TV Host Aktres Bet Bumalik Sa Its Showtime! Madlang Pipol Umalma!

Walang komento

Martes, Pebrero 20, 2024


 Hanggang ngayon ay patuloy pa ring nakakatanggap ng pambabatikos si Karla Estrada at ang It's Showtime, dahil sa pagiging guest ng ina ni Daniel Padilla sa segment ng It's Showtime na Expecially For You noong sabado.


Naging guest sa Kapamilya noontime show na It's Showtime ang actress-TV Host na si Karla Estrada dahil sinamahan nito ang kanyang pinsan at BFF na si VIa Veloso bilang 'searcher'.


Napataas naman ang kilay ng mga netizens sa ginawa ni Karla Estrada sa It's Showtime dahil para-paraan lamang umano ito para sa kanyang anak at para sa kanyang sarili na makabalik muli sa ABS-CBN.


May mga bumatikos rin sa ABS-CBN kung bakit hinayaan pa umano nilang mabigyan ng platform si Karla Estrada sa show at tila binali pa ang rules ng Expecially For You para lamang kay Karla Estrada.


Bukod pa rito, hindi rin nagustuhan ng maraming manonood ang pagpaparinig ni Karla Estrada sa supervising producer na si Lanie Gutierrez. Ilang beses din itong sinaway ni Vice Ganda dahil baka mapagalitan sila dahil wala na sa format ang mga sinasabi nito.


Samantala, ang lalong nagpa-inis talaga sa mga netizens ay ang katotohanang sinuportahan ni Karla Estrada noong nakaraang halalan ang partido ng mga pulitiko na nagdeny sa franchise renewal ng ABS-CBN na naging dahilan para mawalan ng kabuhayan ang libo-libong nagtatrabaho sa nasabing network.


Sa kabila ng mga pambabatikos na natanggap ni Karla Estrada sa kanyang pagiging guest sa It's Showtime, masaya pa niyang ipinlex sa kanyang social media ang isang art card kung saan makikitang trending sila dahil sa nangyari.


Tila nasasanay na si Karla Estrada na noon pa man ay nakakatanggap na ng mga negatibong komento mula sa mga netizens tila binabaliwa at dinidedma na lamang ito ng actress.


Iniisip na lamang nito na nakakakuha pa rin siya ng publicity kahit puro naman ito pambabatikos.


Paulo Avelino, Mas Pinili Si Kim Chiu Kesa Kay Janine Gutierrez

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platform at mga entertainment news sites ang mga isiniwalat nina Ogie Diaz patungkol sa posibleng dahilan ng hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.


Bagama't hindi naman hayagang inamin noon nina Paulo Avelino at Kim Chiu ang kanilang relasyon, marami naman ang nagkumpirmang magkarelasyon na ang dalawa kung pagbabasehan ang kanilang mga sagot sa dating mga panayam noon.


Kaya naman marami pa rin sa kanilang mga tagahanga ang nalulungkot dahil sa hiwalayan ng dalawa ngayon kung saan maaring si Kim Chiu ang dahilan.


Ayon naman sa ilang mga naglabasang haka-haka, na mas pinili umano ni Paulo Avelino ang kanyang long time celebrity crush na si Kim Chiu kaya tuluyan silang nagkalabuan ni Janine Gutierrez.


Marami naman ang naghinala na mas pinili ni Paulo Avelino si Kim Chiu dahil hindi naman maitatanggi na mas kilala ito sa industriya ng showbiz kaysa kay Janine Gutierrez.


Naging praktikal lamang uumano ngayon ang aktor dahil mas pinag-uusapan naman talaga ang kanilang tambalan ngayon ni Kim Chiu kaysa noong si Janine Gutierrez pa ang kanyang leading lady.


May mga nagsasabi ring tila mas pinapahalagahan umano ngayon ni Paulo Avelino ang aktres na si Kim Chiu kaysa ang girlfriend na si Janine Gutierrez na naging dahilan ng kanulang hindi pagkakaunawaan.


Noon pa man ay hindi na nawawala sa telebisyon ang pangalan ng aktres na si Kim Chiu dahil sa ipinakita niyang galing sa pag-arte mapa pelikula man o teleserye. Pinatunayan na rin ni Kim Chiu ang kanyang talento sa paggananp ng iba't-ibang mga roles na napagtagumpayan naman niya.


Sa kabilang banda, kilala rin naman ang pangalan ng aktor na si Paulo Avelino sa industriya ng showbiz bilang isang magaling na aktor kaya naman hindi na kataka-takang naging sikat ito at matagumpay sa kanyang larangan.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng anumang pahayag sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon at kung may katotohanan nga bang nagkaroon sila ng romantic relationship subalit nagkahiwalay dahil kay Kim Chiu.


@callmemauriceee0 Di pa daw confirmed pero balita eh split na daw si Pau at Nini? #pauloavelino #kimchiu #kimpau #janinegutierrez #paunine #fyp #fypシ ♬ original sound - Maurice ✨💖

Official Statement Ni Dominic Roque Sa Mga Alegasyon Ni Cristy Fermin Tungkol Sa Kanyang Pagkatao!

Walang komento


 Hindi pa rin natitigil ang mga usap-usapan patungkol sa totoong nangyari sa biglaang paghihiwalay ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominc Roque at ang pagkakaudlot na rin sa kanilang kasal.


Kasunod ng balitang ito, naglabasan naman ang samu't-saring espekulasyon at hinala patungkol sa totoong nangyari at kung bakit kung kailan nagpaplano na sila ng kanilang kasal ay saka naman nila naisipan na maghiwalay na lamang.


Marami rin ang mga taong iniuugnay ng ilang mga kolumnista na may kinalaman sa naging hiwalayan ng dalawa kabila na ang mga isiniwalat ni Cristy Fermin patungkol sa lalaking pulitiko na sugar daddy umano ni Dominic Roque.


