Xian Gaza, Binunyag Ang Pag-Uugali Ni Andrea Brillantes

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 24, 2023


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platform ang mga isiniwalat ng kilalang lalaking marites na ng Pilipinas na si Christian Albert Gaza patungkol sa controversial young Kapamilya actress na si Andrea Brillantes.


May panibagong revelation ang social media personality na si Christian Albert Gaza na kilala rin bilang si Xian Gaza patungkol sa totoong ugali umano ng actress na si Andrea Brillantes na may kaugnayan pa rin sa kinakaharap nitong isyu ngayon.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment sites ang pangalan ni Andrea Brillantes matapos ma-link sa Kapamilya actor na si Daniel Padilla.


Itinuturo ngayong third party ang aktres na si Andrea Brillantes sa naging hiwalayan umano ng long time celebrity couple na KathNiel.


Samantala, kaagad na pinagpipyestahan sa social media ang naging social media post ni Xian Gaza patungkol sa totoong ugali ni Andrea Brillantes.


"Hindi pala si DJ ang unang tinarget niyang sulutin. Marami na pala, hindi lang nami-media. Hobby pala niya mang-agaw pero ang press release eh palaging siya yung biktima. Iniiwasan na pala yan sa industriya dahil sa pangit niyang ugali at pagkatao."


Matatandaan na nauna nang naiulat ang palihim umano na pagkikita nina Daniel Padilla at Andrea Brillantes ng maraming beses.


Sa kabila ng pagiging trending patuloy pa ring nananahimik ang magkabilang panig hinggil sa nasabing isyu.


Sa ngayon ay burado na ang nasabing post ni Xian Gaza, subalit tila huli na ang lahat dahil marami na ang nakakuha ng screenshots.


Tanong ngayon ng ilang mga netizens, sino ang unang target ni Andrea Brillantes na agawin bukod kay Daniel Padilla?




Karma? Anne Jakrajutatip Pinababayarad ng 1 Billion, TCG Company Nagdemanda

Walang komento


 Tila unti-unti na umanong kinakarma ang Miss Universe Organization owner na si Miss Anne Jukrajutatip, limang araw pa lamang matapos ang coronation ng night ng Miss Universe ay sinampahan na siya ng kaso ng TCG Company.


Ang Total Communication Group (TCG) ay dating business partner ni Anne Jakrajutatip.


Nagdedemand ngayon ang nasabing kompanya ng 1 billion Thai baht o nasa 1.5 billion in Philippine Peso para sa damages.


Hindi man lamang umano ipinaalam sa kanila ng kampo ni Anne Jakrajutatip na bankrupt na ang JKN Global Group  dahil dito nawalan umano ng trabaho ang daan-daan nilang manggagawa.


Ayon sa inilabas na pahayag ng TCG, "TCG Social Media Group CO., Ltd. could not satand it and filed a lawsuit against JKN Global Group, demanding 1,0000 million baht in damages to protect its reputation and compensate for some of the damages that occured and reported additional charges of embezzlement. 


"And after closing the company, the partner was not informed. Cast off employees. Ath this time, TCG Social Media Group Company Limited is preparing to colloect documents and evidence to file a complaint to demand justice."


Kumakalat din ngayon ang chart kung saan makikitang nalulugi na ang JKN sa loob ng limang taon. Makikita rin sa nasabing chart na bumaba ang kanilang stock ng 95%.


Sa kabilang ng pagkalugng ito ng JKN, pinilit pa rin nilang makuha ang Miss Universe.


Samantala, tila nagbibigay ng pahiwatig ang Iranian-American businessman na si Patrick Bet-David na gusto niyang saluin at bilhin mula kay Anne Jakrajutatip ang Miss Universe pageant.


Marami naman sa mga netizens at pageant fans ang umaasa na sana nga ay makuha na mula kay Ms. Anne Jakrajutatip ang Miss Universe upang matigil na ang cooking show at maibalik ang tiwala ng mga tao sa nasabing organization.


Matatandaan na marami sa mga pageant fans ang naghinalang niluto ng organization ang resulta ng Miss Universe pageant, nang hindi makapasok sa top 5 ang pambato ng Pilipinas na si Michelle Dee.


Sa kabila ng elegance at uniqueness ng kanyang isinuot na evening gown.


Bukod pa rito, hindi nagustuhan ng ilang mga Pilipino pageant fans ang umano'y harap-harapan na pang-aasar ni Miss Anne kay Michelle Dee matapos nitong pauli-ulit na ipahayag ang pagmomove on.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa balitang ito.


"Tama lng ibenta mo na.kc baka sa susunod wala ng sumali sa mu.dhil dadayain mo lng accla."


"Mag bayad kn accla kayang kaya mo yan.1 bilyon lng sisiw lng yan sau."


"2 years lang na karms na sya agad.. nawala prestige ng MU dahil sa kanya..  bastusin nya ang REP ng Pinas.."




Karla Estrada, Naglabas ng Mensahe Sa Gitna Ng Isyung Kinakaharap Ngayon Ng KathNiel

Walang komento

Huwebes, Nobyembre 23, 2023


 Naglabas ng isang cryptic post ang celebrity mom na si Karla Estrada sa gitna ng kumakalat na tsismis na ang kanyang anak na si Daniel Padilla ay nakipaghiwalay na sa kanyang matagal nang girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Inilabas ni Karla ang kanyang mensahe ilang araw matapos ang kanyang kaarawan kung saan hindi sumipot si Kathryn Bernardo at hindi rin naglabas ng online greetings para sa kanya.


Sa kanyang mga post, binanggit ni Karla ang tungkol sa mga ‘sins’ at utang na loob.


“He who is without sin among you, let him be the first to throw a stone,” pagbabahagi ni Karla ng isang quote mula sa Bible.


Lalong naintriga ang mga netizens nang himukin ni Karla ang mga indibidwal na huwag umasa sa isang tao.


“Hindi mo utang sa iba ang buhay mo. Wag mong gawing props lang ang pagkatao mo para mapasaya mo lang ang iba,” said Karla. “Pasayahin mo ang iyong sarili, deserve mo yun! At kung ang iba ay hindi natutuwa, bahala sila. Kalungkutan nila ‘yon.”


Matatandaan kumalat ang ilang tsismis sa social media na nagsisiwalat na hiwalay na sina Daniel at Kathryn dahil sa umano'y third party.



Nali-link ngayon ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes kay Daniel, at usap-usapan na ilang beses na silang palihim na nagkita simula pa noong nagdaang taon habang si Seth Fedelin pa ang karelasyon ni Andrea.


Ang isyu ay nagbunsod ng conflict sa pagitan ni Andrea at KathNiel fans. Mapapansin din ngayon na tila ina-unfollow na ng malalapit na kaibigan ni Kathryn Bernardo sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla.


As of writing, hindi pa naglalabas ng sagot sina Daniel at Kathryn sa mga kumakalat na tsismis.




Paolo Contis Nilinaw Ang Isyung Hiwalay Na Sila Ni Yen Santos

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Eat Bulaga host hinggil sa kumakalat na isyung iniwan na umano niya ang kanyang girlfriend na si Yen Santos dahil nililigawan na niya ang kanya co-host na si Arra San Agustin matapos kumalat ang videos na sweet sila sa isa't-isa.


Hindi na natutuwa ang Eat Bulaga host na si Paolo Contis sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa umano'y romantic affair nila ng kanyang co-host na si Arra San Agustin.


Sa isang panayam kay Boy Abunda, iginiit ni Paolo Contis na magkarelasyon pa rin sila ni Yen Santos at walang katotohanan na nakikipagrelasyon siya sa iba.


“Yes, kami pa ni Yen,” pahayag ni Paolo Contis.


Ayon kay Paolo Contis, in-edit lamang ang video na ina-upload ng mga netizens sa social media, na nagpapakita ng pagiging clingy niya kay Arra. Iginiit niya na bahagi lang ito ng skit nila sa noontime show.


“Alam mo yung kumakalat samin ni Arra, it’s an edited video of a portion in Eat Bulaga and it was maliciously edited. It’s a love… skit triangle ni Arra, ako, at saka si Candy, played by Betong, and they just keep on posting the Arra side of it.”


Matatandaang nag-viral si Paolo Contis sa social media matapos i-celebrate ni Yen ang kanyang kaarawan nito. Makikita rin na tila hindi man lang binati ni Paolo Contis ang kanyang girlfriend.


Nagsimula ang tsismis na hiwalay na ang dalawa, ilang buwan matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon, nang kumalat ang video ng pagiging sweet ni Paolo Contis kay Arra San Agustin na co-host nito sa Eat Bulaga.


Kasunod nito, namataan ring mag-isa na lamang si Yen Santos sa kanyang pamimili sa isang mall. Hindi katulad noon na lagi niyang buntot si Paolo Contis.




Just in! Aktor Inaming Hiwalay Na Sa Aktres

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang isang Kapamilya actor kung saan kinumpirma niya ang kanilang hiwalayan ng kilalang actress sa industriya ng showbiz.


Kinumpirma na ng Kapamilya actor at Senior High Star na si Elijah Canlas ang kanilang break-up ng kanyang girfriend na si Miles Ocampo.


Sa isang exclusive interview kay Elijah ng ABS-CBN News, kabilang sa mga naitanong sa aktor ang estado ng relasyon nila ng aktres na si Miles Ocampo.


Kaagad naman itong sinagot ng aktor kung saan ipinahayag niyang naghiwalay na sila ni Miles.


Ayon kay Elijah, nagkaroon sila ng matinding pagsubok kamakailan sa kanilang relasyon bukod sa mga pinagdadaanan nila personally.


"It's been hard but we're figuring things out, pahayag ng aktor."


Isiniwalat ni Elijah sa unang pagkakataon ang break-up nila ni Miles Ocampo ilang buwan na ang nakakalipas.


"Okay naman kami, hindi kami galit sa isa't-isa and I always have love for her. I'm always gonna support her sa kahit anong gawin niya and I always be her number one fan, basically."


Dagdag pa ng aktor, "Naglalaan lang kami ng oras sa pag-iisip ng mga bagay-bagay sa aming sarili at sa aming buhay sa ngayon."


Matatandaan na inamin at isinapubliko nina Elijah at Miles Ocampo ang kanilang relasyon noon May 2022.


Unang umugong ang isyung naghiwalay na ang romantic couple na ito nung nagdedmahan ang dalawa sa iisang event na dinaluhan nila.


Kapansin-pansin na hindi sabay na rumampa sa red carpet noon ng Five Break-Ups and A Romance sina Miles Ocampo at Elijah Canlas na naganap sa SM Mega Mall.


Si Kathryn Bernardo ang nakasama ni Miles Ocampo sa pagrampa at katabi pa niya ito sa panonood ng pelikula nina Julia Montes at Alden Richards.


Ipinakita doon nina Miles Ocampo at Kathryn Bernardo ang dating kasamahan nila sa Going Bulilit at malapit ding kaibigan.


Samantala, ang co-actor naman ni Elijah Canlas sa Senior High na si Kyle Echarri ang nakasama niya sa paglakad sa red carpet.




