Muling naging laman sa mga usap-usapan ang kilalang talent manager na si Annabelle Rama sa ilang mga social media platforms at entertainment news sites matapos magbahagi ng isang Facebook post kung saan inilahad niya ang kanyang inis sa isang tao.
Kaagad na pinagpi-pyestahan ng mga online marites ang ibinahaging Facebook post ni Annabelle Rama patungkol sa kanyang inis sa isang tao na nagmamalinis na akala mo'y isang santa maniac. Dahil sa kanyang inis sa taong ito nais na umano ni Annabelle Rama na manampal at manabunot.
Wala namang ibinigay na anumang clue si Annabelle Rama kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang post kaya naman, inaabangan ng mga netizens ang pagbabahagi ni Annabelle Rama sa kung sino ang kanyang tinutukoy sa post.
Sa kabila ng hindi pagbibigay ng pangalan ni Annabelle Rama, marami naman ang naghinala na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi ang kanyang manugang na si Sarah Lahbati na kamakailan lamang ay napapabalitang hiwalay na sa kanyang anak na si Richard Gutierrez.
May ilan naman na naghihintay na lamang sa magiging update ni Annabelle Rama sa kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang Facebook post may ilan pang nagsasabing na napuyat pa sila sa paghihintay sa kung ano ang pasabog ni Annabelle Rama.
May mga nagsasabi naman na dapat ay tigilan na ni Annabelle Rama si Sarah Lahbati kung ito na naman ang kanyang kinaiinisan dahil siya naman umano ang mas nakakatanda kaya siya na dapat ang magpapasensya at pabayaan na lamang ito sa kanyang gustong gawin sa buhay lalo na ngayong hiwalay na ito sa kanyang anak.
May mga nagpapayo rin kay Annabelle Rama na mag-move on na lamang sa nangyari dahil tila nakapag-move on na rin naman si Sarah Lahbati.
Samantala, sa isang panayam kay Sarah Lahbati, inilahad ng actress-model na hindi na silang nakakapag-usap ni Richard Gutierrez may komunikasyon naman umano sila subalit dumadaan na ito sa kani-kanilang mga abogado.
Sa ngayon ay nasa co-parenting set-up na umano sila sa kanilang dalawang anak at maayos naman ito.