Nalaman umano ito ni Bea Alonzo at ng mga magulang nito kaya naman naitigil ang pagpaplano ng kasal dahil hiniwalayan ni Bea Alonzo si Dominic Roque.


Dahil dito, marami ang mga naglabasang pangalan ng mga lalaking pulitiko na pinaghihinalaan ng mga netizens na naging sugar daddy ni Dominic Roque kabilang na ang TAPE Incorporated executive at Dapitan City Mayor na si Bullet Jalosjos na napag-alamang totoong nagmamay-ari ng condo na tinitirhan ni Dominic Roque.


Dahil rin sa mga balitang ito, naapektuhan ang image at reputation ni Dominic Roque at mga taong idinadawit sa kanya. Marami na rin ang pinagtatawanan ang aktor sa mga isyu na wala pa namang katotohanan.


Kaya naman naglabas ng opisyal na pahayag si Dominic Roque laban sa mga taong nagpapakalat ng mga maling impormasyon laban sa kanya at mga taong nakapaligid sa kanya.


Sa nasabing statement ni Dominic Roque nilinaw niya ang mga isyu lalo na ang mga isiniwalat ni Cristy Fermin, bukod pa rito, hiniling din niya na sana ay maglabas ng public apology si Cristy Fermin para sa kanya at mga taong idinadamay nito sa isyu.


Ang nasabing official statement ni Dominic Roque ay mula mismo sa kanyang legal council, ang Fernandez-Singson Law Offices.


Ayon sa statement, pinapalabas lamang umano ni Cristy Fermin na isang entertainment news ang isyung patungkol kay Dominic Roque subalit hindi naman umano ito kailanman nakipag-ugnayan sa aktor patungkol sa kung ano ang katotohanan.


Inamin naman ni Dominic Roque na totoong kay Bullet Jalosjos ang condo na kanyang tinitirhan subalit itinatanggi niyang may relasyon silang dalawa mahigit sa pagkakaibigan.


Nilinaw din sa nasabing pahayag ang totoong kaugnayan nina Dominic Roque at Cong. Bong Suntay na isa rin sa mga nalilink sa aktor. Ayon sa pahayag ni Dominic Roque, hindi niya pag-aari ang  Clean Fuel gas station dahil company owned umano ito.


Bukod pa rito nilinaw rin ni Dominic Roque na hindi rin patungkol sa prenuptial agreement ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan nila ni Bea Alonzo.



Si Kim Ang Dahilan, Kim Chiu Sinisisi Kung Bakit Naghiwalay Sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ang mga isiniwalat ng kilalang talent manager at at showbiz insider na si Ogie Diaz na may posibilidad na si Kim Chiu ang dahilan ng hiwalayan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.


Marami naman sa mga tagahanga nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ang hindi makapaniwala sa balitang ito dahil sa pagkakaalam nila ay masaya naman ang relasyon ng dalawa.


Bagama't wala pa naman inilalabas na pahayag sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez patungkol sa estado ng kanilang relasyon, naglabasan naman ngayon ang ilang mga haka-haka mula sa mga netizens.


May mga naniniwalang may posibilidad ngang sangkot ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa hiwalayan ng dalawa dahil tila nagkakalapit na ito at si Paulo Avelino dahil sa pagsasama nila sa iisang proyekto.


Hinala pa ng maraming mga netizens na baka hindi umano kinaya ni Janine Gutierrez ang pagiging malapit nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa harap at likod ng kamera, hindi rin umano nakatulong ang mga maiinit nilang tagpo sa teleseryeng pinagbibidahan nilang dalawa.


Sa kabilang banda, nauna nang iginiit ni Kim Chiu na walang namamagitan sa kanilang dalawa ni Paulo Avelino at magkaibigan lamang umano silang dalawa. Ginawa lamang umano nila ang pagpapakitang sweet sa isa't-isa para sa promotion ng kanilang mga projects.


Bukod pa rito, bagama't hindi naman sinisirado ni Kim Chiu ang kanyang puso na magmahal muli, tila hindi pa rin handa ang aktres na magkaroon ng relasyon dahil makikitang hindi pa ito tuluyang nakakapag-move on kay Xian Lim kung pagbabasehan ang mga hugot nito sa kanyang mga pahayag sa It's Showtime.


Naiintindihan naman ito ng maraming mga netizens dahil talagang mahirap umano ang pinagdaanan ni Kim Chiu dahil matagal rin silang nagkarelasyon ni Xian Lim at umaasa siyang mauwi rin sa happy ending ang kanilang relasyon.



@callmemauriceee0 Di pa daw confirmed pero balita eh split na daw si Pau at Nini? #pauloavelino #kimchiu #kimpau #janinegutierrez #paunine #fyp #fypシ ♬ original sound - Maurice ✨💖

Iris Lee, Xian Lim Matagal Na Palang MagKasintahan

Walang komento


 Tila kumpirmado na ang balitang mayroon nang panibagong girlfriend ang Kapuso actor at dating nobyo ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ilang buwan matapos aminin ang kanilang paghihiwalay.


Matapos ang ilang buwan mula ng maghiwalay ang celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu, napapabalita naman ngayon ang pagkakaroon ng panibagong girlfrined ni Xian Lim.


Ang itinuturong babae na ipinalit ni Xian Lim sa dating katayuan ni Kim Chiu sa kanyang puso ay walang iba kundi ang writer at film producer na si Iris Lee na ilang beses na rin niyang nakakasama sa trabaho.


Hindi naman ito ikinagulat ng maraming mga netizens dahil ilang beses na rin silang namamataan magkasama sa iba't-ibang gimikan. Una nang kumalat ang mga larawan nina Xian Lim at Iris Lee na kuha mula sa isang birthday party ng isang kaibigan ni Iris Lee.


Sinundan naman ito ng maging laman sa mga usap-usapan sa social media ang larawan nina Iris Lee at Xian Lim kung saan nakaakbay ang aktor at hawak naman ni Iris ang kamay nito sa kanyang balikat.


Bagama't may mga kasamahan sila sa nasabing larawan makikita naman ang kanilang natatanging closeness.


Marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na talagang naunang makapag-move on ni Xian Lim kay Kim Chiu dahil hanggang ngayon ay tila nasasaktan pa rin ang aktres sa nangyaring failed relationship nila ni Xian Lim.


Marami sa mga netizens ang nakapansin na dinadaan na lamang umano ngayon ni Kim Chiu ang pagpapayag ng kanyang mga nararamdaman sa mga binibitiwan niyang hugot sa It's Showtime.


May mga nakikisimpatiya pa sa aktres bigla na lamang itong nagiging emosyunal at umiiyak sa show mula nang maibalitang naghiwalay na sila ni Xian Lim.


Ayon naman sa mga hinala ng mga netizens patungkol sa totoong dahilan ng hiwalayan ng dalawa, wala umanong balak si Xian Lim na pakasalan si Kim Chiu at naghihintay na lamang umano ito na si Kim Chiu na mismo ang unang bibitaw sa kanilang relasyon.


May mga naglabasan ring ulat na umano'y ayaw ni Kim Chiu na magkaroon ng anak dahil sa kanyang career na hindi naman matanggap ni Xian Lim kaya naman nagpasya na laman silang tapusin ang kanilang relasyon.


Sa ngayon ay inilahad na lamang ni Kim Chiu na wala na siyang magagawa kung masaya na sa piling ng iba babae ang lalaking may hawak ng kanyang puso. Magiging masaya na lamang umano siya para sa mga ito at susuportahan ang kanilang kaligayahan.




Xian Lim Napikon Sa Hirit Ni Kim Chiu

Walang komento


 Matagal ring nanahimik at umiiwas ang Kapuso actor na si Xian Lim patungkol sa isyu at mga katanungan sa kanya patungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang long time girlfriend na si Kim Chiu.


Matatandaan na noon pa mang unang napapabalita ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim ay nakakatanggap na ng pambabatikos ang aktor dahil siya ang tinuturong dahilan ng mga netizens sa naging dahilan ng hiwalayan nila.


Ayon sa mga lumalabas na tsika, wala umanong balak ang aktor na pakasalan si Kim Chiu kahit pa matagal na ang kanilang relasyon at pareho naman na silang mga financially stable.


May mga haka-haka pa na palihim umanong nakikipagkita si Xian Lim sa ibang babae kaya naman madali lamang sa kanya ang magdesisyon na makipaghiwalay kay Kim Chiu.


Samantala, matagal namang nanahimik si Xian Lim patungkol sa mga isyung ito at iniiwasan pa niya ang mga katanungan ng press people at maging ng mga netizens na patungkol sa naging relasyon nila ni Kim Chiu.


Tanging pahayag lamang noon ni Xian Lim na may dahilan ang panginoon kaya nangyari sa kanila ni Kim Chiu kaya naman ayaw na lamang niya itong pag-usapan pa.


Naka-turn off rin ang comment section ng Instagram account ni Xian Lim upang makaiwas na rin sa mga katanungan ng mga netizens at fans ng aktres.


Gayunpaman, tila unti-unti nang nawawalan ng pasensya ang aktor dahil sa kanyang kamakailang Instagram post, ibihagi niya ang isang philosophy insight mula kay Haruki Murakami kung saan inilahad nitong, 'But we cannot simply sit and stare at our wounds forever'.


Hinala ng mga netizens na magsasalita na umano ngayon si Xian Lim dahil sa pagkakalink ng kanyang pangalan sa isang writer na si Eris Lee. Tila pinapahiwatig rin umano ni Xian Lim na talagang nakapag-move on na siya naging hiwalayan nila ni Kim Chiu at mayroon nang babae na ipinalit niya sa dating pwesto ng aktres sa kanyang puso.


Bukod pa rito, may mga ibinahagi ring post si Xian Lim patungkol sa inswcurities na mula naman sa mga naging pahayag noon nina Angelina Jolie at Chris Martin.


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nanghihinayang sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ng dating celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu subalit, tila unti-unti na rin itong natatanggap ng mga totoong nagmamahal sa dalawa dahil na rin makikita namang maayos na ang mga buhay ng mga ito ng magkahiwalay.


Ayon naman sa mga netizens na isa si Xian Lim sa mga taong madaling makalimot sa mga kabiguan niya sa buhay lalo na sa pag-ibig, habang si Kim Chiu naman ay nangangailangan ng mahabang proseso para tuluyang makapagmove on sa isang relasyon.



Kathryn Bernardo Pinaringgan Si Daniel Padilla Habang Nagwawala Sa Taylor Swift Australia Concert!

Walang komento


 Trending at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang kumakalat na video ng aktres na si Kathryn Bernardo sa Australia concert ng international singer na si Taylor Swift.


Makikita sa nasabing video kung paano nag-enjoy si Kathryn Bernardo kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan. Sa kabila ng pag-eenjoy na ito ng aktres marami sa mga netizens ang naghinala na tila pinapatamaan umano ni Kathryn Bernardo ang kanyang dating nobyo na si Daniel Padilla sa pamamagitan ng mga videong ito.


Matatandaan na nitong February 16, 2024 kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan ay nanood ng concert ni Taylor Swift si Kathryn Bernardo sa Melbourne, California.


Para sa kanyang OOTD, isinuot ni Kathryn Bernardo ang isang Taylor Swift comfy t-shirt na pinaresan niya ng metallic mini skirt at black cowboy boots. Suot naman ni Kathryn Bernardo ang cherry red na shade ng lipstick bilang pagbibigay pugay kay Taylor Swift.


Kung pagbabasehan naman ang mga naglabasang mga video nina Kathryn Bernardo at mga kaibigan niya, makikitang labis na nag-eenjoy si Kathryn Bernardo sa concert na halos magwala na ito dahil sa hype.


Nakikisabay na rin sila sa pagkanta ni Taylor Swift sa mga hit songs nito, katulad na lamang ng 'You Need To Calm Down','Rain', 'All To Well' at iba pa. Subalit ang mas nakatawag sa pansin ng mga netizens ay kung paano kinanta ni Kathryn Bernardo ang lyrics na 'We're never ever getting back together'.


Ayon sa mga netizens, feel na feel umano ni Kathryn Bernardo ang kanyang pagkanta na tila ba may ipinupunto siya sa bawat bigkas niya ng lyrics.


Hinala ng mga netizens na may hugot si Kathryn Bernardo sa pagkanta niya sa nasabing lyrics na iniuugnay naman sa kamakailang hiwalayan nila ni Daniel Padilla na inaakusang nagloko sa kanilang pagmamahalan.


Tila ipinagsisigawan na rin umano ni Kathryn Bernardo na kahit kailan ay hindi na siya makikipagbalikan pa kay Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, napapataas naman ngayon ang kilay ng mga solid fans ni Daniel Padilla dahil ipinapahiwatig umano ni Kathryn Bernardo na kahit saan siya ay nasa isip pa rin niya si Daniel Padilla at ang nakaraan nila gayung tila nakapag-move on na umano ang aktor dahil may kinikita na itong panibagong babae.


@she_grateful Yes kath!!! Sing it loud!!🫶🏼 #erastour #taylorswift #kathrynbernardo #fyppppppppppppppppppppppp ♬ original sound - lowkeyme

Dalawang Male Politicians Na Nalilink Kay Dominic Roque Nagsalita Na at Nilinaw Ang Kanilang Relasyon

Walang komento


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga netizens ang naging hiwalayan ng engaged showbiz couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo. Marami ang hindi makapaniwala sa ginawang desisyon ng dalawa dahil buong akala ng lahat na malapit na silang magpakasal at masaya ang kanilang relasyon.


Dahil sa biglaang paglabas ng balitang ito at dahil hindi naman naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, naglabasan ang samu't-saring mga hinala at spekulasyon patungkol sa totoong nangyari sa hiwalayan ng dalawa.


Kabilang sa mga pinaghinalaan ng mga netizens na dahilan hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay patungkol sa usapin ng pera. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na mas mayaman si Bea Alonzo kaysa kay Dominic Roque.


Ayon sa mga naglabasang mga balita, hindi umano pumirma si Dominic Roque sa inihandang prenuptial agreement ng mga magulang ni Bea Alonzo na una namang sinang-ayunan ng Dominic Roque.


May naglabasan ring ulat na umanoy may nag-aalagang mga lalaking pulitiko kay Dominic Roque. Ang mga ito umano ang nagpapatira kay Dominic Roque sa isang mamahaling condo unit na kahit ang ilang mga sikat na artista ay hindi naafford.


Kabilang sa pinaghihinalaang lalaking politiko ay ang isa sa mga executive ng TAPE Incorporated na si Dapitan City Mayor na si Bullet Jalosjos. Kasunod nito, kinalkal ng mga netizens ang mga larawan nina Dominic Roque at Mayor Bullet Jalosjos na magkasama sa mga naging pagbabakasyon noon at sa mga riding journey dahil pareho nilang hobby ang pagmomotor.


Samantala, nagbigay na ng pahayag si Mayor Bullet Jalosjos patungkol sa mga isyung nag-uugnay sa kanila ni Dominic Roque kung saan pinabulaanan niya ang lahat ng mga isyu at iginiit na magkaibigan lamang silang dalawa.


Hindi rin umano alam ni Mayor Bullet Jalosjos ang patungkol sa sinasabing condo na pinapatirhan niya kay Dominic Roque dahil ang buong pagkakaalam niya ay umuupa si Dominic Roque sa condo na pagmamay-ari niya sa halagang 50 thousand pesos isang buwan.


Hiling naman ni Bullet Jalosjos na itigil na ang mga pang-iisyu sa kanilang dalawa ni Dominic Roque dahil nakakaapekto na umano ito sa kanilang mga reputasyon.


Maging ang isa pang pulitik na inililink kay Dominic Roque na si 'Joey' na siyang nagmamay-ari ng mga gasolinahan na sinusyuhan naman ni Dominic Roque. Iginiit rin niya na wala silang relasyon ni Dominic Roque na higit sa pagkakaibigan bukod pa rito, normal lamang na makikita silang magkasama dahil si Dominic ang brand ambassador ng kanilang gasoline station.




Detalye! Kristine Hermosa Pregnant Again Sa Pang Anim Na Anak Nila Ni Oyo Sotto at the Age of 40!!

Walang komento

Lunes, Pebrero 19, 2024


 Muling nagdadalang tao ang isa sa maituturing na may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz na walang iba kundi si Cristine Hermosa sa pang-anim na anak nila ni Oyo Sotto sa kanyang edad ngayon na 40 years old.


Inamin naman ni Kristine Hermosa na bagama't hiniling niya na bibigyan sila ng kanyang asawa ng mga anak ng panginoon ay hindi umano niya inexpect na magkakaroon sila ng marami at madadagdagan pa ito.


Masayang ibinahagi ng dating aktres na si Kristine Hermosa na muli na naman silang nagbubuntis ng kanyang asawang si Oyo Sotto sa pang-anim nilang anak.


Samantala, sa isang Instagram post ibinahagi ni Kristine Hermosa ang larawan ng kanyang mister na si Oyo Sotto bilang pagbibigay pugay niya rito bilang isang haligi sa kanilang lumalaking pamilya. Kasunod naman nito ay ang larawan ng isang sonogram na larawan ng kanilang pang-anim na kasalukuyang nasa kanyang sinapupunan.


Ayon pa kay Kristine Hermosa na hiniling umano niyang mabuntis muli subalit hindi na siya nag-eexpect dahil sa kanyang edad. Gayunpaman, ipinahayag ni Kristine Reyes ang labis na kasiyahan na kapareho pa rin noong unang pagkakataon na siya ay nagdadalang tao.


Pagbabahagi ni Kristine Hermosa, "Funny as it may seem, but I still get those butterflies evertime I see double lines on the PT, kahit pa na ang dami na nila, parang laging 1st time.. ibat ibang level ng overwhelming emotions each stage of every pregnancy.  ibang level din when you can already see and hear the heartbeat iba lang talaga ang peace and joy pag galing kay God."


Dagdag pa niya, "One things for certain, we really cannot limit God’s power.. even how impossible it may seem —- God’s plans will always come into completion whether we like or not. akala ko noon, last na si Isaac… ngayon, hindi ko na talaga alam kay God.."


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para kay Kristine Reyes sa panibagong blessings sa kanilang pamilya, marami ang masaya dahil magkakaroon na naman ng panibagong anghel sa kanilang buhay.


Ogie Diaz Ipinagtanngol Ang Bagong Karelasyon Ngayon Ni Xian Na Si Iris Lee Laban Sa Fans Ni Kim!

Walang komento


 Nagbigay ng saloobin ang kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa patungkol sa pagkakaroon ng panibagong girlfriend ng aktor na si Xian Lim ilang buwan matapos aminin ang hiwalayan nila ng kanyang girlfriend for more than 12 years na si Kim Chiu.


Hanggang ngayon ay hindi pa rin maiiwasan na mahusgahan ng ilang mga netizens at fans ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang dating nobyo nito na si Xian Lim na may panibagong babae nang nagpapasaya sa kanyang puso.


Bukod pa rito, marami ang naiinis sa aktor dahil tila ginamit lamang umano nito ang pangalan ni Kim Chiu na hindi naman nawala ang kasikatan para kahit papaano ay makilala rin siya sa showbiz lalo na sa panahong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang showbiz career.


Naging mainit sa mga mata ng ilang mga netizens ang kumalat na larawan ni Xian Lim na may kaakbay na babae na nakahawak pa sa kamay niyang nasa balikat nito.


Hinala ng mga netizens na ito na ang panibagong girlfriend ni Xian Lim na siyang ipinalit niya sa kanyang dating nobya na si Kim Chiu. May mga naglabasan ring speculations na ang babaeng ito ang totoong dahilan ng paghihiwalay nila.


Subalit, marami pa rin ang naniniwalang walang third party dahil naging opisyal lamang ang relasyon ng dalawa matapos ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Sa kabila naman ng mga natatanggap na pambabatikos ng aktor, naniniwala pa rin ang kanyang mga tagahanga na wala namang masama sa pagkakaroon nito ng panibagong girlfriend ngayon dahil, una sa lahat ay single na ito.


Matagal na umanong naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim kaya deserve naman ng aktor na sumaya ngayon kasama ang babaeng handa siyang makausap anumang oras. Bukod pa rito, tila masaya na rin naman umano ngayon ang aktres kaya naman deserve nilang dalawa na magkaroon ng panibagong pag-ibig na magpapasaya sa kanila pareho.


Maging ang kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz ay naglabas na rin ng saloobin patungkol sa pagkakaroon ng panibagong girlfriend ni Xian Lim. Sa isang episode ng kanilang programa, naitalakay nila ang patungkol sa nasabing isyu.


Ayon kay Ogie Diaz, wala naman umanong masama kung sakaling totoong may relasyon na sila dahil hindi naman umano ito isinabay ni Xian Lim sa dating relasyon nila ni Kim Chiu.


Kung sakaling totoo rin umano ito, maaring sabihin na unang nakapagmove on si Xian Lim kaysa kay Kim Chiu dahil nakatagpo kaagad ng babaeng mamahalin. Samantalang hindi naman umano maitatanggi na nasasaktan parin si Kim Chiu dahil panay pa rin ang mga hugot nito sa tuwong naghu-host siya sa segment ng It's Showtime na Expecially For You.


Bukod pa rito, pinabulaanan din ni Ogie Diaz ang isyung nagkakamabutihan na sina Kim Chiu at Xian Lim dahil magkaibigan at magkasama lamang sila sa ilang mga projects.




Kumpirmado! Paulo Avelino at Janine Gutierrez Hiwalay Na! Kim Chiu Dawit Sa Hiwalayan Ng Dalawa?

Walang komento


 Tila hindi pa rin natatapos ang isyu ng mga celebrity couples na naghihiwalay dahil hindi pa man nakakamove on ang ilang mga netizens sa sunod-sunod na rebelasyon patungkol sa mga naghihiwalay na pinangunahan noon ng KathNiel hanggang sa hiwalayan ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, usap-usapan naman ngayon ang hiwalayan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kung saan nadadawit naman ang pangalan ni Kim Chiu.


Sa isang episode ng YouTube vlog ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, inilahad niyang naghiwalay na rin sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez.


Noon pa man ay naging laman na ng mga usap-usapan ang patungkol sa totoong estado ng relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino, marami ang nagsasabing hindi naman naging sila habang may mga nagsasabi namang matagal na silang magkarelasyon.


Nauna na ring napabalitang matagal nang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa subalit nagkaayos rin naman nitong huling bahagi ng taong 2023 nang mamataan silang muling magkasama.


Samantala, sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, napag-usapan nila ang patungkol sa napapabalitang hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Ayon umano sa isa sa mga sources ni Ogie Diaz, totoong naghiwalay na umano sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.


Subalit, inilahad ni Ogie Diaz na sana naman ay hindi totoo ang balitang ito dahil nakakalungkot lamang na nagsusunod-sunod na ang mga nagaganap na hiwalayan ngayong taon.


Gayunpaman, base sa impormasyon na kanyang nakalap mula sa ilang mga sources na napagtanungan niya ay kumpiramdo na umano ang paghihiwalay ng dalawa. Ayon pa kay Ogie Diaz, totoo rin ang mga naging bali-balita noon patungkol sa hiwalayan ng dalawa subalit nagkakabalikan lamang ang mga ito.


Hiniling naman ni Ogie Diaz na kung sakaliman ay magbigay na ng pahayag ang dalawa patungkol sa isyung ito upang malinawan na rin ang mga netizens at kanilang mga tagahanga.


Komento naman ni Mama Loi, na tila hindi nagkalalayo ang hiwalayan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa hiwalayan kamakailan nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil hindi rin nila sinasabi ang totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Ayon naman kay Ogie Diaz, kung totoo mang single na ngayon si Paulo Avelino at liligawan nito si Kim Chiu, hindi na umano siya magtataka sakaling magkaroon ng relasyon ang dalawa.


Dahil nakikita naman umano niya ang closeness ng dalawa noong Linlang days pa lamang tiyak pa umanong magkakalapit ngayon ang dalawa dahil marami na silang project na magkasama.


Hindi rin umano magtatagal ang ligawan portion ng dalawa dahil pare-pareho namang mga single ang dalawa at kakahiwalay pa lamang sa kani-kanilang mga karelasyon


Sa kabilang banda, kumakalat naman ngayon ang mga haka-hakang baka may kinalaman si Kim Chiu sa nangyaring hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez. Marami ang naghinala na baka unti-unting nahuhulog si Paulo Avelino sa aktres dahil madalas na silang nagkakasama sa ngayon dahil sa sunod-sunod na proyektong kanilang pinagsasamahan.



Daniel Padilla Live Ipinakilala Na Ang Bagong Babae Sa Buhay Niya Ang Bilis Pinalitan Si Kath

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa ilang mga social media platforms at mga entertainment news sites matapos ipakilala ang panibagong babae sa kanyang buhay.


Kaagad na umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang babaeng kasa-kasama ngayon ni Daniel Padilla matapos ang ilang buwan ng paghihiwalay nila ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Ayon sa ilang komento ng mga netizens, tila may pagkakahawig umano ang babaeng ito kay Kathryn Bernardo. May mga naghinala naman na nililigawan ito ngayon ng aktor dahil makikita ang pagiging sweet ni Daniel Padilla sa babae.


Kinilala naman ng ilang mga netizen ang babae bilang isang social media influencer.


Samantala, may mga naghinala naman na baka ang babaeng ito talaga ang totoong third party at dahilan ng hiwalayan noon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Itinago lamang umano ito noon upang hindi madamay ang babae sa galit ng kanilang mga tagahanga.


May mga nagsasabi pa na talagang pinapatunayan lamang ni Daniel Padilla na matagal na niyang niloloko si Kathryn Bernardo dahil kaagad siyang nagdadala ngayon ng babae sa event.


May mga nagsasabi pa na kaya pala tahimik si Daniel Padilla at Karla Estrada sa kabila ng labis ng pambabatikos kay Daniel mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo dahil totoo palang may kasalanan ang aktor, kung saan matagal na niyang niloloko si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, lalo namang nagngingitngit ang mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo dahil sa pagpapakita at pagpapakilala ngayon ni Daniel Padilla sa kanyang bagong babae matapos ang ilang beses niyang pagtangkang suyuin si Kathryn.


May mga naghinala pa na baka ginagawa lamang ito ni Daniel Padilla na isang panakip butas upang masabi ng mga netizens na nakakamove on na siya kay Kathryn Bernardo at masaya na rin sa kanyang buhay.


Matatandaan na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na masaya at kontento na ngayon si Kathryn Bernardo sa kanyang buhay ngayong nakalaya na siya sa relasyon nila ni Daniel Padilla.



Ruffa Gutierrez at Gretchen Barretto Nagkaayos Na Matapos Ang Kanilang Alitan Noong 2019

Walang komento


 Ikinatuwa ng maraming mga netizens nang makitang magsama sa iisang event sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez na naganap noon pareho silang dumalo para sa ika-100 na kaarawan ng former senate president Juan Ponce Enrile.


Kahapon, February 18, 2024 sa Instagram post ng eventologist na si Tim Yap ibinahagi niya ang isang short video kung saan makikitang kasama niya sina Gretchen Barretto, Ruffa Guiterrez at Small Laude.


Kaagad naman umano ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging video ni Tim Yap. Marami ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan dahil sa wakas ay nagka-ayos na umano sina Gretchen Barretto at Ruffa Gutierrez.


May mga pumuri rin naman kay Tim Yap dahil ibinabahagi niya sa kanyang social media account ang pagsasama at pagkakaayos ng mga kilalang personalidad na nagkaroon ng alitan. Matatandaan na ibinahagi rin noon ni Tim Yap sa kanyang social media account ang pagkikitang muli at pagkakaayos nina Heart Evangelista at Marian Rivera.


Kung matatandaan na taong 2019 nang sumiklab ang parinigan sina Ruffa Gutierrez at Gretchen Barretto. Noong panahong iyon ay nasa kalagitnaan din ng hindi pagkakaunawaan an Barretto Family na kinakasangkutan naman ng tatlong magkakapatid na si Gretchen Barretto, Claudine Barretto at Marjorie Barretto bukod sa kanila nakisali na rin ang kanilang pamangkin na sina Julia Barretto at Nicole Barretto.


Sa pagkakataong iyon, walang pinapalampas na komento si Gretchen Barretto mapa-netizen man o katulad niyang celebrity na hindi niya nagugustuhan.


Noong November 2019, ibinahagi ni Gretchen Barretto ang screenshot ng post ni Julia Barreto kung saan makikita ang larawan ng kanyang pamangkin na si Julia Barretto. Makikita rin sa nasabing screenshot ang komento ni Ruffa Gutierrez na nagkomento ng 'fresh' sa nasabing post.


Sa caption ng post inihayag ni Gretchen Barretto ang pagiging sawsawera ni Ruffa Gutierrez. 


Mensahe ni Gretchen Barretto sa para kay Ruffa kanyang post, "sawsaw pa more ruffy! take it! take!"


Ang tinutukoy na 'take it, take it' ni Gretchen Barretto ay ang kinasangkutan nilang Manila Film Festival 1994 Scam.


Makalipas naman ang ilang minuto ay nagbahagi naman ng isang cryptic post ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Instagram account.


Mensahe sa post ni Ruffa Gutierrez, "The next time they try to put you down, just remember that confidence is silent but insecurities are loud AF"


Bagama't walang pinangalanan si Ruffa Gutierrez sa kanyang iniuugnay ito ng mga netizens kay Gretchen Barretto.




Nabaliktad Na! Dominic Roque Bumango Ang Pangalan Bea Alonzo Ganito Pala Sa Mga Nakakarelasyon Niya!

Walang komento


 Tila nabaliktad na ngayon ang pagkakataon sa pagitan nina Dominic Roque at Bea Alonzo, si Dominic Roque naman ngayon ang tila kinakampihan ng netizens habang nababatikos naman ngayon si Bea Alonzo dahil nalaman na umano ng mga netizens ang totoong pag-uugali ng aktres.


Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng ilang mga netizens ang nangyaring hiwalayan ng celebrity couple na sina Dominic Roque at Bea Alonzo na naging kontrobersiyal na kalaunan.


Matatandaan na naunang nababatikos noon si Dominic Roque dahil sa kahina-hinala umano nitong mga negosyo at naisyu pa na may karelasyon na isang lalaking pulitiko.


Subalit, tila nabaliktad naman ang pagkakataon ngayon dahil si Bea Alonzo na naman ang nababatikos dahil nalaman na umano ng mga netizens ang totoong kulay ng aktres kaya palaging nauuwi sa hiwalayan ang kanyang mga relasyon.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, nina Manay Cristy Fermin, naging laman ng kanilang pag-uusap ang patungkol ang paninisi ni Bea Alonzo sa mga taong nagsiwalat sa naging hiwalayan nila ni Dominic Roque.


Palagay ni Cristy Fermin na sila umano ang sinisisi ni Bea Alonzo na nalaman ng publiko ang nangyaring paghihiwalay nila ni Dominic Roque. Ayon kay Cristy Fermin, hindi naman umano maaring sisihin ni Bea Alonzo ang mga katulad nila dahil ang aktres naman ang unang nagpahiwatig na hiwalay na sila ni Dominic Roque.


Binalikan pa ni Cristy Fermin ang naging pagsalungat ni Bea Alonzo sa mga naging pahayag ni Dominic Roque patungkol sa plano nila sa kasal.


Ayon pa kay Cristy Fermin, si Bea Alonzo na mismo ang nagsasabi na wala nang kasalang magaganap sa kanila ni Dominic Roque nang isiwalat niya sa publiko na wala pa silang balak na magpakasal sa kabila ng pagpapahayag ni Dominic Roque na may nabuo na silang ilang mga detalye sa kanilang kasal.


Inilahad pa ni Cristy Fermin na kaagad na hinusgahan ni Bea Alonzo si Dominic Roque na naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Ayon pa kay Romel Chika na kung una pa lang ay kaagad nang inamin nina Bea Alonzo at Dominic Roque ang kanilang paghihiwalay ay hindi na sana naglabasan pa ang kung ano-anong isyu patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Ipinunto pa ni Cristy Fermin, na bagama't hindi nagbigay ng consent si Bea Alonzo talagang kakalat sa mga pahayag at pag-uusapan ang kanilang lovelife ni Dominic Roque dahil pareho naman silang public figure. 


Doon pa lamang umano sa hindi pagsusuot ni Bea Alonzo sa kanilang wedding ring ni Dominic Roque ay malaking pahiwatig na umano na may nangyayaring hindi maganda sa kanilang relasyon.




Rita Daniela Umamin Na Naging Third Party

Walang komento


 Kamakailan lamang ay ginulat ng actress-singer na si Rita Daniela ang kanyang mga tagahanga nang aminin niyang minsan na rin siyang naging kabit o third party sa isang relasyon. Talagang naghiwalay umano ang mga ito kaya naman maituturing na siya talaga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Sa naging guesting ni Rita Daniela sa Sarap Di Ba?, ibinahagi ni Rita Daniela ang kanyang nakaraan kung saan siya ang naging dahilan para maghiwalay ang kanyang nobyo at dating karelasyon nito.


Sumalang si Rita Daniela sa segment ng Sarap Di Ba? na 'Truth or Charot', dito na niya naamin ang nangyari noong 2017 kung saan siya ang naging dahilan ng paghihiwalay ng isang couple na hindi na niya pinangalanan.


Ayon kay Rita Daniela, nanligaw sa kanya ang nasabing lalaki pinaniwala umano siya nito na hiwalay na sila ng dating nobya. Naging magkasintahan rin umano sila at siya pa ang naging dahilan ng totohanang paghihiwalay ng mga ito.


Gayunpaman, iginiit ni Rita Daniela na noong malaman niyang nagsinungaling ito sa kanya ay tinigil na rin niya ang pakikipagrelasyon rito. Hindi naman umano kaagad na tumigil ang lalaki sa panunuyo sa kanya, naging makulit pa umano ito kaya naman ng malaman ng unang girlfriend nito ay nakipaghiwalay rin ito sa guy.


Inilahad din ni Rita Daniela na nagsisisi siya sa nangyari at pauli-ulit siyang humihingi ng tawad sa dalawa. Sa ngayon ay nagpakasal na umano ang couple na ito.


Sakabilang banda, marami sa mga netizens ang naintriga sa pagkakakilanlan ng nasabing couple dahil nang maitanong kay Rita Daniela kung celebrity couple ba ang mga ito sinabi ng aktres na pwede.


Samantala, sinigundahan naman ni Ken Chan, na kasama rin ni Rita Daniela sa guesting, ang mga pahayag ng aktres patungkol sa pagiging third party nito noon.


Matatandaan na noong nagdaang taon ay inamin ni Rita Daniela na naghiwalay na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend na ama ng kanyang anak. 


Hindi man idinetalye ni Rita Daniela ang totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay, iginiit naman ni Rita Daniela na ginawa nila ang lahat para maisalba ang kanilang relasyon subalit mas makaakbuti umano para sa kanilang dalawa ang maghiwalay na lamang.



@adventuretastemoments Rita Daniela, naging third party sa isang relationship noon?! #ATM #SarapDiBa #AdventureTasteMoments #RitaDaniela #FYP #foryoupage ♬ original sound - @adventuretastemoments

Tape Inc Nasa 800 Milyon Ang Utang? Tahanang Pinakamasaya Matsutsugi Na

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang show ng TAPE Incorporated na kamakailan lamang ay nagpalit ng pangalan mula sa Eat Bulaga pinalitan nila ng Tahanang Pinakamasaya.


Ayon sa mga naglabasang mga balita ngayon, tila hindi na umano nakakabawi ng rating ang nasabing show mula nang magpalit sila ng titulo. Ayon pa sa mga usap-usapan halos umaabot na sa isang bilyon o nasa mahigit 800 milyon na ang pagkakautang ng TAPE Incorporated na siyang producer ng Tahanang Pinakamasaya.


Gayunpaman, may mga nagsasabi na ang pagkakautang na ito ng TAPE Incorporated ay nagmula pa noong nasa kanila pa ang titulong Eat Bulaga kung saan ang mga legit dabarkads pa ang mga host nito na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang dumidepensa sa mga panibagong host ng show, wala umanong kinalaman rito ang mga panibagong hosts dahil wala pa naman umano sila roon sa mga panahong nag-uumpisa nang magkakaroon ng utang ang TAPE Inc.


Sa kabila nito, may mga naglabasan pa ring mga  ulat na umano'y malapit nang ipatigil ng TAPE Incorporated ang kanilang noontime show na Tahanang Pinakamasaya dahil sa iba't-ibang dahilan.


May mga nagsasabing nakakaapekto na sa show ang mga natatanggap na pambabatikos ng ilan sa kanilang mga host. Marami na rin ang hindi nagagandahan panoorin ang show magmula noong nagbago na ang mga hosts, lalong-lalo na noong pinalitan na nila ng pamagat ang kanilang show.


Hindi naman makapaniwala ang mga avid supporters ng show dahil marami namang advertisers ang Tahanang Pinakamasaya kaya naman hindi umano kapani-paniwalang ititigil na ito.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang TAPE Incorporated patungkol sa totoong estado ng kanilang show kung may katotohanan nga ba ang mga kumakalat na mga haka-hakang hanggang sa December 2024 na lamang mapapanood ang kanilang show.


Bukod pa rito hinihintay rin ng kanilang mga tagahanga ang pagtugon ng TAPE Incorporated sa sinasabing 800 milyon na pagkakautang nila na nag-umpisa pa noong nasa puder pa nila ang TVJ at iba pang legit Dabarkads.



Aktres Nagsisi Na Lumipat Sa GMA Network!

Walang komento


 Ipinahayag ng isang Kapuso actress ang kanyang pagsisisi sa paglipat niya sa GMA Network dahil sa mga masasamang karanasan niya sa nasabing network.


Inilahad ng Kapuso actress na si Mariel Pamintuan ang kanyang labis na pagsisisi sa paglipat niya sa GMA network dahil sa samu't-saring kadahilanan. 


Sa kamakailang panayam ni Luis Manzano sa aktres para sa kanyang YouTube vlog na Luis Listens, bakas sa mukha ng Kapuso starlet na si Mariel Pamintuan ang kanyang pagsisisi sa paglipat niya ng network.


Ayon kay Mariel Pamintuan, walang umanong nangyayari sa kanyang showbiz career sa Kapuso network hindi umano niya inexpect na ganito ang mangyayari sa kanyang showbiz career dahil mataas rin naman ang kanyang pinangarap at ini-expect.


Matatandaan na nauna nang naging laman ng mga usap-usapan noon ni Mariel Pamintuan nang isiwalat niya matapos ang GMA Gala na lasang liver spread ang mga pagkaing pinili ng GMA Network.


Inilahad rin ni Mariel Pamintuan ang dahil kung bakit pansamantala siyang tumigil sa kanyang showbiz career noon, hindi umano niya nakayanan ang pressure nito. Bukod pa rito, dumagdag pa sa kanyang stress ang mga hindi magagandang karanasang sa set at sa taping.


Hinding-hindi rin umano malilimutan ni Mariel Pamintuan ang pagmumura sa kanya noon ng isang director kahit bata pa lamang siya at ang umano'y pananapaw sa kanya ng isang kasamahang batang artista.


Ayon pa kay Mariel Pamintuan bibo siya sa tuwing nasa harap ng kamera at sa tuwing may interview pero in reality ay tahimik lamang siya. Kaya naman noong maranasan niya ang pananapaw sa kanyang ng isang co-star ay pinalampas na lamang niya ito para hindi na magkaroon ng isyu.


Sa ngayon ay sikat na umano ang artistang nanapaw sa kanya noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito kinakausap. 


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na matagal na sa industriya ng showbiz si Mariel Pamintuan dahil nag-umpisa siya bilang child star. 


Bilang matagal na sa industriya at hindi pa rin nabibigyan ng isang big break, aminado si Mariel Pamintuan na minsan ay nararanasan rin niya ang panghinaan ng loob at isiping tumigil na lamang sa pag-arte.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo