Andrea Brillantes Kinilig Kay Rico Blanco Dream Come True Ayon Sa Aktres Tulad Ni Maris Racal Noon!

Walang komento

Lunes, Pebrero 26, 2024


 Marami sa mga netizens ang napapataas ang kilay matapos ibahagi ng kontrobersyal aktres na si Andrea Brillantes ang kanyang kasiyahan ng makita in person ang hinahangaan niyang si Rico Blanco.


Hindi napigilan ni Andrea Brillantes ang kanyang sarili na ilabas ang pagiging ‘fangirl’ matapos niyang personal na makilala ang musician na si Rico Blanco sa isang event.


Sa kanyang Instagram story, nsgflex ang aktres na si Andrea Brillantes ng larawan together with Rico Blanco na kasalukuyang nobyo ng aktres na si Maris Racal.


Sa caption inilahad ni Andrea Brillantes ang kanyang kasiyahan, masaya pa rin umano siya kahit blurred ang pagkakakuha ng picture nilang dalawa.


Marami naman sa mga netizens ang nagtag kay Mariz Racal na kabahan na umano ito dahil kilala si Andrea Brillantes bilang mang-aagaw.


Matatandaan na si Andrea Brillantes ang tinuturong dahilan ng mga hiwalayan ng ilang mga celebrity couples, partikular na ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Bagama't hindi naman malinaw ang lahat at hindi pa rin naglalabas ng pahayag sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa totoong naging dahilan ng kanilang paghihiwalay marami pa rin ang naniniwalang may kinalaman rito si Andrea Brillantes.


Ayon sa mga kumakalat na mga bali-balita, palihim umano nagkikita sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla habang may karelasyon pa sila. Noong mga panahaong iyon ay magkarelasyon pa sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla habang boyfriend naman ni Andrea Brillantes si Seth Fedelin.


Ito pa umano ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Seth Fedelin at Andrea subalit hindi pa umano ito natatapos dahil habang karelasyon naman ni Andrea Brillantes si Ricci Rivero ay patuloy pa rin ang kanilang relasyon.




Aktor Tinaggihan Na Makasama Sa Proyekto Ang Aktres!

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang pagtanggi ng isang aktor na makasama ang sikat na aktres sa isang pelikula dahil sa pagiging controversial nito ngayon.


Tila kumpirmado nang hindi na matutuloy ang matagal nang pinagpaplanuhang comeback movie nina Bea Alonzo at Jhon Lloyd Cruz dahil sa biglaang pag-atra ng aktor sa walang malinaw na dahilan.


Sa isang episode ng Cristy Fermin, inilahad ng veteran showbiz columnist na talagang mahihirapan ng matuloy ang pinaplanung reunion project ng dating magkaloveteam na sina Bea Alonzo at Jhon Lloyd Cruz dahil hindi na interesado si Jhon Lloyd na gawin ito.


Matatandaan na naging household name ang mga karakter na ginampanan noon nina Bea Alonzo at Jhon Lloyd Cruz sa pelikulang One More Chance noong 2007 bilang Popoy at Basha.


Ang nasabing pelikula ay nasa direksyon ni Cathy Garcia Sampana para sa Star Cinema. Kumita naman ang nasabing pelikula ng mahigit 152.7 million pesos.


Ayon pa kay Cristy Fermin, tiyak na mabubulabog na naman ang mga netizens kapadg kumpirmahin na ni Jhon Lloyd Cruz na hindi na niya gagawin ang napipintong pelikula nila ni Bea Alonzo na matagal nang nakaplano at nakasulat para sa kanilang dalawa.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na karamihan sa mga pinagsamahang pelikula nina Jhon LLoyd Cruz at Bea Alonzo ay talagang kumita at pinilahan sa mga sinehan.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang naghinala na umiiwas lamang ngayon si Jhon Lloyd Cruz na madawit ang kanyang pangalan sa mga pinagdadaanang pambabatikos ni Bea Alonzo matapos ang hiwalayan ni Dominic Roque.


Matatandaan na marami ang naghinala na baka ay si Bea Alonzo talaga ang may problema kaya hindi ito nagkakatuluyan ng mga nakarelasyon. Binalikan pa ng ilang mga netizens ang naudlot na movie nina Bea Alonzo at Alden Richards matapos ang pinagsamahan nilang Filipino adaptation ng isang hit Korean series.




Ria Atayde Binuntis Ni Zanjoe Marudo! Sylvia Sanchez Naglabas Ng Saloobin

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa pagiging engaged ng celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.


Bagama't marami ang nasiyahan sa pagiging engaged ng dalawa matapos ang mahigit isang taon na relasyon hindi pa rin maiiwasan na may ilang mga netizens na magbibigay kulay sa mga nangyayari.


May mga naglabasang mga balitan na kaya nagpropose si Zanjoe Marudo kay Ria Atayde ay dahil nagdadalang tao na umano ang aktres.


Nag-ugat ang mga haka-hakang ito nang may lumabas na blind item na pinaghihinalaang si Ria Atayde ang tinutukoy. Sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, nitng February 22, napag-usapan nina Ogie Diaz ang patungkol sa blind item na ito.


Ayon kay Ogie Diaz, may mga naglabasang blind item patungkol sa isang aktres na nabuntis ng aktor. Ang aktres umanong ito ay may kapatid na lalaking aktor at ang kanilang ina ay isang aktres.


Inilahad naman ni Mama Loi na marami sa mga netizens ang nagtuturo kay Ria Atayde bilang tinutukoy sa nasabing blind item dahil sa biglaan nilang announcement ng kanilang engagement.


Bukod pa rito, ang ina ni Ria Atayde ay si Sylvia Sanchez na isang aktres habang kapatid naman niya si Arjo Atayde na isa ring aktor. Marami naman ang naghinalang may katuturan naman ang mga hinala ng mga netizens sa nangyayari.


May mga nagsasabi naman na hintayin na lamang ang pag-amin ng dalawa kung sakali mang totoong nagbubuntis na si Ria Atayde dahil nasa tamang edad na rin naman ito.


Samantala, iginiit naman ni Ogie Diaz na kung totoong buntis man si Ria Atayde ay hindi umano nararapat na sila ang mag-aannounce. Mas nararapat umano na ang dalawa ang mag-announce kung sakaling totoong buntis na ang aktres.


Matatandaan, na inanunsyo ni Ria Atayde ang kanilang engagement ni Zanjoe Marudo sa pamamagitan ng isang social media post noong February 23, 2024. Kaagad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati para sa dalawa.


Maging ang kanyang ina na si Sylvia Sanchez ay ipinahayag rin ang kanyang tuwa sa pagkaka-engage ng kanyang anak kay Zanjoe Marudo.


Actual Video Ng Biglaang Wedding Proposal Kay Karylle Ng Mister Nyang Si Yael Yuzon Sa Showtime

Walang komento


 Hindi inaasahan ng It's Showtime host na si Karylle na may mangyayaring pasabog sa kamakailang episode ng It's Showtime matapos ang kanyang spiel.


Nitong February 26, 2024, isang araw bago ang 10th wedding anniversary nila ng kanyang mister na si Yael Yuzon, labis na nasurpresa si Karylle sa biglaang paglabas nito at pagpopropose sa kanya.


Hindi inaasahan ni Karylle na muling magpo-propose sa kanya ang kanyang mister na si Yael Yuzon para sa kanilang renewal of vows sa pag-uumpisa ng episode ng It's Showtime.


Bago naganap ang proposal, binabati ng It's Showtime family si Karylle para sa kanyang matagumpay ng Ballet Musical show niya na Rama Hari kung saan gumanap siya bilang si Sita. Matapos ang batian biglang lumabas si Yael at ginawa na ang hinandang surpresa si Karylle.


Ayon naman kay Yael Yuzon, hindi umano sanay si Karylle na sinusurpresa ng ganoon dahil gusto ng actress na nakaplano at alam niya itong lahat.


Aminado naman si Yael na hindi naging smooth ang pagsasama nila ni Karylle sa loob ng 10 years, nagkaroon din umano sila ng mga ups and downs. Mas special na rin umano sa pagkakataong ito dahil mayroon na silang 10 years.


Marami naman sa mga madlang pipol ang kinilig sa stunt na ginawa ni Yael Yuzon sa muling pagpopropose niya sa kanyang asawa na si Karylle. Kaagad ring bumuhos sa social media ang mensahe ng pagbati para sa kanilang dalawa.


@abscbnpr Congrats #Karylle and #Yael! Happy 10 years! Sinopresa nga ni Yael ang asawa sa #ItsShowtime nang magpropose ito sa kanya muli. #proposal #anniversary #showtime #kapamilya #husbandwife #kapamilyaforever #fyp #foryou #foryoupage #surprise #abscbn ♬ original sound - ABS-CBN PR

Dasuri Choi, Itinangging Siya Ang Naging Third Party Kina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

Walang komento


 South Korean dancer-TV host nagbigay na ng pahayag patungkol sa pagkakadawit niya sa hiwalayan ng Kapuso celebrity couple na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Sa wakas ay nilinaw na ni Dasuri Choi ang isyung siya ang naging third party at totoong dahilan kung bakit naghiwalay sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ilang buwan na ang nakakalipas.


Matatandaan na nadawit ang pangalan ni Dasuri Choi sa hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara nang mismong ibahagi ni Kyline sa kanyang Instagram account ang mga video nina Dasuri at Mavy na magkasama sa iisang lugar kalakip naman nito ang cryptic caption patungkol sa betrayal.


Nag-umpisa ang mga haka-haka patungkol sa totoong relasyon nina Dasuri Choi at Mavy Legaspi ng mapansin ng mga netizens ang pagkakalapit nila sa noontime show na Eat Bulaga na nagpalit na ng titulo bilang Tahanang Pinakamasaya kung saan pareho silang host.


Nitong February 24, 2024 sa isang vlog tahasan nang nagbigay ng reaksyon si Dasuri Choi sa mga natatanggap niyang masasakit na komento mula sa mga netizens lalo na noong madawit ang kanyang pangalan sa hiwalaayn nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Habang nag-mumukbang, inamin ni Dasuri Choi na nasasaktan rin siya sa mga mensahe na natatanggap niya mula sa kanyang mga bashers na nagsasabing dapat na umuwi na lamang siya sa Korea.


Nagbigay rin ng reaksyon si Dasuri Choi sa mga tumatawag sa kanyang homewrecker, matapos paghinalaang third party sa nangyaring hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Ayon kay Dasuri Choi, kailanman ay hindi siya naging thirdparty at hinding-hindi rin umano siya magiging third party. Ipinaliwanag rin niya ang totoong nangyari sa viral photo at video nila ni Mavy Legaspi na magkasama kung saan nakasama pa niya ang kambal nitong si Cassy at Michael Pangilinan.


Pagdidiin ni Dasuri Choi, walang double date na naganap dahil naroon naman ang lahat ng mga kasamahan nila sa show dahil isa itong team dinner nahuli lamang ang iba na dumating.


Hindi rin umano niya alam na magiging big deal na pala para sa mga netizens ang pagkakataong iyon dahil wala naman umano silang relasyon ni Mavy Legaspi.


Bagama't dinidedma ni Dasuri ang bashing at alam naman umano niya una palang na makakatanggap talaga ng pambabatikos sa pagpasok sa mundo ng showbiz, nais lamang niyang ipaalam sa lahat na nasasaktan rin siya kapag sobra na ang kanyang natanggap.




Julia Barretto at Amang Si Dennis Padilla Nagkabati Na

Walang komento


 Masayang ibinahagi ng comedian actor na si Dennis Padilla na nakatanggap siya ng text message mula sa kanyang anak na si Julia Barretto.


Sa isang panayam kay Dennis Padilla, inilahad niya ang kanyang kasiyahan at sa katunayan ay naging emosyunal pa umano siya ng mabasa ang mensahe ng kanyang anak para sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nagkaroon muli ng gap sa pagitan nina Dennis Padilla at kanyang mga anak kay Marjorie Barretto sa hindi malamang dahilan. Maging si Julia Barretto ay tikom din ang bibig kung bakit muli silang nagkaroon ng isyu sa kanilang ama noong 2022.


Subalit sa pagbabahagi ni Dennis Padilla sa pagbati sa kanya ni Julia Barretto para sa kanyang kaarawan ay tila nalalapit na rin ang tuluyang pagkakaayos nila.


Marami naman sa ilang mga netizens ang nagsasabi na talagang totoo ang kasabihan na 'blood is thicker than water'.


Matatandaan na noong February 6, 2024 ay nagbahagi ng mga larawan si Dennis Padilla ng kanyang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia at Claudia Barretto. Sa caption, muling ipinahayag ni Dennis Padilla kung gaano na niya ka-miss ang kanyang mga anak. Ginamit naman niya bilang background music ang awiting Love is All That Matters.


Tila nagkatroon naman ng magandang resulta ang patuloy na pagri-reach out ni Dennis Padilla para sa kanyang mga anak dahil nitong kaarawan niya ay nagpadala umano ng text message si Julia Barretto sa kanya.


Masayang isiniwalat ni Dennis Padilla na may komunikasyon na muli sila ni Julia Barretto dahil sa pagbati nito sa kanya noong 62nd birthday niya.


Sa isang video na kumakalat ngayon sa social media, makikita ang pagpapahayag ni Dennis Padilla na nais niyang maihatid si Julia Barretto sa altar kapag nagpakasal na ito.


Subalit kung hindi man siya mapabibigyan ng opportunity na iyon ay nais na lamang niya na kahit ma-witness lamang ang pagpapakasal ni Julia Barretto. Hiling din ni Dennis na magkaayos na sila ng tuluyan, hindi lamang si Julia, pati na rin sina Claudia at Leon Barretto.



@mjmarfori #fyp #DennisPadilla tinext na ng anak na si #JuliaBarretto ! Plano ni Dennis na mas kausapin pa ang anak privately. #entertainmentnewsph #WhenMagicHurts pcon #parentsoftiktok ♬ original sound - Mj Marfori

Kumpirmado Dominic Roque at Bea Alonzo Nagkabalikan Na

Walang komento


 Matapos ang ilang linggo nang mapabalitang naghiwalay na sina Bea Alonzo at Dominic Roque, at ang pagkakasangkot ng ilang mga personalidad sa kanilang hiwalayan, may mga naglabasang tsika na umano'y nagkabalikan na ang dalawa.


Isiniwalat ni Jobert Sucaldito ang balitang pagbabalikan ng celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Isang malaking pasabog ang isiniwalat ng showbiz insider na si Jobert Socaldito patungkol sa diumano'y pagbabalikan nina Bea Alonzo at Dominic Roque matapos ang ilang linggo pagiging laman ng mga usap-usapan sa social media ang paghihiwalay nilang dalawa.


Sa kamakailang episode ng Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon naibahagi ni Jobert ang isang Zoom meeting na dinaluhan ni Dominic Roque.


Ayon kay Jobert, may dinaluhang Zoom meeting kamakailan ang aktor-model na si Dominic Roque at habang nasa Zoom meeting ito at naka-on ang kanyang mic ay may nagsalita sa background na talagang ka-boses ni Bea Alonzo.


Hindi umano niya ito kumpirmado pero hindi rin umano siya maaring magkakamali na talagang narinig niya ang boses ng aktres. Kaagad naman siyang tinanong ng kanyang co-host kung ano ang sinabi ng babae sa background ni Dominic Roque na kaboses ni Bea Alonzo.


Kaagad naman itong sinagot ni Jobert na tinatawag umano nito si Dominic Roque na 'hon' at inalok ito kung gusto ba nito ng takos. Medyo nataranta pa umano si Dominic Roque dahil nasa kalagitnaan ito ng isang Zoom meeting.


Kaagad ding umanong nag-mute si Dominic Roque ng phone, kaya naman naging palaisipan para sa mga host kung sinoa ng tumatawag ng hon kay Dominic Roque habang nasa Zoom meeting ito.


Napatanong naman ang co-host ni Jobrt kung kaagad na nagkaroon ng panibagong nobya si Dominic Roque na talagang ka-boses pa ni Bea Alonzo. Ang dali rin naman umanong nakapag-move on nito.


Ayon naman sa sagot ni Jobert, na hindi rin niya masasabi dahil sa pagkakaalam ay nasa Japan si Bea Alonzo subalit maari rin naman umanong nakauwi na ito.


Sa ngayon ay ito lamang ang kanyang masasabi patungkol sa estado nina Bea Alonzo at Dominic Roque sa ngayon kung saan may posibilidad na nagkabalikan na ang mga ito. 


Subalit, hanggang hindi pa umano naglalabas ng pahayag ang dalawa ay hindi pa rin malinaw ang lahat, wala rin namang ibang magagawa ang lahat kundi maghintay na lamang sa pahayag ng dalawa.


@ootdjobertandchaps DOMBEA UPDATE! MAY POLITIKO NA INVOLVED?! #ootdians #ootdjobertchaps #ootd #ootdjc #jobertandchapschannel #direkchapsmanansala #jobertsucaldito #beadom ♬ original sound - OOTD Jobert and Chaps

Netizens May Napansin Sa Mga Photos Ni Kris Aquino Kasama Sina Bimby at Joshua!

Walang komento


 Matapos isiwalat ng Queen of All Media na si Kris Aquino ang totoong kalagayan niya ngayon habang patuloy  na lumalaban sa kanyang mga sakit, may napansin ang mga netizens sa ginagawa ni Kris Aquino.


Ayon sa ilang mga netizens, napansin nila na palaging kasama ni Kris Aquino sa mga ibinabahagi niyang mga larawan sa social media na palaging katabi niya ang kanyang mga anak.


Tila hindi umano pinapalampas ni Kris Aquino ang pagkakataon na makasama at maalagaan pa niya sina Joshua Aquino at Bimby Aquino. Marami naman ang lalong naawa kay Kris Aquino dahil maaring hindi na niya makasama ng matagal ang kanyang mga anak.


Marami rin ang humihiling na sana ay malampasan ni Kris Aquino ang matinding pagsubok na ito patungkol sa kanyang kalusugan. May mga humahanga rin kay Kris dahil sa pagiging matatag at matapang nito sa pagharap sa kanyang mga karamdaman.


Matatandaan na naging emosyunal si Kris Aquino nang aminin niya ang kanyang totoong kalagayan at humiling sa mga netizens na sana ay tulungang siyang manalangin na mabigyan pa ng mahabang oras para makasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay.


Hiniling rin ni Kris Aquino na gusto pa niyang makitang mag-18 years old ang kanyang anak na si Bimby Aquino na kasalukuyan ay 16 years old pa lamang.


Inamin rin ni Kris Aquino na hindi pa siya handang iwan ang kanyang mga anak lalo na si Josh na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may special na pangangailangan.


Marami sa mga netizens ang nagsasabing tila sinusulit umano ngayon ni Kris Aquino ang pagkakataon na makasama ang kanyang mga anak kahit pa sa pagtulog dahil marami na rin siyang mga restrictions dala ng maselan niyang kalusugan.


"Please help me pray for my doctors and my nurses so that God will continue to guide them as they try to heal me. I have always believed in sharing the TRUTH no matter how painful with all of you. Why? Because sinamahan nyo ako sa laban. Sana wag tayong sumuko sa ating pananampalataya na nakikinig ang Diyos sa mga Dasal ng buo ang tiwala sa Kanya," panalangin ni Kris Aquino.



Catriona Gray at Sam Milby Hiwalay Na! Catriona Hindi Na Suot Ang Engagement Ring!

Walang komento

Usap-usapan ngayon sa ilan mga social media platforms ang pagsisiwalat ni Ogie Diaz ng nakarating sa kanyang balita mula sa kanyang mapagkakatiwalaang sources na umano'y naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby.


Ikinagulat ng maraming mga netizens ang napapabalitang matagal na umanong naghiwalay ang engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby. Tila hindi na matapos-tapos ang mga balita patungkol sa mga celebrity couples na naghihiwalay.


Mula noong huling bahagi ng 2023 naging laman na ng mga balita ang hiwalayan ng mga celebrity couples na matagal na ring nagkaroon ng relasyon sa hindi malamang mga kadahilanan.


Matapos maging laman ng mga usap-usapan ang patungkol sa biglaang paghihiwalay ng engaged couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque may panibagong pinag-uusapan naman ngayon ang mga marites. Ito ay ang hiwalayan naman nina Catriona Gray at Sam Milby.


Nag-ugat ang bali-balitang ito nang mapansin ng ilang marites na minsan ay hindi suot ni Catriona Gray ang kanyang singsing na ibinigay ni Sam Milby bilang engagement ring.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Update vlog nina Ogie Diaz kasama ang kanyang mga co-host na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh naitalakay nila ang nakarating sa kanilang tsika patungkol sa hiwalayan nina Catriona Gray at Sam Milby.


Unang lumabas ang balitang ito nang mapansin ng ilang mga netizens na hindi na rin sinusuot ni Catriona Gray ang kanyang engagement ring. Naging tahimik naman ang isyung ito nang magbahagi ng isang ramdom post ang beauty queen kung saan nakatag pa si Sam Milby.


Subalit, ayon sa pagsisiwalat ni Ogie Diaz, sinabi sa kanya ng kanyang mapagkakatiwalaang source na totoong naghiwalay na umano ang dalawa subalit, hindi naman isiniwalat ang totoong dahilan kung bakit nagwakas ang relasyon nina Sam Milby at Catriona Gray.


Iginiit naman ni Ogie Diaz na tatanungin pa rin niya ang iba pa niyang mga sources patungkol sa isyung ito dahil baka wala naman itong katotohanan.


Ikinagulat rin umano ito ni Ogie Diaz dahil nagkasama pa umano sila nitong mga nagdaang araw subalit bakit bigla naman umanong nag-iba ang ihip ng hangin ngayon at biglang nauwi sa hiwalay na ang dalawa.


Sa ngayon ay hindi pa rin namang naglalabas ng pahayag ang kampo nina Catriona Gray at Sam Milby patungkol sa mga balitang ito, subalit marami sa mga netizens ang naghinalang may katotohanan ang isiniwalat ni Ogie Diaz dahil sa mga nauna niyang mga isiniwalat na tsika na sa huli ay may katotohanan naman.



 

Mariel Padilla, Nilinaw na “Vitamin C Drip” Ang Natanggap Niya At Hindi “Gluta Drip”

Walang komento


 Naglabas na pahayag ang actress-host na Mariel Rodriguez matapos makatanggap ng pambabatikos dahil sa ginawa niyang pagpapagluta drip sa loob ng opisina ni Senator Robin Padilla sa Senado.


Umani pambabatikos at mga negatibong komento mula sa mga netizens ng ibahagi niya sa kanyang social media ang kanyang larawan habang nagpapadrip siya loob ng opisina ng kanyang mister na si Robin Padilla sa Senado.


Matatandaan na dumalo si Mariel Rodriguez sa pagpasa ng Eddie Garcia Bill sa Senado upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa kanyang mister na si Sen. Robin Padilla. Matapos ang meeting ay ibinahagi naman ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram account ang kanyang gluta-drip na ginawa umano niya sa loob ng opisina ng kanyang mister.


Ayon sa caption ni Mariel Rodriguez, naka-schedule siya na magpadrip sa isang clinic subalit mali-late na siya sa meeting sa senado kaya naman naisipan niya ipagawa na lamang ang session sa loob ng opisina ng kanyang mister.


Matapos makatanggap ng mga negatibong komento kaagad naman binura ni Mariel Rodriguez ang kanyang post subalit tila huli na ang lahat dahil patuloy pa rin siyang binabatikos ng mga netizens.


Marami ang nagsasabing nawalan na ng delikadesa si Mariel Rodriguez na hindi man lang nito nirespeto ang opisina ng kanyang mister na pinapaswelduhan ng pera na mula sa kaban ng bayan.


Dahil sa natatanggap na pambabatikos, napagpasyahan ni Mariel Rodriguez na magbigay ng pahayag at linawin ang kabuuang detalye ng kanyang ginawang procedure sa loob ng opisina.


Ayon sa paglilinaw ni Mariel, nagpunta siya sa senate upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa bill na ng kanyang asawa sa kabila ng kanyang busy schedule bilang isang asawa, in at online seller. Nais umanong suportahan ni Mariel Rodriguez ang trabah ng kanyang asawa na alam niyang napakahalaga para rito.


Nilinaw din ni Mariel Rodriguez na ang natanggap niya ay Vitamin C Drip hindi Gluta Drip sa supervision ng isang professional nurse.


Iginiit din ni Mariel Rodriguez na ang kanyang intention sa pagbabahagi ng kanyang larawan ay para i-inspire ang mga netizens na kahit gaano pa sila kaabala sa kanilang mga activities ay kailangan pa rin nilang i-prioritize ang kanilang health by taking vitamins.


Wala rin umano sa kanyang intention ang pag-malign or undermine the integrity and dignity of the Senate.


Humingi rin si Mariel ng apologies para mga concerned kabilang na ang mga members at staff of the Senate and the public.


"Sana Kayo Nalang" Ogie Diaz, Gusto Si Paulo Avelino Para Kay Kim Chiu.

Walang komento

Sabado, Pebrero 24, 2024

 


Buhay na buhay ngayon ang kasikatan at tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na KimPau. Dahil sa kasikatan ngayon, maging ang mga sikat nilang kasamahan na artista sa showbiz industry ay kinikilig sa chemistry at sweetness ng dalawa sa isa't isa. 


Maging ang mga kilalang showbiz reporter ay gustong-gusto ang kanilang kumbinasyon. Sa isang episode ng showbiz update vlog ni Ogie Diaz, naging paksa dito ang sikat na bagong loveteam na KimPau. Gusto daw ni Ogie Diaz si Paulo Avelino para kay Kim Chiu pag nagkataon. 


Tila boto ito kay Paulo Avelino para kay Kim Chiu dahil karapat-dapat si Kim na mahalin muli matapos masaktan sa relasyon nila ni Xian. Ayon sa kanyang pahayag, hindi na siya magtataka kung magkatuluyan sina Kim at Paulo dahil very close ang dalawa. 


Inamin din ni Ogie na kinikilig din siya sa tambalan ng dalawa. Ikinumpara niya ito sa dating karelasyon ni Kim na si Xian Lim. Hindi daw niya gusto sina Kim at Xian. 


Hindi naman daw imposibleng magkatuluyan ang dalawa ngayong pareho na silang single at komportable at maayos ang pakikitungo sa isa't isa. 


Isa rin sa mga tagahanga ng tambalang KimPau ang showbiz columnist na si Cristy Fermin, na isa rin sa mga tagahatid ng pinakabagong tsismis sa mundo ng showbiz. 




Magkaibigan Lang! Paulo Avelino, Nilinaw Na Magkaibigan Lang Sila Ni Janine Gutierrez.

Walang komento

 


Tila may paglilinaw ang magaling na aktor na si Paulo Avelino hinggil sa totoong estado ng relasyon nila ng magaling na aktres na si Janine Gutierrez. 


Sa pinakabagong Facebook post ng aktor, ibinahagi niya ang isang art card mula sa Facebook page ng Cinema Bravo kung saan makikita sila ni Janine Gutierrez sa larawan na magkasama.


May nakasulat itong "Nakakatamad lumandi. Nagiging kaibigan lahat."


Pinag-uusapan ito ng fans nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez at Kim Chiu dahil para sa kanila, nilinaw ng aktor na si Paulo na magkaibigan lang sila ng rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez. 




Ito ang nagpasaya sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino o mas kilala sa kanilang tandem na KimPau. Ayon sa KimPau fans, mukhang may something talaga sa dalawa at mukhang gumagawa ng paraan si Paulo para makuha ang puso ni Kim Chiu. 


Dahil sa kasweetang ibinahagi ng dalawa sa kanilang mga tagahanga, hindi maiiwasang isipin na mayroon na silang relasyon. Mukhang hindi para sa promosyon ng kanilang serye ang excitement ng dalawa dahil parang may ibang ibig sabihin ito. 


Samantala, narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizens kaugnay sa Facebook post ni Paulo. 


"Dami po meaning kaibigan na friend, pwede din po lovers kai-bigan"


"KimPau talaga ang daming fans, sobra, grabe talaga may magic talaga sila... ang galing talaga ng loveteam na to, road to forever na, KimPau ever"


@iloveview_randompost KIMPAU x PAUNINE #kimpau #paunine #kimchiu #pauloavelino #janineguttierez ♬ original sound - iloveview

Rendon Labador at Ion Perez, Magkaibigan Na, Nag-kabati Na.

Walang komento

 


Pinuri ng motivational speaker na si Rendon Labador ang It's Showtime host na si Ion Perez. 


Matatandaang inamin niya noong nakaraan na paborito niya itong punching bag. Masayang ibinahagi ni Rendon Labador ang usapan nila ni Ion Perez. 


Ayon kay Rendon, mabait at dapat igalang ang mister ni Vice Ganda na walang iba kundi si Ion Perez. Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ni Rendon na binati niya si Ion Perez sa unang araw ng 2024. 


"Biro mo after ng mga issues, binati ko ng happy new year, nareply pa rin si Ion. Mabait talaga tong tao na to, respeto brother.", aniya. 




Matatandaan na kinondena ni Rendon sina Vice at Ion. Naging sunud-sunod ito kaugnay ng ginawa nilang pagsubo ng icing gamit ang kanilang mga daliri sa It's Showtime noong Hulyo. 


Matatandaan sa isa sa mga post ni Rendon, hinamon niya si Ion ng suntukan dahil gusto daw niya ito. 


"Gusto kong basagin yang pagmumukha mo, hayup ka."


Tinawag din niya itong palamunin, mas masahol pa kay Pura Luka Vega, at sa bading kumakapit. 




Mababasa rin sa comment section ng isang entertainment Facebook page na sinasabi niyang nagbago na siya.


"Nagbago na ako #LabLabLabador [heart emoji]"

Bagong Loveteam: Daniel Padilla at Atasha Muhlach, Magiging Bagong Loveteam.

Walang komento

 


Mukhang nakahanap na ng bagong partner ang supporters ni Daniel Padilla na gustong maging ka-loveteam ng kanilang idolo. 


Bagama't kapwa nag-renew ng kontrata sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla bilang Kapamilya at sa parehong talent management, tiniyak ng aktres na si Kathryn na hindi sila magsasama at magkakatrabaho ng dating nobyo na si Daniel Padilla. 


Kaya sa ngayon, todo ang paghahanap ng fans ng aktor ng babagay kay Daniel na makakapareha. 


Isa sa mga napupusuan ng fans ni Daniel na umaasang maging bagong kaloveteam ay ang bagong aktres at kasalukuyang host ng TV5 noontime show na "Eat Bulaga", si Atasha Muhlach. 




Marami sa mga tagahanga ng aktor at maging sa mga netizens ang nagsasabing perfect match ang dalawa. 


Matatandaang inamin ni Atasha na gusto niyang pasukin ang mundo ng showbiz at sundan ang yapak ng kanyang ina. 


Isa sa kanyang bucketlist ay i-remake ang fantasy movie na "Dyesebel" ng kanyang ina na si Sharlene Gonzales. 


Gusto raw niyang gampanan ang iconic character ng bida dito na si Dyesebel sa version niya. Marami sa kanilang mga tagahanga at netizens ang nagtutulak ng posibleng tambalan ng dalawa. 




Sa katunayan, ang kanilang mga tagahanga ay nagsisimulang lumikha ng mga grupo at fan page sa mga sikat na social media platform. 


Samantala, wala pang detalye ang management ng ABS-CBN at ang kampo nina Daniel Padilla at Atasha Muhlach ukol dito. 


@hazeltan157 #abscbn #danielpadilla #viraltiktok #viralvideo #abrahamlawyer #atashamuhlach #kathrynbernardo #gmanetwork #channel5 ♬ Beauty and a beat - «ðŸŽ§»

Kathryn Bernardo, Nagsalita Na🔴patungkol Sa Hiwalayan Nila Ni Daniel Padilla🔴masaya Sa Buhay Single

Walang komento

 


Ibinahagi ni Kathryn Bernardo ang dahilan ng hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


"Tito Boy, nasaktan ako ng sobra pero alam ko sa sarili ko mahal ko yung tao.", ani Kathryn.


"Si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang kanilang paghihiwalay. Ang tunay...", saad ni Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda. 


Sa isang masusing panayam, tinanong si Kathryn Bernardo kung paano niya napagdesisyunan na wakasan ang relasyon nila ni Daniel Padilla. 




Ayon kay Kathryn, mahirap na desisyon ang pinag-usapan nilang mabuti. 


Nang tanungin kung paano nila napanatili ang kanilang pagsasama, sinabi ni Kathryn na nagkaroon sila ng pagkakataong pag-isipang mabuti kung itutuloy ang kanilang relasyon. 


Pareho raw nilang piniling ipaglaban ang pag-ibig kahit muntik na silang maghiwalay sa ilang pagsubok. Ayon sa aktres, tama ang kanilang desisyon na ipaglaban ang kanilang pag-iibigan. 


Sa kabila ng ilang beses na muntik silang maghiwalay, nagawa nilang iligtas sa panganib ang kanilang relasyon. Sa isang video, inihayag ni Kathryn ang kanilang desisyon na wakasan na ang relasyon. 




Ibinunyag sa panayam na ito ang sagot kung sino sa kanila ang nagdesisyong maghiwalay muna. All in all, Kathryn revealed that their decision to end the relationship was the right one. 


Hindi na raw nila ito pinaglaban. Hindi binigyan ang isa't isa ng bagong pagkakataon o huling pagkakataon. 


Sa kanyang pahayag, maaaring nagkasundo sila ni Daniel na wakasan ang kanilang pag-iibigan at ito ang tamang desisyon para sa kanilang dalawa. 


Nagbigay din siya ng payo sa fans na huwag isisi sa isang tao lang ang breakup nila. Sa halip, ang magkabilang panig ay dapat na managot sa pagtatapos ng kanilang relasyon.




Proposal ni Dominic Roque, Scripted Pinilit Lamang ni Bea Alonzo

Walang komento

Biyernes, Pebrero 23, 2024


 Isiniwalat ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang posibilidad na tila scripted ang proposal nina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Sa kamakaialang episode ng showbiz vlog nina Manay Cristy Fermin, sinabi ni Cristy Fermin na sinabi ng isang source sa kanya tungkol sa plano umano ni Bea na i-orchestrate ang proposal noong July 19, 2023 ni Dominic Roque.


Sa pagkakaalam ng lahat na ang nangyaring proposal ay sorpresa ni Dominic para kay Bea, na inakala lamang umano na may ginagawa lang siyang project sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.


Subalit, hinala ni Cristy Fermin na plano itong lahat ni Bea Alonzo.


Pahayag ni Cristy Fermin, may nagkwento umano sa kanya na ang proposal ni Dominic kay Bea ay staged at ang planong ito ay nagmula sa kampo ng aktres. Kaya naman parang pilit lang ang lahat.


Matatandaang nagbahagi rin si Cristy tungkol sa mga posibleng dahilan kung bakit nagdesisyon si Bea Alonzo na kanselahin ang engagement nila ni Dominic Roque matapos isiwalat ng aktor ang ilang mga detalye ng kanilang kasalan umano.


Ang mga rebelasyon ito na ginawa ni Cristy Fermin ay nakakuha na ng atensyon ng kampo ni Dominic Roque kung saan binalaan nila ang kolumnista na maaaring managot sa korte dahil sa mga maling impormasyon na ipinapakalat nito.



Kaagad naman itong sinagot ni Cristy Fermin kung saan iginiit ni Cristy na wala siyang binanggit na pangalan habang tinatalakay ang mga posibleng dahilan ng breakup nina Bea Alonzo at Dominic Roque.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo