isang duet kasama ang Rockstar 2. Nang maglaon ay nagsimula siyang lumabas sa iba't ibang mga pelikula, na gumaganap bilang sidekick sa malalaking pangalan ng mga bituin.


Noong 1998, nagsimula siyang mag-co-host ng ABS-CBN noontime show na 'Sang Linggo nAPO Sila. Matapos makansela ang show para bigyang-daan ang kanyang big break sa Magandang Tanghali Bayan, nagsimula na rin siyang lumabas sa Richard Loves Lucy. 


Ang iba pang mga palabas na naging host niya sa loob ng network ay ang Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan at Wowowee, gayundin ang mga variety program ng TV5 tulad ng Willing Willie, Wil Time Bigtime at Wowowillie.


Noong Marso 20, 2015, minarkahan ni Revillame ang kanyang pagbabalik sa GMA Network , ang kanyang pinakahihintay na pagbabalik sa Philippine showbiz at sa telebisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang pinakabagong weekly-variety program na Wowowin, na ipinapalabas sa GMA Network tuwing Linggo ng hapon mula Mayo 10, 2015 hanggang sa naging weekday-variety program ito noong February 1, 2016.


Noong Pebrero 5, 2022, inihayag ng GMA Network na ang kontrata ni Revillame sa network ay magtatapos sa Pebrero 15, 2022. Ang kanyang programa, ang Wowowin ay ipinalabas ang huling broadcast nito noong Pebrero 11, 2022, hanggang sa muling pagpapatuloy nito sa All TV noong Setyembre 13.




Kim Chiu, Paulo Avelino Bibida Sa What'S Wrong with Secretary Kim?

Walang komento


 Paulo Avelino, muling magiging lead man ni Kim Chiu sa isang teleserye.


Sa isang episode ng It's Showtime, hayagang kinumpirma ni Vice Ganda na ang aktres na si Kim Chiu ang bibida sa Philippine Adaptation ng hit South Korean drama na What's Wrong with Secretary Kim?, kung saan gagampanan niya ang papel ni Kim Mi Soo.


Kaagad namang tanong ng mga netizens kung sino naman ang magiging leading man rito ni Kim Chiu kung saan gagampanan nito ang papel ni Lee Young Joon.


Naging matunog naman ang mga pangalan ng mga Kapamilya leading men na sina Paulo Avelino, Gerald Anderson, Jake Ejercito at Enrique Gil para gumanap sa nasabing role na magiging katambal ni Kim Chiu.


Sa kabilang banda, tila nagbigay naman ng hint ngayong araw ang isa sa mga social media accounts ng ABS-CBN. Sa isang post ng Kapamilya Online World ay ibinahagi nila ang larawan ni Paulo Avelino.


Kalakip nito ang caption na, "Paulo Avelino soon."


Hindi pa rito nagtatapos ang pagbibigay ng hint ng nasabing Kapamilya page dahil mababasa sa comment section ang, "yey, Abangan CEO."


Hindi naman lingid sa kaalaman sa mga nakapanood ng What's Wrong With Secretary Kim? na ang papel ni Lee Young Joon ay isang CEO na malaking kompanya.


Matatandaan na katatapos pa lamang ng hit series nina Paulo Avelino at Kim Chiu na Linlang. Marami ang nagandahan sa kanilang pag-arte at nakapansin sa kanilang malakas na chemistry dahilan para hilingin ng ilang mga netizens na sila na lamang ang muling pagtambalin sa Philippine Adaptation ng What's Wrong with Secretary Kim?




Kris Aquino Kinilabutan Sa Kinanta Ni Angeline Quinto Sa Pagbisita Nito Sa Kanya Sa California

Walang komento


 Ginulat ng singer na si Angeline Quinto si Kris Aquino ng kantahan niya ito sa kanyang pagbisita sa tinitirhan nitong bahay sa Orange County, California.


