Naglabas ng saloobin ang Kapamilya actress-singer na si Angeline Quinto sa mga nagsasabing Curacha o walang pahinga na siya dahil sa sunod-sunod na trabaho.
Angeline Quinto Nakakuha Ng Kakaibang Reaction Kay Martin Nievera
Walang komentoMiyerkules, Marso 20, 2024
Naglabas ng saloobin ang Kapamilya actress-singer na si Angeline Quinto sa mga nagsasabing Curacha o walang pahinga na siya dahil sa sunod-sunod na trabaho.
Kapuso Stars, Pinagpipilian Na Maging Host Ng It's Showtime Sa Paglipat Sa GMA7
Walang komentoSa tuluyang paglipat ng Kapamilya noontime show na It's Showtime sa GMA7 matapos mabakante ang noontime timeslot ng nasabing network dahil sa biglaang pagkakahinto ng noontime show ng TAPE Incorporated na Tahanang Pinakamasaya.
Sa nangyayaring collaboration ng GMA7 at ABS-CBN sa paglipat ng It's Showtime, usap-usapan ngayon ang balita patungkol sa isang Kapuso artist na magiging kabilang sa mga host ng It's Showtime.
May mga nagsasabi na isa sa mga pinagpipiliang Kapuso artist ay si Julie Anne San Jose. Kabilang din umano sa mga pinagpipilian ngayon ay ang Kapuso actress na si Barbie Forteza.
Matatandaan na naging trending ang pagiging guest host noon ni Barbie Forteza sa It's Showtime noong wini-welcome nila ito sa GTV matapos lumipat mula sa TV5.
Marami pa ang nagsasabi noon na ipinapakita ni Barbie Forteza ang energy ng isang It's Showtime host sa pagbati sa mga madlang pipol.
Ipinakita rin ni Barbie Forteza ang kanyang galing sa paghohost sa It's Showtime kaya naman hindi napigilan ng ilang mga netizens na hilingin na sana ay maging kabahagi ng It's Showtime si Barbie Forteza.
Isa pa sa mga Kapuso na maaring maging host ng It's Showtime ay ang actress na si Sanya Lopez, matatandaan na labis na nag-enjoy ang mga madlang pipol sa mainit na dance performance ni Tanya Lopez noong naging guest siya sa It's Showtime.
Marami rin ang napahanga sa magandang pagkanta ni Sanya Lopez sa theme song ng It's Showtime, hayagan pang hiniling noon ni Sanya Lopez na sana ay muli siyang makatungtong sa It's Showtime stage.
Samantala, umani naman ng papuri mula kay Vice Ganda ang Kapuso actress na si Bianca Umali dahil sa angking kagandahan nito at sa galing sa pagsayaw.
Sa kabilang banda, umaasa naman ang mga fans ni Michael V sa kabila ng naging pahayag nito noon sa kanyang contract signing sa GMA na hindi pa siya handang maging host ng isang TV show, hinihiling pa rin ng marami na maging kabilang siya sa mga host ng It's Showtime ngayong nasa bakuran na sila ng GMA Network.
Miles Ocampo at Elijah Canlas, Nagbabalikan Na Ngayon! Detalye Sa Pagbabalikan Ng Kanilang Relasyon!
Walang komentoUsap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang haka-hakang nagkabalikan na sina Miles Ocampo at Elaijah Canlas.
Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang dating celebrity couple na sina Miles Ocampo at Elaijah Canlas matapos kumalat sa social media ang isyu ng kanilang pagkakabalikan.
Nag-ugat ang mga usaping ito nang namataan silang magkasama sa birthday celebration ng actress-host na si Maine Mendoza. Makikita naman sa ilang mga videos at photos na kumakalat ang pagiging malapit nila sa isa't-isa.
Hindi na rin umano mababakas ang ilangan at awkwardness sa pagitan ng dalawa. Lalo pang umugong ang balitang ito nang magbakasyon si Miles Ocampo sa Hongkong.
Bagama't hindi naman niya sinabing kasama niya si Elaijah Canlas sa pagbabakasyon marami pa rin ang naghinala na ito ang kasama ng aktres na siyang taga-kuha ng video at larawan nito na ibinabahagi nito sa social media.
Samantala, sa isang interview natatawang sinabi ni Miles Ocampo na hindi si Elaijah Canlas ang kumukuha ng kanyang mga larawan at videos kundi ang kanyang mga kapatid at magulang na kasama niya sa pagbabakasyon.
Subalit, masayang inamin ni Miles Ocampo na wino-work out na nila ni Elaijah Canlas ang kanilang relationship.
Isa pa sa mga nagbibigay ng clue patungkol sa pagkakaayos nina Elaijah Canlas at Miles Ocampo ay ang panunukso ng mga Eat Bulaga hosts kay Miles Ocampo patungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang puso.
Nauna na ring inamin ni Miles Ocampo sa isang panayam noon na nag-umpisa ang 2024 na maayos ang pakikitungo nila ni Elaijah Canlas sa isa't-isa at muli na rin umano silang nagkakausap.
"We started this year na okay kami, nag-uusap na ulit. May mga bagay kaming dalawa lang ang makakaalam at makakasagot sa isa't-isa, so might as well be friends for now," pahayag ni Miles Ocampo.
Matatandaan na naghiwalay sina Miles Ocampo at Elaijah Canlas noong November 2023 at inamin ito mismo ni Elaijah sa isang panayam.
Catriona Gray, Inamin Na Tumitindi Na Ang Kanyang Iniindang Sakit
Walang komentoUsap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa iniindang sakit ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.
Inamin ng actress-beauty queen na hanggang ngayon ay iniinda pa rin niya ang kanyang karamdaman na Scoliosis.
Ayon sa aming nakalap na importmasyon, ang scoliosis ay isang patagilid na kurbada ng gulugod na kadalasang nasusuri sa mga kabataan. Habang ang scoliosis ay maaaring mangyari sa mga taong may mga kondisyon tulad ng cerebral palsy at muscular dystrophy, ang sanhi ng karamihan sa childhood scoliosis ay nanatiling misteryo.
Karamihan sa mga kaso ng scoliosis ay banayad, ngunit ang ilang mga kurba ay lumalala habang lumalaki ang mga bata.
Samantala, noong sumalang si Catriona Gray sa Miss Universe noong 2018 ay inamin na niya ang kanyang kondisyon lalo na't nakakaramdam na ng sakit si Catriona Gray sa ilang mga practice nila, lalo na ang kanyang kilalang 'lava walk'.
Ayon sa pagbabahagi noon, bago ma-perfect ni Catriona Gray ang kanyang Lava Walk ay ilang beses itong umiyak dahil sa sakit na nararamdaman.
Samantala sa isang panayam, inamin ni Catriona Gray na sa kanyang edad ngayong 30 ay nararamdaman na niya ang lalong pananakit ng kanyang likod dala ng kanyang Scoliosis.
Sa kabilang banda, naging laman ng mga usap-usapan nitong mga nakaraang linggo ang patungkol sa estado ng relasyon nina Catriona Gray at Sam Milby, matapos ma-intrigang naghiwalay na ang dalawa.
Kamakailan lamang ay inamin rin ng Management nina Catriona Gray at Sam Milby na totoong may pinagdadaanan ang dalawa subalit, ginagawan naman nila ng paraan para maayos ang anumang hindi pagkakaintindihan.
Sa ngayon ay tila nagka-ayos na ang dalawa dahil sa mga pagkakataon na namamataan silang nagkakasama sa mga events.
Contract Signing Ng Its' Showtime Sa GMA7 Sobrang Saya Nina Vice Ganda, Anne Curtis
Walang komentoMarami sa mga fans ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang nag-alala sa nangyari sa buhok nito nang biglaan na lamang itong maipit sa hawak niyang mini-fan sa kalagitnaan ng segment nilang Expecially For You sa It's Showtime.
Bakas sa mukha ni Vice Ganda ang kanyang pagkabahala ng hindi na niya makuha ang ang kanyang buhok na naipit sa mga blades nito.
Kaagad naman itong dinaluhan ng kanyang mister na si Ion Perez at kaibigan si Vhong Navarro para tulungan itong matagal ang pagkakaipit ng kanyang buhok sa mini-fan na hawak.
Sa gitna pagkakataranta ni Vice Ganda, naaaliw naman ang ilang mga netizens dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa sa pinakainiingatan ni Vice Ganda ay ang kanyang buhok.
Samantala, may ilang netizens naman ang nang-intriga kay Vice Ganda dahil tila nakarma umano ito dahil sa pambabanat niya sa nakakatanda sa kanya na si Cristy Fermin.
Matatandaan na noong lunes ay biniro ni Jhong Hilario si Vice Ganda na parang madam ito dahil sa hawak na mini-electricfan.
Kaagad namang sumagot si Vice Ganda at humirit na hindi lahat ng mga may electric fan ay mga madam dahil ang iba ay si Cristy Fermin.
Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na may mini-electricfan rin si Cristy Fermin na sinasabit nito sa kanyang leeg.
Sa kabilang banda, laman rin ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at entertainment sites ang napapabalitang paglipat ng It's Showtime sa GMA7.
Una nang pinasabik ng It's Showtime ang mga Madlang Pipol sa kanilang ibinahaging teaser post kung saan ipinahayag nilang mayroon silang good news na isisiwalat.
Marami naman ang nakapansin sa font na ginamit ng It's Showtime at ang paghighlight nila sa letter G. Nadagdagan na rin ng puso ang kanilang design.
Dahil dito, lalong tumindi ang mga hinala ng mga netizens na ang It's Showtime ang papalit sa nabakanteng timeslot sa GMA7 matapos ma-cool off ang noontime show ng TAPE Incorporated na Tahanang Pinakamasaya noong March 8, 2024.
Samantala, kumpirmado na ang balitang ito dahil naganap na ang makasaysayang pagpirma ng kontrata sa pagitan ng GMA7 at ABS-CBN sa napakalaking collaboration nilang ito.
Ang nasabing contract signing ay dadaluhan ng mga big bosses sa parehong network at maging ng mga host ng It's Showtime sa pangunguna nina Vice Ganda.
Talagang good news ito para sa mga Madlang Pipol dahil mula noong mawalan ng prangkisa ang It's Showtime noong 2020 ay hindi na napanood sa mainstream channel.
Bukod pa rito, nagpalit-lipat rin ng channel ang It's Showtime, una silang napunta sa TV5 noong 2022 subalit matapos ang isang taon ay muli silang nasipa dahil mas pinili ng TV5 ang TVJ.
Samantala, sa paglipat ng It's Showtime sa mainstream channel inaasahan ang mas matindi pang sagupaan ng rating sa pagitan ng It's Showtime at Eat Bulaga ng TVJ.
Kathryn Bernardo Pag Hindi Nakipagbalikan Kay Daniel Maari Daw Matulad Kay Sharon at Gabby Alamin
Walang komento
Matapos lumisan patungong ibang bansa noong Enero 12, si Daniel Padilla ay patuloy pa ring napapabalita dahil sa umano'y pag-unfollow sa kanya ng dati niyang kasintahan na si Kathryn Bernardo. Marami ang nakaramdam ng simpatya kay Daniel, na anila'y hindi na nararapat pang makatanggap ng mga batikos na ito.
Sa kabila ng lahat, nanatiling tahimik ang aktor at hindi nagbibigay ng anumang pahayag tungkol sa mga paratang at ebidensiyang lumalabas patungkol sa kanilang 11 taong relasyon ni Kathryn Bernardo. Bagamat may ilan na nagpapahiwatig na nararapat lang ang mga hamong kinakaharap ni Daniel bilang kabayaran sa kanyang mga nagawa, nagtatanong ang iba kung tunay na nagpapakita na ba siya ng pagsisisi kahit na walang tuwirang pag-amin.
Sa loob ng halos dalawang buwan, umusbong ang tanong kung tunay bang nagsisi si Daniel at kung ipinahayag ba niya ito sa kanyang mga kilos. Bagama't lumabas ang balita na maaaring nagkaroon siya ng ibang mga pakikipagrelasyon, lumilitaw na kay Kathryn pa rin ang kanyang tunay na pag-ibig.
Ngunit, ayon sa ilan, ang tunay na pagmamahal ay hindi naglalagay sa panganib sa relasyon sa pamamagitan ng pagtataksil. Kaya, nagtanong ang iba kung sumuko na ba si Daniel sa pagsuyo sa aktres. Isang netizen ang nagpaalala kay Kathryn, inihalintulad ang sitwasyon nila sa nangyari kina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Binanggit ng netizen na maaaring pinagsisihan ni Sharon Cuneta ang hindi pagtanggap sa paghingi ng tawad ni Gabby noon. Ipinapayo ng netizen kay Kathryn na maghinay-hinay at isaalang-alang ang mga desisyon nang hindi magsisi sa huli. Ginamit ang kuwento nina Sharon at Gabby bilang halimbawa, kung saan ang hindi pagpapatawad ni Sharon ay nagdulot ng sakripisyo sa kanilang anak na si Kristina.
Aniya, "pangaralan mo si Kat. Easy lang siya, Kat, huwag kang magpakasaya dahil ito lang ang masasabi ko, baka mamaya magsisi ka. Ang lalaki, kahit ilang libo pang babae ang magkaroon ng kaugnayan, siya ay lalaki. Easy kang hindi dahil sikat ka ngayon ay okay lang sayo ang magwala ka."
"Ang babae ay iba, parang crystal. Respetuhin mo muna ang sarili mo bago ka gumawa ng isa pang bagay na pagsisisihan mo pagdating ng panahon. Bibigyan na kita ng halimbawa, si Sharon and Gabby. Dahil sikat si Sharon, akala ni Sharon noong nagpakasal siya kay Kiko ay tunay na pag-ibig. Bumalik si Gabby kay Sharon at humingi ng tawad si Gabby sa mga ginawa niya."
"Pero hindi siya pinatawad ni Sharon. Ngayon, ang nagsakripisyo ay ang anak nila ni Gabby na si Kristina. Akala mo sa sarili mo, ikaw ay parang ibon na lumilipad sa ngayon. Ito ang tandaan mo, hindi nagstay si Daniel sa Pilipinas, nagpunta siya sa ibang bansa. Pag si Daniel ay nagpunta sa Amerika. Ay, nako. Ang yaman mo na, nasa Pilipinas ka pa rin, pero, peso lang."
Kim Chiu Pinagkaguluhan Ng Tao Sa Cebu! | Paulo Avelino Nagulat Sa Dami Ng Fans Ni Kim!
Walang komento
Sa kanyang pagtungo sa Cebu para sa isang espesyal na okasyon, malinaw ang di-mapagkakailang impluwensya at popularidad ni Kim Chiu sa kanyang mga tagasubaybay. Sa kabila ng mga taon na kanyang ginugol sa industriya ng showbiz, hindi pa rin nagbabago ang init ng pagtanggap at pagmamahal na ipinapakita ng kanyang mga tagahanga, lalo na tuwing bumibisita siya sa kanyang pinagmulang lugar.
Nang dumating si Kim Chiu sa Cebu para sa nasabing kaganapan, agad itong sinalubong ng masigabong palakpakan at sigawan mula sa kanyang mga tagasuporta. Mabilis na napuno ng mga taong sabik na masilayan at makalapit sa kanilang hinahangaang artista ang venue.
Bawat kilos ni Kim ay sinasalubong ng masiglang palakpakan at hiyawan, patunay ng kanyang matatag at malawak na fan base sa Cebu. Ang patuloy na paghanga at suporta na tinatanggap ni Kim Chiu mula sa kanyang mga tagahanga ay sumasalamin sa kanyang hindi nagmamaliw na apela at tanyag na katayuan sa showbiz.
Sa kabila ng mahabang panahon na niya sa entertainment industry, hindi nagmamaliw ang pagtangkilik at suporta mula sa kanyang mga fans, lalo na mula sa kanyang sariling bayan. Ang pagdalaw ni Kim Chiu sa Cebu ay hindi lamang naghatid ng saya sa kanyang mga tagahanga kundi nagpatibay din sa kanyang posisyon at impluwensya sa showbiz industry.
@iamdaysee What’s Wrong With Secretary @KimChiu 😍🥰 Huyy Ka-Gwapa! 😍 #kimchiu #fyp #chowkingHalohaloLand #Cebu ♬ original sound - Jarly Garcia
Kris Aquino Hiniling Na Huwag Siyang I-confine Sa Ospital! Ang Mga Rebelasyon Ni Mark Leviste!
Walang komentoMartes, Marso 19, 2024
Isiniwalat ng Batangas Vice-Government Mark Leviste sa isang panayam na ipinagpaliban muna ng Queen of All Media ang kanyang pagpapa-confine sa hospital dahil sa COVID alert California, USA.
Ayon Mark Leviste, nagkaroon ng COVID outbreak sa medical facilities sa California kaya naman pinili ni Kris Aquino na huwang munang tumuloy sa pagpapa-confine.
Ayon pa kay Vice Governor Mark Levite, pinili ni Kris Aquino na sa bahay na lamang nila sa Orange County habang hinihintay ang oras subalit kailangan talaga ni Kris Aquino na magpa-confine sa UCLA.
Iginiit pa ni Mark Leviste na sa kabila ng kanyang pag-aalalay ngayon kay Kris Aquino ay tinutugunan rin umano niya ang pangangailangan ng kanyang probinsya.
Subalit kapag talagang kailangan siya ni Kris Aquino ay mabilis pa siya sa alas-kwatro na lilipad papuntang California para damayan ito.
Ibinahagi pa ni Mark Leviste na maaring magpunta muli siya sa California pagkatapos ng Holy Week para alamin ang kalagayan ni Kris Aquino.
Ibinunyag rin ni Mark Leviste na salitan umano ang mga kapatid ngayon ni Kris Aquino sa pag-aalaga ngayon sa kanya.
Matatandaan na noong February 14, sa mismong kaarawang nito, inilahad ni Kris Aquino sa pamamagitan ng isang live interview ang kanyang totoong kalagayan habang patuloy na nilalabanan ang kanyang mga auto-immune diseases sa Amerika.
Doon rin inamin ni Kris Aquino na magiging crucial para sa kanya ang darating na anim na buwan dahil sa pakikipaglaban niya sa kanyang mga karamdaman.
Ipinaalam rin niya na anumang oras ay maari siyang ma-cardiac arrest dahil naapektuhan na rin ang kanyang heart at lungs. Maari umanong basta atakehin na lamang siya bigla sa kanyang pagtulog.
Inamin pa noon ni Kris Aquino na may huling susubukang gamot para sa kanya na hindi basta-bastang ibinibigay sa mga pasyente dahil sa kaakibat nitong risks subalit maari rin umano itong makatulong sa kanya kaya naman pumayag na si Kris Aquino.
Hiniling rin noon ni Kris Aquino na patuloy siyang isama sa mga pagdarasal dahil ayaw pa niyang iwan ang kanyang dalawang anak na labis na nangangailangan sa kanya.
Gusto rin umano ni Kris Aquino na maabutan kahit man lang ang pagiging 18 years old ni Bimby.
Nakikialam Ba Si Gelli De Belen Sa Lovelife Ng Mga Anak Niya? 'Mabuti Na Lang, Nandito Ako Sa Pilipinas!'
Walang komentoMatapos makatanggap ng mga negatibong komento ni Carmina Villaroel dahil sa pakikialam umano nito sa mga lovelife ng kanyang mga anak, Gelli De Belen ipinahayag na handa siyang makialam sa mga lovelife ng anak dahil karapatan niya iyon.
Iginiit ng kilalang aktres na si Gelli De Belen na handa siyang makialam sa lovelife ng kanyang mga anak kapag kailangan na ng mga ito.
Sa isang panayam ng PEP kamakailan, tinanong si Gelli De Belen kung payag ba siyang makatanggap din ng pambabatikos gaya ng kanyang kaibigan na si Carmilla Villarroel matapos makialam sa lovelife ng mga anak.
Matatandaang ang pakikialam ni Carmilla Villaroel ang isa sa mga ititurong dahilan sa paghihiwalay ng kanyang anak na si Mavy Legaspi at ng dati nitong partner na si Kyline Alcantara.
Binansagan pa si Mavy bilang isang ‘mama’s boy’ dahil hinayaan niyang pakialaman ng kanyang ina ang kanyang relasyon.
Nag-viral din sa social media ang post ni Carmina.
“Dear Mavy and Cassy, people can destroy your image, damage your personality, create rumors about you but they can never take away your good deeds. Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best,” pagtatanggol ni Carmina sa kanyang mga anak.
Dagdag pa niya, “Mom’s knows best.”
Samantala, ayon kay Gelli De Belen handa siyang humarap sa mga pambabatikos kung kinakailangan para sa kanyang mga anak. Iginiit rin niya na walang sinuman ang maaring kumwestiyon nito dahil isa siyang ina na handang protektahan ang mga anak kung kinakailangan.
Gayunpaman, iginiit ni Gelli De Belen na hindi naman niya kinokontrol ang kanyang mga anak sa pagpili ng taong mamahalin.
Sa katunayan ay wala pa naman umano siyang nirereject na babaeng pinakilala ng kanyang anak.
KC Concepcion Buntis at Engaged Na Nga Ba? Ito Ang Napansin Ng Netizens Sa Latest Post Ni KC!
Walang komentoIkinatuwa ng maraming mga tagahanga ng aktres na si KC Concepcion ang sunod-sunod na pagbabahagi niya ng mga updates patungkol sa kanyang buhay matapos ang ilang buwang pananahimik niya sa social media.
Sa Instagram, ibinahagi ni KC Concepcion ang pag-eenjoy niya sa araw at ang napakagandang lugar ng Batangas.
"I believe our best days are yet to come. Here’s to a grace filled week," caption ni KC Concepcion sa kanyang post kalakip ang larawan niya habang nasa tubig siya.
Bukod pa rito ibinahagi rin ni KC Concepcion ang mga pagkaing inienjoy niya sa kanyang bakasyon sa Batangas.
Ayon sa pagbabahagi ni KC Concepcion, wala pa rin umanong tatalo sa homecooked Pinoy meals lalo na kapag may sea view.
Narito naman ang ilang mga favorite dishes nila sa kanilang time at the beach:
• Tuyo Pasta
• Sinigang na Manok
• Paksiw na Tulingan sa Gata
• Tinapa Lumpiang Shanghai
• Vegetable Kare Kare
• Grilled Sweet Corn on the Cob
• Maruya
All with a round-the-clock serving of Watermelon Shake or that freshly harvested Buko Juice.
Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens na nagtatanong kung nagdadalang tao na ba si KC Concepcion at kung sakali man ay masaya umano sila para sa aktres.
May mga nagtatanong rin kung ang suot-suot na singsing ni KC Concepcion ay engagement ring na ba niya at kung nalalapit na rin ba ang pagpapakasal nito.
Gayunpaman may ilan namang nagsasabi na hindi ito engagement ring ni KC Concepcion dahil noon pa man ay nakikita na umanong suot-suot ni KC Concepcion ang nasabing singsing.
Janine Gutierrez Kinakawawa ng Mga Fans Nina Paulo Avevlino at Kim Chiu
Walang komentoKinaawaan muli ng mga netizens ang aktres na si Janine Gutierrez sa gitna ng pamamayagpag ng tambalang Kim Chiu at Paulo Avelino.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na unang nalilink sa aktres na si Janine Gutierrez si Paulo Avelino matapos ang ilang pagkakataon na nagsama sila sa iisang proyekto.
May mga naglabasan pang mga ulat noon patungkol sa pagkakamabutihan na rin ng dalawa at nauwi na rin sa matamis na relasyon ang kanilang pagsasama sa mga teleserye. Subalit nang pumasok na sa eksena si Kim Chiu ay tila na itsapwera na si Janine Gutierrez.
Kumalat rin ang isyu noon na tuluyan ng naghiwalay sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez dahil na rin sa pagkakalapit ni Kim Chiu kay Paulo Avelino.
Sa kabila nito, patuloy namang sinusuportahan ng mga netizens ang tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu at marami rin ang nag-uudyok sa dalawa na i-level up na ang kanilang relasyon.
Dahil dito marami ang nagsasabi na lumalabas na kawawa naman si Janine Gutierrez dahil tila kinalimutan na ito ng mga taong nasisilaw sa chemistry nina Paulo Avelino at Kim Chiu.
May mga fans naman nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez ang nagpahayag na patuloy nilang susuportahan si Janine Gutierrez sa kabila ng pag-iwan rito ni Paulo Avelino.
Samantala, umani naman ng reaksyon mula sa mga netizens ang pagkokomento ni Janine Gutierrez na kinikilig siya sa moments ng tambalan nina Mariz Racal at Anthony Jennings na sumikat sa teleseryeng Can't Buy Me Love sa kanilang mga karakter bilang si Snoop at Irene.
May mga nang-intriga kay Janine Gutierrez kung kinikilig rin ba siya sa tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu na talagang pinag-uusapan sa iba't-ibang mga social media platforms.
May mga nagtanggol naman kay Janine Gutierrez laban sa mga nang-iintriga at inihayag na napaka-insensitive naman ng mga nagtatanong ng ganoon sa aktres gayung wala naman silang alam sa totoong pinagdadaanan ngayon ni Janine matapos ang pang-iitsapwera ni Paulo Avelino.
Marami rin ang nagsasabi na talagang walang respeto ang taong iyon at hindi marunong makiramdam sa mga pinagdadaanan ng iba.
Marian Rivera Inokray Ang Eksena Sa Loob Ng Kabaong Para Sa Kanyang Pagbabalik TV!
Walang komentoNakakatanggap ngayon ng mga negatibong komento ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera matapos ilabas ang trailer ng kanyang comeback telesesrye sa GMA7 na My Guardian Alien.
Hindi nakaligtas si Marian Rivera sa mga pang-ookray ng mga netizens sa isang scene ng comeback teleserye niya sa GMA7 na My Guardian Alien kung saan makikita siyang nakahiga sa isang kabaong.
Viral ang nasabing eksena dahil kapansin-pansin na hindi maganda ang pagkaka-edit nito. Makikita sa eksena si Marian Rivera na nasa loob ng kabaong habang nagdadasal naman ang isang pari subalit, kapansin-pansin na hindi namang totoong nakahiga sa kabaong si Marian Rivera at inilagay lamang roon ang larawan ng aktres.
Subalit, marami sa mga netizens ang nakapansin sa pagkaka-edit nito na kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens.
May mga nagsasabing nagmukha umano itong cut-out card board na basta na lamang idinikit sa kabaong. May mga nagsasabi pang hindi ito gawain ng isang Primetime Queen at nararapat lamang na i-take muli ang nasabing eksena.
Marami pa ang naghinala na kaya naka-edit lamang ang katawan ng aktres sa loob ng kabaong dahil umaayaw si Marian na gawin ang nasabing eksena.
Sa gitna ng mga negatibong komento, naglabas na ng pahayag ang director ng My Guardian Alien na si Zig Dulay kung saan inihayag niyang uulitin na lamang nila ang nasabing eksena.
Iginiit din niya na ang nagviral na eksena ay pino-proseso pa ng production at hindi pa umano ito final.
Sa ngayon ayt patuloy na kinukwestyon ng mga netizens kung bakit kinailangan pang mag-edit ng larawan ni Marian para sa scene at kung hindi ba kaya ni Marian na mahiga sa kabaong sa loob lamang ng ilang minuto para makunan ng maayos ang scene.
May mga nagsasabi pa na tila nag-iinarte lamang umano ang aktres sa hindi paggawa ng eksena dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nahiga na siya sa loob ng kabaong noong ginawa nila ng kanyang mister na si Dingdong Dantes ang kanilang pelikulang Rewind.
Unang pumayag si Marian Rivera na humiga sa kabaong sa teleseryeng Endless Love, na talagang hindi niya malilimutan kailanman.
Sa ngayon ay inaabangan na ng mga manonood ang My Guardian Alien ni Marian Rivera lalong-lalo na ang eksena sa kabang ng aktres.
Katotohanan sa Pagkakaayos nina Bea Alonzo at Julia Barretto Sa Harap ng Kamera
Walang komentoInaasahan na ng ilang mga netizens ang magiging paghaharap nina Bea Alonzo at Julia Barretto matapos ang ilang taon magmula noong nagkaroon sila ng isyu dahil kay Gerald Anderson.
Marami sa mga netizens ang naghinalang magdededmahan ang dalawa or worst magkakaroon umano ng sabunutan at sampalan sa kanilang personal na paghaharap.
Subalit, kabaliktaran pala ang lahat ng mga ito dahil walang naganap na tarayan, dedmahan, isnaban at sabunutan sa pagkikita muli ng dalawa.
Sa muling pagkikita nina Bea Alonzo at Julia Barretto sa nakaraang birthday party ni Johnny Manahan, mas kilala bilang si Mr. M, ikinagulat ng lahat ng makitang masayang nagbebeso-beso ang dalawa at nagtsi-tsikahan pa.
Parehong naroon sa suprise party para sa kaarawan ng star maker na si Mr. M ang dalawa kung saan makikitang maayos ang trato nina Bea Alonzo at Julia Barretto sa isa't-isa matapos ang malaking isyu sa pagitan nilang dalawa noong masangkot si Julia Barretto sa hiwalayan noon nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Ito rin ang unang pagkakataon na nakita ang dalawa na magkasama matapos ang ilang taon at ang ikinaluka pa ng marami ay maayos na maayos ang turingan nilang dalawa, nagtatawanan at nag-uusap pa.
Sa katunayan, ilang beses pang nakunan ng picture at videos ang dalawa na masayang nag-uusap kasama ang iba pang mga artista na parehong pinasikat ni Mr. M.
Ikinatuwa naman ng kani-kanilang mga tagahanga ang pagkakaayos ng dalawa dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang malaking kontrbersyal kinasasangkutan ng mga ito noon.
Matatandaan na ilang beses ding pinasaringan ni Julia Barretto noon si Bea Alonzo matapos ilang ulit na banggitin ng huli ang ginawa sa kanya ni Gerald Anderson.
Lalo pang uminit ang isyu noon nang tuluyang inamin nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa kanilang relasyon. Nakatanggap rin noon si Julia ng mga matitinding batikos mula sa mga fans ni Bea Alonzo dahil itinuturi siyang mang-aagaw ng karamihan.
Ito'y sa kabila ng mga pagtatanggol noon ni Gerald Anderson kung saan iginiit nitong hindi si Julia Barretto ang third party at dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Lasing Na Lasing Heart Evangelista at Bea Alonzo Ganito Pala Malasing
Walang komentoKinatuwaan ng mga fans ng fashion icon na si Heart Evangelista ang isang video clip na ibinahagi nito sa social media kung saan inamin niya ang kanyang pagkalasing mula sa isang gimik at ang naranasan niyang matinding hangover paggising.
Marami sa mga followers at fans ni Heart Evangelista ang naaliw sa ibinahaging video ng aktres kung saan inamin niyang nakatulog siya ng lasing subalit paggising niya ay nananatili pa rin siyang lasing.
Ayon sa ilang mga netizens na kahit mayroong hangover si Heart Evangelista ay hindi naman ito nagmukhang haggard at nananatili itong maganda.
Bagama't gimik ang sinabi ni Heart Evangelista sa kanyang video, hinala ng nakakarami na ang kanyang tinutukoy ay ang nangyaring birthday party ni Mr. M kung saan nagsasama silang mga celebrities na pinasikat nito noon.
Nauna nang naiulat ang pa-tribute ng nga kilalang aktres kay Johnny Manahan kilala bilang si Mr. M sa nakaraang birthday nito.
Marami ang natutuwa dahil karamihan sa mga artistang pinasikat noon ni Mr. M noong ito pa ang head ng Star Magic ay nagkaisa sa birthday celebration nito.
Bukod pa rito, ikinatuwa rin ng marami ang pagkakaayos nina Julia Barretto at Bea Alonzo doon sa nasabing party matapos ang limang taong hindi pagpapansinan.
Matatandaan na nagkaroon ng lamat ang friendship nina Julia Barretto at Bea Alonzo nang masangkot si Julia Barretto sa nangyaring pangg-ghost ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo noong 2019.
Sa panahong iyon ay magkarelasyon pa sina Gerald Anderson at Bea Alonzo, subalit bigla na lamang siyang hindi pinansin ni Gerald Anderson matapos ang shooting ng pinagsamahang pelikula nila ni Julia Barretto sa ibang bansa.
Ayon sa mga naging usap-usapan ng mga netizens sa mga panahong iyon ay nagkakamabutihan na umano sina Julia Barretto at Gerald Anderson kaya naman dinidedma na noon ni Gerald ang kanyang girlfriend na si Bea Alonzo.
Samantala, marami ang nasiyahan dahil matapos ang maraming mga taon ay tuluyan nang nalimutan ng dalawa ang kanilang masalimoot na nakaraan at tuluyan nang nagkaayos.
Batikang Aktres Papalit Sa Naiwang Role Ni Jaclyn Jose Sa Batang Quiapo
Walang komentoInamin ng Kapamilya actor-director na si Coco Martin na hindi pa niya alam kung paano tatapusin ang karakter ng namayapang batikang aktres na si Jaclyn Jose sa teleseryeng Ang Batang Quiapo.
Ayon kay Coco Martin marami pa sana siyan planong gawin sa karakter ni Jaclyn Jose sa nasabing teleserye bilang si Chief Espenas.
Dahil dito, marami sa mga netizens ang naniniwalang may ipapalit si Coco Martin sa karakter ni Chief Espinas. Tiyak umanong may ipapasok umano si Coco Martin na panibagong artista sa Batang Quiapo.
Ayon pa sa ilang mga haka-haka na may pinagpipilian na umano si Coco Martin mula sa mga kilalang aktres na batikan na rin sa larangan ng pag-arte.
Sa kabila nito, alam rin naman umano ng mga netizens na marami ang makakamiss sa batikang aktres na si Jaclyn Jose matapos ang biglaang pagpanaw nito noong March 2, 2024.
Sa panibagong yugto ng inaabangang teleserye na Ang Batang Quiapo, makakatagpo na naman si Tanggol ng mga panibagong karakter na tutulong sa kanya habang ang iba naman ay lalong magdadala ng paghihirap at pasakit sa kanya.
Nauna na rito, lumabas ang mga haka-hakang magkakaroon ng karibal si Bubbles sa puso ni Tanggol sa karakter na gagampanan ni Kim Rodriguez.
Sa kabilang banda, may mga haka-hakang papasok sa Ang Batang Quiapo si Sharon Cuneta, dahil ito umano ang ipapalit ni Coco Martin kay Jaclyn Jose.
May posibilidad din umano ito dahil nauna na silang nagkasama sa iisang teleserye noon sa Ang Probinsyano.
Nagsalita Na! Jennylyn Mercado Magiging Kapamilya Na!
Walang komentoUsap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang naglabasang mga balita patungkol sa paglipat ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa Star Music kung saan nakatakdang maglabas ng panibagong album.
Dahil dito, marami sa mga netizens ang nang-iintriga sa paglipat na ito ng aktres kung saan umpisa na umano ito sa tuluyang paglipat ni Jennylyn Mercado mula sa GMA7 sa ABS-CBN.
Inamin naman ni Jennylyn Mercado na nakaramdam siya ng kakaibang kilig sa unang meeting pa lamang nila upang i-discuss ang mga gagawing kanta.
Inilahad pa niya ang kanyang excitement sa panibagong step na tatahakin. Talagang pinaghahandaan rin umano nila ang gagawing mga kanta para sa kanyang mga fans.
Talagang nagbabalik na sa showbiz industry ang Kapuso Royalty na si Jennylyn Mercado matapos ang ilang taong pamamahinga upang isilang ang kanilang anak ni Dennis Trillo.
Sa pagbabalik musika ni Jennylyn Mercado, kapansin-pansin umano na ginamit niya ang music label ng ABS-CBN na Star Music na pinag-ugatan ng mga hinalang maaring lumipat na rin sa Star Magic si Jennylyn Mercado.
Matatandaan na nakatrabaho na rin si Jennylyn Mercado ang film arm ng ABS-CBN, ang Star Cinema noong 2016 sa isang pelikulang pinagbibidahan nila noon ni John Lloyd Cruz sa Just the Three Of Us.
Ang nasabing pelikula ang nasa blockbuster drawer ng aktres na si Jennylyn Mercado hanggang ngayon.
Samantala, marami naman ang pumupuri sa aktres na si Jennylyn Mercado ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang comeback teleserye sa GMA7 na Love. Die. Repeat.
Samantala, umaani naman ng halo-halong reaksyon mula sa mga netizens ang napipintong paglipat ni Jennylyn Mercado sa ABS-CBN.
May mga sumasang-ayon sa kanyang paglipat sa ibang network matapos ang ilang taon niya sa GMA7 kung saan siya sumikat. Subalit may naniniwala ring hindi na kailangan pa nitong lumipat ng ibang network dahil napatunayan na rin naman umano niya ang kanyang sarili sa Kapuso network.
Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang "Latang Gatas" Para Kay KC Wala Siyang Natanggap
Walang komentoSa isang panayam kay Mega Star Sharon Cuneta, isiniwalat niya ang ilang mga detalye ng nakaraan nila noon ni Gabby Concepcion at ang kanyang naging buhay matapos ang kanilang hiwalayan.
Inamin ni Sharon Cuneta na noong kabataan niya ay kumikita na siya ng millions dahil sa kanyang acting at singing careers.
Dagdag pa ni Sharon Cuneta na kumita siya ng billions dahil sa offer ng isang station subalit ito rin ang dahilan na nagkaroon siya ng utang.
Iginiit naman ni Sharon Cuneta na ang mga utang niyang ito ay hindi niya nakuha dahil sa mga bisyo kagaya ng pagsusugal dahil hindi naman umano siya nagbibisyo.
Ipinahayag rin ni Sharon Cuneta na ang kanyang pera ay iniinvest niya sa mga estate, dahil dito nababayaran na umano niya ang kanyang mga utang nitong mga nagdaang taon.
Ayon pa kay Sharon Cuneta na talagang napalaki siya ng maayos ng kanyang mga magulang kung saan tinutuan siya ng mga ito na humawak ng maayos sa kanyang mga finances.
Nagbalik-tanaw rin si Sharon Cuneta sa mga panahon na naging single mom siya matapos ang naging hiwalayan nila noon ni Gabby Concepcion.
Ayon sa pagbabahagi ni Sharon Cuneta, mag-isa niyang tinaguyod ang kanyang anak na si KC Concepcion, siya lamang rin umano ang bumibili sa lahat ng mga pangangailangan noon ni KC Concepcion.
Maski pambili uman noong ng gatas para kay KC ay wala umano siyang natatanggap kaya naman pinagbubutihan niya ang kanyang pagtatrabaho.
Ikinagulat naman ito ng mga fans ni Sharon Cuneta dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung sino ang totoong ama ni KC Concepcion. Marami ang hindi makapaniwalang naging pabayang ama rin pala umano noon si Gabby kung saan kahit pambili ng gatas ay hindi ito nagbibigay.
Gayunpaman, marami ang nagsasabing naayos na nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kung ano man ang nagng gusot nila noon at maging si KC Concepcion ay may maayos nang relasyon sa kanyang ama ngayon.
Sa ngayon ay tinitingnan na lamang ni Sharon Cuneta ang positibong naidulot sa kanila ng kanyang nakaraan kung saan natutuo umano si KC Concepcion na maging responsibilidad sa kanyang paghawak ng finances.