Kasalukuyang nagluluksa ang local entertainment industry dahil sa paglabas ng balita ng biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose sa edad na 59.
Ayon sa mga usap-usapan, pumanaw si Jaclyn Jose sa loob ng kanyang tahanan noong linggo March 3, 2024.
Kaagad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang PPL Entertainment, ang talent management agency na kinabibilangan ni Jaclyn Jose, kinumpirma na nila mismo ang malungkot na balita.
Hindi naman nila binanggit sa kung ano ang dahilan ng biglaan pagpanaw ng batikang aktres subalit hinihiling ng mga naiwang pamilya nito na ipagdasal ang kaluluwa ni Jaclyn Jose.
Hiling din nila sa lahat na bigyan sila ng panahon para makapagluksa at irespeto ang kanilang privacy.
Naulila ni Jaclyn Jose ang kanyang dalawang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Guck. Si Andi Eigenmann ay anak ni Jaclyn Jose sa namayapa na ring aktor na si Mark Gil. Habang anak naman ni Jaclyn sa isang myembro ng bandang The Don na si Kenneth Ilagan si Gwen Duck.
Si Mary Jane Guck na mas kilala sa kanyang screen name bilang si Jaclyn Jose ay ang kababatang kapatid ng dating aktres na si Veronica Jones. Si Jaclyn Jose rin ang kauna-unahang Pilipinang actress na nanalo ng award sa KANES Film Festival noong 2016 sa natatanging pagganap niya sa pelikulang Ma Rosa.
Nagsimula ang acting career ni Jaclyn Jose noong 1984 nang ipakilala siya bilang isa sa mga gaganap bilang bida ng Chikas. Launching movie nila ito nang kapwa niya baguhan na sina Lovely Rivero, Tanya Gomez, Rachel Avila at Karla Kalua.
Mula noon ay hindi na nahinto si Jaclyn sa pag-arte.
Sa kabila naman ng pagkakilala kay Jaclyn Jose bilang isa sa mga sexy actress noong pagbidahan niya ang mga sexy movies na White Slavery noong 1985 at Private Show noong 1986, ipinakita ni Jaclyn Jose ang kanyang galing bilang aktres na naging dahilan para makatanggap siya ng iba't-ibang parangal sa ilang mga kilalang award giving bodies.
Pinatunayan rin ni Jaclyn Jose na walang maliit o malaking role sa isang aktres na punong-puno ng talent dahil nagampanan niya ng maayos ang lahat ng role na ipinagkatiwala sa kanya mapasiya man ang bida o hindi.
Narito ang ilang mga ginawang pelikula ni Jaclyn Jose na tumatak sa pbliko.
Celestina Sanchez Alyas Bubbles/ Enforcer: Ativan Gang noong 1985, Takaw Tukso na lumabas noong 1986, Misis Mo Misis Ko noong 1986, Itanong Mo Sa Buwan na ipinalabas noong 1988, Macho Dancer noong 1989 at marami pang iba.
Bukod pa rito, nakasama rin si Jaclyn Jose sa ilang mga hit telerseryes katulad na lamang ng Familia Zaragoza, Mula Sa Puso, Hiram, Ikaw ang Lahat sa Akin, Prinsesa ng Banyera, Dyosa, Nagsimula Sa Puso, Kung Tayo'y Magkakalayo, Sabel, Reputasyon at Kahit Puso'y Masugatan.