Tila malakas na ngayon si Kris Aquino dahil pinapayagan na siya ng kanyang doctor na tumanggap ng mga bisita.


Sa katunyan, nitong mga nakalipas na buwan naging sunod-sunod ang pagbisita ng mga kaibigan ni Kris Aquino mula sa showbiz.


Matatandaan na kamakailan lamang ay binisita ni Kim Chiu si Kris Aquino sa Amerika na sinundan naman ng pagbisita rito ni Boy Abunda.


Ngayon, ang magaling na singer naman na si Angeline Quinto ang bumisita kay Kris Aquino kasama ang kanyang partner na si Nonrev Daquina at anak na si Baby Sylvio.


Masayang ibinahagi naman ni Kris Aquino sa kanyang Instagram feed ang taos-pusong pag-awit sa kanya ni Angeline Quinto ng theme song sa kanyang ABS-CBN morning show noon na KrisTV.


Labis namang nagpapasalamat si Kris Aquino sa pagbisita sa kanya nina Angeline Quinto kasama ang pamilya nito.


"Thank you for visiting me @loveangelinequinto… it’s a great feeling to reminisce. That’s the good thing about the past, you get to choose which memories to bring with you…"


Samantala, ibinahagi rin ni Kris Aquino sa caption ng kanyang Instagram post ang muling paghihiwalay nila ni Mark Leviste na napagdesisyunan niya noong November 3, mahirap umano ang isang long distance relationship sa katulad niyang sumasailalim sa mga physical demanding treatments.


"may i clarify something i saw from the @inquirerdotnet feed? It was dated November 9, unfortunately by the time that post came out it was no longer true. 


"A long distance relationship is difficult when undergoing very physically demanding treatments like my methotrexate and my Dupixent. 


Nagbahagi din siya ng ilang mga update patungkol sa kanyang kalusugan ngayon.


"But i got my latest blood panel, apart from my very low hemoglobin, all my autoimmune markers are slowly improving. 


"The truth is that i chose to lessen the stressors in my life and put my wellbeing first… on November 3, 2023, i initiated our breakup. It was a well thought out decision based on choosing to do what’s best for me now. I’m dealing with so much and my love life isn’t a priority."


Humiling din si Kris Aquino ng mga panalangin para sa kanyang mga kapatid tulad ng kung paano umano siya ipinagdarasal ng mga nagmamahal sa kanya.


"To protect my family’s privacy, please allow me to not give details about something that’s weighing heavily in our hearts (if you can pray for my sisters too, in the way you’re praying for me, sobra sobra ang pasasalamat ko)"


Samantala, masaya rin ibinahagi ni Kris Aquino ang ilang magagandang balita patungkol sa kanyang kalusugan. Kung saan ibinahagi niya na mula sa limang autoimmune diseases na kanyang kinakalaban ay bumubuti na umo ang kanyang kondisyon sa ngayon.


Sa katunayan, isa umano sa mga ito ay nasa remission na. Sa kasalukuyan ay tatlong autoimmune diseases na lamang ang kanyang kinakaharap.


"Maraming salamat po, against all odds i am slowly getting better and by God’s grace my autoimmune thyroiditis has gone into remission. 


"And also because my doctors caught it early enough, my 5th autoimmune, the mixed connective tissue disease which was strongly pointing towards RA (rheumatoid arthritis) or SLE (lupus) in my latest panel seem to not be a present threat.


"From 5, i’m now just battling 3, BUT 1 of them is the main contrabida because it’s life threatening. THANK YOU for your prayers. God really is listening."




Andrea Brillantes In-unfollow Na Rin Si Kathryn Bernardo Sa Instagram

Walang komento


 Tila nagkalabasan na ng totoong damdamin ang mga sangkot sa third party issue ng hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Matatandaang kumalat na noon sa social media ang isyung naghiwalay na umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil kay Andrea Brillantes.


Ngayon, hindi lamang si Kathryn Bernardo ang nagdesisyon na i-unfollow sa Instagram si Andrea Brillantes maging ang huli ay naka-unfollow na rin sa kilalang nobya ni Daniel Padilla.


Dahil sa kaganapang ito, lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na totoong may naging isyu sa pagitan nila sa kabila ng kanilang pananahimik.


Naging sunod-sunod ang tila pahiwatig nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Andrea Brillantes na totoong may gusot na namamagitan sa kanilang tatlo nang magkasunod na nag-unfollow sa isa't-isa sina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes sa Instagram.


Matatandaan na noong November 17, 2023, napansin ng mga netizens na in-unfollow ni Kathryn Bernardo si Andrea Brillantes sa Instagram.


Samantala, bago kumalat ang break up rumors, mat ilang netizens na nakakuha ng screenshots kung saan nakafollow pa sina Kathryn Bernardo at Andrea Brillantes sa isa't-isa.


Nitong November 19, 2023, lalong lumakas ang hinala ng mga netizens na may nangyayari talaga sa likod ng pananahimik nang tatlo nang maging si Andrea Brillantes ay in-unfollow na rin si Kathryn Bernardo gayung isiniwalat nito noon na ate na ang kanyang turing sa nobya ni Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, makikita pa rin na naka-follow kay Andrea Brillantes si Daniel Padilla habang naka-unfollow na rito ang aktres.


Kasabay naman ng balitang pag-unfollow ni Andrea Brillantes kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Instagram ay ang tweet ni Ogie Diaz.


"So nag-unfollow na pala si bagets ke ate. Kalokah! Ano na ba ang nangyari?"


Tanong ngayon ng maraming mga netizens, ano ang totoong nangyari at ang tunay na dahilan kung bakit napagdesisyunan ng mga Kapamilya actress na ito na mag-unfollow sa isa't-isa sa Instagram. Gaano nga ba katindi ang alitan nila sa isa't-isa para tuluyang tuldukan ang kanilang social media relationship.


Napapatanong din ang kani-kanilang mga fans kung bakit hindi pa rin nilinaw ng tatlo ang buong katotohanan sa isyung naghiwalay na ang longtime celebrity couple kung saan itinuturong third party si Andrea Brillantes.


Matatandaan na nakatanggap ng pambabatikos si Ogie Diaz mula sa mga fans ng KathNiel nang ihayag niya sa isang episode ng kanyang vlog ang unconfirmed news na hiwalay na ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung saan sangkot din ang pangalan ni Andrea Brillantes.


Isa pa sa mga naging katanungan ng mga netizens kung bakit maging si Andrea Brillantes ay nananahimik sa isyu at hindi man lang niya ipinagtatanggol ang kanyang sarili laban sa isyung kinasasangkutan nila ngayon.


Bilang kilala na gentleman at conservative, bakit hindi man lang nagbibigay ng pahayag si Daniel Padilla upang malinis ang kani-kanilang pangalan lalo na kung totoong inosente si Andrea Brillantes?


Sa ngayon, patuloy pa rin na naninindigan ang mga fans ng KathNiel na walang katotohanan ang mga isyung binabato sa kanilang mga idolo at pawang paninira lamang umano ang lahat.


Nasasanay na rin umano sila sa hiwalayan isyu na ibinabato sa KathNiel dahil hindi na ito ang unang pagkakataon na iniisyung hiwalay na ang dalawa.


Sa kabilang banda, may mga naniniwala naman ngayon na matagal nang naghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hindi lamang umano nila ito maamin sa publiko dahil sa kanilang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanila.




Lolito Go, Binatikos Dahil Sa Naging Komento Patungkol Sa Inclusivity Miss Universe 2023

Walang komento


 Viral at pinag-uusapan sa social media ang opinion ng writer na si Lolito Go hinggil sa nangyaring inclusivity ngayon ng Miss Universe 2023.


Pinayagan ng Miss Universe ngayong taon ang isang married contestant, si Miss Universe Colombia Camila Avella, dalawang transgender participants, sina Marina Machete ng Portugal, at Rikkie Kollé ng Netherlands, at ang plus-size contestant, si Miss Universe Nepal Jane Garrett para makipagkumpitensya para sa korona.


Marami naman sa mga fans ng Miss Universe ang nasiyahan sa ginawang hakbang na ito ng Miss Universe Organization kung saan naging inclusive na ang pageant sa mga may asawa, transgender at plus size.


Gayunpaman, hindi pa rin maipagkakaila na marami ang hindi nasiyahan sa ginawang inclusivity ng Miss Universe kabilang na ang writer na si Lolito Go.


Nilinaw naman niya na hindi naman siya against sa inclusity sa isang pageant subalit sobrang inclusivity naman ang ginawa ngayon ng Miss Universe.


“May transgender na, may mga nanay na, may plus-sized na rin sa Miss Universe. I’m all for inclusivity pero hanggang saan ipipilit ng pageant organizers yung inclusivity na ito just to drive home a romantic point? 


"It becomes predictable na and funny to some extent eh. What’s next? Ano pa ba ang hindi represented–PWDs, buntis, senior citizenz, conjoined twins? Sige lang, try nyo lang kami gulatin every year. Trip nyo yan eh,” pahayag ni Lolito.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at sa ilang mga pageant fans kung saan binabatikos si Lolito Go sa kanyang opinyon.


Ipinunto ng ilang mga fans na ang ginawang inclusivity ng Miss Universe 2023 ay isang pagpapakita ng progress at growth sa pageantry.


“Our society is progressing. This also means that we are continuously asking the meaning of beauty, what it means to become a beauty queen, womanhood, etc. The body of knowledge in rationalizing pageants is expanding and even growing its roots to “cater” this generation’s new thinking and beliefs.”


"Nagulat ka? What if tumanggap sila ng candidates na PWDs? What's wrong? Kailang lang ba iyan nangyari? So para hindi ka magulat, stick sila sa format for the past 65 years? Mga bagay nga nagbabago, tao pa kaya....mindset pa kaya..."


"don't say you're all for "Inclusivity" when you're clearly excluding a marginalized sector.

Inclusivity means giving everyone a space for representation. Miss Universe has always been a pageant for WOMAN, wherein cisgender, transgender, married, or etc. are always welcome to share their platforms."


"Tbh bat ang daming say ng mga lalake sa pageant na para sa babae. If being a mother and plus size is inclusivity and defying the standards of a woman, why would a man say anything about it."


"If a pageant says PWDs, buntis, senior citizen, conjoined twins, etc. can join, then they can join, and it will be amazing. That's inclusivity. Good suggestion."


"Kapag inclusivity neng walang maiiwan, hindi pwedeng selective lang ang inclusivity sayo.

Kung mamimili ka lang depende sa mababaw mong pagkakaintindi sa mga bagay bagay, you are not promoting inclusivity."


"Hi there! I understand your concerns about the increasing inclusivity in beauty pageants and how it may seem predictable or comedic at times. 


"However, it's important to note that inclusivity is not about pushing an agenda or driving a romantic point; it's about recognizing and celebrating the diversity of individuals within our society. 


"Beauty pageants, like any other platform, have the opportunity to evolve and continue expanding their inclusivity efforts. You, too, have the opportunity to grow, evolve, and understand what it really means to be "all for inclusivity."


"Pageantry is all about empowering women, not just a certain type of women but all kinds of women. Empowerment means to include all, not to exclude anyone. Hindi kasalanan ng mga married, plus-size at transwomen kung may advocacy sila, beauty to inspire the people. Ambabaw ng take mo sa pageantry at inclusivity kung ganon."



Rendon Labador, Tinawag Na Ta-Nga Ang Designer Ng National Costume Ni Michelle Dee

Walang komento


 Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media at sa ilang mga entertainment news sites ang naganap na Miss Unuverse pageant sa El Salvador.


Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang isinuot na evening gowns ni Michelle Day sa preliminary at final show. Hindi rin nakaligtas sa kritisismo ng mga netizens ang isinuot na national costume ng pambato ng Pilipinas.


Marami ang napahanga sa mga isinuot ni Michelle Dee at sa kanyang overall performance sa Miss Universe competition. 


Sa katunayan, marami ang nalungkot at nainis nang hindi mapasama si Michelle Dee sa top 5 ng competition. Hinala ng mga netizens na may dayaan na naganap at sinadyang hindi makapasok si Michelle.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na plain at simple lamang ang mga isinuot ni Michelle Dee sa Miss Universe competition.


Isa na sa mga bumatikos sa isinuot ni Michelle Dee sa National Costume competition ay ang nagbabago na umanong Motivational speaker na si Rendon Labador.


Hindi na-motivate si Motivational Speaker Rendon Labador sa costume na ipinakita ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa nasabing patimpalak.


Matatandaan na nagviral sa social media ang isinuot na aviator-themed National Costume ni Michelle Dee dahil sa kakaibang konsepto nito, na naglalayong isulong ang Turismo ng Pilipinas.


“The concept itself came from Michelle Dee, she wanted to highlight Philippine tourism. With her national costume, one of our goals was to invite people to come and fly to the Philippines. 


"The solihiya pattern was suggested by Michelle Dee… Aside from the Cordilleran woven fabric, ang dami kong first time sa national costume to be honest. 


"It’s my first time doing fiberglassing technique, first time to work with solihiya pattern, at first time ko incorporating hydronic mechanism and LED lights sa isang costume,” pahayag ng costume designer ni Michelle Dee na si Michael Barassi.


Gayunpaman, para kay Rendon Labador na bagsak at hindi maganda ang isinuot na National Costume ni Michelle Dee na kahit sa costume party ay hindi pa rin ito mananalo.


“Bagsak!!! Sa unang pagkakataon nawala ang creativity ng mga Pilipino. Mahal na mahal ko ang Pilipinas pero huwag naman ninyong sirain, kahit sa costume party baka hindi manalo ‘yan,”  pahayag ni Rendon Labador.


Kinoll-out din ni Rendon Labador ang nag-design ng National Costume ni Michelle Dee, sinabihan niya itong tanga at binubola lamang ng mga magulang simula pagkabata.


“Kung sinoman ang nag-design ng costume ni Michelle Dee, panahon na para magising ka sa katotohanan. Ang t*nga mo mag-design. Siguro ikaw ‘yung binola ng magulang simula pagkabata.”


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang nagdesign ng National Costume ni Michelle Dee na si Michael Barassi.




Nag-Withdraw Na Ng Franchise Sa Miss Universe Si Shamcey Supsup

Walang komento


 Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin sa social media ang katatapos lamang na 72nd Miss Universe kung saan ikinadismaya ng maraming Filipino pageant fans ang hindi pagkakapasok ni Michelle Dee sa top 5.


Marami ang nadismaya nang hindi natawag ang pangalan ni Michelle Dee nang inanunsyo ang pasok sa top 5 ng Miss Universe. Lalo pang uminit ang ulo ng mga pageant fans nang makita na kabilang sa unang top 5 na ibinahagi ng official Instagram account ng MUO si Michelle Dee.


Hinala ng marami ng niluto ang naging resulta ng pageant at sinadya umano ng Thai owner ng Miss Universe na papasukin ang kanyang kababayan na si Anntonia Porslid.


Maging ang National Director ng Miss Universe franchise nang Pilipinas na si Shamcey Supsup ay tila dismayado rin sa naging resulta ng Miss Universe pageant.


Tila nasasayang na lamang umano ang magagaling na kandidata ng bansa na ipinapadala sa Miss Universe sa pamumuno ng Thai na si Anne Jakrajutatip.


Hinala pa ngayon ng ilang mga netizens na may malaking inggit talaga ang mga Thai sa mga Pinay Beauty queens. Magsisilbi umano itong tinik sa mga susunod pang Pinay na magiging pambato ng bansa sa susunod na Miss Universe competition.


Ayon pa sa ilang pageant fans, kahit gaano pa kalakas ang ipapadalang kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe basta si Anne Jakrajutatip pa ang owner ay wala talagang chance na maiuwi ng Pilipinas ang korona.


Samantala, may mga kumakalat na balita na umano'y pinag-iisapan na ng Miss Universe Philippines National Director na si Shamcey Supsup na makipag-ugnayan sa Miss Universe Organization sa pansamantalang pagtigil ng Pilipinas sa pagpapadala ng kandidata habang si Anne pa ang may-ari nito.



Reaksyon Ni Rhian Ramos Sa Hindi Pagpasok Sa Top 5 Ni Michelle Dee Sa Miss Universe 2023

Walang komento

 

Hindi nasiyahan ang aktres na si Rhian Ramos sa naging resulta ng katatapos lamang na Miss Univerese 2023 sa El Salvador.


Hinirang bilang 72nd Miss Universe ang pambato ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios nitong linggo November 19, 2023.


Samantala sa isang Twitter post ni Rhian Ramos hayagan niyang ipinahayag ang kanyang pagkadismaya sa naging resulta ng pageant.


Makikia sa Twitter post ng aktres ang katagang 'something' na sinundan ng tatlong emoji ng isda.


Maaring maiinterpret ang post ni Rhian bilang something fishy, expression sa tuwing hindi kumbinsido ang isang tao sa mga pangyayari sa paligid.


Maaring rin itong expression ng pagpapahayag ng pagdududa sa mga bagay-bagay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit na magkaibigan sina Michelle Dee at Rhian Ramos. Sa katunayan noong kinoronahan bilang Miss Universe Philippines si Michelle Dee ay hindi napigil ni Rhian Ramos na umakyat sa stage para i-congratulate ito.


Sumang-ayon naman ang ilang mga netizens sa naging pahayag ni Rhian Ramos na may 'something fishy' na naganap sa 72nd Miss Universe.


Ibinahagi ng isang netizen ang screen mula sa post ng Official Miss Universe Instagram page kung saan makikitang kabilang sa Top 5 si Michelle Dee sa halip na ang pambato ng Thailand na si Antonnia Porsild.


Bagamat nakapasok sa top 20 at top 10 ay hindi na pinalad pa si Michelle na makapasok sa top 5 ng nasabing Beauty pageant.


May nagsabi pa na tila isang cooking show ang naganap sa nasabing patimpalak.


"Smells like something is cooked."


May nagpunto pa na baka noon pa man ay plano na talagang papasuking ng Miss Universe ang pambato ng Thailand kahit pa hindi naman umano ito deserving.


"Hindi naman sa bias ha, pero mas lamang talaga si Philippines kay Thailand sa whole performance. Kita naman natin don palang sa preliminary angat talaga si MMD. Parang plano na ata papasukin si Thailand sa top 5."


Kaagad ding nag-trending sa Twitter ang hashtag robbed na may kaugnayan sa saloobin ng ilang  mga netizens na dinaya si Michelle Dee sa kamakailang kompetisyon.


Sa kabila ng hindi pagkakapasok sa top 5, ipinahayag naman ng ilang mga netizens at maging ng ilang mga celebrities ang kanilang pagsuporta kay Michelle Dee.


Samantala, nagbigay naman ng mensahe ang former beauty queen at Miss Universe National Director na si Shamcey Supsup para kay Michelle Dee.


"To Michelle, words are not enough to express how immensely proud I am of you and your relentless drive to elevate your cause on the Universe stage. 


"Being awarded as a gold winner in the Voice for Change category is a true testament to your dedication and your ability to walk the talk like a true queen. 


"Securing a place in the top 10 is a remarkable achievement in itself. You have put the Philippines back on the map as a pageant powerhouse, and for that, we are immensely grateful.


"In my heart, I still believe you deserved a spot in the top 5. But as I often say, we can only control so much; the rest is beyond our grasp. 


"Yet, in uniting the Filipino people and showing that kindness can indeed move mountains and create change, you have already triumphed. We eagerly await your return, our Queen. You've made us all so proud."




Jennica Garcia, Ikwento Ang Malaking Epekto Sa Kanya Ng Unang Hiwalayan

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 17, 2023


 Ibinahagi na ng aktres na si Jennica Garcia ang totoong dahilan ng pagtatapos ng kanilang relasyon ng kanyang estranged husband na si Alwyn Unytingco sa pangalawang pagkakataon.


Ibinahagi rin niya ang isang bagay na kinatatakutan niya na magiging epekto sa buhay ng kanilang mga anak dahil sa hiwalayan nilang mag-asawa.


Hinahangaan ng maraming mga netizens ang closeness ng mag-inang Jean Garcia at Jennica Garcia. Marami ring ang natuwa sa pagiging proud nila sa isa't-isa.


Kamakailan lamang, naging guest sina Jean Garcia at Jennica Garcia sa YouTube vlog ni Karen Davila, kung saan sinagot nila ang ibinabatong tanong ng host.


Sinabi ni Jean Garcia na hindi niya nakitaan ng masamang pag-uugali si Jennica Garcia sa kabila ng kakulangan niya bilang ina at sa hindi nito pagbibigay ng buong pamilya.


Hindi umano reklamador ang kanyang anak at ito pa ang nag-aadjust sa mga taong nakakasalamuha nito.


Hinangaan din umano niya ang kanyang anak sa pagiging working mom nito at sa pagbangong muli mula sa hiwalayan sa asawang si Alwyn.


Ipinagmamalaki ni Jean Garcia kung paano pinanindigan ni Jennica ang kanyang anak.


Samantala, hindi naman napigilan ni Jennica na maging emosyunal nang masali sa kanilang usapan ang kanyang mga anak.


Inamin ni Jennica na na may kinatatakutan siyang bagay na mangyari sa kanyang mga anak ngayong tuluyan na silang naghiwalay ng kanyang asawa.


Mula rin siya sa isang broken family kaya alam umano niya ang pakiramdam na hindi nakakasama ang tunay na ama, bagya na maari ring maramdaman ng kanyang mga anak ngayon.


Dahil dito, sa tuwing may lalaking nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal ay kaagad niya itong pinaniniwalaan, bagay na ayaw niyang tularan ng kanyang mga anak lalo na't puro babae ang mga ito.


“Isa po kasi sa nakita ko na naging effect sa akin, dahil lumaki po ako na wala yung papa ko yung parang kapag ka may lalaki po na nagsabi sakin, mahal niya ako. Di niya ako iiwan naniniwala po ako kaagad. 


“Parang yung pinaka-kinatatakutan ko lang po yung baka dahil lumaki ang mga anak ko na hindi kasama ang tatay nila, baka po pag may nagsabi sa kanila ng ganun din baka maniwala po sila kaagad.”




Toni Gonzaga Nagsalita Na Sa Balitang Pagbabalik Sa ABS-CBN

Walang komento


 Nilinaw na ng kampo ni Toni Gonzaga ang isyung magbabalik na umano ang aktres sa ABS-CBN.


Ayon sa isang source na malapit sa aktres, na wala pa umano sa plano ngayon ni Toni Gonzaga na bumalik sa showbiz lalo pa't kapapanganak pa lamang niya sa ikalawang anak nila ni Paul Soriano.


Mas pinagtutuunan umano ng pansin ngayon ni Toni Gonzaga ang pag-aalaga sa kanyang dalawang anak na sina Sevi at Polly.


Matatandaan na kumalat sa social media na umano'y magbabalik showbiz si Toni Gonzaga at sa ABS-CBN upang maging host sa pagbabalik ng Pinoy Big Brother season 11.


Subalit kinumpirma ng malapit kay Toni Gonzaga na wala umano itong katotohanan.


Hindi rin naman nababakante si Toni Gonzaga dahil gumagawa naman siya ng vlogs ang Toni Talks. Ilang araw ring trending sa social media ang inilabas na interviews ni Toni sa kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.


Sinundan naman ito sa kanyang panayam sa magkapatid na sina Papi Galang at Paye.


May 6.7 millions subscribers si Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel at may 5.5 million views na ang kanyang interview kay Alex Gonzaga.


Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, mas kilala bilang Toni Gonzaga, ay isang Filipino singer, host, artista, producer, vlogger at negosyante. Tinukoy bilang "Ultimate Multimedia Superstar" ng bansa ng iba't ibang media outlet, siya ang dating lead host ng long-running reality show, ang Pinoy Big Brother.


Noong Setyembre 2022, lumipat si Gonzaga, kasama ang kanyang asawa, sa AMBS (All TV), isang bagong network ng telebisyon na pag-aari ni Manny Villar.


Kinapanayam ni Toni Gonzaga si Bongbong Marcos sa loob ng Palasyo ng Malacañang, na ipinalabas noong Setyembre 13 sa All TV at na-stream sa pamamagitan ng kanyang YouTube's Toni Talks.


Nagbida rin siya sa 2022 Metro Manila Film Festival entry, My Teacher. Noong November 18, 2022. Muli namang nakatanggap ng pambabatikos si Toni Gonzaga noong ginanap ang kanyang 20th anniversary sa showbiz.




DNA Results Mula sa Samples Na Nakuha Sa Sasakyan Ng Dumuk0t Kay Catherine Camilon Malapit Nang Lumabas

Walang komento


Inanunsyo ng Philippine National Police na kumuha na sila ng DNA samples sa sasakyan kung saan naiulat na inilipat ang nawawalang Miss International Philippines 2023 na si Catherine Camilon noong October 12, 2023.


Abandonadong sasakyan ay nadiskubre ng mga awtoridad nitong Martes sa isang liblib na barangay sa Batangas.


Ayon sa ulat ng pulisya, ilang hibla ng buhok at dugo ang kanilang nakita sa loob ng sasakyan, na sumusuporta sa testimonya ng mga testigo na nagsasabi na nakita nilang duguan si Catherine Camilon habang kinakaladkad ng mga suspek.


Kumuha na rin ang mga pulis ng DNA samples mula sa pamilya ni Catherine Camilon.


Hanggang ngayon, ang pangunahing suspek sa pagkawala ni Catherine Camilon na si Major Allan de Castro, ay nanatiling tahimik  tungkol sa posibleng kinaroroonan ng beauty queen, na umano'y kanyang karelasyon.


Patuloy pa rin nitong pinapabulaanan ang mga alegasyon laban sa kanya. Ang inamin lamang nito ay ang kaugnayan at totoong relasyon nila ni Catherine Camilon.


Samantala, tinitingnan ng mga imbestigador ang anggulo ng pag-ibig dahil nalaman nilang gusto ni Catherine Camilon na wakasan ang relasyon nila ni Major Allan De Castro matapos itong makaranas ng pang-aabuso sa kanyang pakikipagrelasyon sa pulis.


Naniniwala naman ang ilang mga netizens na patay na ang nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatagpuan.


Gayunpaman, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang pamilya ni Catherine na makakauwi pa ng maayos ang kanilang mahal sa buhay.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo