Ang Pagbabalik‼️It'S Your Lucky Day, Muli Na Nga Bang Mag Babalik Sa Ere?

Walang komento

Lunes, Marso 11, 2024


 Umuugong ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga bali-balitang magbabalik na ang noontime show na pansamantalang pumalit sa It's Showtime noong masuspende ito noong nakaraang taon.


Usap-usapan ngayon ang posibilidad na magbabalik na umano ang noontime show na It's Your Lucky Day na pansamantalang humalili noon sa It's Showtime nang masuspinde ito sa loob ng ilang araw.


Nag-ugat ang mga usaping ito sa isang video na ibinahagi ng host ng si Luis Manzano sa kanyang social media account kung saan makikita na magkakasama silang muli ng mga naging co-host niya sa noontime show na It's Your Lucky Day.


Kabilang sa mga naroon ay sina Robi Domingo, Shaina Magdayao, Melai Cantiveros, Jennica Garcia, Long Mejia, Francine Diaz, Seth Fedelin bukod sa iba pa.


Naging palaisipan rin sa mga netizens ang naging caption ni Luis Manzano sa kanyang nasabing post. Tila ginatungan kasi nito ang curiosity ng mga netizens sa kung ano ang dahilan sa likod ng pagsasama-sama nilang muli.


Maririnig rin sa background ng video na hindi rin nila alam ang dahilan ng pagsasama-sama nila muli sa iisang lugar.


Samantala, marami ang naghinala na baka ang show na pansamantalang ipinalit sa It's Showtime noong masuspinde, na It's Your Lucky Day ang siyang papalit sa Tahanang Pinakamasaya sa naiwang timeslot nito sa GMA7.


Marami rin ang nagsasabing noon pa man ay inaabangan na nila ang pagbabalik ng It's Your Lucky Day sa telebisyon.


Matatandaan na biglang ginulat ng TAPE Incorporated ang mga netizens nang isiwalat nilang titigil na sa pag-ere ang kanilang produced noontime show na Tahanang Pinakamasaya na noon ay Eat Bulaga ilang buwan matapos itong iwan ng dating mga host.


Naging usap-usapan na ang dahilan ng maaring pagkakatigil ng show ay dahil sa lumalaking utang ng TAPE Inc. sa GMA7 na umabot na sa mahigit 800 milyon peso na nag-umpisa pa noong ang TVJ pa ang pangunahing hosts ng kanilang show.


Sa ngayon ay pansamantalang mapapanood ang ilan sa mga hit Filipino movies sa nabakanteng timeslot ng Tahanang Pinakamasaya subalit marami ang naghinalang hindi ito magtatagal dahil papalitan na ito ng It's You Lucky Day.

May Pinaboran? Netizens Nagulat Sa Ginawa Ng Abs Cbn!

Walang komento


 Nagsanib pwersa ang mga female young star ng ABS-CBN na sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Francine Diaz para sa iisang awitin.


Sina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Francine Diaz ang napiling kumanta sa theme song ng Star Magical Prom 2024 na pinamagatang 'Believing in Magic'.


Bongga ang naging collaboration ng mga nasabing female young stars ng Star Magic, kaagad din itong umani ng samu't-saring papuri mula sa mga netizens. Dahil dito, kaagad itong nagtrending sa iba't-ibang mga social media platforms.


Sa kabila naman ng mga papuring natatanggap ng tatlo, marami rin ang hindi naiwasang pagkumparahin ang tatlo sa kung sino ang may pinakamagandang boses. 


Marami sa mga fans nina Francine Diaz at Alexa Ilacad dahil kay Belle Mariano napunta ang end ng title lyrics nito sa YouTube.


Samantala, kaagad namang dumipensa ang mga fans ni Belle Mariano kung saan iginiit nilang deserve naman ng aktres na sa kanya nararapat na mapunta ang end ng song dahil sa malaking kontribusyon niya sa ABS-CBN kung ikukumpara kina Alexa Ilacad at Francine Diaz.



Iginiit pa ng ilang mga fans ni Belle Mariano ang ilan sa mga hit projects na ginawa ng aktres kagaya na lamang ng He's Into Her, Top song, sold out concerts, hit series na Can't Buy Me Love. 


Bukod pa rito, si Belle Mariano rin ang hinirang bilang prom queen noong nakaraang taon habang ang kanyang ka-loveteam na si Donny Pangilinan ang tinaguriang Prom King.


May mga fans naman ni Francine Diaz ang bumwelta na nauna naman umanong sumikat at nakilala ang aktres sa teleseryeng Kadenang Ginto noon.


Samantala, iginiit naman ng mga fans na si Alexa Ilacad na bagama't wala pang napapatunayan ang aktres sa larangan ng pag-arte, ito naman umano ang mayroong pinakamagandang boses sa pagitan ng  tatlo kaya dapat sa kanyang napupunta ang magagandang parte ng song.


Ipinahayag rin ng ibang mga fans na ang tinig naman ni Alexa Ilacad ang siyang nangingibabaw sa kanta. May mga nagsasabi pa na mas bongga umanong magpakilig ang KDLex loveteam o ang tambalan nina Alexa Ilacad at KD Estrada.


Sa kabila naman ng mga pagtatalo ng ilang mga fans, marami parin ang nasisiyahan at natutuwa sa collaboration ng tatlo dahil ipinapahiwatig na umano ng ABS-CBN kung sino-sino ang magiging future ng network na susunod sa mga yapak noon ng tambalang KathNiel, JaDine, at LizQuen.




Batikang Aktres Jaclyn Jose Dinala Na Sa Huling Hantungan! Bumuhos Ang Luha Sa Libing Ng Aktres!

Walang komento


 Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang batikang aktres na si Mary Jane Guck na mas kilala sa kanyang screen name na si Jaclyn Jose nitong March 10, 2024.


Inilagak ang cremated remains ni Jaclyn Jose sa kanyang huling hatungan nitong March 10, 2024 sa Garden of the Divine Work Columbary na matatagpuan sa E Rodriguez Sr. Ave, Quezon City.


Naging pribado ang paglalagak kay Jaclyn Jose sa kanyang huling hantungan dahil tanging mga kapamilya at malalapit na kaibigan lamang ang pinayagang makasaksi sa nasabing event.


Subalit, magiging madali lamang ang pananatili ng mga remains roon ng batikang aktres dahil aasikasuhin ni Andi Eigenmann ang mga kinakailangang papeles para madala ang cremated remains ng ina sa Isla ng Siargao.


Matatandaan na nagulat ang maraming mga netizens na lumabas ang balitang pumanaw na ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa loob ng kanyang sariling tahanan.


Marami ang hindi makapaniwala sa nangyari dahil hindi naman ito napabalitang nagkaroon ng malalang sakit. Kasunod nito marami ang lumabas na mga haka-haka na umano'y nahulog sa hagdan si Jaclyn Jose dahil mag-isa lamang ito sa panahong iyon walang nakatulong rito.


Ayon pa sa mga usap-usapan, tanghali na ng March 3, 2024 nang matagpuan ang wala nang buhay na katawan ni Jaclyn Jose sa kanyang pamamahay matapos puntahan ito ng isang tao na nakapansin na hindi na ito sumasagot sa mga tawag at text.


Inakala pa ng marami na sa araw ring iyon binawian ng buhay si Jaclyn Jose subalit ayon sa pag-iimbestiga ng mga otoridad napag-alamang noon pang umaga ng March 2, namapayapa ang aktres.


Nilinaw rin kaagad ng anak ni Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann na hindi pagkahulog sa hagdan ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina kundi dahil inatake ito sa puso.


Kasunod ng malungkot na balitang ito, nagbigay ng paalala ang bateranang aktres na si Lolit Solis sa kahalagahan ng pagkakaroon ng kasama sa bahay. Ayon kay Lolit Solis kung sakaling may kasama lamang umano noon ang aktres sa kanyang bahay ay maaring mailigtas pa ito at madugtungan pa ang buhay.




Liza Soberano May Inamin Ukol Sa Namayapang Aktor Na Si AJ Perez!

Walang komento

Biyernes, Marso 8, 2024


 Naging emosyunal ang maraming mga netizens sa isiniwalat kamakailan ni Liza Soberano patungkol sa namayapang si AJ Perez.


Sa isang panayam kay Liza Soberano sa isang Filipino-American vlog, ibinahagi ni Liza Soberano na noong nagsisimula pa lamang siya sa mundo ng showbiz ay talagang iniidolo na niya si AJ Perez.


Kahit noong mga panahong hindi pa siya nag-audition para maging isang artista ay iniidolo na niya ito na kasalukuyang napapanood noon sa teleserye nitong Sabel, kung saan si Jessy Mendiola ang leading lady nito.


Matatandaan na si AJ Perez ay isang sikat na young actor na ABS-CBN mula noong 2006 hanggang sa kanyang biglaang pagpanaw noong 2011 dahil sa isang malagim na aksidente.


Inamin rin ni Liza Soberano na labis siyang nalulungkot sa maagang pagpanaw nito. Hiling din niya na sana ay nakasama rin umano niya ito sa trabaho.


Pagbabahagi pa ni Liza Soberano, na noong araw ng pagpanaw ni AJ Perez ay nadaaanan pa niya mula sa Pangasinan ang kinasangkutan nitong aksidente dahil sa mga oras na iyon ay papunta siya sa kanyang kauna-unahang audition para maging isang artista.


Hindi pa umano makapaniwala si Liza Soberano na si AJ Perez ang naaksidente at tuluyan na itong nawalan ng buhay. Inamin pa niyang gusto niyang magpunta sa burol nito subalit pinigilan siya ng kanyang pamilya dahil hindi naman umano siya kakilala ng aktor.


Ang pagkawala rin umano ni AJ Perez ang dahilan kung bakit ginawa ni Liza Soberano ang kanyang Twitter account para kahit papaano ay magkaroon siya ng memory kay AJ Perez sa pamamagitan ng pag-follow rito.


Naluka pa umano ang aktres nag makatanggap siya ng mensahe mula sa account ni AJ Perez matapos ang pagpanaw nito, noong una ay natakot pa umano siya subalit nalaman niya sa huli na ang mga natatanggap niyang mensahe ay galing na pala sa pamilya ng yumaong aktor.


Sa katunayan, ay naging mabuting magkaibigan umano silang dalawa ng younger brother ni AJ Perez na si Gelo na kalaunan ay ipinakilala siya sa kanilang pamilya.


Sa pagkakataon iyon ay naka-follow naman si Kathryn Bernardo kay AJ Perez dahil magkakilala na ang dalawa. Sa katunayan si AJ Perez sana ang magiging kapartner ni Julia Montes noon sa Mara Clara subalit nangyari ang malagim na aksidente.


Marami ang nalungkot sa biglaang nangyari kay AJ Perez dahil marami ang naghinayang sa kanyang angking talento sa kanyang pagpanaw sa murang edad na 18 years old. Isa si AJ Perez mga 'what could have been' sa showbiz industry dahil sa promising na panimula niya sa industriya.


Naging successful ang maikling panahon niya sa mundo ng showbiz sa loob lamang ng limang taon kung saan tinagurian siyang 'The Next Big Star' ng ABS-CBN.




Aktres Balik Showbiz Sa Abs-Cbn Network!

Walang komento


 Inamin ng dating aktres na si Andi Eigenmann na hindi niya isinasara ang kanyang sarili sa muling pagbabalik sa industriya ng showbiz matapos ang pagpanaw ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.


Nakausap umano ito ni Ogie Diaz nang magpunta siya sa burol ng batikang aktres na si Jaclyn Jose kasama ang kanyang mga kasamahan sa Showbiz Updates.


Sa kanilang pag-uusap inamin umano sa kanya ni Andi Eigenmann na na-touch siya sa ibinigay na mensahe ng ABS-CBN boss na si Cory Vidanez.


Natutuwa umano siya sa ginawa  ni Cory Vidanez sa pagyakap sa kanya at sinabihan din umano siya nito na kung sakaling may problema siya ay magsabi lang siya rito.


Sinabihan rin umano siya nito na kung sakaling magpasya siyang bumalik sa showbiz ay naroon lamang ito at handa siyang tanggapin. Natatawa pa umanong nagbiro si Andi Eigenmann na sinabing may asim pa pala siya dahil nakitaan pa siya ni Cory ng potential sa pagso-showbiz.


Subalit sa kabila ng offer na natanggap sinabi ni Andi Eigenmann na wala pa sa isip niya ngayon ang pagbabalik sa showbiz industry dahil abala siya roon sa Siargao.


Gayunpaman, hindi naman umano niya matatalikuran ng tuluyan ang showbiz dahil mahal niya ito at dito siya nagsimula. Hindi umano niya maaring talikuran ang showbiz dahil ito ang nakalakhan niyang mundo sa kabila ng pag-e-enjoy niya sa kanyang buhay kasama ang nabuong pamilya kasama si Philmar Alipayo.



Ang Nakakakilabot Na Premonisyon Ni Coco Martin Bago Pa Pumanaw Si Jaclyn Jose Nagkatotoo!

Walang komento


 Ipinahayag ng aktor-direktor na si Coco Martin na ilang linggo bago mangyari ang biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose ay tila may mga paramdam na ito sa kanya.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa mga taong napakalapit sa namayapang si Jaclyn Jose ay ang aktor-direktor na si Coco Martin. Itinuturing na rin ni Coco Martin na pangalawang ina si Jaclyn Jose.


Samantala, ayon kay Coco Martin tila may mga premonition umano para sa kanya si Jaclyn Jose bago ito sumakabilang buhay noon sabado, March 2, 2024 sa edad na 60.


Ibinahagi ni Coco Martin ang mga nangyari sa huling sandali ng magkasama sila ni Jaclyn Jose sa set ng teleseryeng Ang Batang Quiapo.


Nauna nang naiulat na isa sa Coco Martin sa mga unang nagpunta sa bahay ni Jaclyn Jose nang makarating sa kanya ang malungkot na balita sa nangyari kay Jaclyn Jose. Kasama umano ni Coco Martin na nagpunta roon ang isa pa nilang co-star sa teleserye na si Cherry Pie Picache.


Ayon kay Coco Martin ang kapatid ni Jaclyn Jose ang tumawag sa kanya upang ibatid ang nangyari kay Jaclyn Jose. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano siya makapaniwala na wala na ang kanyang tinuturing ina na showbiz na nag-inspire sa kanya na magpatuloy sa kabila ng mga natanggap na rejections noon.


Maging ang kanilang set sa Ang Batang Quiapo ay hindi na rin umano katulad noon at ramdam na ramdam ang pagdadalamhati dahil sa nangyari sa aktres.


Tila hindi pa rin umano nag-sink in sa lahat na tuluyan nang namaalam sa kanila si Chief Espinas, karakter na ginagampanan ni Jaclyn Jose sa teleserye.


Samantala, sa eulogy ni Coco Martin sa burol ni Jaclyn Jose, isiniwalat niya ang mga pahiwatig sa kanya ni Jaclyn Jose na mamaalam na ito ng tuluyan.


Inaalala ni Coco Martin ang eksena sa kanilang teleserye kung saan kinailangan nang magpaalam ng karakter ni Jaclyn Jose sa karakter ni Ivana Alawi.


Ayon kay Coco Martin, labis ang pag-iyak ni Jaclyn Jose sa eksena ng pagpapaalam niya kay Ivana Alawi na tila ba totoo itong nagpapaalam.


Sinabihan naman umano ni Coco Martin si Jaclyn na kontrolin ang kanyang emosyun. Kaagad naman umanong nilinaw ni Jaclyn Jose na nalulungkot lamang siya dahil tila unti-unti na umanong nauubos ang mga tao sa kulungan.


Isiniwalat din ni Coco Martin ang palagi pagyakap sa kanya ni Jaclyn Jose na tila ba nagpapaalam na umano ito sa kanya.





It's Showtime Nagsalita Sa Paglipat Sa GMA7 Network!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang mayroon nang inihahandang programa ang GMA7 na siyang papalit sa iniwan timeslot ng Tahanang Pinakamasaya matapos ang pagkaka-call off nila.


Marami ang naghinalang noon pa man ay kasado na kung ano ang show na ipapalit ng GMA7 sa Tahanang Pinakamasaya subalit hindi pa lamang nila ito inilalabas upang hindi naman sila magmukhang atat na palitan ang na-call off na show.


Samantala, nang matanong naman ang ilang mga staff patungkol sa isyung ito ay nanatiling tikom ang kanilang bibig dahil wala pa naman umanong sinasabi sa kanila ang pamunuan kung ano ang susunod na mangyayari.


Sa ngayon ay mga lumang pelikulang Pilipino ang pansamantalang papalit sa timeslot na naiwan ng Tahanang Pinakamasaya.


Samantala, may mga bulung-bulungan naman ngayon na umano'y ang team ng Tikto'Clock at Sunday Pinasaya ang gagwa ng panibagong noontime show pero ipapa-approve pa umano ito sa mga big boss.


May mga naghinala rin na kukunin ng GMA7 ang ilang mga naging host ng Tahanang Pinakamasaya sa bago nilang show.


Naging makahulugan rin ang sinabi sa official statement ng TAPE Inc. kung saan inilahad nilang 'see you again' pahiwatig na inaayos nila ang pagbabalik nila sa GMA7.o kaya naman ay may panibagiong istasyon na binabalak nilang lipatan ng kanilang programa.


Bukod pa sa mga usaping ito, naging laman din ng usap-usapan na umano'y may posibilidad rin na magbabalik sa GMA7 si Willie Revillame at ang kanyang programang Wowowin ang papalit sa Tahanang Pinakamasaya.


Samantala, may posibilidad rin namang ilipat ng GMA7 ang It's Showtime mula sa GTV upang ito ang kanilang itapat sa namamayagpag na Eat Bulaga ng TV5.


May mga nagsasabi na may nagaganap ng pag-uusap ang ABS-CBN at GMA7 patungkol sa isyung ito. Marami pa rin naman umano ang mga kondisyon ng magkabilang panig kaya naman hindi pa final ang lahat.




Rio Locsin Inatake Ng Hika Sa Set Ng Black Rider Walang Medic

Walang komento


 Viral ngayon sa ilang mga social media platforms ang video kung saan makikita ang isang kilalang aktres sa industriya na inaatake habang nasa set ng isang teleserye sa GMA7.


Kumakalat ngayon sa iba't-ibang mga social media platforms ang video kung saan makikitang inatake ng hika ang batikang aktres na si Rio Locsin habang nagtataping sila sa teleseryeng Black Rider sa GMA7.


Ayon sa ilang mga ulat, nadala lamang umano sa eksena si Rio Locsin dahil sobrang intense nito. Subalit may mga nagsasabi na una nang humihingi ng first aid kit si Rio Locsin dahil inaatake siya ng hika.


Kaagad naman itong dinaluhan at inasikaso ng aktor na si Ruru Madrid si Rio Locsin bakas ang kanyang pag-aalala para rito.  Hindi rin ito iniwan ng aktor habang hindi pa ito kumakalma.


Samantala, marami naman ang pumuna sa GMA7 at pamunuan ng Black Rider dahil wala man lamang umanong medic na umasikaso sa akres habang inaatake ito ng hika dahil tanging mga staff lamang ng production at si Ruru Madrid ang umaasikaso sa aktres habang nahihirapan na itong huminga.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nalagay sa isyu ang GMA7 dahil wala silang nakatambay na medic sakaling magkaroon ng aksidente sa kanilang pagsho-shooting ng mga eksena mapa-pelikula man o teleserye.


Sa seryeng 'Rosa Agimat' na kinabibilangan ng namayapang aktor na si Eddie Garcia, kapansin-pansin na walang medic o ambulansya sa set na naging dahil upang matagal na na rescue ang aktor na si Eddie Garcia matapos maaksidente.


Ang nangyari kay Eddie Garcia noon sa set ng GMA7 ay ang dahilan kaya isinulong ang Eddie Garcia Law.


Samantala, may mga bulong-bulungan na bago ang insidente ngayon kay Rio Locson na aksidente rin umano noon si Christopher De Leon sa set ng GMA7 kung saan nabaril ito sa hita, subalit wala ring medic sa panahon iyon.




Detalye Sa Bagong Show Na Ipapalit Sa Tahanang Pinakamasaya, Pagbitaw Ng GMA Sa TAPE INC

Walang komento


 Detalye sa pagbibitaw ng GMA Network sa TAPE Incorporated at sa kanilang show na Tahanang Pinakasamaya. GMA Network, may napupusuan nang ipalit sa dating timeslot ng Tahanang Pinakamasaya.


Naglabas na ng opisyal na pahayag ang GMA Network nitong hwebes March 7, 2024 kung saan kinumpirma na nila na nagtapos na ang partnership nila ng TAPE Incorporated dahilan upang i-call off na nila ang pag-ere ng Tahanang Pinakamasaya.


Ayon sa naging pahayag ng GMA Network, dahil sa mga unavoidable circumtances, nakapaglabas ng isang mahirap na desisyon ang TAPE Incorporated kung saan ititigil na nila ang pag-eere ng kanilang show na Tahanang Pinakamasaya.


Nais din umanog pasalamatan ng GMA Network ang TAPE Incorporated dahil sa kanilang invaluable contribution sa noontime programming ng GMA sa mga nakaraang dekada na hinding-hindi umano malilimutan ng mga Pilipino sa mga taon pang darating.


Mananatili rin umanong grateful ang GMA Netework sa TAPE Inc. dahil sa kanilang partnership sa loob ng ilang mga dekada.


Nauna na rito, ang paglalabas ng TAPE Incorporated ng opisyal na pahayag patungkol pagkakatigil ng kanilang show. Kinumpirma ng TAPE Inc. sa nasabing opisyal na pahayag na simula March 8, 2024 ay epektibo na ang pag-call off nila sa airing ng Tahanang Pinakamasaya.


Ayon sa pahayag ng TAPE Inc, napakabuti umano ng GMA7 sa kanila dahil sa malaking konsiderasyon at pag-unawa nila sa kompanya. Subalit, dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, nakapagdesisyon silang itigil na lamang ang kanilang show. Magmula March 8, 2024 ay hindi na ito mapapanood pa sa telebisyon.


Iginiit din ng TAPE Inc. na mutual decision nila at ng GMA7 ang pag-call off sa Tahanang Pinakamasaya sa kabila ng kanilang mga efforts na isalba pa ito.


Hindi naman kinalimutan ng TAPE Inc. na pasalamatan ang kanilang mga manonood na sumuporta umano sa kanilang show hanggang sa huling episode nito, mga advertisers at sa lahat ng mga bumuo sa Tahanang Pinakamasaya maging sa noong nag-umpisa pa lamang umano sila sa longest running TV show ng Pilipinas na Eat Bulaga.


Matatandaan na inilabas ng TAPE Inc. ang huling episode ng Tahanang Pinakamasaya noong March 2, 2024 kung ipinahayag ng live nina Paolo Contis at Isko Moreno ang kanilang pamamaalam.


Makikita naman ang pagiging emosyunal ng mga host sa huling episode na ito ng mga host ng show. Mula March 4 hanggang March 7 tanging mga replay episodes na lamang ang ipinapalabas ng show.


Samantala, ipinahayag naman ni Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk With Boy Abunda ang magiging estado ngayon ng airing time sa GMA7 kasunod ng pagkaka-call off sa Tahanang Pinakamasaya.


Ayon kay Boy Abunda na ang timeslot ng Tahanang Pinakamasaya sa tuwing tanghalian ay pansamantala munang papalitan ng mga sikat na pelikulang Pinoy.


Naging usap-usapan rin ngayon kung ano nga ba ang show na papalit sa Tahanang Pinakamasaya, may mga usap-usapan na ang papalit rito ay ang show ni Willie Revillame na Wowowin.




Ikinasal Nga Ba Si Jaclyn Jose? Sino Sino Ang Mga Lalaking Minahal Ni Jaclyn Jose

Walang komento


 Sa biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose, Mary Jane Guck sa totoong buhay, marami ang napapatanong kung ano ang nangyari sa buhay pag-ibig nito.


Kung sino-sino ang mga lalaking kanyang minahal? Sino ang kanyang pinakasalan? Dahilan ng kanilang paghihiwalay.


Maraming sa mga netizens ang naku-curious tungkol sa kasal ni Jaclyn Jose kay Mark Gil at mga usap-usapan patungkol sa kaning pagdi-divorce. Subalit ang lahat ng mga usaping ito ay walang katotohanan dahil ang katotohanan ay hindi kailanman ikinasal si Jaclyn Jose.


Nagkaroon ng romantic relationship si Jaclyn Jose kay Mark Gill, isang kilalang Filipino actor, mula 1988 hanggang 1991. 


Bagama't hindi sila nauwi sa kasalan, naging malaking parte ng kanilang buhay ang kanilang pagmamahalan noon.


Sa kanilang pagsasama, nagkaroon sila ng isang anak na babae na pinangalanan nilang Andi Eigenmann. Katulad ng kanyang mga magulang, pinasok rin ni Andi Eigenmann ang showbiz industry.


Unang nagkakilala sina Mark Gill at Jaclyn Jose noong 1988 habang kinukunan ang pelikulang, “Itanong Mo Sa Buwan.” 


Sa pagkakataong iyon, si Jaclyn Jose ay isang baguhan pa lamang sa industriya ng showbiz at tinuturing ang kanyang sarili na isang simpleng probinsyana girl. 


Sa kabilang banda si Mark Gill naman ay may asawa na at mayroon na ring anim na buwang anak. 


Sa kabila ng pagiging married man ni Mark Gill nagkaroon pa rin sila ng romatic relationship ni Jaclyn Jose. Dahil dito, nahaharap sa mga pambabatikos ang aktres bilang ibang babae sa buhay ni Mark Gill.


Nagsama rin sila ng mahigit dalawang taon ngunit noong 1991 nagpasya silang itigil na ang kanilang relasyon. Ayon kay Jaclyn Jose, napapansin umano niya noon si Mark na tila bothered na sa kanya. 


Sa kabila naman ng kanilang hiwalayan, patuloy pa rin silang nagkakasama sa trabaho. Minsan ay gumanap pa sila bilang isang mag-asawa sa palabas sa TV na "Valiente." 


Taong 2014 ay pumanaw ang aktor.


Si Jaclyn Jose ay nagkaroon muli ng isang relasyon matapos ang hiwalayan nila ni Mark Gill, sa isang band member ng The Dawnj at True Faith noong 90sna si Kenneth Ilagan. Nabigyan naman sila ng iisang anak na si Gwen Guck.



Paboritong Anak Ni Jaclyn Jose Hindi Na Makakauwi, Hindi Na Makakapunta Sa Burol!

Walang komento


 Malungkot na isiniwalat ng dating aktres na si Andi Eigenmann na hindi makakauwi sa Pilipinas ang kanyang bunsong kapatid na si Gwen Guck, sa ina na si Jaclyn Jose.


Malungkot na ipinahayag ni Andi Eigenmann na hindi makakauwi ang kanyang kapatid na si Gwen upang magbigay ng huling respeto sa kanilang ina dahil hindi umano ito pinayagan ng skwelahan.


Inaasahan ng marami na makakauwi na ngayong araw ang bunsong anak ni Jaclyn Jose, Mary Jane Guck sa totoong buhay, dahil ito na ang huling araw ng burol ng yumaong aktres.


Subalit, ikinadismaya ng ilan sa mga nagmamahal kay Jaclyn dahil inanunsyon na ni Andi na hindi makakarating ang kanyang kapatid dahil hindi ito pinayagan.


Hindi man sa mayroong paboritong anak si Jaclyn Jose dahil pareho naman umano ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak, subalit marami parin ang nakakapansin na tila mas mahal nito ang bunsong anak na si Gwen.


Ipinahayag rin umano ni Jaclyn Jose noon sa isang panayam na labis ang kanyang pagmamahal sa kanyang bunsong anak na si Gwen.


Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman si Andi Eigenmann sa lahat ng mga hindi nakalimot sa kanyang ina na si Jaclyn Jose at inihayag niyang ikinasiya ng kanyang puso ang nakikita niyang pagmamahal ng mga ito sa kanyang ina.


Aminado rin naman siyang hindi siya nasorpresa sa dami ng mga nagmamahal sa kanyang ina dahil napakabuti nitong tao.


Patuloy pa ring nagdadalamhati ngayon ang industriya ng showbiz dahil sa biglaang pagpanaw ng isang batikan at kilalang aktres sa industriya ng showbiz.


Marami rin ang nagsasabi na isang kawalang ang pagkawala ni Jaclyn Jose dahil ang galing nito ay hindi basta-basta mapapalitan dahil God given ang talent nito sa pag-arte.



Mahusay Na Aktres Bagong Host Ng Pinoy Big Brother 2024

Walang komento


 Marami sa mga netizens ang napahanga ng aktres na si Jennica Garcia dahil sa ipinakita nitong galing hindi lamang sa pag-arte kundi sa galing nito bilang news caster ng sumalang ito bilang Star Patroller.


Marami ang nagrequest sa TV Patrol na pabalikin muli si Jennica Garcia bilang Star Patroller dahil sa galing umano nito.


Marami rin ang nagsasabing hindi lamang pang-arte ang aktres na nagpakita rin ng kanyang galing sa teleseryeng kinabibilangan noon na Dirty Linen kundi maging sa newscasting dahil pang-news anchor umano ang kanyang husay.


Kamakailan lamang ay sumalang sa TV Patrol bilang Star Patroller si Jennica Garcia kasama ang kanyang naka-tandem na si Melai Cantiveros.


Bukod sa pagiging kwela ng kanilang tandem na nagdala ng goodvibes sa mga manonood, marami ang nakapansin sa talento ni Jennica Garcia sa pagbabasa ng mga news items.


Marami ang nagsasabi na pang-professional news anchor ang datingan ng aktres  kaya naman hindi na umano kataka-taka kung sumalang bilang broadcast journalist sa hinaharap si Jennica Garcia.


Marami rin ang napahanga kay Jennica hindi lamang sa timbre ng kanyang boses habang dinideliver ang balita kundi maging sa kanyang postura sa harap ng kamera.


Buo umano ang boses ng aktres at maganda ang diction niya habang sinasabi ang balita.


Sa kabilang banda, marami rin ang nag-rerequest na maaring isalang si Jennica Garcia sa Pinoy Big Brother sa pagkakaroon nito ng panibagong season at maganda rin umano itong pamalit kay Toni Gonzaga dahil sa galing nitong magdeliver ng line. 