Michelle Dee, Bagong National Director ng Miss Universe Philippines

Walang komento


 Trending at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee na ang bagong National Director ng Miss Universe Philippines.


Nag-ugat ang usaping ito matapos ang ibinahaging live video ni Olivia Quido. Nakunan ng kamera ang pag-uusap nila ni Michelle Dee kasama sina Jonas Gafud at Voltaire Tayag.


May sasabihin sana si Jonas kay Olivia patungkol kay Michelle subalit pinigilan siya ng Beauty Queen. Nag-signal si Michelle na i-secret na muna nila sa pubiko ang balita at ibinulong na lamang nito kay Olivia ang balita.


Pahayag ni Jonas, "Miss O, siya ang bagong ano, the new.."


Makikita namang nagulat si Olivia sa ibinulong ni Michelle Dee sa kanya. Gayunpaman, bakas na sa mukha nito ang excitement sa ibinulong ni Michelle Dee.


Hinala ng marami na nabili na ng pamilya ni Michelle Dee ang franchise ng Miss Universe pageant ng bansa at itinakda siyang maging bagong National Director nito.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano kayaman ang pamilya nina Michelle Dee. Isa ang kanilang pamilya sa may malaking share sa kilalang bangko ng dito sa Pilipinas, ang China Bank.


Kaya naman, hindi malabo na binili na ng pamilya nito ang franchise ng prestigious pageant.


Sakaling totoo ang balitang ito, magiging ka-level na ni Michelle ang mga naunang national directors ng Miss Universe pageant na sina Stella Araneta at Shamcey Supsup.


Kung matutuloy man ito, tiyak na maiiba na ang magiging atake ng Pilipinas sa mga susunod na Miss Universe competitions.


Tiyak umanong sisiguruhin ni Michelle na maging katulad sa kanyang paghahanda sa pageant ang ipagagawa niya sa susunod na maging kandidata ng bansa.


Kilala na rin niya ang ugali at katangian ng Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip, kaya naman kung may mga insidenteng magaganap sa show ay alam na niya kung ano ang approach na gagawin.


Sa kabilang banda, wala pang ipinapalabas na official statement ang Miss Universe Philippines organization hinggil sa balitang ito.


Maging ang kasalukuyang National Director ay nananahimik pa rin hinggil sa bali-balitang ito.





Michelle Dee, Nagsalita Na Hinggil Sa Pagkakamali Ng Miss Universe El Salvador

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang pambato ng Pilipinas sa 72nd Miss Universe na si Michelle Dee patungkol sa pagkakamali ng Miss Universe El Salvador, kung saan napabilang ang kanyang pangalan sa mga nakapasok sa top 5.


Kaagad namang binura ng Miss Universe El Salvador ang nasabing post, subalit tila nahuli na ang lahat dahil marami nang mga Pilipino ang nakakita ng post at nakakuha ng mga screenshots.


Lalong uminit ang ulo ng mga Pinoy fans ni Michelle Dee dahil sa pangyayaring ito. Dahil din sa insidenteng ito, tila nabahiran ang reputasyon at kridibilidad ng Miss Universe Organization.


Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Miss Universe El Salvador sa kanilang pagkakamali at ipinahayag na narinig nila ang announcement kung saan si Thailand talaga ang nanalo, nakamali lamang sila sa pagsusulat ng pangalan. Humihingi rin sila ng paumanhin sa dalawang kandidata.


"Our mistake! In the rush to get our posts up during Saturday's live broadcast, we accidentally mixed up the names oft wo finalists. This was a simple error of moving too fast - we heard the same results live at the same time that you all did, no special access over here! We're sorry to both finalists."


Samantala, nagbigay ng pahayag si Michelle Dee hinggil sa pangyayaring ito kung saan naniniwala siya na may dahilan ang lahat ng mga nangyayari, maging ang 'mistaken post' ng Miss Universe El Salvador.


"I'm one that believes everything happens for a reason, even their 'mistaken post' happened for a reason and it's just a matter of seeing it as a lesson or a blessing."


Gayunpaman, naniniwala umano si Michelle Dee na ang mga prestigious pageants na kagaya ng Miss Universe at ang host country nito ay dapat na maging mas maingat upang maiwasan ang mga pagkakamali. Hindi lamang umano para sa mga delegates kundi maging sa kanilang mga supporter as well.


"If anything though, especially in a prestigous pageant like Miss Universe and most especially from the official host country's official Instagram page, they should be more cautious and respectful not just to the delegates but the supporters that are truly passionate about this platform."


Dagdag pa ni Michelle, na ang tanging layunin lamang niya ay maging proud sa kanya ang Pilipinas, naniniwala rin naman siya na kahit hindi niya naiuwi ang korona ay na-achieved niya ito.


"Ultimately my goal was to make my country proud and I believe I achieved that with or without the crown."


Sa kabila ng paniniwala niyang dapat walang maging mali hindi nama ito maiiwasan dahil nabubuhay naman tayo sa isang unperfect world.


"There should be no room for error, but the reality is that we live in an imperfect world."


Kasalukuyang nasa Mexico ngayon si Michelle Dee kasama ang iba pang mga delegates ng Miss Universe 2023 kung saan nilibot nila ang lugar at naging guest sa iba't-ibang mga TV-shows.


Sa Mexico gaganapin ang Miss Universe 2024 pageant sa susunod na taon.




Kim Chiu Rumesbak, Dinedma Si Xian Lim

Walang komento


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang isyung naghiwalay na rin ang longtime celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Hanggang ngayon ay trending pa rin ang agaw-pansin na swimsuit photos ni Kim Chiu mula sa kanyang beach vacation sa Balesin Island Club.


Sa muling pagkakataon, hindi nakasama ni Kim Chiu sa kanyang well-deserved vacation na ito ang kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim. Ang kasama ng aktres sa pagkakataong ito ay ang kanyang mga kamag-anak.


Samantala, hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na hanapin at itanong kay Kim Chiu kung nasaan si Xian Lim na dati niyang kasa-kasama sa pagbabakasyon.


Napansin ng mga netizens na hindi na umano ipinopost ni Kim Chiu sa kanyang social media accounts ang kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Base sa Instagram posts ni Kim Chiu sa kanyang Instagram account ay noong July 30, 2023 pa nang huling nag-flex si Kim Chiu ng mga larawan nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Ibinahagi noon ni Kim Chiu sa kanyang social media accounts ang naging moment nila ng kanyang boyfriend sa bakasyon nila sa Hongkong.


Makikita pang panay ang kulitan nilang dalawa at napaka-sweet pa nila sa isa't-isa noon. July 16 naman nang naunang ibahagi ni Kim Chiu ang masayang pagbabakasyon nila sa Hongkong.


Makikita pa na nagkomento noon si Xian Lim sa post ni Kim Chiu, na katulad lamang ang moment na ito noong unang linggo ng panliligaw niya sa aktres.


"Hala.. parang first week nung nililigawan pa kita"


Subalit, tila nag-iba na umano ang ihip ng hangin ngayon dahil napansin ng mga netizens na tila wala nang pakialamanan ngayon sina Kim Chiu at Xian Lim sa isa't-isa.


Marami rin ang nakapansin na hindi man lang kino-gratulate ni Xian Lim si Kim Chiu sa matagumpay nitong digital series na Linlang.


Sa kabila nito, marami pa rin sa mga fans nina Kim Chiu at Xian Lim ang naniniwalang maayos pa rin ang relasyon ng dalawa at nagla-lay low lamang ang mga ito dahil sa kani-kanilang mga projects.


Marami rin sa mga fans ng aktres ang nagsasabing huwag nang bigyan pa ng malisya ang mag-isang pagbabakasyon ni Kim Chiu kasama ng kanyang pamilya.


Sa kabilang banda, muling magtatambal sina Kim Chiu at Paulo Avelino na unang nagkatambal sa hit digital series na Linlang.


Sa pagkakataong ito, pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang Philippine Adaptation ng hit South Korean rom-com na What's Wrong With Secretary Kim?


Ang adaptation na ito ay collaboration ng VIU Philippines at ng ABS-CBN na ipo-produce naman ng Dreamscape Entertainment.


Samantala, napansin ngayon ng ilang mga netizens ang pag-iwas ni Kim Chiu sa mga katanungan ng mga netizens patungkol sa kanila ni Xian Lim. Hindi katulad noon na palaging nagbibigay ng update si Kim Chiu at palaging sinasagot ang katanungan kanilang fans patungkol sa relasyon nila ni Xian.



Vice Ganda Ni-Real Talk Si Cristy 'Fermin' Sa It's Showtime

Walang komento


 Tila nakaganti ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Veteran Showbiz Columnist na si Cristy Fermin na ilang beses ding pumupuna sa kanya. 


Si Vice Ganda naman ang naka-iskor ngayon kay Cristy Fermin ng pagkatuwaan niya ang isang contestant sa It's Showtime na may pangalang Cristy.


Sa isang segment ng It's Showtime na Mechus-Mechus may isang contestant na nagngangalang Cristy, dahil dito, hindi na nagpapigil pa si Vice Ganda na magpasaring kay Cristy Fermin. Habang kaharap ang Cristy ng contestant nila.


Ayon kay Vice Ganda, "Kumusta ka Cristy? Ano ang pinagkakaabalahan mo bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan."


Napahiyaw at nagtawanan naman ang mga madlang pipol sa naging pahayag na pasaring ni Vice Ganda laban kay Cristy Fermin. Maging ang kanyang co-host na si Vhong Navarro ay hindi maipinta ang kanyang reaction.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa ang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga taong pumupuna kay Vice Ganda.


Sa katunayan, karamihan sa mga topic sa pag-uusap nina Cristy Fermin sa kanyang vlog si Vice Ganda.


Kamakailan lamang, pinuna ni Cristy Fermin ang pakikitungo ni Vice Ganda sa isang audience sa It's Showtime na humingi ng picture rito.


Gayunpaman, kaagad na rumesbak ang mga madlang pipol at ipinunto nila kay Cristy Fermin na nakikipagbiruan lamang si Vice Ganda sa nasabing audience kaya naman hindi na umano ito dapat na siniseryoso.


Sa kabilang banda, wala pang tugon si Cristy Fermin sa hirti na ito ni Vice Ganda laban sa kanya.


Gayunpaman, inaasahan na ngayon ng mga madlang pipol na reresbak si Manay Cristy Fermin sa pasaring ni Vice Ganda laban sa kanya. Sigurado umanong may ilalabas na naman itong puna laban kay Vice Ganda.


Samantala, narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa isyung ito.


"lafttip yung cristy sinungaling 🤣🤣🤣"


"ang unfair nmn ng mechoose ... ung iba ngkaron ng chance ... samantlng ung dalawang pair wlaa ng chance😞😞😞pnget nmn ng rules dahil overtime na😣😣😣"




Ginawa Ng Mga Kaibigan Ni Kathryn Bernardo Kay Daniel Padilla, Andrea Brillantes

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Box Office Director na si Cathy Garcia hinggil sa kumakalat na balitang in-unfollow niya sa Instagram ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla, sa gitna ng isyung naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kamakailan lamang, napansin ng ilang mga netizens na hindi naka-follow sa official Instagram account ni Daniel Padilla si Cathy Garcia, kinunan ito ng screenshot at ipinakalat naman sa iba'-ibang social media platforms.


Makikita rin sa mga nasabing screenshot na naka-follow naman si Direk Cathy Garcia kay Kathryn Bernardo. Samantala, makikita namang naka-follow si Daniel Padilla kay Cathy Garcia.


Dahil dito, nagkaroon ng iba't ibang espekulasyon ang ilang mga netizens hinggil sa umano'y pag-unfollow ni Direk Cathy kay Daniel Padilla gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit sila sa isa't-isa.


Si Direk Cathy Garcia ang direktor ng limang pelikula na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya naman napalapit na rin sila sa isa't-isa. Sa katunayan, invited pa noon sina Kathryn at Daniel sa kasal ni Cathy Garcia.


Si Direk Cathy Garcia rin ang director ng tatlong teleserye ng KathNiel ang Got 2 Believe, Pangako Sa'yo at La Luna Sanggre. Siya rin ang direktor ng dalawang box-office film na The How's of Us at She's Dating The Gangster.


Samantala, sa isang Instagram post ni Direk Cathy Garcia nitong myerkules, tuluyan na niyang binasag ang kanyang katahimikan patungkol sa umano'y pag-unfollow niya kay Daniel Padilla.


Ibinahagi ng direktor ang mga screenshots na kumakalat kung saan makikitang hindi niya pina-follow si Daniel Padilla.


Ayon kay Cathy Garcia, talagang walang makikitang Daniel Padilla sa kanyang following list dahil noon pa man ay hindi na umano niya pina-follow ang aktor.


Hiniling din niya sa mga netizens na huwag na siyang idamay pa sa isyu ng KathNiel dahil wala umano siyang alam sa pinagdadaanan ngayon ng dalawa.


"Mga bakla huwag niyo na po ako idamay dito. Wala talaga kayong makikitang supremo dj sa followed ko kasi hindi ko naman siya fina-follow noon pa. Di ko alam totoong account niya kasi. 20 nga lang fina follow ko e. Noon pa. Kaya Huwag na po nating gawing issue.

Wala nga akong alam inangkupo."


Matatandaan na noong November 8, lalong lumakas ang isyung naghiwalay na ang longtime celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang isiwalat ni Ogie Diaz sa isa sa kanyang mga vlog ang isyung ito.


Dawit sa hiwalayan ng dalawa ang pangalan ng isa pang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na nili-link kay Daniel Padilla at palihim na nagkikita ang dalawa.


Gayunpaman, nilinaw ni Ogie Diaz na hindi pa naman kumpirmado ang tsismis na ito at hindi umano nanggaling sa kanya ang balita.


Inalamahan naman ito ng mga KathNiel at tinawag na fake news peddler si Ogie Diaz dahil sa pagpapakalat niya sa hiwalayan ng dalawa gayung hindi pa naman ito kumpirmado.


November 10, tila pinabulaanan ni Daniel Padilla ang isyu nang ibahagi niya sa kanyang Instagram story ang video ni Kathryn habang naghahanda sa isang photoshoot sa Preview.


Sa mga sumunod na araw, makikitang nagkasamang muli sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang event. Inirepost pa mismo ng aktres ang mga larawan nilang magkasama.


Sa kabilang banda, napansin rin ng mga netizens na in-unfollow na ngayon ng ilang mga celebrities na malapit kay Kathryn Bernardo sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla. Kabilang sa mga ito sina Chie Felomino, Robi Domingo.


Makikita ring in-unfollow nina Miles Ocampo at Loisa Andalio sa kanilang Instagram account si Andrea Brillantes.




Dalawang Anak Nina Coco Martin, Julia Montes Pinangalanan Ni Cristy Fermin

Walang komento


 Kinumpirma ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang isyung may anak na ang Kapamilya actress na si Julia Montes at ang ama ay ang Kapamilya actor-director na si Coco Martin.


Usap-usapan ngayon sa social media ang mga isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa kanyang programa kung saan kinumpirma niya at pinangalanan ang umano'y dalawang anak nina Julia Montes at Coco Martin.


Naging usap-usapan ang totoong relasyon nina Julia Montes at Coco Martin nang lantaran na nilang ibinahagi ang kanilang mga larawan na magkasama sa social media.


Ibinahagi ng rumored couple ang kanilang mga sweet photos na magkasama sa kanilang pagbabakasyon sa Switzerland.


Samantala, muling napansin ng mapagmatyag na mga netizens ang madalas na pagtakip ni Julia Montes sa kanyang tiyan gamit ang jacket o ang kanyang bag.


Kaya naman, muling naghinala ang mga ito na nagdadalang tao ang aktres.


Sa kabilang banda, naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sina Julia Montes at Coco Martin.


Ipinahayag ng tatlo ang kanilang kasiyahan sa pagiging bukas nina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang relasyon sa publiko.


Ipinahayag din nila ang kanilang kasiyahan kung sakaling muling nagbubuntis si Julia Montes. Isiniwalat pa ni Manay Cristy Fermin na ikatlong anak na ito ng dalawa kung sakali mang nakabuo na muli ang mga ito.


Pagbubunyag ni Cristy Fermin, "Totoo po na meron na silang anak. Apat na taong gulang na po ang batang babae na panganay nila.


"Bakit ko po sinabing panganay? May kasunod na po ang bata, nagdadalawang taon naman po at lalaki."


Bukod dito, ipinahayag din ni Cristy Fermin ang mga pangalan ng mga anak nina Julia Montes at Coco Martin.


"Ang pangalan ng panganay nila ay Matilda. Ang bata pong ito, ang pangalan ay isinunod sa nagpalaking lola kay Coco at kamakailan lang po ay bininyagan naman ang batang lalaki.


"Siguro po, naramdaman niyo rin po yun nung may nagpost sa party na meron pong cake sa likod na may nakasulat na Popoy. Yun po ang ikalawang anak nina Coco at Julia, si Popoy.


"Kaya dalawa po ang kanilang anak, isang babae, isang lalaki."


Samantala, inilarawan din ni Cristy Fermin ang hitsura ng dalawang bata. Ang bunso umano ay kuhang-kuha ang mga mata ni Coco Martin samantalang kamukhang-kamukha naman umano ni Julia ang panganay na babae.


Sa kabila nito, ipinahayag naman ni Cristy Fermin na naiintindihan umano niya sina Coco Martin at Julia Montes kung bakit iniiwas nilang mapag-usapan sa showbiz ang kanilang mga anak bilang magulang.


"Kung hindi man po magsalita si Coco Martin at Julia sa pagkakataong ito, naiintindihan pa rin po natin. Ang gusto lamang po nila ay tahimik na buhay at pribadong buhay."


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens hinggil sa isiniwalat ni Cristy Fermin patungkol kina Coco Martin at Julia Montes.


"As a cocojul fan since day 1, basta in love parin ang cocojul masaya na ako. Ang mga anak at kasal ay bonus na para sa aming mga fans. At tama po kayo, hindi nakakasira ng career ng cocojul ang balitang may anak sila kasi pareho silang mabait. Bilang mga artista sila, si julia walang negative issue. Si coco may issue here and there, pero yung core values ni coco intact."


"I love your comments about coco and julia...sila lang ang nakilala kong loveteam na tahimik at masaya ang lovelife... Mabait talaga si coco at julia kaya di impossible na maraming nagmamahal sa pagmmahalan nila."


"Coco Martin and Julia Montes are not obligated to tell everything in their lives. Yes we idolize them but let's give them even a little piece of privacy."




Ricci Rivero Viral Dahil Sa Reaksyon Ng Hiwalayan Kathniel Bernardo at Daniel Padilla

Walang komento


Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang ingay patungkol sa isyung naghiwalay na ang longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Sa patuloy na pag-ingay sa isyung hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla may panibagong pangalan na pinang-uusapan ngayon ng mga netizens ang pangalan ni Ricci Rivero.


Binalikan ng ilang mga netizens ang naging bwelta ni Ricci Rivero sa tweet ng bestfriend ni Andrea Brillantes na si Bea Borres.


Kung saan nabanggit ni Ricci Rivero ang pahayag na 'time is the ultimate truth teller.


Pahayag noon ni Ricci Rivero, "Di ba dinadamay nila yung isa na walang kasalanan? Dahil ngayon nagsasalita na ako pumapatol na? Antayin natin yung time is the ultimate truth teller ng magkaalaman sino talaga, isama kita sa washing machine eh”


Dahil sa pagkakaugnay ngayon ng pangalan ni Andrea     Brillantes sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hinala ng mga netizens na ito na ang sinasabi ni Ricci Rivero sa kanyang tweet patungkol sa 'time is the ultimate truth teller'.


Matatandaan na si Andrea Brillantes ang itinuturong third party sa hiwalayan ng KathNiel dahil sa palihim umano na pagkikita ng dalawa.


Samantala, sa naunang bwelta noon ni Ricci Rivero sa kaibigan ni Andrea Brillantes, nabanggit niya ang tungkol sa totoong nangangabit.


Noong una, inakala ng marami na bwelta ni Ricci ang kanyang tweet kay Bea Borres, kung saan si Bea ang pinagsasabihan ni Ricci Rivero na nangangabit, subalit, ngayon napagtanto ng mga netizens na tila para kay Andrea Brillantes ang naging pahayag ni Ricci Rivero.


“puro tweet Bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi  ka lifeline para may bala ka bago ka magreply publicly for your publicity. Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline.”


Hinala ng mga netizens na noon pa man ay may alam na si Ricci Rivero sa umano'y palihim na pagkikita nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla kaya naman ganun na lamang ang tapang nito sa pagpapahayag patungkol sa totoong kabit.


Maging ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ay naniniwala ring noon pa man ay may alam na si Ricci Rivero at umano'y nanahimik lamang ito sa una para hindi na mapag-usapan pa.


Subalit, nang ma-provoke na umano ito dahil sa natatanggap na pambabatikos mula sa kampo ni Andrea Brillantes, subalit nang maprovoke na umano ito ay doon na bumwelta. Hindi lamang nito idinetalye ang isyu ng pangangabit.


“Para bang ang laman n’on e sino ang nauna sa kanilang dalawa… Reading between the lines para bang ang ibig sabihin ng basketbolista e ‘Ano? Magkakasama kayo hindi n’yo alam? Sino ba ang nauna sa aming dalawa?’ Parang ganoon. ‘Yun ang naglalaro sa utak niya,” saad ni Cristy Fermin.


Sa kabilang banda, tila nilinaw na ni Daniel Padilla ang isyu sa pagitan nila ni Kathryn Bernardo kung saan ipinahayag niyang walang dapat ipag-alala ang kanilang mga fans dahil ginagawa niya ang lahat para hindi sila tuluyan na masira ni Kathryn Bernardo.





Ogie Diaz Nagbigay ng Saloobin Sa Unfollow Rumor nina Kathryn Bernardo, Andrea Brillantes

Walang komento

Miyerkules, Nobyembre 22, 2023


Ibinahagi ng talent manager at entertainment columnist na si Ogie Diaz sa isang Facebook post ang kanyang saloobin sa kamakailang isyu tungkol sa mga napapabalitang unfollowing activities na kinasasangkutan ng mga Kapamilya celebrity na sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Andrea Brillantes. 


Sa kanyang official Facebook page, isiniwalat ni Ogie Diaz ang lumalalang tsismis ng follow-unfollow actions, sa espekulasyon na maaaring i-unfollow ng mga tagasuporta ni Kathryn Bernardo si Andrea Brillantes dahil sa hindi na-verify na tsismis na nag-uugnay kay Daniel Padilla sa huli.


"Grabe na yung isyu ng follow-unfollow. Dahil maraming nagmamahal kay Kathryn Bernardo, bilang pakikisama, ayun, pinag-a-unfollow nila si Andrea Brillantes."


Nagbiro pa si Ogie Diaz na hindi niya kailanman ia-unfollow sa Instagram sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


"Anyway, wag kayong mag-alala, Kathryn, DJ at Blythe. Kahit di n’yo ako pina-follow sa instagram ko (@ogie_diaz), hindi ko kayo ia-unfollow."


Dagdag pa ni Ogie Diaz, "Nakaka-tense na sa mga panahon ngayon na mababalita kung ina-unfollow mo ang isang tao."


“Eh, paano nga kung i-unfollow ko yang tatlong bagets na yan tapos hindi naman maibalita o ma-viral na ‘Ogie Diaz, in-unfollow na sina KathNiel at Andrea!‘ 


“Ako pa napahiya, di ba? Kaya ayoko nang mag-dare mag-unfollow. Baka sabihin, isa’t kalahating inggitera lang ako. “Pero ano nga kaya kung i-deactivate ko yung IG ko? Ma-viral na kaya?”


Matatandaan na nagtrending sa social media si Ogie Diaz nang kuyugin siya ng mga KathNiel fans matapos niya isiwalat ang nakarating sa kanyang tsismis patungkol sa paghihiwalay ng KathNiel.


Marami sa mga fans ang nainis sa pagpapakalat umano ni Ogie Diaz ng fake news patungkol sa kanilang mga idolo gayung hindi pa naman kumpirmado ang hiwalayan ng dalawa.




Kaila Estrada, Naglabas Ng Mensahe Para Sa Kanyang Ama

Walang komento


 Hindi napigilan ng Kapamilya actress na si Kaila Estrada na maging emosyunal sa isang panayam ni Bernadette Sembrano lalo na nang magbigay siya ng mensahe para sa kanyang ama na si John Estrada.


Noon pa man ay hinahangad na umano nila ang pagkakataon na maging maayos ang kanilang relasyon kaya naman labis siyang nagpapasalamat ngayon.


"Siguro kay dad, thank you kasi... ito 'yung time na, Parang 'yung relationship namin kasi, ito 'yung hinahanap namin noon pa. So I'm glad na we're at this point in our lives already na okay talaga kaming lahat. And it really, truly is a blessing."


 Hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na mula sa isang broken family si Kaila Estrada. Bata pa lamang siya nang magpasyang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Hindi rin naging maganda ang hiwalayan ng mga ito kaya naman hindi sinasadyang nadadamay silang magkakapatid.


Gayunpaman. malaki pa rin ang pasasalamat ni Kaila sa kanyang ina na si Janice De Belen sa pagtataguyod sa kanilang magkakapatid.


Subalit ngayon, walang pagsidlan ang kasiyahan ni Kaila dahil sa pagiging present na umano ni John sa kanilang magkakapatid. 


"Thank you kasi, You really made an effort din to become close to us," pahayag ni Kaila.




Miss Universe Ph, Ipinaliwanag Ang Dahilan Ng Pagpapaalis Ky Michelle Dee Sa TV Guesting Sa Mexico

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Miss Universe Philippines Organization hinggil sa mga kumakalat na video sa social media na umano'y pinagkaisahan si Michelle Dee sa naganap na guesting nila sa Mexico.


Bilang tugon sa nasabing viral video na kumakalat ngayon, naglabas na ng pahayag ang Miss Universe Philippines Organization upang linawin ang mga pangyayari na nakapalibot sa isang insidente kung saan lumalabas na pinaalis si Michelle Dee sa isang guest appearance sa isang Mexican television show.


Makikita sa video, ang paglapit ng dalawang babae kay Michelle Dee upang i-escort siya palayo sa mga kasamahan habang nagsasagawa ng photo opt.


Nang makaalis sa stage tila pinag-uusapan si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ng mga nakasama niya entablado kabilang na ang may-ari ng Miss Universe Organization na si Anne Jakrajutatip at mga kapwa contestant mula sa Lebanon, Germany, Colombia, Thailand, at USA.


Sa gitna ng espekulasyon at pag-aalala ng ilan sa mga tagahanga ni Michelle na naniniwalang maaaring nahaharap ito sa kahihiyan o pambu-bully, tinugunan ng Miss Universe Philippines Organization ang sitwasyon sa kanilang Facebook pos. 


Ayon sa Miss Universe Philippines Organization, na ang pag-alis ni Michelle ay nangyari pagkatapos ng segment. Nilinaw din nila na ang pag-alis ni Michelle ay dahil nagpaalam itong magpahinga na muna dahil sumakit ang ulo nito dahil sa busy schedule.


Hiniling umano mismo ni Michelle Dee na bumalik na siya sa kanyang tinutuluyang hotel room upang makapagpahinga.



Kathryn Bernardo Hindi Binati Si Karla Estrada sa Kaarawan

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang patuloy na pananahimik ng KathNiel sa isyung kinaharap nila ngayon, maging ang dati nilang tagapagtanggol sa mga bashers na si Karla Estrada ay nanahimik rin.


Sa kamakailang kaarawan ni Karla Estrada kung saan ipinagdiwang niya ang kanyang ika-49 na kaarawan, kaagad na napansin ng mga netizens na hindi nila nakasama si Kathryn Bernardo.


Hindi rin binati ng aktres ang ina ni Daniel Padilla na dati naman niyang ginagawa noon. Gayunpaman, hindi naman nagsasalita si Karla Estrada kung personal o nagpadala ng private message si Kathryn Bernardo para batiin siya.


Kasunod nito, ibinahagi naman ni Karla Estrada ang isang cryptic post na hinala ng ilang mga netizens ay may kaugnayan sa nangyayari ngayon sa pagitan ng kanyang anak at Kathryn Bernardo.


“Hindi mo utang sa iba ang buhay mo. Wag mong gawing props lang ang pagkatao mo para mapasaya mo lang ang iba. Pasayahin mo ang iyong sarili, deserve mo yun! At kung ang iba ay hindi natutuwa, bahala sila, kalungkutan na nila yun.”


Hindi naman napigilan ng ilang mga fans na mag-alala sa totoong nangyari sa pagitan ng magkasintahan.


Gayunpaman, naniniwala pa rin ang ilang mga fans sa naging pahayag ni Daniel na aayusin niya at siya na ang bahala sa relasyon nila ni Kathryn.




Kathryn Bernardo, Daniel Padilla Lilipat Na Ng Ibang Talent Agency

Walang komento


 Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang isyu ng hiwalayan ng celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kasunod ng mga isyung ito, may naglabasang mga speculations na iiwan na umano ng KathNiel ang ABS-CBN Star Magic.


Ayon sa isang source, hanggang ngayon ay hindi pa umano nagrerenew ng kontrata ang KathNiel sa ABS-CBN gayung nag-expire na umano ang kanilang mga kontrata nitong taon.


Sa katatapos lamang na Christmas event ng Star Magic nitong sabado, kapansin-pansin na hindi dumalo ang KathNiel. Gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mga Star Magic talent silang dalawa.


Marami na rin ang nakapansin na hindi sumisipot ang dalawa sa iba pang mga Star Magic event ngayong taon.


Samantala, kumalat naman ngayon sa social media ang larawan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo kung saan kasama nila si Maja Salvador.


Hinihikayat umano ngayon ni Maja Salvador ang dalawa na lumipat na sa kanyang talent agency na Crown Artist Management ngayong nag-epire na umano ang kontrata ng dalawa sa ABS-CBN at Star Magic.


Sa kabilang banda, wala pa namang ipinapalabas na pahayag ang ABS-CBN at ang Star Magic hinggil sa isyung hindi na irerenew ng KathNiel ang kanilang kontrata.




Pamilya Ni Anabelle Rama Kinumpirma Ang Hiwalayan Nila Richard Gutierrez at Sarah Lahbati

Walang komento


Bukod sa hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, naging matunog din ang isyung naghiwalay na rin ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Tila kinumpirma na ng Gutierrez family ang hiwalayan nina Richard Gutierrez at asawa nitong si Sarah Lahbati. 


Kamakailan lamang ay nagkaroon ng mahalagang okasyon ang pamilya Gutierrez kung saan ipinagdiwang ng buong pamilya ang baptizing ng anak ng kapatid ni Richard na si Rocky Gutierrez.


Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez sa kanyang social media account ng larawan ng kanyang kapatid na si Richard Gutierrez kung saan kasama nito ang kanyang mga anak. Sa pagkakataong ito ay hindi rin nila kasama si Sarah Lahbati.


Makikita rin sa mga ibinahaging video ng pamilya na marami silang bisita katunayan nakita pa sa video ang rumored boyfriend ni Ruffa Gutierrez na si Bistek Herbert Bautista. Naroon din ang iba pa nilang mga kamag-anak.


Hindi naman lingid sa kaalaman nang lahat na dati ay palaging nakakasama si Sarah Lahbati sa mga okasyon at events ng mga Gutierrez dahil malapit siya sa mga ito, lalong lalo na kay Ruffa Gutierrez.


Sa katunayan, noong may hindi pagkakaunawaan sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay nagkakasama pa rin sina Ruffa at Sarah.


Naninibago ngayon ang mga netizens kung bakit hindi na namamataan si Sarah Lahbati sa mga okayon at events ng pamilya Gutierrez na naging dahilan ng paglabas nang isyung naghiwalay na ang mag-asawa.


Samantala, sa kamakailang binyag ng anak ni Rocky Gutierrez na si Maria Athena, makikitang naroon ang lahat ng malalapit na pamilya ng mga Gutierrez at tanging si Sarah lamang ang wala roon.


Sa ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng anumang pahayag si Anabelle Rama hinggil sa nasabing isyu na ikinagulat ng mga netizens dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung gaano ka palaban itong si Anabelle sa mga isyu ng kanyang mga anak.


Napansin din na tinanggal na ngayon ni Sarah Lahbati sa kanyang Instagram profile ang apilyedong Gutierrez na tila pahiwatig umano nito na ayaw na niyang makipag-ugnayan sa mga ito.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo