Carlo Aquino Masayang Inamin Pakakasalan Na Si Charlie Dizon!

Walang komento

Huwebes, Pebrero 22, 2024


 Pinakilig ng aktor na si Carlo Aquino ang mga fans nila ng kanyang girlfriend na si Charlie Dizon matapos aminin ni Carlo Aquino sa kanyang kamakailang interview na sa tingin niya ay si Charlie Dizon na ang The One para sa kanya.


Ito na rin umano ang babae na nakikita niyang makakasama sa habang buhay at handa niyang pakasalan at iharap sa altar.


Kamakailan lamang ay nakorner ng mga press people si Carlo Aquino sa isang event ng skin care product na iniendorso nito subalit kadalasan sa mga katanungan na ibinabato kay Carlo Aquino ay wala namang kinalaman sa produkto.


Kabilang sa mga naitanong kay Carlo Aquino ay kung engage na nga ba sila ni Charlie Dizon dahil kamakailan lamang ay naiulat na mayroon na umanong suot-suot na singsing si Charlie Dizon na pinaghihinalaang engagement ring na mula kay Carlo Aquino.


Hindi man ito iinamin ni Carlo Aquino, inihayag naman niyang handa na siyang magpakasal ngayon dahil nasa tamang edad na rin naman siya para magkaroon ng sariling pamilya. 


Ipinahayag rin ni Carlo Aquino na iba na umano ang pananaw niya sa buhay ngayon, masaya naman umano sila sa ngayon ni Charlie Dizon.


"Masaya kami ni Charlie, nandoon ako. Pero wag ka masyadong excited kasi hindi yun, yung buhay. May biglang manggugulat sayo diyan."


Dagdag pa niya, "Never kang magiging handa sa mga sakit sa buhay mo. Kailangan mo ng kakampi, friend, partner, family."


Inamin naman ni Carlo Aquino na nakakaroon pa rin sila ng pag-aaway ni Charlie subalit napag-uusapan naman umano ito nila ng maayos.


Inilalarawan pa ni Carlo Aquino si Charlie Dizon bilang isang palaban na babae pero sa tamang paraan. Sa tuwing nakakasama umano niya ito ay ang gaan umano ng kanyang buhay at napakasarap tumawa.


Sa tuwing magkakaroon umano sila ng problema at hindi pagkakaunawaan ay kaagad umano nila itong pinag-uusapan.


Sa kabilang banda, ipinagtatanggol naman ni Charlie Dizon si Carlo Aquino laban sa mga bumabatikos rito. Marami kasi ang nagsasabi na problematic karelasyon si Carlo Aquino at isa itong babaero.


Ayon kay Charlie Dizon, hindi umano siya nagpapaapekto sa mga negatibong komento na nakakarating sa kanya patungkol kay Carlo Aquino. Masaya naman umano sila kaya hindi na umano niya iisipin pa ang iba.


Dagdag pa ni Charlie Dizon, napag-uusapan na umano nila ni Carlo ang patungkol sa kanilang future na magkasama. Magkakaroon umano sila ng pamilya at mga anak.


Sa kabila nito, marami pa rin sa mga netizens ang duda sa sinasabi ni Carlo Aquino na the one na niya si Charlie Dizon dahil sinabi na rin niya ito noong si Trina Candaza pa ang kanyang karelasyon kung saan sinabi rin niyang nagpaplano na sila noon na magpakasal.



Ang Bagong Marimar?! Reaksyon Ng Mga Netizens Sa Pagganap Ni Herlene Budol Bilang Bagong Marimar!

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan online ang Kapuso actress na si Herlene Nicole Budol matapos nitong ibahagi sa kanyang social media account ang isang video kung saan nakasuot siya ng Marimar costume habang sinasayaw niya ang legendary dance ni Marimar.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens, marami ang na-excite sa muling pagbabalik ng serye kung saan si Herlene na ang gaganap. May mga nagsasabi naman na bagay naman kay Herlene Budol ang nasabing role.


Matatandaan na naging iconic ang karakter ni Marimar nang gampanan ito ni Marian Rivera na naging dahilan kung bakit nahirang ang aktres bilang Kapuso Primetime Queen.


May mga natatanong naman kung kumpirmado na ba ang balitang ito at gagampanan nga ni Herlene Budol ang nasabing karakter.


Ngayon pa lamang ay excited na ang mga tagahanga ni Herlene Budol sa posibilidad na gagampanan ni Herlene Budol ang pagiging Marimar dahil nababagay naman umano ito sa aktres dahil marunong rin itong sumayaw at mahal na mahal rin nito ang kanyang mga lolo at lola na katangian ni Marimar.


Bagama't marami sa mga tagahanga ni Herlene Budol ang umaasang gaganap ang aktres sa role ni Marimar may mga nagsasabing hindi ito mangyayari dahil ang nasabing video ay isa lamang sa mga behind the scenes ng ginagawang music video ni Herlene Budol para sa kanyang kanta na pinamagatang 'Kain Tayo'.


Matatandaan  na kamakailan lamang ay nasangkot sa isang kontrobersiya si Herlene Budol nang kumalat sa social media ang conversation nila ng kapwa Kapuso actor na si Rob Gomez na naging leading man niya sa teleseryeng Magandang Dilag.


Nalagyan ng malisya ang palitan nila ng mga mensahe dahil sa mga salitang 'Kain' at 'gutom'. Hinala ng marami na ang nagpalabas ng mga nasabing conversation ay walang iba kundi ang mismong kinakasama ni Rob Gomez na si Shaila Rebortera.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang naghinalang naging kabit si Herlene Budol at pumatol ito sa lalaking may kinakasama at anak na. 


Subalit, kahit pa nakakatanggap ng pambabatikos si Herlene Budol ay dinidedma lamang niya ito at iginiit na wala silang relasyon ni Rob Gomez at nagtutulungan lamang umano silang magkabisa ng mga linya at salitang 'kain' at 'gutom' ay wala naman umanong ibang pakahulugan.



Cristy Pumalag Sa Official Statement Ni Dominic Roque Na Pagsampa Ng Kaso Laban Sa Paninira Niya!

Walang komento


 Kaagad na pumalag ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa inilabas ng official statement ni Dominic Roque sa pamamagitan ng mga legal council nito, partikular na ang sinasabing condo unit na tinitirhan ng actor-model na pagmamay-ari umano ng isang kilalang pulitiko.


Hindi napigilan ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kanyang galit matapos siyang i-call out ng kampo ni Dominic Roque sa inilabas na official statement nito na umanong naninira sa puri ni Dominic Roque sa pagsasabing may relasyon ito at si Bullet Jalosjos na totoong nagmamay-ari sa condong tinitirhan nito.


Dahil sa inis ni Cristy Fermin, hiningan niya ng resibo ang legal council ni Dominic Roque na maglabas sila ng resibo kung may sinabi ba umano siya sa kanyang mga vlog na may relasyon sina Mayor Bullet Jalosjos at Dominic Roque.


Iginiit din ni Cristy Fermin na wala naman umano siyang binanggit na pangalan sa kanyang mga vlog. Subalit, ang tila pinagbabasehan naman ng legal council ni Dominic Roque ay ang mga pa-blind item ni Cristy Fermin patungkol sa lalaking pulitiko na totoong nagmamay-ari sa condo unit na tinitirhan.


Ayon kay Cristy Fermin, wala siyang intensyon na siraan si Dominic Roque sapagkat nagtatanong lamang umano siya at napatunayan naman niyang hindi kay Dominic Roque nakapangalan ang nasabing condo unit kundi sa isang lalaking pulitiko.


Wala rin naman umano siyang binanggit na pangalan at puro katanungan lamang ang lahat.


Hindi rin nagustuhan ni Cristy Fermin at pinagsabihan niya si Dominic Roque sa pagpapalabas ng official statement sa pamamagitan ng kanyang mga abogado. Ayon pa kay Cristy Fermin sa ginawang ito ni Dominic Roque ay pinapalabas lamang nito ang kanyang pagiging maselan at sensitibo.


Pahayag ni Cristy Fermin," Ngayon Dominic Roque, napakaselan mo, napakasensitibo mo, public figure ka pero lumalabas rito sa ipinalabas mong opisyal na pahayag sa pamamagitan ng iyong mga abogado na ayaw mong may naririnig at nababasa na para sayo ay hindi kagandahang kwento."


Pagpupunto pa ni Cristy Fermin, na pinasok ni Dominic Roque ang mundo ng showbiz at nasa gitna ng aliwan siya kaya naman hindi na dapat ito umaasa na mabigyan ng full privacy.


Iginiit pa ni Cristy Fermin na hindi naman umano gaano kakilala si Dominic Roque at sumikat lamang dahil kay Bea Alonzo kaya naman hindi na umano ito dapat pang mag-inarte.


Ayon pa kay Cristy Fermin, na hindi naman nila sinisiraan si Dominic Roque sa katunayan ay ipinagtatanggol pa nila ito dahil ayaw na ayaw umano ni Cristy Fermin na tinatanggalan ng pride ang isang lalaki.


Kinukuntra pa umano ni Cristy Fermin ang mga taong nambabash kay Dominic Roque at nangmamaliit rito dahil mas mayaman kaysa kanya si Bea Alonzo.



Pinoy Big Brother Mapapanuod Sa GMA-7

Walang komento

Miyerkules, Pebrero 21, 2024


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at entertainment news sites ang balitang magbabalik na ang kilalang reality show ng ABS-CBN, na pinagmulan ng mga de-kalibreng mga artista sa industriya ng showbiz.


Kumakalat ngayon ang mga balitang magbubukas nang muli ang bahay ni Kuya o ang reliaty talent search na Pinoy Big Brother kung saan magsasanib umano ang pwersa ng GMA Network at ABS-CBN Studios.


Sa episode ng Ogie Diaz Showbiz Update nitong February 20, 2024, naisiwalat ni Ogie Diaz ang balitang nakarating sa kanya kung saan magsasanib pwersa umano ang dalawang malaking network, ang GMA at ABS-CBN para sa muling pagbubukas ng Pinoy Big Brother.


Sa ngayon ay hindi pa naman umano ito kinukumpirma ni Ogie Diaz at nararapat na hintayin na lamang umano ang mga official statements ng mga nasabing networks.


Kung si Ogie Diaz naman ang tatanungin magiging maganda naman umano kung sakaling magsasanib pwersa ang dalawang networks katulad na lamang sa collaboration nila noon sa teleseryeng Unbreak My Heart.


Hindi naman umano alam ni Ogie Diaz kung sa mismong GMA-7 ba ipapalabas ang Pinoy Big Brother kung sakali mang matuloy ang kanilang usapan o kung sa GTV rin ito lalabas kung saan kasalukuyang umiere ang It's Showtime.


Marami naman ang naniniwala na may posibilidad ang mga isiniwalat ngayon ni Ogie Diaz dahil maasahan naman ang mga sources nito. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na kadalasan sa mga isinisiwalat na mga balita ni Ogie Diaz ay may katotohanan talga katulad na lamang noong inulat niya lilipat sa GTV ang It's Showtime matapos ibigay ng TV5 ang kanilang timeslot sa show na pangungunahan ng TVJ.


Maging noong naisiwalat ni Ogie Diaz ang patungkol sa hiwalayan ng ilang mga celebrity couples kabilang na ang KathNiel.


Samantala kung sakali mang matutuloy ang partnership ng dalawa ngayon para sa nasabing reality show, may pagkakataon na magkakaroon ng malalim na ugnayan ang mga artista at maaring dahil rito ay tuluyan nang matitigil ang network war.




Kim Chiu Pinatamaan Ni Xian, Kim Binabaliktad Nga Ba

Walang komento


 Nakabalik na sa pagiging host ng It's Showbiz si Chinita Princess Kim Chiu mula sa magkakasunod na taping nila sa Filipino adaptationg ng What's Wrong With Secretary Kim at matapos ang pagdalo niya sa birthday party sa isa sa mga kasamahan nila sa nasabing teleserye.


Nagpakita ng kakaibang energy si Kim Chiu sa kanyang pagbabalik sa show at mahahalatang na-miss rin niya ang mga madlang pipol at ang kanyang It's Showtime Family. Pagkatapos ng show ay naglaan naman ang aktres ng panahon para makabisita sa clinic ni Dra. Vicky Belo.


Ayon sa maikling video ni Kim Chiu, ipinahayag niya ang dahilan ng kanyang pagpunta sa clinic ni Dra. Vicky Belo at ito ay dahil sa pagkakaroon niya ng mga pimples. 


Sa kabilang banda, marami naman ang nakapansin sa naging pahayag ni Kim Chiu sa isang segment ng It's Showtime kanina kung saan idiniit niya na hindi na niya babalikan pa ang isang tao na nang-iwan sa kanya.


Marami sa mga netizens at mga tagahanga ni Kim Chiu ang naniniwala na para kay Xian Lim ang naging pahayag na ito ng aktres na kamakailan lamang din ay tila nagparinig sa kanya.


Ayon sa ibinahaging video ni Xian Lim, hindi umano nararapat na magmamakaawa pagdating sa mga relasyon para mabigyan ka ng sapat na atensyon.


"Control your emotions and never beg for attention, love or care, if someone doesn't like to talk to you don't force them because forcewd relationship don't last much longer."


Hinala naman ng  mga tagahanga ni Kim Chiu ay ang aktres talaga ang pinariringgan ni Xian Lim sa kanyang ibinahaging video.


Samantala, naging makahulugan naman ang pakikipagsagutan ni Kim Chiu sa isa sa kanilang mga contestant kanina na umamin na hindi na niya naipaglaban ang kanilang relasyon ni ex at sumuko na lamang dahil ang makakalaban ay ang mismong ama ng babae.


Ayon kay Kim Chiu dapat na ipaglaban ang isang relasyon lalo na kung totoo mo namang minamahal ang isang tao.



Cristy Fermin Itinangging Sinisiraan Niya Ng Puri Si Dominic Roque

Walang komento


 Kaagad na sinagot ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang inilabas ng legal council ni Dominic Roque na opisyal na pahayag patungkol sa 'malicious at defamatory' comment ni Cristy Fermin laban sa pagkatao ng actor-model.


Mariing pinabulaanan ng kolumnistang si Cristy Fermin sa kamakailang episode ng Cristy Ferminute ang paratang sa kanya ni Dominic Roque na siya umano ang nagpakalat sa isyung mayroon silang relasyon ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos at Former Quezon City Congresmman na si Bong Suntay.


Iginiit ni Cristy Fermin na hindi siya ang nagsasabing 'benefactor' ni Dominic Roque ang dalawa dahil wala naman umano siyang pinangalanan sa kanyang showbiz vlog mapa Showbiz Now Na man o Cristy Ferminute.


Ayon kay Cristy Fermin, kailanman ay hindi naman niya sinabi sa kanyang mga vlog na si Mayor Bullet Jalosjos ang benefactor ni Dominic Roque.


Maging noon napag-usapan nila si Bong Suntay ay hindi rin umano niya ginamit ang salitang benefactor.


Ayon kay Cristy Fermin baka ibang mga vloggers umano ang nagsasabing sina Bong Suntay at Bullet Jalosjos ang benefactor ni Dominic Roque at hindi ito sa kanya nagmula.


Hinamon pa ni Cristy Fermin ang legal council ni Dominic Roque na balikan ang mga naunang episode ng Showbiz Now Na at Cristy Ferminute kung may nabanggit pa siyang benefactor ni Dominic Roque si Bullet Jalosjos.


Iginiit pa ni Cristy Fermin na kailanman ay hindi lumabas sa kanyang bibig ang pangalan ni Bullet Jalosjos sa kanyang mga vlog patungkol sa hiwalayan nina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Samantala, kahit totoo umanong nabanggit niya ang pangalan ni Bong Suntay sa kanyang mga vlog ay may paglilinaw naman siya sa kung ano ang kaugnayan nila ni Dominic at hindi rin umano niya sinabi ang salitan benefactor.


Wala rin umanong nakikita si Cristy Fermin na malisya sa kanyang mga isinisiwalat at wala rin umanong paninirang puri.


Kaya naman labis siyang nagtataka kung bakit siya ang pinupuntirya ng legal council ni Dominic Roque kung saan sinasabi ng mga ito na malicious at defamatory ang kanyang mga binibitawang mga salita.




Lotlot Deleon May Mensahe Sa Isyu nina Kim Chiu at Paulo Avelino

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa love triangle nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez, at Kim Chiu.


Ayon sa ilang mga bali-balita ngayon mula sa iba't-ibang mga reliable sources, totoong nagkabalikan noon sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez, subalit kamakailan lamang, ay tuluyan nang naghiwalay ang dalawa kung saan si Kim Chiu ang itinuturing na dahilan dahil nali-link na ito da aktor ngayon.


Maging sa kamakailang episode ng YouTube vlog ng kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz natalakay nila ang tuluyang paghihiwalay nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino kung saan may malaking papel para rito ang kasalukuyang leading lady ni Paulo na si Kim Chiu.


Kung sakali ngang tuluyan nang naghiwalay sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez mayroon nang posibilidad na magkakaroon ng relasyon sina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil pareho naman na silang single sa ngayon.


Ayon naman sa ilang mga netizens na kung sakali mang magkaroon ng relasyon ang dalawa sa ngayon lalong iingay ang kanilang pangalan at makakabuti umano ito sa kanilang teleserye na What's Wrong With Secretary Kim?


Sa kabilang banda, naitanong naman sa malalapit na kaibigan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino ang patungkol sa hiwalayan ng dalawa, subalit pinili ng mga ito na manahimik at sinabing wala silang alam sa relasyon ng dalawa.


Ipinunto pa ng mga ito na bagama't malapit sila at magkaibigan ay hindi naman umano sila nagtatanong ng mga personal na bagay sa dalawa at hinihintay rin nila na kusa na lamang ang mga ito na umamin.


Maging ang ina ni Janine Gutierrez na si Lotlot De Leon ay natanong rin patungkol sa lovelife ng kanyang anak na si Janine Gutierrez subalit wala rin umano siyang alam sa totoong sitwasyon ng puso nito.


Gayunpaman kilala umano niya ang kanyang anak at magsasabi ito sa kanya sakaling hindi na nito makayanan ang bigat na nararamdaman. Kung sakali mang may nararamdaman umano ang kanyang anak ay handa naman niyang damayan ito anuman ang mangyari.



Aktres Matetengga Ang Showbiz Career! Tuturuan Daw Ng Leksyon!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang showbiz career ng isang Kapamilya actress matapos ang sund-sunod na pagkakasangkot nito sa mga isyu na labis na nakaapekto sa kanyang image at reputasyon.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang showbiz career ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes matapos masangkot ang kanyang pangalan sa kontrobersyal na hiwalayan ng long time celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ayon sa mga kumakalat na mga bali-balita, bagama't naging matagumpay naman ang kamakailang teleserye na pinagbibidahan ni Andrea Brillantes na Senior High, ay matagal munang hindi makakakuha ng panibagong proyekto ang aktres at matitingga muna ng matagal-tagal.


Hindi na rin umano masusunod ang naunang plano na bibigyan kaagad ng panibagong proyekto si Andrea Brillantes matapos ang kanyang pagganap sa matagumpay na teleserye dahil sa pagkakasira ng kanyang pangalan dahil sa pagkadawit niya sa hiwalayan ng KathNiel.


Bagama't wala namang isiniwalata ng dalawa marami pa rin ang naniniwalang may kinalaman ang aktres dahil una siyang inunfollow ni Kathryn Bernardo.


Ayon pa sa mga kumakalat na mga haka-haka, tuturuan muna umano ng leksyon si Andrea Brillantes ng ABS-CBN network upang makapagreflect ito sa kanyang mga ginagawa.


Samantala, isiniwalat naman ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa latest episode ng kanyang online vlog ang balitang nakatakdang magkaroon ng mga proyekto si Andrewa Brillantes pagkatapos ng Senior High subalit hindi na umano ito mangyayari dahil sa mga natatanggap na pambabatikos ni Andrea Brillantes mula sa mga netizens.


Gayunpaman, naniniwala umano si Ogie Diaz na hindi naman basta-basta na bibitawan ng ABS-CBN si Andrea Brillantes dahil hindi naman umano maitatanggi na isa ang aktres sa pinakamagagaling na artista sa kanilang henerasyon ngayon.


Ayon pa kay Ogie Diaz na may nakarating sa kanyang balita na magkakaroon umano ng sequel ang Senior High dahil sa mataas na ratings na nakukuha nito at pangungunahan pa rin ito ni Andrea Brillantes at ng buong cast.



Kim Chiu Tinalakan Ang Contestant Sa Expecially for You! Kim Hindi Nakapagtimpi!

Walang komento


Tila hindi nagkasundo sina Chinita Princess Kim Chiu at ang searcher sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You.


Tila nasalubong si Kim Chiu ng isang talakayan sa kanyang muling pagbabalik sa It's Showtime matapos ang ilang araw na wala ito sa show dahil sa sunod-sunod nilang taping ni Paulo Avelino.


Sa nasabing segment, nagkaroon ng diskusyon sina Kim Chiu at ang searcher patungkol sa hindi nito paglalaban sa pagmamahalan nila ng kanyang ex.


Ayon sa searcher, mas pinili niyang sumuko dahil wala na umano siyang pag-asa dahil mas mataas ang kanyang kalaban, dahil ito ang ama ng kanyang ex kaya naman hindi na lamang niya ipinaglaban ito at sinunod ang kagustuhan ang ama nito bilang pagrespet na rin sa nakakatanda.


Hindi naman nagustuhan ni Kim Chiu ang naging pahayag ng searcher at ipinunto ng aktres ang kanyang paniniwala na kapag totoong mahal mo ang isang tao ay ipaglalaban mo at hahamakin ang lahat ng pagsubok.


Ayon kay Kim Chiu, walang mas tataas na kalaban kung talagang mahal mo ang isang tao. Hindi naman nagpatalo ang seacher at sinagot si Kim Chiu, ayon sa searcher na hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong sumabak sa isang gyera lalo na kung hindi naman sapat ang dala mong bala.


Upang hindi na magkainitan pa ang sagutan ng dalawa ay kaagad nang sumingit si Tiyang Amy para matigil na ang diskusyon ng dalawa. Iniba rin ni Vhong Navarro ang paksa at hayagang tinanong si Kim Chiu kung ano ang kanyang gagawin sakaling naroon siya sa sitwasyon ng kanilang mga contestant sa ngayon.


Kaagad naman itong sinagot ni Kim Chiu at ipinunto na mas nakakababae kapag ipinaglalaban siya ng taong minamahal subalit naiintindihan naman umano niya na iba-iba ang paraan ng bawat isa kung paano ipaparamdam ang pagmamahal.


Samantala, marami ang naghinala na baka naranasan umano ni Kim Chiu ang ganitong sitwasyon at hindi siya ipinaglaban ng kanyang karelasyon kaya naman sour topic para kay Kim Chiu at patungkol sa pagsuko na lamang.


Marami ang naghinala na hindi ito nalalayo sa totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Xian Lim dahil lumabas na rin ang mga bali-balita noong na hindi tanggap ng mga magulang at pamilya ni Kim Chiu si Xian Lim kaya hindi magawa ni Xian na pakasalan ang aktres.



Hindi Pabor Si Dina Bonnevie Sa Pagdami Ng Anak Nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto!

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang umano'y reakson ng ina ni Oyo Sotto na si Dina Bonnivie sa muling pagdadalangtao ni Kristine Hermosa.



Matatandaan na masayang isiniwalat ni Kristine Hermosa sa kanyang Instagram account ang balitang muli na naman siyang nagdadalang tao sa edad na 40 years sa ikaanim nilang anak ni Oyo Sotto.


Inihayag pa noon ni Kristine Hermosa kung paano siya kasaya at ka-excited nang makita niya ang positive pregnancy test kahit pa ilang beses na rin naman umano siyang nanganak noon. Ang kanyang kasiyahan ay katulad pa rin umano sa unang pagkakataon nang malaman niyang nagbubuntis siya noon.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para kina Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa pagkakaroon muli nila ng supling.


Samantala, aminado naman si Kristine Hermosa na talagang nasurpresa siya nang malaman niya nagbubuntis siyang muli dahil mayroon na silang limang anak ni Oyo Boy Sotto. Bukod pa rito nasa 40s na rin siya kaya naman hindi na umano niya inaasahan ang pagbubuntis.


Gayunpaman, alam umano ni Kristine Hermosa na by God's will ang kanyang pagbubuntis ngayon kaya naman masaya pa rin niya itong tinatanggap. 


Sa kabilang banda, may ilang mga netizens naman ang nagsasabi na napakarami na ng mga anak nina Kristine Hermosa at Oyo Boy Sotto. Sa katunayan maging ang ina umano ni Oyo Sotto na si Dina Bonnevie ay tila hindi na rin nasisiyahan sa pagkakaroon ng sunod-sunod na anak nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto.


Sa isang panayam kay Dina Bonnevie, inamin umano ng batikang artista na pinagsabihan na niya sina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na tama na ang pag-anak dahil nakakarami na rin naman sila.


Samantala, naniniwala naman ang mga fans nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto na wala namang problema kung magkaroon man ng maraming anak ang dalawa dahil kaya naman nila itong buhayin.

 

Sarah Geronimo and Mommy Divine Nagkaayos Na! Alamin Kung Sino Ang Dahilan Ng Pagbabati Nila!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang tila nagkaayos na umano sina Sarah Geronimo at Mommy Divine matapos ang maraming taon.


Kahapon, February 20, 2024 ay ipinagdiriwang ng mag-asawang sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang ika-apat na wedding anniversary.


Matatandaan na naging kontrobersiyal ang pagpapakasal noon ni Sarah Geronimo kay Mateo Guidicelli dahil mahigpit na tinutulan ng kanyang ina na si Mommy Divine ang kanilang relasyon.


Dahil dito, hindi ipinaalam ni Sarah Geronimo sa ina ang pagpapakasal niya kay Matteo Guidicelli, subalit nalaman rin kaagad ito ng kanyang ina kaya naman may iskandalong naganap.


Magmula noon ay pinutol na ni Mommy Divine ang kanyang kaugnayan kay Sarah Geronimo at mula noon ay hindi na kinibo pa ni Mommy Divine si Sarah kahit pa ilang beses itong nag-reach out sa kanyang ina.


Ayon pa sa mga naging pahayag noon ni Matteo Guidicelli kailanman ay hindi kinalimutan ni Sarah Geronimo ang kanyang mga magulang at palagi umanong gumgawa ng paaan si Sarah para makipag-ayos sa mga ito subalit palaging nabibigo ang kanyang asawa.


Kaya naman marami ang natutuwa nang lumabas ang mga balitang nagkaayos na umano sina Sarah Geronimo at ang mga magulang nito lalo na ang kanyang ina na si Mommy Divine.


Ayon sa mga lumalabas na mga haka-haka namagitan umano sa dalawa ang Viva Boss na si Boss Vic para tuluyan nang magkaayos ang mag-ina noong nagdaang January 2024.


Ikinatuwa naman ito ng kanyang mga tagahanga na kaagad na naghinala na ito ang dahilan kung bakit napaka-blooming ngayon ng singer.


Bukod pa rito, masaya rin ang mga fans ni Sarah Geronimo dahil nakakuha rin ng panibagong endorsement si Sarah Geronimo. Siya na ngayon ang brand ambassador ng Hyundai Philippines.


Marami naman ang umaasa na sana ay magtutuloy-tuloy na ang pagkakaayos ng mag-ina na nagkatampuhan sa loob ng mahabang panahon.


Sa ngayon ang tanging hinihiling na lamang ng mga fans nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay sana magkaroon na ang mga ito ng anak na siyang magbubuo sa kanilang pamilya.



Ang Ibinibintang Ni Anne Jakrajutatip Sa Dating Miss Universe President Na Si Paula Shugart

Walang komento


 Umalma si Paula Shugart, dating presidente ng Miss Universe Organization sa mga pahayag ni Anne Jakrajutatip na talamak ang corruption noong siya pa ang nasa posiyon.


Kaagad na nagbigay ng pahayag si Paula Shugart bilang sagot sa mga tirada ni Anne Jakrajutatip na talamak umano ang korapsyon noong mga panahon na siya pa ang nakaupo bilang Presidente ng Miss Universe Organization.


Nitong lunes, February 19, 2024 naglabas ng official statement sa kanyang Instagram account. Ayon sa pahayag ni Paula, nakarating umano sa kanya ang balitang tumatanggap siya ng under the table money para masiguro ang placement ng isang kandidata sa Miss Universe competition.


Iginiit ni Paula na walang katotohanan ang mga isyung ito sa loob ng 12 years niyang panunungkulan bilang Miss Universe Organization president.


Pagpapahayag ni Paula, na mula noong inanunsyo niya ang kanyang resignation noong November 2023,ay hindi na umano siya nagpakita pa sa spotlight at hindi na rin umano siya nagbibigay ng anumang komento patungkol sa mga nangyayaring pagbabago sa Miss Universe Organization .


Nanahimik umano siya at hindi na lamang naglalabas ng komento sa lahat ng nangyayari at tahimik na lamang tinutulungan ang brand at ang mga stakeholders nito sa tuwing may nangangailangan sa kanya sa pamamagitan ng kanyang historical  knowledge at guidance.


Subalit, hindi umano niya mapapalampas ang mga false accusations at outrageous comment ng Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip na nakakaapekto na umano sa kanyang karakter kaya naman hindi na siya maaring manahimik na lamang.


Ayon sa pahayag ni Paula, "Normally, I would choose to ignore such assertion but, by suggesting that I am corrupt and took money 'under the table' to secure placements in Miss Universe competitions, Jakrajutatip not only deframes me, but also discredits the women who have won the Miss Universe by implying their titles were 'bought' and not earned by merit." 


Sa ngayon ay pinag-iisipan na rin umano ni Paula kung magsasampa ba siya ng kaso laban kay Anne Jakrajutatip sa paninira nito ng puri sa kanya.


Kumpirmado! Bullet Jalosjos Inamin Na Kanya Ang Mamahaling Condo Na Tinitirhan Ni Dominic Roque

Walang komento


 Inamin na ng TAPE Incorporated executive at Dapitan City Mayor na si Bullet Jalosjos ang mga bali-balitang siya ang totoong nagmamay-ari sa condo unit na tinitirhan ngayon ng actor-model na si Dominic Roque.


Matatandaan na labis na ikinagulat ng mga netizens ang napapabalitang paghihiwalay nina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil nauna nang isiniwalat ni Dominic Roque na naghahanda na silang magpakasal ni Bea Alonzo.


Ayon kay Dominic sa isang interview nakapokus na umano sila ni Bea Alonzo sa pagpaplano ng kanilang kasal at napag-uusapan na rin kung sino-sino ang maiimbitahan at makakasama sa entourage.


Subalit, matapos ang isang linggo ay pinabulaanan ito ni Bea Alonzo at nilinaw na wala pa silang napag-uusapang plano ni Dominic Roque. Napansin rin ng mga netizens na hindi na sinusuot ni Bea Alonzo ang ibinigay sa kanyang engagement ring ni Dominic Roque.


Dahil ito, marami ang naghinala na baka naghiwalay na ang dalawa at naglabasan na rin ang samu't-saring spekulasyon patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.


May mga naghinala na may nadiskubre umano si Bea Alonzo at ang pamilya nito na hindi nila matanggap patungkol sa totoong pagkatao ni Dominic Roque. Ayon pa sa mga bali-balita, nalaman umano ni Bea Alonzo ang patungkol sa mga benefactor ni Dominic Roque na nagpapatira rito sa isang mamahaling condo unit na isa umanong lalaking pulitiko.


Dahil sa isyung ito, marami ang mga pangalan ng mga pulitiko na nakakasama ni Dominic Roque ang pinaghihinalaang karelasyon ng aktor. Lumalabas rin ang pangalan ni Mayor Bullet Jalosjos dahil siay ang totoong nagmamay-ari ng condo unit na tinitirhan ngayon ni Dominic.


Bukod sa kanya dawit rin ang pangalan ni Cong. Joey Catintay dahil ito naman ang kasosyo ni Dominic sa kanyang gasoline business.


Samantala, nagbigay na ng pahayag si Bullet Jalosjos upang linisin ang kanyang pangalan at linawin na ang isyu sa pagitan nila ni Dominic Roque.


Ipinahayag ni Bullet Jalosjos na totoong siya ang nagmamay-ari sa tinitirhang condo ni Dominic Roque. Gayunpaman, iginiit niyang wala silang relasyon at malapit lamang silang magkaibigan.


Ipinunto rin ni Mayor Bullet Jalosjos na hindi naman libre ang pagpapatira niya kay Dominic Roque sa kanyang condo dahil umuupa ito sa kanya ng 50 thousand pesos kada buwan at kailangan din nitong i-maintain ang nasabing condo.


Natatawa na lamang umano si Bullet Jalosjos dahil binigyan kulay ng ilang mga netizens at mga kolumnista ang kanilang pagkakaibigan kung saan pinaghihinalaan silang mayroong tinatagong relasyon.


Matatandaan na naunang itinanggi ni Bullet Jalosjos ang isyung siya ang nagmamay-ari ng condo unit na tinitirahan ni Dominic Roque, subalit ngayon ay nilinaw na niya ang lahat upang matigil na rin ang isyu.


Nilinaw din ni Bullet Jalosjos kung gaano kabuti si Dominic Roque at wala umano itong ginagawang illegal taliwas sa mga pinagsasasabi ng mga kolumnita.



Sino Si Iris Lee, Ang Bagong Girlfriend Ni Xian Lim

Walang komento

Martes, Pebrero 20, 2024


 Marami sa mga netizens lalong-lalo na ang mga tagahanga ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang napapatanong ngayon kung sino nga ba si Iris Lee, ang babaeng iniuugnay ngayon kay Xian Lim bilang panibagong girlfriend ng aktor.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms kung sino at kung ano nga ba ang totoong katauhan ni Iris Lee at kung bakit ito ang ipinalit ni Xian Lim sa kanyang girlfriend for 12 years na si Kim Chiu.


Unang nalink si Iris Lee kay Xian Lim noong hindi pa inaamin nina Kim Chiu at ng aktor ang kanilang paghihiwalay. Kumalat noon ang mga larawan ng dalawa na magkasama sa iisang event at tila malapit sa isa't-isa.


Kusa namang nawala ang isyu dahil marami parin ang naniniwala sa mga panahong iyon na walang katotohanan ang isyung pagihihiwalay nina Kim Chiu at Xian Lim dahil matagal na ang kanilang relasyon at sinubok na rin ito ng panahon.


Bukod pa rito, iginiit din ng ilang mga showbiz columnists na wala namang third party sa hiwalayan nilang dalawa kundi ang kawalan ng plano ni Xian Lim na pakasalan si Kim Chiu ang dahilan kung bakit tinapos nila ang kanilang relasyon.


Subalit, muling umingay ang pangalan ni Iris Lee noong nakaraang Valentine's Day ng kumalat sa social media ang mga larawan nila ni Xian Lim na magkasama sa ilang mga events.


Dahil dito napagtagni-tagni ng mga netizens na baka noon pa man ay may lihim ng intindihan sina Iris Lee at Xian Lim na nabigyan kalayaan lamang noong tuluyan nang maghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Samantala, marami naman ang napapatanong ngayon kung ano nga ba ang katauhan ni Iris Lee at kung saan siya nagsimula.


Si Iris Charmaine Lee ay ipinanganak noong June 1, 1991,sa isang Filipinong ina na si Linda Lee at isang Chinese na ama. 


Base sa kanyang Instagram account, mayroong tatlong kapatid si Iris Lee, dalawa ang nakakatanda sa kanya na sina Peidi Lee at Liane Shaira Lee, mayroon naman siyang nakababatang kapatid na si Celine Arian Lee, na isang rising star sa larangan ng visual arts.


Itinuloy ni Iris ang kanyang hilig sa pelikula sa pamamagitan ng pagkuha ng Bachelor of Arts in Film, Cinema, and Video Studies sa University of the Philippines Film Institute, na kilala rin bilang UP Film Institute o UPFI —paaralan ng pelikula ng UP Dilliman.


Mula noong Oktubre 2018, siya ay naging mahalagang bahagi ng Viva Communications, Inc., na nagsisilbing senior associate producer.


Ang mga responsibilidad ni Iris ay sumasaklaw sa pre-production, post-production management, program production, script development, creative pitching, at budgeting.


Kabilang sa mga kilang proyekto na kinabibilangan niya bilang producer ay  Sisters Forever noong 2018, Deleter noong 2022, Iskandalo noong 2022, Erotica Manila na ipinalabas taong 2023, Hello, Universe! taong 2023, Araro noong 2023, Stalkers taong 2023, Ganti-Ganti noong 2023.



Ria Atayde, Zanjoe Marudo Engaged Na!

Walang komento


 Sa gitna ng mga sunod-sunod na nangyayaring hiwalayan ngayon sa pagitan ng mga celebrity couple, nagkaroon ng pag-asa ang mga netizens na mapuputol na ang trend dahil sa pagsisiwalat ni Ria Atayde sa engagement nila ni Zanjoe Marudo.


Isiniwalat mismo ni Ria Atayde sa kanyang social media account ang masayang balita patungkol sa panibagong journey nila ni Zanjoe Marudo bilang isang engaged couple.


Hindi naman nagbigay ng anumang detalye si Ria Atayde patungkol sa nangyaring engagement nila ni Zanjoe Marudo, tanging maikling mensahe lamang kung saan inihayag niyang handa siya makasama panghabangbuhay si Zanjoe Marudo kalakip ang larawan kung saan ibinida niya ang kanyang engagement ring.


Samantala, ibinahagi naman ni Zanjoe Marudo ang isang sweet photo nila ni Ria Atayde habang nakahiga kung saan binati niya ito sa caption bilang fiance.


Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa celebrity couple mula sa kanilang mga fans at maging ng mga kasamahan nila sa industriya ng showbiz.


Sa kabilang banda marami naman ang humihiling na sana ay matuldukan na ng engagement nina Ria Atayde at Zannjoe Marudo ang sunod-sunod na hiwalayan ng mga celebrity couples.


Matatandaan na magkasunod na naibabalita noon ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Miles Ocampo at Elijah Canlas, Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, Kim Chiu at Xian Lim at kamakailan lamang ang nakakagulat na paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Sa lahat ng nabanggit ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque ang pinakahindi inaasahan sa lahat dahil nasa gitna na sila ng pagpaplano para sana sa kanilang kasal.


Samantala, hindi naman maiiwasan na may ilang mga netizens talaga ang nagbahid ng malisya sa pagkaka-engaged nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo ilang linggo matapos makumpirmang naghiwalay na sina Dominic Roque at Bea Alonzo.


Sa nangyari ay tila ba ipinamumukha umano ngayon na naging masaya na ang mga ex ni Bea Alonzo habang ang aktres ay hindi pa rin umano settled sa kabila ng edad nito. Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaman ng nakararami ang nakaraan nina Bea Alonzo at Zanjoe Marudo noon na nauwi rin sa isang masalimoot na hiwalayan.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo