Katotohanan sa Isyung May Hindi Pagkakaunawaan Sina Bossing at Joey De Leon

Walang komento

Martes, Abril 2, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung nahihirapan umanong mag-adjust si Joey De Leon bilang TV-host at isa sa mga producer ng kanilang show na Eat Bulaga.


Kumakalat ngayon sa ilang mga entertainment news sites ang balitang nakakaranas ng frustrations si Joey De Leon dahil siya ang pinag-hahandle ng mga finances ng TVJ Production na siyang production company ngayon ng Eat Bulaga.


Bukod sa mataas ng expectation para sa Eat Bulaga ngayon nasa TV5 ay nakadagdag pa sa pressure ang kompetisyon sa pagitan ng mga noontime shows ngayong lilipat na sa GMA7 ang It's Showtime na noon pa man ay mahigpit na nilang katapat.


Ayon sa pahayag ng isang kolumnista, tulad ng ibang mga negosyo kailangan talagang mag-shell out muna para sa mga gastusin.


Naging laman din ng mga usap-usapan ang nangyaring dis-agreement umano sa pagitan nina Joey De Leon at Bossing Vic Sotto dahil sa pera.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, hindi umano sanay itong si Joey De Leon na magbigay at maglabas ng datung dahil nasasanay itong tumanggap.


Gayunpaman, hindi naman malinaw kung totoong may hindi pagkakaunawaan sina Joey De Leon at Vic Sotto dahil maayos naman silang tingnan sa Eat Bulaga.


Maging ang kanilang mga tagahanga ay hindi rin naniniwalang nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa tagal na rin ng kanilang pagkakaibigan na nagsimula pa noong hindi pa nila nabubuo ang Eat Bulaga.


Matatandaang napanalunan ni Joey ang karapatan ng Eat Bulaga title trademark matapos ang ilang buwang legal battle laban sa dati nilang production company na Television and Production Exponents Incorporated (TAPE Inc.)


Si Joey ang kilalang imbentor ng pamagat ng Eat Bulaga, kaya isa siya sa pinakamahalagang tao sa longest-running noontime show.



Vice Ganda Nainis Sa Ginawa Ng Aktres Sa Guesting Sa It's Showtime!

Walang komento


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang aktres na si Janella Salvador matapos ang kanyang guesting sa noontime show na It's Showtime para i-promote ang pelikula nila ng isang Thai-actor.


Pino-promote nina Janella Salvador at Thai-actor na si Wen Metawin ang kanilang pelikulang Under Parallel Skies.


Marami ang nainis sa inasal ng aktres na si Janella Salvador dahil noong natanong na siya patungkol sa kanyang upcoming concert ay humirit ang aktres at pinopromote na rin ito sa mga Madlang Pipol.


Lalo pang tumaas ang kilay ng ilang mga netizens ng pinagsampol ng mga host si Janella sa kanyang panibagong kanta dahil nag-iba ang tugon nito.


Hindi pa man natapos ni Kim ang kanyang pagpapasampol kay Janella Salvador, pinutol na ito ng aktres at sinabing paos siya kaya sila na lamang umano ang kumanta.


Tila hindi naman ito nagustuhan ni Vice Ganda kaya naman ginamit niya itong biro sa isang segment ng kanilang show.


Maging ang ilang mga netizens ay hindi rin nagustuhan ang inasal ni Janella Salvador sa It's Showtime.


Samantala, iginiit naman ng mga tagahanga ni Janella Salvador na hindi naman umano maaring pilitin ang aktres kung talagang wala ito sa kondisyon para kumanta.


Sa kabilang banda, inilabas na ang official music video ng kanta ni Janella Salvador na talaga namang umani ng samu't-saring papuri mula sa mga netizens Hiling din nila na sana ay mabigyan ito ng karapa't-dapat na recognition dahil napakaganda nito.


Karylle Sinagot Ang Mga Isyu Sa Family Feud Guesting

Walang komento


 Magdadala ng saya sa isang upcoming episode ng Kapuso gameshow na Family Feud Philippines ang mga It's Showtime hosts.


Ang guesting ng mga It's Showtime hosts sa Family Feud ay bahagi ng promotion nila sa kanilang show sa kanilang paglipat sa main channel ng Kapuso Network.


Natapos na ng mga It's Showtime hosts ang kanilang taping para sa kanilang paglalaro sa Family Feud na nakatakdang ipalabas sa darating na April 8, 2024.


Nahati sa dalawang team ang It's Showtime hosts, ang Team Vice at Team Anne.


Kasama ni Vice Ganda sa kanyang team sina Jhong Hilario, Amy Perez, at Jugs Jugueta habang kasama naman ni Anne Curtis sa kanyang team sina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Teddy Corpuz.


Ipinalabas na rin sa official Facebook page ang teaser ng inaabangang paglalaro ng It's Showtime sa kanilang game show.


Sa kabilang banda, hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na hanapin si Karylle sa line up ng mga manlalaro, Marami ang napapatanung kung bakit hindi sumali si Karylle.


Naglabasan na rin ang mga hinalang iniiwasan ni Karylle ang kanyang dating karelasyon na si Dingdong Dantes dahil noong nag-guest sina Marian Rivera at Dingdong Dantes noon sa Showtime para ipromote ang kanilang pelikula ay umabsent rin si Karylle.


Samantala, tila sinagot na rin ng aktres ang mga katanungan ng mga netizens hinggil sa pag-iwas niya kay Dingdong Dantes.


Ayon kay Karylle maayos naman na sila sa ngayon ni Dingdong at Marian ubalit hindi naman umano niya alam kung magiging maayos rin ang sitwasyon kapag nagkatagpo na sila lalo na't mga kalog ang kanyang mga kasamahan.



Rica Peralejo Sinagot Ang Netizens Na Pinuna Ang Suot Niya Ng Swimsuit Dahil Asawa Siya Ng Pastor

Walang komento


 Nakatanggap ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang larawan na ibinahagi ng aktres na si Rica Peralejo sa kanyang Instagram account.


Marami an kumukwestyun ngayon sa aktres na si Rica Peralejo patungkol sa kanyang pananampalataya dahil sa pagbabahagi niya ng larawan sa social media kung saan nakasuot siya ng swimsuit.


Sa kanyang post, hinighlight niya ang kanyang matabang legs, "I used to hate my “fat” legs and wished they were thin legs. Now all I pray for are strong legs. I dont care how they look for as long as they take me to places where I want to go. The shift in your forties can both be sobering and stress-free at the same time and I love it. I love how freeing it is to age and think of what others think less than what we actually want and need."


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens at maging ang kanyang asawang pastor ay nagkomento rin kung gaano nito kagusto ang kanyang legs lalo na at malakas umano ito.


Komento ng asawa nito, "always been a fan of your legs. but i’m also glad they’re stronger and stronger. marami pa tayong pupuntahan."


Kaagad naman itong sinagot ni Rica Peralejo kung saan inilahad niya na nais rin niyang makasama ang kanyang mister.


Sa kabilang banda may isang netizens naman na tila hindi nagustuhan ang pagbabahagi ni Rica Peralejo ng kanyang larawan na nakasuot ng swimsuit.


Komento ng netizens na bilang isang Kristyano ay hindi umano nararapat na magbahagi ng ganoong uri ng larawan si Rica Peralejo sa social media kahit pa maganda naman ang kanyang legs.


"Ang pretty at sexy mo po Ms. Rica. But sad to say, as a christian di ito bagay ipost lalo na’t Pastor ang inyong husband. Di siya pleasant sa paningin ni Lord. Hate me after."


Kaagad naman itong sinagot ni Rica Peralejo, kung saan inilahad niyang nirerespeto niya ang opinyon nito subalit hindi sila pareho ng paniniwala.


Kim Rodriguez Isiniwalat Na Ang Katotohanan Sa Relasyon Nila Ni Marc Pingris!

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang aktres na si Kim Rodriguez hinggil sa kinasasangkutan niyang isyu patungkol sa umano'y secret relationship nila ng basketball player na si Marc Pingris na mister ng kilalang personality na si Danica Sotto.


Nag-ugat ang speculations patungkol sa relasyon ng dalawa nang kumalat sa ilang mga social media platforms ang larawan nilang dalawa sa mga lugar na parehong pinuntahan at ibinahagi sa kani-kanilang mga social media account sa halos kaparehong oras.


Mismong ang talent manager ni Kim Rodriguez ang naglabas ng pahayag ng kanyang alaga para linawin ang isyu sa pamamagitan ng kanyang latest YouTube vlog.


Ayon kay Ogie Diaz, sinabi sa kanya ni Kim Rodriguez na walang katotohanan ang mga kumakalat na isyu. Nilinaw din ni Ogie Diaz ang kwento sa likod ng kumakalat na larawan sa isang fries stand.