Samantala, hindi pa naman naglalabas ng reaksyon si Jennica Garcia patungkol sa mga natatanggap niyang papuri mula sa mga netizens.



Angel Locsin & Barbie Forteza Bumisita Na Sa Burol Ni Jaclyn Jose! Jaclyn Patuloy Parin Binibisita!

Walang komento


 Kapamilya actress Angel Locsin nagparamdam na muli sa social media matapos magpunta sa burol ng yumaong batikang aktres na si Jaclyn Jose. Maging ang Kapuso aktres na si Barbie Forteza ay bumisita na rin sa burol ni Jaclyn Jose upang magbigay ng huling respeto.


Hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin ang buong entertainment industry dahil sa biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose.


Marami ang hindi makapaniwala na tuluyan nang namaalam ang aktres na si Jaclyn Jose dahil napapanood pa ito sa teleseryeng Ang Batang Quiapo at marami pang mga proyekto ang nakahanay para sa kanya.


Marami rin sa mga nakasama nitong mga artista ang rumirespeto rito at iniodolo siya sa nasabing larangan dahil sa kanyang galing sa pag-arte at maayos na pakikisama.


Kaya naman sa kasalukuyang dinadagsa ng mga malalapit na kaibigan at mga dati niyang mga nakatrabaho ang burol nito. Marami ang hindi makakalimot kay Jaclyn Jose dahil sa pagiging mabuting tao nito noong nabubuhay pa.


Marami ang napakitaan niya ng kabutihan kaya naman marami rin ang labis na nagdadalamhati sa kanyang biglaang pagkawala.


Kabilang sa mga nakiramay ay ang aktres na si Angel Locsin na kaagad na nagpaabot ng mensahe para kay Jaclyn Jose, ikinagulat ito ng marami dahil magdadalawang taon nang nanahimik ang aktres sa social media.


Maging ang Kapuso actress na si Barbie Forteza na dating nakatrabaho ni Jaclyn Jose ay nagpunta na rin sa burol ng yumao. Hinding-hindi umano niya malilimutan ang angking galing at professionalism ni Jaclyn Jose pagdating sa trabaho.


Inamin rin ni Barbie Forteza na hindi siya kaagad naniwala sa balita ng pagpanaw ni Jaclyn Jose subalit ng magresearch siya sa Google ay nakumpirma niyang totoo palang namaalam na ang aktres.


Sa isang panayam, inamin ni Barbie Forteza na iniidolo niya si Jaclyn Jose dahil sa galing nito at nais pa sana niya na makatrabaho itong muli dahil naging maiksi lamang umano ang pagkakatrabaho nilang dalawa sa isang teleserye.


Sumakabilang buhay ang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa edad na 60 noong March 2, 2024 sa loob ng kanyang pamamahay.




Paolo Contis Nais Munang Mapag-Isa Matapos Maligwak Ng Tahanang Pinakamasaya

Walang komento

Huwebes, Marso 7, 2024


 Tila ang actor-host na si Paolo Contis ang labis na naaapektuhan sa pagkakatigil ng noontime variety show na produced ng TAPE Inc. na umiere sa GMA7 na 'Tahanang Pinakamasaya' na noon ay 'Eat Bulaga'.


Labis na naapektuhan ngayon si Paolo Contis sa biglaang pagpapatigil ng Tahanang Pinakamasaya matapos ang all out na pagdedepensa niya rito laban sa lahat ng mga pinagdadaanang pambabatikos mula nang pinalitan nila ang TVJ bilang mga panibagong hosts.


Hindi naging lingid sa kaalaman ng lahat ang ginawang pagdepensa ni Paolo Contis sa mga executives ng TAPE Inc. sa gitna ng pag-aagawan nila ng trademark sa mga dating Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.


Sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz, inilahad niyang kinausap niya si Paolo Contis upang hingan ito ng saloobin patungkol sa biglaang pagtatapos ng Tahanang Pinakamasaya.


Subalit, tumanggi umano si Paolo Contis na magbigay ng pahayag at gusto muna umano nitong mapag-isa sa ngayon.


Ayon kay Ogie Diaz, sinubukan niyang mag-reach out kay Paolo Contis dahil malapit naman umano sila sa isa't-isa, subalit hiniling umano ni Paolo Contis na huwag muna siyang kausapin sa ngayon.


Pagsisiwalat pa ni Ogie Diaz, nais umano ni Paolo Contis na mapag-isa na lamang at makapagpahinga kaya naman hindi na umano nila ito kinulit pa.


Inilahad din ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanyang isyu kung saan nire-required na umano ng GMA Network ang TAPE Incorporated na magbayad sa utang nilang 800 million pesos.


Hinala ni Ogie Diaz na ito umano ang dahilan kaya napagdesisyunan ng TAPE Inc. na itigil na lamang ang kanilang show upang hindi na lumaki pa lalo ang kanilang pagkakautang.


May mga kumakalat rin namang opinyon na ang pagkakautang ng TAPE Inc. sa GMA ay nagsimula pa noong ang TVJ pa at legit dabarkads ang hosts ng Eat Bulaga na napalitan lamang kamakailan ng Tahanang Pinakamasaya.



TV Host Gustong Lumipat Ng Noontime Show!

Walang komento


 Nanatiling palaisipan ngayon kung ano ang mangyayari sa mga host at staff ng Tahanang Pinakamasaya matapos kumpirmahin ng TAPE Incorporated ang kanilang desisyon na itigil na ang pag-ere nito.


Kani-kanina lamang ay naglabas na ng opisyal na pahayag ang TAPE Inc. kung saan inamin nila na hindi na iere sa GMA7 ang Tahanang Pinakamasaya dahil sa mga unwanted circumtances na hindi nila nagawan ng paraan.


Pinilit naman umano nilang ayusin ang problema subalit hindi pa rin ito nareresolba dahil dito mabigat man sa kanilang kalooban ay kailangan na nilang tapusin ang kanilang show kahit pa sa darating pang December magwawakas ang kontrata nila sa GMA7.


Iginiit din ng TAPE Inc na mutual decision nila at ng GMA7 ang pagpapatigil sa kanilang show.


Samantala, hindi pa naman malinaw ngayon kung ano ang programang ipapalit sa Tahanang Pinakamasaya sa kanilang timeslot sa GMA7 simula ngayong March 8, 2024.


Marami naman ang naghinala na baka mga lumang pelikula muna ang pansamantalang ilalabas ng GMA7 habang hindi napagdidesisyunan ang show na ipapalit sa nagwakas na show.


Nagkaroon rin ng adjustments sa mga show kagaya na lamang ng Fast Talk With Boy Abunda na noon ay 20 minutes lamang ang duration ngayon ay nasa 25 minutes na.


Samantala, sa lahat ng mga host ng Tahanang Pinakamasaya si Charice ang unang nagpahayag ng totoong kinahinatnan ng kanilang noontime show.


May mga usap-usapan rin ngayon na umano'y nagpaparinig na umano sa isang host ng Tahanang Pinakamasaya na malapit sa isang mainstay host ng isang programa para mabigyan kaagad ito ng panibagong proyekto.


Subalit, maari umanong magka-problema ang nasabing mainstay dahil may record na ang nasabing host na palaging nagtatapos ang mga programang kanyang kinabibilangan.



Daniel Padilla, May Bagong Restaurant Sa Dubai

Walang komento


 Tila pinagbubutihan ngayon ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang kanyang mga negosyo, matapos ma-isyung  naghihirap na ito at nalulugi na ang kanyang mga negosyo.


Nag-ugat naman ang paniniwala na ito ng mga netizens dahil sa pagbibenta ni Daniel Padilla sa kauna-unahang sportscar na nabili nila ni Kathryn Bernardo. Nasundan pa ito sa pagbibenta naman ni Karla Estrada sa kanilang mansyon.


Bukod pa rito, naglabasan rin sa ilang mga vlog ng kilalang showbiz columnists na umano'y ibinibenta na rin ni Daniel Padilla ang iba pa niyang mga negosyo kabilang na ang franchise ng fast food chain nila sa Tacloban City, Leyte.


Hindi naman nagbibigay ng anumang pahayag si Daniel Padilla sa lahat ng mga natatanggap niyang pambabatikos.


Dahil dito, marami ang nagulat at napapuri na lamang sa aktor ng lumabas ang balita na ito ang kauna-unahang Pilipino na nagkaroon ng restaurant business sa Dubai.


Pinagkakaguluhan ngayon ng mga kababayan nating Pilipino sa Dubai ang aktor na si Daniel Padilla sa pagbubukas ng kanyang panibagong negosyo roon.


Si Daniel Padilla ang isa sa mga may-ari at guest ng kabubukas pa lamang ng Spice Grill Restaurant sa kabubukas pa lamang din na  Flayva food hall na matatagpuan sa Al Ghurair Center, Dubai, United Arab Emirates.


Trending ngayon sa ilang mga social media platforms si Daniel Padilla at ang mga kuhang larawan at video niya habang naroon siya sa Dubai.


Makikita sa mga nasabing video na masayang nakikipagkulitan at nakikipag-selfie si Daniel Padilla sa kanyang fans na nagpunta sa kanilang opening.


Makikita ring excited ang aktor sa panibagong business ventures na kanyang pinasukan. May ilang mga fans naman si Daniel Padilla rito sa Pilipinas ang napa-sana all na lamang sa interactions ng aktor sa mga Pilipino na naroon sa Dubai.


Ayon sa naging pahayag ni Daniel Padilla, malaki ang pinagbago ng lugar at talagang nakakabilib. Noon pa man ay gusto na umano niya ang pagpunta sa Dubai at nakikita na niya ang kanyang sarili na magsimula ng negosyo roon.


Dagdag pang pahayag ni Daniel Padilla na ang buong lungsod ay binuo sa paligid ng walang katapusang mga posibilidad at ang ideya na kahit anong maisip mo ay magagawa.


Ang Spice Grill Restaurant ay nagbukas noong 2020 at nito lamang ay binuksan nila ang kanilang ikalawang branch na kung saan isa sa may-ari si Daniel Padilla.


Naniniwala rin umano si Lourds Adalia-Evertse and Cristine Caringal-Melad, na ang investment ni Daniel Padilla ay siyang makakatulong para lalong lumago ang kanilang negosyo.


Isiniwalat rin nila na gumawa ang kanilang team ng panibagong recipe na exclusive lamang sa nasabing branch.


Kilala ang Spice Grill sa kanilang sariwang sea food na niluluto sa iba't-ibang mga sauces.



TAPE Inc. Naglabas Na Ng Official Announcement

Walang komento


 Sa wakas ay nagbigay na ng pahayag ang Television and Production Exponents Incorporated patungkol sa napapabalitang pagkakatigil ng kanilang noontime variety show na Tahanang Pinakamasaya.


Tuluyan nang inanunsyo ng TAPE Incorporated ang pagtatapos ng kanilang noontime show na 'Tahanang Pinakamasaya' matapos ang ilang buwan nang umalis ang mga naunang host ng Eat Bulaga na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey De Leon.


Inihayag ng TAPE Incorporated na mabigat para sa kanila ang ipaalam sa lahat ng kanilang mga televiewers na ang kanilang show na 'Tahanang Pinakamasaya' na umiere sa GMA network ay titigil na simula March 8, 2024.


Nilinaw din nila na napilitan silang itigil ang kanilang show dahil sa mga 'unwanted circumtances'.


Iginiit din ng TAPE Incorporated  na ginawa nila ang lahat para ma-save ang kanilang show. Subalit, nagkasundo umano ang magkabilang panig na i-call off na lang ang show.


“Sa mga loyal viewers, esteemed hosts, supportive advertisers, hardworking crew and dedicated employees na kasama namin sa simula pa lang – mula sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” hanggang sa kasalukuyang “Tahanang Pinakamasaya” – ang aming taos-pusong “Salamat ikaw!" at optimistic na "see you again!" mensahe ng TAPE Inc.


Matatandaan na noong May 2023 kumalas sa TAPE Inc. ang mga Eat Bulaga host na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon kasama rin nilang nag resign ang ib a pang mga hosts at ilang mga staff ng show dahil sa internal issue sa pagitan nila at ng TAPE Inc.


Matapos ang makalipat sa ibang network inilaban ng TVJ sa korte ang pagmamay-ari nila sa titulong Eat Bulaga dahil sila naman umano ang bumuo nito.


Huling bahagi ng taong 2023, pinaburan ng korte ang TVJ at matagumpay nilang nakuha ang titulong Eat Bulaga mula sa mga Jalosjos, executive ng TAPE Inc.


Dahil dito, napilitan ang TAPE Incorporated na magpalit ng titulo, mula sa 'Eat Bulaga' pinalitan nila ito ng 'Tahanang Pinakamasaya'.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, sa darating na December 2024 pa mag-eexpire ang kontrata ng TAPE Incorporated sa GMA7.




Coco Martin Pinaiimbestigahan Na Ang Nangyari Kay Jaclyn Jose! Kasambay Ni Jaclyn Iniimbistigahan Na?

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagpapaimbestiga umano ng aktor-direktor na si Coco Martin sa biglaang pagpanaw ng itinuturing niyang ina sa showbiz na si Jaclyn Jose, maging ang kasambahay nito ay pinapaimbestigahan na rin.


Tila hindi kumbinsido ang aktor-direktor ng teleseryeng Ang Batang Quiapo na si Coco Martin sa ibinigay na dahilan sa biglaang pagpanaw ng batikang aktres na si Jaclyn Jose.


Matatandaan na nagbigay na ng pahayag ang anak ni Jaclyn Jose na si Andi Eigenmann na umano'y heart attack ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ina ay nais pa rin umano paimbistigahan ng aktor kung bakit biglaang inatake sa puso ang aktres sa oras na nagday-off ang kanyang katulong.


Sa episode ng Cristy Ferminute noong martes, March 5, 2024 isiniwalat ni Cristy Fermin na isa si Coco Martin sa nagpunta sa pamamahay ni Jaclyn Jose nang hindi na sumasagot ang aktres sa mga tawag at mga mensahe niya.


Marami umano ang tumatawag kay Jaclyn Jose na mga kaibigan at kasamahan sa trabaho subalit hindi umano ito sinasagot ng aktres dahil dito naisipan na nilang puntahan na sa bahay si Jaclyn dahil hindi naman umano nito ugali na hindi sumagot sa mga tawag at text.


Ayon pa kay Cristy Fermin, nakasabayan na ni Coco Martin ang mga rumesponding SOCO dahil pinapaimbistigahan umano nito kung ano ang totoong nangyari kay Jaclyn na naging sanhi na humantong sa ganoon ang nangyari.


Iginiit rin ni Cristy Fermin na talagang gagawin ito ni Coco Martin dahil itinuturing na rin niyang ina sa showbiz si Jaclyn Jose.


Dagdag pa ni Cristy Fermin na nagkasama na sina Jaclyn Jose at Coco Martin noong una pa lamang na pagsabak ni Coco sa industriya ng showbiz. Si Jaclyn Jose rin umano ang nag-udyok kay Coco Martin na pasukin na nito ang mainstream dahil naniniwala ang yumaong aktres na kaya na ni Coco Martin.


Bagama't cremated na umano ngayon ang mga labi ng aktres, hindi pa rin umano sinasara ng SOCO ang kaso dahil nais nilang malaman kung sadyang nagkataon lamang na may nangyari kay Jaclyn Jose sa pagdi-day off na kanyang kasambahay.


Mag-isa lamang nang pumanaw ang aktres dahil sa pag-iimbistiga sa bangkay natukoy ng mga otoridad na March 2 ng umaga nawalan ng buhay ang aktres habang hapon ng March 3 nadiskubre ang katawan nito.



Kim Chiu Paulo Avelino Hindi Na Kinakaya Ang Kilig Na Nararamdaman

Walang komento


 Hindi malabo na magkahulugan ng loob at magkatuluyan sina Kim Chiu at Paulo Avelino lalo na ngayong halos araw-araw silang nagkakasama at nagkakabonding sa set ng ginagawa nilang teleserye na What's Wrong With Secretary Kim?


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ipinapakita pa rin ni Paulo Avelino ang kanyang pagiging maalaga kay Kim Chiu sa harap at likod ng kamera.


Ilang beses na ring namamataan ang aktor na palaging nakaalalay sa Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu. Kahit sila na lamang umano ang magkaharap at wala nang kamera, ganoon pa rin umano ang pag-aalaga ni Paulo Avelino kay Kim Chiu.


Dahil dito, marami ang nagsasabi na hindi malabong mangyari na mahulog si Kim Chiu sa kanya dahil na rin sa pinagdadaanang betrayal ni Kim Chiu sa dating nobyo na si Xian Lim.


Matatandaan na sa isang episode ng showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz naisiwalat ng kilalang talent manager ang ginawa ni Xian Lim bago makipaghiwalay kay Kim Chiu.


Ayon umano sa kanyang mga sources, nagrequest si Xian Lim kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paboritong steak at habang kinakain nila ito ay bigla na lamang sinabi ni Xian Lim na makikipaghiwalay na siya kay Kim Chiu.


Samantala, marami rin ang nagkukumpara sa ugali ng dalawa kung saan marami ang nagsasabi na napaka-approachable ni Paulo Avelino.


Hindi umano ito snob sa kanyang mga fans at palagi rin umano nitong pinagbibigyan ang mga taong lumalapit sa kanya para makipag selfie.


May mga nagsasabi rin na tila kakaiba na rin ang tingin ni Kim Chiu kay Paulo Avelino lalo na sa tuwing inaalalayan siya nito.


Marami naman ang naghinala na baka nagdahan-dahan lamang ang dalawa dahil hindi naman umano kailangan na madaliin ang lahat dahil hindi naman sila nakikipaghabulan sa iba.


Nauna nang ipinahayag noon ni Kim Chiu na magkaibigan lamang sila ni Paulo Avelino at ginagawa lamang umano nila ang kanilang trabaho, subalit hindi sang-ayon ang ilan rito dahil napapansin umano nila ang malagkit na tinginan ng dalawa.



@lylia_0207 #kimpau #kimchiu #pauloavelino #loveteam #fyp #viralvideo #trend #foryoupage #fy #foryou #fypã‚·゚viral ♬ Daylight by Taylor Swift sped up - brooke ⎕
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo