Tila hindi pinapalampas ng mga kaibigan ni Dominic Roque ang mga kontrobersiyang kinakaharap ng aktor matapos ang paghihiwalay nila ni Bea Alonzo.
Matatandaan na naglabasan noon ang mga bali-balitang pagkakasangkot ni Dominic Roque sa lalaking pulitiko na nagpapatira umano sa kanya sa isang condo unit, bukod pa rito pinagdududahan rin ng ilang mga netizens ang mga negosyo ni Dominic Roque.
Matatandaan na nauna nang naglabas ng pahayag si Mayor Bullet Jalosjos kung saan inamin niya na siya ang totoong nagmamay-ari sa condo unit na tinitirhan ni Dominic Roque subalit wala umanong katotohanan ang mga isyung iniuugnay sila romantically.
Hindi rin naman umano libre ang pagpapatira niya kay Dominic Roque roon dahil nagbabayad sa kanya ng upa ang aktor sa halagang 50 thousand per month.
Samantala nagbigay na rin ng pahayag ang may-ari ng Clean Fuel na si Cong. Bong Suntay patungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan at negosyo sa hiwalayan nina Dominic Roque at Bea Alonzo.
Ayon sa inilabas na pahayag ng kampo ni Cong. Bong Suntay, pinag-iisipan na umano nila kung magsasampa ba sila ng kaso sa mga taon naglalagay ng malisya sa kanyang pangalan.
Matatandaan na mayroong naglabasang mga blind items noon kung saan sinasabing nagkaroon ng share si Dominic Roque sa nasabing negosyo dahil sa relasyon nila ng may-ari nito.
Sa inilabas ng official statement ng Clean Fuel, mariin nilang kinokondena ang mga false accusatuons na kinasasangkutan ng kanilang brand ambassador na si Dominic Roque.
Upang maging malinaw na ang mga misleading at false impormation na kumakalat ngayon sa social media, naglabas na sila ng pahayag kung saan pinabubulaanan nila ang mga alegasyon laban kay Dominic Roque.
Nilinaw rin nila na company-owned ang Cleanfuel kaya naman hindi ito nagbibigay ng anumang franchise kagaya na lamang sa mga sinasabi sa mga naglabasang blind items.
Iginiit rin nila na si Dominic Roque ay isa lamang brand ambassador na nagtatrabaho professionally.