Ayon sa paliwanag ni Kim Rodriguez, totoong nagpunta siya sa fries stand subalit, nag-stop over lamang umano siya roon kasama ang kanyang mga kaibigan dahil papunta sila sa Subic. Iginiit naman ni Kim Rodriguez na hindi umano niya alam kung kailan nagpunta roon si Marc Pingris.


Hindi rin umano natatakot si Kim Rodriguez kung itanong sa babaeng nasa larawan nila kung nakita ba silang magkasama ni Marc Pingris dahil alam naman umano nito ang totoo.


Nilinaw din ni Kim Rodriguez ang larawan nila sa Australia, ayon sa aktres kasama niya ang kanyang mga kaibigan na nagpunta roon.


Wala rin umano itong pakialam kung may picture din roon si Marc Pingris.


Inilahad naman ni Ogie Diaz na bilang talent manager, ayaw sana niyang pagsalitain pa si Kim Rodriguez kung wala namang katotohanan ang isyu.


Subalit, dahil isa rin siyang vlogger alam niyang inaasahan na ng kanyang mga followers ang pahayag ni Kim Rodriguez.


Gayunpaman, iginiit ni Ogie Diaz na hindi niya ginagamit ang kanyang vlog para iangat ang kanyang alaga o linisin ang pangalan nito dahil ipinahayag lamang niya ang side ng aktres sa mga isyung kumakalat ngayon sa social media.


Nauna na rito ang paglabas ng pahayag ni Marc Pingris kung saan pinabulaanan rin niya ang ugnayan nila ni Kim Rodriguez.


Iginiit din ng aktor na isa siyang family man na may takot sa panginoon.




Vice Ganda Niresbakan Na Si Cristy Fermin, Vice Gumawa Ng Kanta Para Kay Cristy Fermin!

Walang komento


 Tila hindi pa natatapos ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa pambabanat sa kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime inilahad ni Vice Ganda na may gagawin siyang kanta na iaalay niya sa isang tsismosa.


Sinabi ni Vice Ganda na ang magiging title ng kanta ay 'Bwak Bwak Bwak'. Alam naman ng lahat na ilang beses ginamit ni Vice Ganda ang pahayag na ito sa tuwing sinasagot at nagrereact siya sa mga parinig at pambabanat sa kanya ng beteranong columnist na si Cristy Fermin tungkol sa kanya.


“Nakakatawa ‘yung kanta! Humanda ka! May kanta ako! Bwak bwak bwak bwak bwak! Manggigigil ka!” saad ni Vice Ganda na bagama't walang sinabing pangalan ay alam na ng lahat kung sino ang kanyang tinutukoy.


Ayon pa sa pagbabahagi ni Vice Ganda na noong Holyweek vacation ay nagkaroon siya ng pagkakataon na sumulat ng isang kanta.


Hindi naman nagbigay ng sample si Vice Ganda sa lyrics at melody ng kanyang ginawang kanta subalit base sa naging pahayag ni Vice tiyak na ikinaiinis ito lalo ni Cristy Fermin.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses nang nagbanatan sina Vice Ganda at Cristy Fermin.


Kamakailan lamang ay nagbahagi ng isang tweet si Vice Ganda kung saan makikita ang dalawang mga pangit na nilalang na hinuha ng marami na sina Cristy Fermin at kasamahan nito sa kanyang programa na Showbiz Now Na at Cristy Ferminute.



Nancy McDonie, Pumirma Ng Co-Management Contract Sa Sparkle Artist Center

Walang komento

 

Dating Momoland member na si Nancy McDonie pumirma ng co-managemeng contract sa GMA Sparkle Artist Center.


Ibinahagi mismo ng GMA Sparkle Artist na nasa ilalim na ng kanilang pangangalaga ang dating myembro ng South Korean Pop-Group na Momoland na si Nancy McDonie.


Nauna nang isiniwalat ni Boy Abunda sa kanyang programa na Fast Talk with Boy Abunda na darating sa bansa sa susunod na buwan si Nancy McDonie dahil may gagawin itong mga proyekto.


Samantala, kahit nakapirma ng kontrata si Nancy McDonie sa GMA Sparkle artists ay mananatili pa rin ito sa South Korea at pupunta lamang siya sa Pilipinas kapag may gagawin siyang proyekto.


Ang GMA Network lamang ang mamahala sa mga engagements ni Nancy McDonie sa Pilipinas habang ang Korean agency naman nito ang mamahala sa kanyang showbiz career sa South Korea.


Sa pagpirma ng kontrata ni Nancy McDonie sa GMA Network, marami ang nag-aabang kung magkakaroon din ba ito ng pagbibidahang teleserye sa GMA Network.


Ang unang appearance ni Nancy McDonie ay sa Winter edition ng The Running Man Philippines na mapapanood sa GMA Network sa darating na May 2024.


Kinunan sa South Korea ang partisipasyon ni Nancy McDonie sa The Running Man Philippines kaya naman nagkaroon na ng pagkakataon ang mga host ng naturang show na makilala si Nancy McDonie at makasama ito ng personal.


Si Nancy Jewel McDonie, na kilala bilang Nancy, ay isang Korean-American na mang-aawit, artista, at host. Siya ay dating miyembro ng South Korean girl group na Momoland, na nabuo noong Nobyembre 10, 2016, sa pamamagitan ng reality survival show ng Mnet na Finding Momoland.




Eat Bulaga, May Pambato Sa Its Showtime Ngayong Nasa GMA Na!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga pahayagan at social media platforms ang napapansin ng maraming mga netizens sa mga hosts ng Eat Bulaga ngayong nalalapit na ang paglipat ng It's Showtime sa main channel ng GMA Network.


Ayon sa ilang mga netizens, napapansin na umano nila na tila nagiging mainitin ang ulo ng Eat Bulaga host na si Joey De Leon.


Hinala naman ng ilan na baka apektado na ito sa muling pagtatapat nila ng It's Showtime sa mainstream media at triggered na umano ito dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong malawak na reach ang GMA7 dahil napapanood ito kahit sa ilang liblib ng lugar sa bansa.


Samantala, may mga nagtatanggol naman kay Joey De Leon at sinasabing nag-aadjust pa ang TVJ dahil sila na rin ang producer ngayon ng Eat Bulaga.


Bilang producer ng Eat Bulaga kasama ang TV5 kailangan umanong maging hand on ang TVJ sa show at maging sa finances nito.


Hindi na rin mnaman umano bago sa mga kakasimulang negosyo na kailangan talagang mamuhunan para sa mga pasiunang gastusin habang hindi pa establish ang nasabing negosyo.


Bagama't marami naman commercial load ang Bulaga ay hindi naman umano maitatanggi na malaki ring ang gastusin nito pagdating sa production.


Samantala, may mga naglabasan mga haka-haka ngayon na umano'y nagkaroon ng disagreement sina Vic Sotto at Joey De Leon dahil sa isyu ng pera.


Mas sanay kasi umano si Joey De Leon tumanggap ng pera kaysa sa magbigay.


Sa kabilang banda, hindi naman umano natatakot ang Eat Bulaga sa paglipat ng It's Showtime dahil mayroon naman umano silang pambato sa katauhan ni Atasha Muhlach.


Isa umano sa malaking asset sa kanilang programa si Atasha Muhlach dahil bukod sa pleasant ay very refreshing umano ang style nito sa paghohost.


Napakaganda rin umano nito at magaling din sa pagsayaw. Ito umano ang ipantatapat nila sa It's Showtime sa paglipat nito sa GMA7.



Pamamahiya ni Daniel Padilla ang Dating Nobya na si Kathryn Bernardo

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga naglabasang mga video kung saan makikita ang mga hindi magandang pagtrato ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo noong magkarelasyon pa silang dalawa.


Kumakalat ngayon sa ilang mgg social media platforms ang mga videos kung saan makikita ang pagiging toxic ni Daniel Padilla noong karelasyon pa niya si Kathryn Bernardo.


Nag-umpisang maglabasan ang mga videong ito nang tawagin ng mga fans ng aktor na si Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na malandi at pakawala dahil pinapalibutan na umano nito ang sarili kasama ang iba't-ibang mga lalaki.


Ipinunto pa ng isang basher ni Kathryn Bernardo na hindi nakakaganda ang ginagawa ng aktres na pagpapalibot sa kanyang sarili ng mga lalaki matapos ang break up nila ni Daniel Padilla.


Matatandaan na noong nakaraang March 26, 2024 ipinagdiriwang ni Kathryn Bernardo ang kanyang ika-28 na kaarawan sa El Nido Palawan sakay sa isang yate.


Nakasama ni Kathryn Bernardo sa nasabing okasyon ang kanyang malalapit na kaibigan sa loob at labas ng industriya ng showbiz.


Dinaluhan ito ng ilang malalaking bituin sa industriya ng showbiz katulad na lamang nina Alden Richards, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Jericho Rosales at iba pa.


Iginagulat pa ng marami na naroon din sa birthday party ni Kathryn Bernardo ang isa sa mga ABS-CBN bosses na si Carlo Katigbak.


Naging masaya naman ang kanilang pagdiriwang at ibinahagi pa ito ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram account kung saan inilahad niya na ito ang pinakamasayang birthday celebration niya.


Samantala hindi naman naiwasang may mga naglabasan na mga negatibong komento mula sa mga fans nila ni Daniel Padilla na hindi nagustuhan ang pag-iimbita ni Kathryn Bernardo ng maraming kalalakihan sa kanyang party.


Ayon sa kanila, tila naging malandi na umano ngayon si Kathryn Bernardo magmula ng maghiwalay sila ni Daniel  Padilla.


Kaagad namang dumipensa ang mga solid fans ni Kathryn Bernardo, iginiit nilang walang masamang ginagawa ang aktres at nagsasaya lamang ito matapos ang ilang taong panloloko at betrayal ni Daniel Padilla.


Kasunod nito, kumakalat naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga nakaraang videos nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kung saan makikita ang di umano'y pagiging toxic boyfriend ni Daniel kay Kathryn.


Kabilang na rito ang video na kuha mula sa ABS-CBN Ball noong 2017 kung saan tila inambahan ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo ng suntok dahil tila nainis ang aktor sa suot ni Kathryn Bernardo.


May mga video pa kung saan makikita ang pagkapikon ni Daniel Padilla sa mga kakulitan ni Kathryn Bernardo na noon ay kinakikiligan pa ng mga fans subalit nag-iba na ng kahulugan ngayong nabuking ang ginagawang panloloko ni Daniel Padilla.


@beautifulpeopleinph Teka nagulat ako 😭 #fyp #kathrynbernardo #danielpadilla #kathnielbreakup #kathnielfan #kathniel #fypã‚· #foryoupage #foryou #viral ♬ Pipigilin - Shawn DC

Tom Rodriguez, Nagreact sa Pang-ookray Sa Kanya ng Mga Netizens

Walang komento


 Trending at laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platform ang aktor na si Tom Rodriguez matapos mag-viral ang kanyang song cover ng kanta ni Bruno Mars na Versace on the Floor na ibinahagi niya sa kanyang TikTok account.


Umani ang nasabing cover ni Tom Rodriguez ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Karamihan ay umuokray kay Tom Rodriguez sa paraan niya sa pagkanta.


Ayon sa ilang mga netizens, may pa pikit-pikit pa umano si Tom Rodriguez sa pagkanta gayung tunog mickey mouse naman ang kanyang boses.


May mga nagsasabi pang may pakulot-kulot pa ito na hindi naman nababagay. Hinala naman ng iba pa na tila nakalimutan umano ni Tom Rodriguez na i-mute o kaya i-private.


Bagama't noon pang February 2024 inupload ni Tom Rodriguez ang nasabing video ay ngayon lamang ito nagviral dahil nairepost na ito sa iba pang mga social media platforms.


Hindi rin naman naging lingid sa kaalaman ni Tom Rodriguez na marami sa mga netizens ang umookray sa kanya, kaya naman gumawa na siya ng reaction video hinggil sa kanyang Versace on the Floor cover.


Ayon kay Tom Rodriguez wala naman mali sa kanyang pagkanta at okay naman umano itong pakinggan. Maganda rin umano ang kanyang pagproject ng emotion sa kanyang pagkanta at makikitang feel na feel pa niya ang awit.


Tila dinidma na lamang rin ni om Rodriguez ang mga masasakit na komento sa kanya ng mga netizens at idinaan na lamang sa biro ang lahat,


Naging sunod-sunod ang mga reaction video ni Tom Rodriguez sa kanyang mga naunang mga reaction videos sa kanyang ginawang cover kung kung saan inookray siya ng maraming mga netizens.


Sinabi pa ni Tom Rodriguez na totoong may paka-Mickey Mouse ang kanyang boses pero kulang pa rin.


@akosimangtomas #duet with @Tom Rodriguez #Duet Reaction Video to my Reaction Video to the Reaction of my Cover song Versace on The Floor by Bruno Mars as Mickey Mouse #fyp #lastnafortonightpromise #batinatayo ♬ original sound - Tom Rodriguez

Love Triangle Story ni Rico Yan, Sabrina M at Claudine Barretto

Walang komento

Lunes, Abril 1, 2024


 Parehong nag-alay ng post sina Claudine Barretto at Sabrina M para alalahanin ang yumaong matinee idol na si Rico Yan sa ika-22 anibersaryo ng pagpanaw ng aktor nitong March 29, 2024.


Sa kanyang Facebook post, nagbahagi si Sabrina ng maikling mensahe at larawan para sa yumaong si Rico Yan.


“Remembering Rico Yan,” caption ni Sabrina sa kanyang post.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media at ilang mga entertainment news sites si Sabrina noong nakaraang taon matapos niyang isiwalat ang naging relasyon nila ni Rico Yan.


“Napakabait ni Rico Yan. After Claudine, naging kami ni Rico Yan. Matagal kaming nagkarelasyon. Taon. Noong nag-uumpisa na yung tsismis sa akin, dinudurog na agad ako. Rico Yan yan eh? Bakit siya pumatol sa isang sexy star? Bakit siya pumatol sa isang hubadera?” pagbabahagi noon ni Sabrina M kung saan binalikan niya ang naging relasyon nila matapos kay Claudine.


Kaagad namang nagreact ang legal council ni Claudine Barretto kung saan inilahad nila na ipinapalabas umano ni Sabrina M na naging two timer si Rico Yan. Hiniling din nila na sana ay maglabas ng public apology si Sabrina M.


“Pinalalabas po kasi ni Sabrina M na si Rico Yan ay two-timer at alam naman daw ni Claudine, kung alam ito ni Claudine ay napakababa naman ng moralidad ni Claudine na pumapayag siya na dalawa sila sa buhay ni Rico Yan?” pahayag ng abogado ni Claudine Barretto na si Atty. Ferdinand Topacio.


“Mag-apologize ka na lang Sabrina M since iisang mundo lang ginagalawan natin at ‘wag naman tayong gumamit ng taong wala na rito sa mundo hindi niya maipagtanggol ang sarili niya dahil wala na siya,” dagdag pa niya.


Samantala, nag-post naman ng video si Claudine sa Instagram bilang pagpupugay sa kanyang dating nobyo.


Sa kabila ng kasal kay Raymart Santiago, sinabi ni Claudine na si Rico ang kanyang "one great love."



Marc Pingris Pinakitang Family Man Sa Gitna Ng Isyu Nila ni Kim Rodriguez

Walang komento


 Sa gitna ng isyung kinaharap ni Marc Pingris sa cheating issue niya kasama si Kim Rodriquez, pinatunayan ng basketball player sa publiko na isa siyang family man at wala talagang basehan ang mga kumakalat na isyu.


Ibinahagi ni Marc Pingris sa kanyang mga post sa social media ang ilang larawang kuha sa kanilang family outing sa Pangasinan.


Makikita sa kanyang post ang kanyang asawa na si Danica Sotto-Pingris, at ang kanilang mga anak, sina Jean Michel, Anielle Micaela, at Jean-Luc, ay nandoon sa outing.


Naroon din ang ilang mga kamag-anak nila sa kanilang bakasyon.


Matatandaang nahaharap si Marc sa isa sa pinakamalaking isyu matapos siyang ma-link sa aktres na si Kim Rodriguez.



Nagsimula ang tsismis nang mapansin ng ilang netizens na nakita sina Marc at Kim sa parehong lugar na ilang beses na nilang binisita nang magkahiwalay.


Naglabas din ng pahayag si Marc Pingris kung saan iginiit niyang walang katotohanan ang isyung may relasyon sila ni Kim Rodriguez. Iginiit din niya na nagkasama lamang sila ng maging muse ito sa kanilang team.


“Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez. Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao. Nakasama ko po si Ms. Kim sa isang basketball event at sa isa pang event noong naging muse siya ng team namin,” pahayag ni Marc.


“Salamat din sa nag pa abot ng concern. Ok kami ng pamilya ko. Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo. Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po,” dagdag pa niya.


Naglabas na rin naman ng pahayag si Kim Rodriguez kung saan pinabulaanan niya ang isyu. Maging ang asawa ni Marc Pingris na si Danica Sotto ay dinididma lamang ang isyu.



Vice Ganda May Matinding Resbak Kay Cristy Fermin Matapos Siyang Sabihan Na Sipsip Sa GMA Network!

Walang komento

 

Kaagad na rumesbak ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa mga paninira ni Manay Cristy Fermin kung saan sinabihan siya nitong sumisipsip sa mga bosses ng GMA Network matapos niya itong pagtawanan noong may prangkisa pa ang ABS-CBN.


Hindi na nagpigil pa ang komedyanteng si Vice Ganda at kaagad na rumesbak kay Cristy Fermin at sa mga kasamahan nito nang sabihan siyang sipsip sa GMA Network. 


Matatandaan na kamakailan lamang ay opisyal nang naging bahagi ng GMA Network ang It's Showtime matapos ang kanilang contract signing ng ABS-CBN at GMA para sa paglipat ng nasabing show sa main channel ng GMA Network.


Nagbigay pa ng madamdaming pahayag noon si Vice Ganda kung saan inilahad niya ang kanyang pasasalamat sa GMA7 na kumupkop umano sa kanilang show sa panahong nawalan sila ng tahanan.


Kaagad namang naglabas ng komento si Cristy Fermin patungkol sa naging speech ni Vice Ganda kung saan tinawag niya sipsip si Vice Ganda at kinakain na umano nito ang ginawa nito sa GMA noong mayroon pang prangkisa ang ABS-CBN.


Ipinapalabas rin ni Cristy Fermin na tila hindi siya sang-ayon sa desisyon ng GMA Network na ipalit ang It's Showtime sa Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Inc. na kamakailan lamang ay tumigil sa pag-ere.


Ayon kay Cristy Fermin, pinapalabas lamang ng GMA Network na mas magaling ang hosts ng ABS-CBN kaysa sa mga Kapuso artist.


Tila nawalan rin umano ng pagkakataon ang ilang mga Kapuso artists na mabigyan ng trabaho kung sakaling nag-produce ng sariling show ang GMA7.


Sa kamakailang tweet ni Vice Ganda, nagbahagi siya ng isang meme na makikita ang mga pangit na nilalang na ipinagpalagay ng lahat na si Cristy Fermin dahil sa isinulat na 'Nay' at caption nitong 'bwak bwak bwak'.



Jake Ejercito Pumalag Sa Pag-Ungkat Sa Pananahimik Niya Noon Sa Pagbubuntis Ni Andi Eigenmann!

Walang komento


 Nagbigay na ng reaksyon ang aktor na si Jake Ejercito sa mga pambabatikos na natatanggap mula sa mga netizens na binalikan ang kanyang pananahimik noong si Albie Casino ang pinagbibintangang ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann na labis na nakaapekto sa showbiz career noon ni Albie.


Sinagot na ng aktor na si Jake Ejercito ang mga netizens na pumuna sa kanyang pananahimik noon bilang totoong ama ng pinagbubuntis ni Andi Eigenmann sa gitna ng pambabatikos kay Albie Casino na pinagbibintangan irresponsableng ama dahil sa pagtanggi niyang siya ang nakabuntis sa aktres.


Dahil sa natatanggap na pambabatikos noon ni Albie Casino, muntikan nang masira ang papausbong na showbiz career nito.


Hindi naman pinalampas ni Jake Ejercito ang mga netizens na nambabatikos sa kanyang pananahimik noon sa kasagsagan ng isyu sa pagbubuntis ni Andi Eigenmann.


Ayon kay Jake Ejercito, mga clout chaser ang mga taong nagbibigay ng komento patungkol sa partikular na isyu kahit hindi naman alam ang kabuuang detalye.


Dagdag pa ni Jake Ejercito na tila napikon sa komento ng netizens, "Baka kailangan mong mag Visita Iglesia."


Matatandaan na si Albie Casino ang unang naging nobyo ni Andi Eigenmann bago naging sila ni Jake Ejercito. Subalit, noong nagpunta ito sa London, pumutok ang balitang nagkabalikan umano sina Albie Casino at Andi Eigenmann.


Kaya naman noong pumutok ang balitang nagbubuntis si Andi Eigenmann, marami ang naghinala na si Albie Casino ang ama ng dinadala nito. Lalo na't ito rin ang tinuturo ni Andi Eigenmann na ama ng kanyang dinadala.


Kaagad naman itong tinanggi ni Albie Casino na naging dahilan kung bakit siya nabatikos ng labis.


Sa isang panayam noon kay Albie Casino, isiniwalat niya na marami siyang mga project na nawala dahil backlash na natanggap dahil sa pag-aakalang siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann.


Ilang endorsement umano ang umatras at maraming mga teleserye at pelikula ang kinansela na dapat sana ay sa kanya mapupunta.


Makalipas ang limang taon, lumabas rin ang katotohanan na si Jake Ejercito talaga ang totoong ama ng panganay ni Andi Eigenmann hindi si Albie Casino.




Janine Gutierrez Nagsalita Na Inamin Kung Bakit Ayaw Niya Makatrabaho Ang Ex Na Si Paulo Avelino!

Walang komento




 Usap-usapan ngayon sa ilang social media platform ang patungkol sa artista na ayaw makatrabaho ng aktres na si Janine Gutierrez.


Lumalabas ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung umayaw umano ang aktres na si Janine Gutierrez na makatrabaho ang kanyang ex-boyfriend na si Paulo Avelino.


Dahil dito, naniniwala tuloy ang ilang mga netizens na nagtapos sa hindi maganda ang kanilang relasyon. May mga nagsasabi na hindi umano nagkaroon ng closure ang dalawa kaya naman mayroon pang bitterness na nararamdaman si Janine Gutierrez.


Sa kamakailang episode ng showbiz vlog ng kilalang talent manager at showbiz reporter na si Ogie Diaz, isiniwalat niya ang nakarating sa kanyang balita patungkol sa aktres na si Janine Gutierrez.


Ayon kay Ogie Diaz, ipinarating sa kanya ng kanyang mga sources na malapit sa aktres na kung may artista siyang ayaw makatrabaho sa ngayon ito ay walang iba kundi ang pinaniniwalaang ex-boyfriend nito na si Paulo Avelino.


Naniniwala naman si Ogie Diaz na tila hindi nagkaroon ng maayos na closure ang dalawa dahilan para tumanggi si Janine na makasama sa iisang trabaho ngayon si Ogie Diaz.


Marami rin ang nakapansin na tila bigla na lamang naging bukas si Paulo Avelino sa kanyang lovelife ngayon kasama ang aktres na si Kim Chiu dahil noon naman ay napakapribado ng aktor pagdating sa kanyang lovelife kahit pa nauugnay siya kay Janine Gutierrez.


Dahil dito, marami ang naghinala na baka naman ay hindi gaano ka-seryoso si Paulo Avelino kay Janine Gutierrez noon hindi kagaya ngayon kay Kim Chiu na handa siyang ipagsigawan sa lahat ang kanilang closeness.


Sa kabilang bansa, may mga naniniwala naman na kaya maingay ngayon ang pangalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaysa sa kanila noon ni Janine Gutierrez dahil mas kilala naman si Kim Chiu.


Marami rin umano ang sumusubaybay ngayon kay Kim Chiu dahil kakahiwalay pa lamang nila ng kanyang nobyo for 12 years na si Xian Lim.



Kathryn Bernardo Nagpatawad Na Pero Minarkahan Ang Mga Taong Nanakit Sa Kanya

Walang komento


 Inilabas na ng MEGA Magazine ang kanilang interview kay Kathryn Bernardo kung saan maraming rebelasyon ang naisiwalat ni Kathryn Bernardo patungkol sa kanya.


Ipinahayag rin niya ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga kaibigan at pamilya na naroon para sa kanya sa mga panahon na nangangailangan siya ng makakaramay.


Hinid naman lingid sa kaalaman ng lahat na dumaan sa matinding pagsubok sa buhay si Kathryn Bernardo nang maghiwalay sila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla noong November 2023.


Ayon kay Kathryn Bernardo, isang proseso ang kanyang pinagdaanan para magkaroon ng oras para sa kanyang sarili at maprotektahan ang kanyang peace of mind.


Ang labis pa umano na nakakasakit ay iyong kailangan pa rin niyang gawin ang mga nakalatag na project para sa kanila ni Daniel Padilla sa kabila ng kanilang pinagdadaanan at ipakitang maayos pa rin sila sa harap ng publiko.


Nagbigay naman ng makahulugang pahayag si Kathryn Bernardo patungkol sa forgiveness. Ayon sa kanya, kapag napatawad na niya ang isang tao ay hindi naman niya kakalimutan ang ginawa nito. Hindi na rin umano niya ibabalik.


"Ang lalim kasi ng word na forgiveness. For me, you can forgive people who deserve it but, when I forgive you, it doesn't mean that I have to keep you in my life. I forgive you for my peace of mind for clarity and everything but it doesn't mean na pwede kang bumalik," saad ni Kathryn Bernardo.


Dagdag pa niya, "I just keep my distance, keep your distance where ok like that. I mean kunyari, I got hurt. Why would I allow you to comeback.. depends it's a case to case basis."


Kaagad namang naiugnay ng mga netizens kay Daniel Padilla ang naging pahayag ni Kathryn Bernardo. Marami ang nagsasabi na talagang wala nang balak pa si Kathryn Bernardo na makipagbalikan kay Daniel Padilla sa kabila ng pagpapatawad niya rito.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo