Matching Promise Ring Nina Kathryn Bernardo at Alden Richards Mamahalin

Walang komento

Huwebes, Abril 4, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media at ilang entertainment news sites ang diumano’y “matching black rings” nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Kamakailan lamang ay sinupresa ni Alden Richards ang aktres na si Kathryn Bernardo sa ikalawang birthday celebration nito kasama ang kanyang mga kaibigan at pamilya.


Sa kumakalat video kung saan makikita ang pagdating ng Kapuso actor na si Alden Richard sa birthday dinner ni Kathryn. Dala ang isang malaking bouquet ng bulaklak at regalo.


Marami naman ang nakapansin sa tila may pagkakaparehas ang mga singsing na suot-suot nina Kathryn Bernardo at Alden Richards. 


Ayon sa mga kumakalat na tsika nagkakahalaga umano ang mga singsing ng 6 million pesos.

Dahil dito hindi maiwasan ng mga supporters ng dalawa na mas kiligin dahil sa posibilidad na may namumuo nang relasyon ang dalawa.


Kaagad itong nagtrending sa ilang mga social media platforms dahil na rin sa paglabas ng mga fans ng Aldub tandem nina Maine Mendoza at Alden Richards noon.


Bukod sa magkaparehong black rings, napansin rin ng maraming mga netizens na magkaparehas rin ang suot-suot na relo ng dalawa.


Dahil dito, marami ang naghinalang nagkakamabutihan na nga ang mga ito at tinatago na muna nila sa publiko dahil personal naman nila itong mga buhay.


Samantala, nagbabanta naman ang ilang mga AlDub fans na magrerebolusyon sila sakaling magtuloy-tuloy ang relasyon nina Alden Richards at Kathryn Bernardo dahil hindi umano nila matanggap na niloloko ni Alden Richards ang kanilang idolo na si Maine Mendoza.


Naniniwala pa rin kasi ang maraming AlDub fans na mag-asawa na sina Alden at Maine at mayroon na silang mga anak.




Vice Ganda Tinawag Na Mangkukulam Si Cristy Fermin

Walang komento


 Hindi napigilan ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin na punahin si Vice Ganda at kamakailan lamang ay muli niynag kinoll-out ang ugali ng It’s Showtime host.


Noong April 2, 2024 episode ng ‘Showbiz Now Na,’ muling binanatan ni Cristy Fermin si Vice Ganda dahil sa pagiging ‘hambog’ at sinabi pa nitong pinipersonal umano ng komedyante ang mga pambabatikos na natanggap niya.


“Mali ‘yung umaariba nanaman ang kahambugan ni Vice Ganda, iko-correct ko lang ‘yon, hindi naman po talaga nawala ‘yon, ‘yun naman talaga imahe niya, kabangan, mapagpatutsada,” pahayag ni Cristy Fermin.


Isang araw matapos ipalabas ni Cristy ang nasabing episode, nagbiro si Vice tungkol sa isang ‘witch’ na palaging nagseselos sa kanyang tagumpay.


Sa kamakailang episode ng It's Showtime sa segment na Expecially For You, tinanong ni Vice Ganda ang kanilang magandang contestant at sinabing ganoon din siya noon kaya naman marami ang naiinggit sa kanya.


“Ganyang ganyan ako nung bata, kinaiinggitan lang ako ng mangkukulam. Binarang ako ng mga reyna ng bwak bwak bwak bwak, pero hindi sila nagtagumpay. Nai-flush ko sila,” pagbibiro ni Vice Ganda.


Hindi pinangalanan ni Vice Ganda ang indibidwal na tinutukoy niya, pero maraming netizens ang naniniwala na halatang si Cristy Fermin ang kanyang tinutukoy.


Itinampok na ni Cristy si Vice sa mahigit 40 episodes ng “Showbiz Now Na”.


Ang kanyang pangunahing palabas, si Cristy Ferminute ay hindi man lang kasama sa bilang.


Samantala, naghihintay pa rin ang netizens kung sasagutin muli ni Cristy Fermin si Vice Ganda.



Fans Ni Janine Gutierrez Binanatan Si Ogie Diaz Dahil Sa Paninira Nito at Pagkumpara Kay Kim Chiu!

Walang komento


 Kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz, inuulan ng pambabatikos ngayon ng mga tagahanga ni Janine Gutierrez dahil sa paninira umano nito sa aktres para bumango ang mga pangalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Nangagalaiti ngayon ang mga fans ng aktres na si Janine Gutierrez kay Ogie Diaz dahil napapansin nilang panay umano ang paninira ng talent manager sa kanilang idolo para maging maganda sa paningin ng nakararami ang tambalan nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Bukod pa rito, may mga nakapansin rin na tila idinidikit palagi ng talent manager ang pangalan ni Janine Gutierrez sa tuwing napag-uusapan nila sa kanilang vlog ang KimPau.


Hindi naman lingid sa kaalaman ang naging relasyon nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez noon kahit hindi naman ito gaanong inilalantad sa publiko at hindi rin gaanong napag-uusapan kung ikukumpara sa relasyon ngayon nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Hindi nagustuhan ng mga fans ni Janine Gutierrez ang naging pahayag ni Ogie Diaz na mas nagustuhan umano ng maraming mga netizens si Kim Chiu para kay Paulo Avelino kaysa kay Janine Gutierrez.


Kaagad namang sinagot ni Ogie Diaz ang mga isyung ito at iginiit sa kamakailang episode ng kanyang vlog na hindi naman niya sinisiraan ang Kapamilya Star na si Janine Gutierrez.


Iginiit din niya na bagama't aminado siyang fan rin siya ng KimPau ay hindi naman umano ito nangangahulugan na pumapanig na siya sa mga ito.


Para sa kanya, ay inilalahad lamang niya ang mga opinyon ng maraming tao patungkol sa pinag-uusapang tambalan ngayon nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaya naman hiling niya na sana ay huwag naman siyang paratangan ng mga ito na may galit kay Janine Gutierrez.




Kathryn Bernardo Nagsalita Na Sa Pagmo-Move on at Pagpapatawad Kay Daniel Padilla

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo patungkol sa kanyang pagmo-move on matapos ang ilang buwan magmula nang maghiwalay sila ng aktor na si Daniel Padilla.


Sa kamakailang interview ni Kathryn Bernardo sa Mega Magazine bilang siya ang cover girl para sa buwan ng April, kabilang sa mga isiniwalat ng aktres ang kanyang naging moving on journey matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Inamin ng aktres na hindi naging madali para sa kanya ang nangyaring hiwalayan nila ni Daniel Padilla matapos ang ilang taon ng kanilang relasyon.


Gayunpaman, sinikap umano ng aktres na hindi maapektuha ang kanyang showbiz career at ang performance niya sa trabaho dahil sa napagdaanan.


Bukod pa rito, inilahad rin ng aktres na ayaw niyang magmukha siyang pa-victim at kaawa-awa dahil sa nangyari kaya naman ipinakita niyang maayos lamang siya kahit sa totoo ay nahihirapan at nasasaktan pa rin siya sa nangyari.


Iginiit din ng aktres na hindi naman siya nagsusuot ng maskara para itago ang kanyang nararamdaman subalit napaka-personal umano nito at para sa kanya ay hiwalay na ito sa kanyang trabaho.


Palilinaw ng aktres, “So for me, the best way to cope was first, I needed to heal and look at the bright side: I have so many blessings and so many people who stayed with me through all this. I focused on that. Second, I kept myself busy. Walang lull.”


Dagdag pa niya, “Sometimes I would ask my manager, ‘May I have a few days just to recharge? Once I go back, okay na.’ Now, where I am is exactly where I’m supposed to be.”


Nagbahagi rin si Kathryn Bernardo ng pahayag patungkol sa pagpapatawad, inilahad niya na kaya naman umano niyang magbigay ng kapatawaran subalit, hindi umano ito nangangahulugan na maari nang bumalik sa kanyang buhay ang taong nanakit sa kanya.


Nagbibigay umano siya ng forgiveness para sa taong deserving at para na rin sa kanyang peace of mind.


“Ang lalim kasi ng word na forgiveness. For me, you can forgive people who deserve it. But when I forgive you, it doesn’t mean that I have to keep you in my life.” 


“I forgive you for my peace of mind, for clarity, and for everything. But it doesn’t mean na pwede kang bumalik,” giit niya.


Dagdag pa niya, “It depends. I’ll just keep my distance; you keep your distance. We’re okay like that. I mean, kunwari I got hurt, why would I allow you to come back?”


Sinabi rin ni Kathryn Bernardo, na maayos ang lagay ng kanyang puso at naghilom na rin ang sugat na dala ng hiwalayan nila ni Daniel Padilla.



Sarah Lahbati Sa Pagkakaugnay Ni Richard Gutierrez Kay Barbie Imperial

Walang komento


 Nahingan ng opinyon ang actress-model na si Sarah Lahbati patungkol sa isyung magkasamang nagbakasyon sa isla ang kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez at aktres na si Barbie Imperial.


Nitong martes, April 2, 2024 sa mediacon ng kanyang upcoming TV5 drama series na Lumuhod Ka Sa Lupa, kabilang sa mga naitanong sa aktres ay ang kanyang opinyon patungkol sa mga haka-hakang nagkakamabutihan na ang kanyang dating mister at aktres na si Barbiel Imperial.


Matatandaan na kumalat sa ilang mga social media platforms ang mga larawan at video  nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez na magkasama at sweet sa isa't-isa sa isang gastropub sa WestGate Alabang, Muntinlupa.


Ayon sa mga nakakita kina Barbie Imperial at Richard Gutierrez, kapansin-pansin umano ang pagiging close ng mga ito sa isa't-isa na mahihinuhang mayroon nang namamagitan.


Bantay-sarado din umano ni Richard Gutierrez ang bawat galaw ni Barbie Imperial.


Bukod pa rito, marami rin ang naghinala na totoong nagkakamabutihan na nga ang dalawa dahil na rin muli umanong nagkasama ang dalawa sa pagbabakasyon noong nakaraang holy week.


Sa kabilang banda, nang matanong si Sarah Lahbati kung ano ang kanyang reaksyon sa pagkakamabutihan nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial ay sinabi niyang wala siyang reaksyon rito.


Sa kabilang bansa, may naililink naman ngayong lalaki kay Sarah Lahbati na nakasama niya sa Hongkong. Subalit, kaagad na nilinaw ni Sarah Lahbati na magkaibigan lamang silang dalawa.


Ipinunto rin ni Sarah Lahbati na wala rin namang magiging masama kung sakaling nakikipag-date na siya dahil single na rin naman siya ngayon.




Kathryn Bernardo Kinumpirma Ang Status Ng Rebelasyon Nila Ni Alden Richards!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa ilang mga social media platforms ang naganap na surprise party para sa aktres na si Kathryn Bernardo nitong April 2, 2024.


Bukod sa hinandang surpresa para kay Kathryn Bernardo, ikinagulat rin ng aktres na kabilang pala sa mga naimbitahang dumalo sa kanyang birthday dinner ang dating leading man sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na si Alden Richards.


Marami naman ang nakapansin na tila kakaiba na umano ang ka-sweetan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Tila may pinapahiwatig na umano ang dalawa na may namumuo nang relasyon sa pagitan nilang dalawa kung pagbabasehan ang mga larawan at videos na pinagsamahan nila.


Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, talagang kinansela pa ni Alden Richards ang ilang mga appointments para lamang makarating sa selebrasyon para kay Kathryn Bernardo.


May pasalubong pang bouquet of flowers at mamahaling regalo ang aktor para kay Kathryn Bernardo na talaga namang nagulat at kinilig sa kanyang pagdating.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang mga kumalat na larawan at videos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kuha mula sa nasabing okasyon.


Marami ang nagsasabi na tama lamang ang ginawa ng dalawa at normal lamang kung nililigawan na ngayon ni Alden si Kathryn dahil wala na itong nobyo.


Marami rin ang kinilig dahil tila nakatagpo muli ng lalaki si Kathryn Bernardo na magpapasaya sa kanya. Mabait naman umano si Alden Richards at hindi siya nito lolokohin.


Samantala, marami naman sa mga fans ng AlDub ang hindi nagustuhan ang pagsurpresa ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo dahil naniniwala parin sila na ikinasal na si Alden Richards noon kay Maine Mendoza at mayroon na silang anak.


Sa kabilang banda, usap-usapan naman ngayon ang umano'y pag-amin ni Alden Richards na nililigawan na niya si Kathryn Bernardo at naniniwala siyang walang masama roon. Ipinangako rin niya na kung sakali mang sasagutin siya nito ay hindi niya ito lolokohin pa.


Samantala, inamin na rin umano ni Kathryn Bernardo sa kanyang ina na si Min Bernardo at mga kaibigan na nililigawan na nga siya ni Alden Richards.





Alden Richards Gumastos ng Malaki Makasama Lang Si Kathryn Bernardo

Walang komento


 Marami sa mga netizens ang nakapansin sa kakaibang pagtrato ngayon ng Kapuso actor at Multimedia Star na si Alden Richards sa sinasabing kaibigan niyang si Kathryn Bernardo.


Sa kamakailang episode ng programa nina Cristy Fermin, isiniwalat ng kilalang kolumnista na pinatunayan na ngayon ng aktor na si Alden Richards ang pagiging generous friend lalo na kay Kathryn Bernardo na nakasama niya sa top-grossing film na Hello, Love, Goodbye.


Ayon sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, naghire si Alden Richard ng private plane para lang makapunta sa birthday party ni Kathryn Bernardo na ginanap sa El Nido Palawan noong March 26, 2024.


“Gumastos siya nang malaki makarating lamang sa birthday ni Kathryn Bernardo. Bumayad siya ng private plane.Para lamang mapagbigyan ang imbitasyon ng isang babaeng hindi niya naman karelasyon pero nagbibigay din ng importansiya sa kaniya. Gumawa ng paraan si Tisoy para makarating kasama ang mga kaibigan sa Palawan,” pahayag ni Cristy Fermin.


Samantala, ayon kay Kathryn Bernardo ang naganap na birthday party niya sa Palawan ang maituturing pinakamasayang birthday party ngayong hindi na niya kasama si Daniel Padilla.


Marami naman ang sumusuporta ngayon sa namumoong relasyon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards lalo na't parehong single naman umano ang dalawa. Umaasa pa ang kanilang mga tagahanga na magkakaroon na sa wakas ng part 2 ang pelikulang Hello, Love, Goodbye.


Sa kabilang banda, nagpupuyos naman sa galit ngayon ang ilang mga fans ng AlDub dahil hanggang ngayon ay naniniwala pa rin sila na totoo ang lahat ng nangyari noon kina Maine Mendoza at Alden Richards, kabilang na ang pagpapakasal nila at pagkakaroon ng kambal na anak.


Pinagbabantaan pa ng ilang mga AlDub fans si Kathryn Bernardo na i-boboycott dahil sa pagpatol niya sa isang lalaki na mayroon na umanong asawa at mga anak.


Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Kathryn Bernardo at Alden Richards patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.




AlDub Fans, Hindi Pabor Sa Pakikipagrelasyon Ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nag-viral sa social media ang mga kilalang blockbusters stars na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo matapos mailathala sa social media ang ilang video at larawang kuha sa ikalawang selebrasyon ng kaarawan ng Kapamilya actress.


Makikita sa mga nasabing larawan at videos ang mga sweet moments nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa nasabing okasyon.


Marami sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na nanahimik lamang noon ay nag-iingay ngayon sa kanilang kilig dahil tila nagkakamabutihan na ang dalawa.


Kaagad ring kumalakat ang mga spekulasyon na nanliligaw na ngayon si Alden Richards kay Kathryn Bernardo. 


Ayon naman sa ilang mga fans ni Alden Richards, noon pa man ay malaki na ang pagkagusto ng aktor kay Kathryn Bernardo na naging leading lady niya sa Hello, Love, Goodbye.


Subalit, nagpigil umano noon ang aktor na si Alden Richards dahil sa relasyon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa naging tambalan nila noong na AlDub ang hindi nasiyahan sa mga ipinapakitang pagkakamabutihan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.


May mga fans pa ng AlDub ang bumabatikos ngayon kay Kathryn Bernardo sa social media dahil sa pagiging hadlang umano nito sa pagbabalik ng AlDub.


Marami pa sa mga fans noon ng AlDub nagbabantang ibo-boycott sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sakaling ipagpatuloy nila ang kanilang relasyon.


May mga nanawagan pa kay Kathryn Bernardo na itigil na ang pakikipaglapit kay Alden Richards dahil kasal na umano ito kay Maine Mendoza at mayroon na silang mga anak.


Binantaan pa ng ilan ang aktres dahil baka sumabog umano sa inis si Maine Mendoza dahil sa kanilang kalokohan ni Alden Richards.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na may mga AlDub fans pa rin na patuloy na naniniwalang hindi pa naghiwalay sina Alden Richards at Maine Mendoza.



Sa kanilang paniniwala, ay patuloy paring nagsasama ang dalawa at hindi lamang umano maaring lumantad dahil pinagbabawalan ng kanilang mga managers.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Alden Richards, Maine Mendoza at Kathryn Bernardo sa mga nagsasabing may nagaganap na love triangle sa pagitan nila.


Maine Mendoza, Humagulgol Sa Mga Nakitang Larawan Nina Kathryn Bernardo at Alden Richards

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon ng ilang mga AlDub fans ang ginawang pagsurpresa ng Kapuso actor na si Alden Richards sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.


Ayon sa ilang mga fans ng AlDub, labis na ikinagulat at ikinagalit ng aktres na si Maine Mendoza ang mga kumakalat na video kung saan makikita ang ginawa nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Kinakikiligan ngayon ng maraming mga netizens ang dalawang blockbusters stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Marami ang nakapansin sa napakalakas na chemistry ng dalawa lalo na ngayon palagi na silang nakikitang magkasama.


Trending rin ang video clip kung saan makikita ang surpresang pagbisita ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo sa ikalawang celebration ng kanyang ika-28 na kaarawan.


Makikitang may dalang bouquet of red roses si Alden Richards at mamamahaling regalo para sa aktres. Makikita rin ang closeness ng dalawa sa mga kumakalat na larawan kung saan makikitang magkayakap ang dalawa. 


Bagama't marami ang nasiyahan sa pagiging close ng dalawa, may mga nagagalit rin dito partikular na ang mga AlDub Fans.


Ang AlDub Fans ay ang mga tagahanga ng tambalan noon nina Alden Richards at Maine Mendoza na nagsimula sa noontime show na Eat Bulaga.


Ayon sa ilang mga fans ng AlDub, labis umanong nagalit si Maine Mendoza sa mga kumakalat na larawan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Nalulungkot din umano ito dahil hindi niya inakalang magagawa sa kanya ito ng aktor.


Sa kabilang banda, kaagad namang itinama ng mga tagahanga ni Kathryn Bernardo ang mga pahayag ng fans ng AlDub kung saan ipinunto nila na hindi naman nagkaroon ng totoong relasyon noon ang dalawa at sa katunayan ay masaya na si Maine Mendoza kasama ang kanyang mister na si Arjo Atayde.




It's Showtime May Good News Sa Madlang Pipol, New Studio Ipapasilip Na!

Walang komento

Miyerkules, Abril 3, 2024


 Talagang magiging masaya ang pagdiriwang ng kaarawan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kanyang kaarawan ngayong taon dahil isasabay sa kanyang pagdiriwang ang unang pag-ere ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso Network.


Dobleng selebrasyon ang ipagdiriwang ng noontime show na It's Showtime sa darating na April 6, 2024 dahil kasabay ng unang pag-ere nila sa GMA7 ay ilalabas naman nila ang birthday episode ni Vice Ganda.


Talagang magiging bongga ang pasabog ng mga hosts ng show para sa nasabing episode, sa katunayan, ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ito ng mga hosts.


Tila lalampasan nila ang bonggang first episode ng It's Showtime sa GTV kung saan sumakay pa sa chopper si Vice Ganda mula ABS-CBN hanggang GMA Network.


Hinala naman ng ilang mga netizens na sa mismong studio ng GMA7 magaganap ang first episode ng nasabing show para na rin i-welcome muli ang mga It's Showtime hosts sa GMA Network.


Samantala, inaabangan naman ngayon ng marami kung sino ang Kapuso artists na makakasama nina Vice Ganda sa unang episode ng kanilang show.


Sa kabilang banda, may mga usap-usapang sa kaparehong petsa ay sasalang sa pinag-uusapang segment ng It's Showtime na Expecially For You ang rumored couple na sina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Hindi pa naman sigurado kung makakasama ba ang aktor na si Xian Lim sa nasabing segment o sina Kim Chiu at Paulo lamang.


Nauna nang inihayag ni Kim Chiu na walang problema sa kanyang kung sakaling magiging guest host ng It's Showtime si Xian Lim. Bukas din umano siya na makasama sa iisang proyekto ang dating kasintahan dahil hindi naman umano sila magkaaway.




Kim Chiu at Paulo Avelino, Kaagad Naikumpara Kina Kathryn Bernardo at Alden Richards

Walang komento


 Hanggang ngayon ay laman pa rin ng mga usap-usapan sa social media ang pagbisita ni Alden Richards kay Kathryn Bernardo sa nakaraang surprise birthday celebration ng aktres nitong April 2, 2024.


Marami ang nakapansin na tila bigla namang naging malapit sina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Bigla ring naging sweet sa isa't-isa base na rin sa mga kumakalat na larawan at videos.


Kinikilig naman ngayon ang ilang mga fans ng dalawa mula pa noong nagkatambal sila sa pelikulang Hello, Love, Goodbye. 


Subalit, hindi rin naiwasan ng ilang mga netizens na ikumpara sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kinakikiligang tambalan ngayon nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na parehong nagdaan sa break-up sina Kathryn Bernardo at Kim Chiu mula sa kani-kanilang mga longtime relationships.


Ayon naman sa ilang mga netizens na tila sina Paulo Avelino at Alden Richards ang papawi sa mga sugatang puso ng dalawa.


May mga natutuwa dahil sa madaliang pagmomove on ng dalawa at kaagad umano silang nakatagpo ng panibagong pag-ibig.



Subalit may mga nagsasabi ring napakaaga pa sa ngayon para muling pumasok sila sa isang serious relationship at mas maigi umano na i-enjoy na muna nila ang kanilang single era.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na tila hindi umano kapani-paniwala ang biglang pagkakalapit nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ngayon dahil bagama't nagkasama na sila sa iisang proyekto noon ay ilang taon na rin naman ang lumipas.


Marami sa mga netizens ang kinikilabutan sa ginagawa ng dalawa at naghinalang pakitang tao lamang ang lahat dahil napapabalitang matutuloy na ang part 2 ng Hello, Love, Goodbye.


Samantala, may mga nagsasabing mas genuine umano ang pagkakalapit nina Paulo Avelino at Kim Chiu dahil sa magkasunod na teleserye na pinagsamahan nila.


Bukod pa rito, nagkakasama na rin sila sa ASAP Natin 'To.

Vice Ganda Napansin Na Galing Sa Iyak Si Kim Chiu, Kim May Pinagdadaanan!?

Walang komento


 Tampok na naman sa tuksuhan sa kamakailang episode ng It's Showtime ang actress-host na si Kim Chiu matapos mapansin ni Vice Ganda ang pagiging emosyunal nito.


Kaagad na napansin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang malungkot na mukha ni Kim Chiu sa episode ng It's Showtime nitong April 3, 2024 sa segment na Expecially For You.


Napansin ni Vice Ganda na tila naluluha si Kim Chiu kaya naman kaagad niya itong inusisa upang madistract na rin.


Tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung ang dahilan ba ng kanyang pagluha ay dahil sa, 'there it goes up in the skies', pakantang pahayag ni Vice Ganda.


Sinabayan pa nung una ni Kim Chiu ang kanta hanggang sa siya na rin ang sumuko sa takot na matuloy ang kanyang pag-iyak.


Sinabi na lamang ni Kim Chiu na gagawin na lamang niya ang ipinapagawa sa kanya ni Vice Ganda upang matigil na ito sa panunukso sa kanya.


Sa kabilang banda, nanatili namang katanungan para sa mga netizens kung bakit nga ba naging emosyunal si Kim Chiu sa nasabing kanta.


Hindi na kasi ito sinagot pa ni Kim Chiu habang si Vice Ganda naman ay itinuon sa ibang mga hosts ang kanyang attention.


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na tinutukso nina Vice Ganda si Kim Chiu sa kanilang show. Matatandaan na bago pa man aminin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay ay ilang beses ng nagpahiwatig si Vice Ganda patungkol dito.




Vice Ganda Nagreact Sa Ginawa Ni Janella Salvador Kay Kim Chui

Walang komento


 Naging laman ng ilang mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang pagbisita ng aktres na si Janella Salvador kasama ng Thai-actor na si Wen Metawin sa noontime show na It's Showtime para i-promote ang kanilang pelikulang Under Parallel Skies.


Hindi pinalampas ng maraming mga netizens ang nangyari sa pagitan nina Janella Salvador at Kim Chiu sa nasabing guesting.


Sa nangyaring episode, kasama sa mga napag-usapan nila ang pagkakaroon ng 10th anniversary concert ni Janella  Salvador kung saan masaya pang inimbitahan ni Janella Salvador ang mga madlang pipol na suportahan ang kanyang concert kung saan ipe-perform niya ng live ang kanyang panibagong kanta.


Dito na sumabat si Kim Chiu at nagrequest kay Janella Salvador ng sample sa kanyang new song para mapakinggan ng mga madlang pipol.


Hindi naman ito pinagbigyan ni Janella Salvador dahil sa kanyang pagkapaos. Sinabi pa ni Janella na sila nalang ang magsample.


Hindi naman ito nagustuhan ng maraming mga netizens lalo na't hindi man lamang umano pinatapos ni Janella si Kim Chiu na magsalita.



Ang kinairita pa ng maraming mga fans ni Kim Chiu ay ang pagsasabi ni Janella na sila na lang ang kumanta gayung hindi naman umano alam ninuman ng mga hosts sa show ang kanyang kanta.


Ayon naman sa isang netizen na sana ay maayos namang sinagot ni Janella si Kim Chiu at maayos umano na tumanggi dahil hindi naman umano ito pinilit hindi iyong pabalang na pagsagot.


Hinala naman ng maraming mga netizens na maging si Vice Ganda ay hindi rin nagustuhan ang ginawa ni Janella Salvador kaya naman sa isang segment ng show ay nagparinig ito gamit ang salitang binitiwan ni Janella Salvador.


@jaycomanangantv28 #JanellaSalvador binastos ba si #KimChiu sa #ItsShowtime ? Panuorin! #tiktok #tiktokph #tiktokphilippines #fyp #foryou #foryoupage #jaycomanangantv #gma #abscbn #EntertainmentNewsPH #newsph #tiktokentertainment #bestoftiktokph2024 #bestoftiktokph #tiktokentertainmentph #viral #kapuso #kapamilya @TikTok Entertainment PH ♬ original sound - Jayco TV

Mommy Ni Kathryn Bernardo Kasabwat Sa Surprise Ni Alden Richards

Walang komento


 Muling nagkaroon ng pagdiriwang para sa kaarawan ng kilalang aktres sa Kapamilya na si Kathryn Bernardo nitong April 2, 2024.


Sinurpresa si Kathyrn Bernardo ng kanyang mga malalapit na kaibigan sa kanyang mismong studio sa pasimuno ng kanyang glam team at kinasabwat rin ng mga ito ang kanyang ina na si Mommy Min.


Hindi ito inasahan ni Kathryn Bernardo dahil nagkapag-celebrate na rin naman siya ng kanyang kaarawan noong March 26, 2024 sa El Nido, Palawan.


Naging emosyunal pa si Kathryn Bernardo sa ginawa ng kanyang glamteam para sa kanya at ng kanyang si Mommy Min. Labis ding ikinagulat ni Kathryn Bernardo ang pagpunta ni Alden Richards dahil hindi niya inaasahang iimbitahan ito ng kanyang mga kaibigan.


Naghiyawan pa ang mga ito at tila tinutukso si Kathryn Bernardo nang dumating si Alden Richards sa dinner na may dalang bouquet of flowers at regalo para kay Kathryn.


Hinala naman ng mga netizens na talagang boto ang mga kaibigan ni Kathryn Bernardo kay Alden Richards na maging boyfriend ni Kathryn Bernardo.


Marami naman ang naghinalang nanliligaw na ngayon si Alden Richards kay Kathryn Bernardo kung pagbabasehan ang mga galawan nito at ang mga kumakalat na larawan kung saan makikitang napaka-close ng dalawa at may larawan pang tila nakayakap ang aktor kay Kathryn Bernardo.


Samantala, may mga nagsasabi naman na sana ay hindi kaagad papasok sa isang relasyon si Kathryn Bernardo lalo na't katatapos pa lamang ng kanyang toxic relationship kasama si Daniel Padilla.


@philippinestar Actor Alden Richards brought "kilig" to fans after he surprised Kathryn Bernardo with a large flower bouquet on Tuesday. "Kinikilig ako #KathDen," fashion stylist Priscilla Ann "Boop" Yap-Tañedo wrote in her Instagran Story. Bernardo recently turned 28 on March 26, 2024. They worked together in the 2019 romantic film "Hello, Love, Goodbye." (Instagram/Boop Yap) #philippinestar #entertainmentnewsph #celebritynewsph #kathrynbernardo #aldenrichards #kathden ♬ original sound - Philippine STAR

Richard Gutierrez at Barbie Imperial Magkasamang Nagbakasyon?

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang bali-balitang magkasamang nagbakasyon sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez sa isang beach resort noong nakaraang Holy Week.


Noong March 30, 2024, nagbahagi ng isang video si Richard Gutierrez na kuha mula sa kanyang pagbabakasyon. Hindi naman sinabi ni Richard Gutierrez kung saan siya nagbakasyon subalit makikitang nasa isang isla si Richard Gutierrez na sinasabi ng marami na nasa Ticao Island ang actor na dating pinupuntahan nila ni Sarah Lahbati.





Sa kasunod na araw ay nagbahagi naman ng post ang aktres na si Barbie Imperial na kuha naman sa kanyang pagbabakasyon na kinunan naman sa tabi ng isang coconut tree.


Hinala ng maraming mga netizens na magkasama sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez dahil na rin sa kanilang mga backdrops.


Hindi naman ito ang unang pagkakataon na-link sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez. Matatandaan na unang naintriga ang dalawa nang kumalat ang mga larawan at video nila na kuha mula sa isang bar sa Alabang.


Kung pagbabasehan ang mga video mahihinuhang malapit sila sa isa't-isa at higit pa sa magkaibigan ang kanilang relasyon.


Sa kabilag banda, kumakalat ngayon sa social media ang mga larawan kung saan makikitang tila nakikipagdate na rin sa ibang lalaki ang dating asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati sa Hongkong.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Barbie Imperial at Richard Gutierrez patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.


Sarah Lahbati, Ipinakilala ang Lalaking Kasama niya Sa Hongkong

Walang komento


 Naglabas na ng pahayag ang actress-model na si Sarah Lahbati matapos maging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pakikipagdate umano niya sa isang lalaki sa Hongkong.


Naglabasan ang maraming mga hakahaka patungkol sa larawang kumakalat patungkol kay Sarah Lahbati at kasama niyang lalaki na unang inilabas ng kilalang talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz.


Makikita sa nasabing larawan si Sarah Lahbati na may kasamang tila isang foreigner sa loob ng isang restaurant. 


Kung pagbabasehan naman ang ilang mga kuha ay makikitang malapit sila sa isa't-isa dahil pinunasan pa ng aktres ang damit ng lalaki ng matapunan ito ng sauce.


Sa kamakailang panayam ni MJ Malfori kay Sarah Lahbati, sinagot na ng actress-model ang mga katanungan sa kanya patungkol sa babae.


Sa nasabing panayam, ipinaalala ni Sarah Lahbati sa lahat ang kanyang single status ngayong naghiwalay na sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez.


“It’s okay because again, I am single. Let me repeat that I am single so of course there will always be speculations,” pahayag ni Sarah Lahbati.


Ibinahagi rin ni Sarah Lahbati ang totoong nangyari sa kanyang bakasyon sa Hongkong para ma-experience ang Art Basel.


Ibinahagi rin ni Sarah na ang lalaking nakasama niya sa larawan ay isang kaibigan niya.


Iginiit naman ni SaraH Lahbati na hindi siya natatakot na masangkot sa mga kontrobersiya at hindi rin umano siya natatakot sa samu't-saring speculations ng mga netizens.


Binalikan pa ng aktres na magmula ng ipanganak niya si Zion ay hindi na umano siya nilalayuan ng mga intriga kaya naman hindi na siya natatakot pa rito.


Matatandaan na nito lamang nagdaang taon ay naiulat ang paghihiwalay ng mag-asawang sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati nang mapansin ng marami na hindi na sila nagkakasama sa iisang larawan.


Nagkaroon rin ng tila sagutan sina Sarah Lahbati at ina ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama patungkol sa usaping pera at sa pagiging maluho at magastos ni Sarah Lahbati.


Sa ngayon ay hayagan nang ipinapahayag ni Sarah Lahbati sa publiko na single na siya na nangangahulugang tinapos na talaga nila ni Richard ang kanilang relasyon.




Daniel Padilla Pinagbawalan Si Kathryn Bernardo Na Makatambal Ulit Si Alden Richards Sa Pelikula!

Walang komento


 Binalikan ng maraming mga netizens ang naging isyu noon patungkol sa pagbabawal umano ni Daniel Padilla sa kanyang nobya noon na si Kathryn Bernardo na gawin ang sequel ng matagumpay nilang pelikula ni Alden Richards na Hello, Love, Goodbye.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung hindi pa rin sang-ayon ang dating nobyo ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla na gawin ng aktres ang part 2 ng Hello, Love, Goodbye kasama si Alden Richards.


Hindi naman lingid sa kaalaman na talagang naging matagumpay ang pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil ito ang itinanghal bilang highest grossing Filipino Films ng ilang taon na kumita ng mahigit 800 million pesos.


Samantala, dahil pagtatagumpay ng Hello, Love, Goodbye marami ang napapatanong kung bakit hindi ito nagkaroon ng part 2.


Noon pa man ay naging laman na mga usap-usapan na nakatakdang magkaroon ng sequel ang Hello, Love, Goodbye subalit hindi ito natuloy dahil hindi na pumayag ang dating ka loveteam at boyfriend ni Kathryn Bernardo na si Daniel Padilla na maitambal sa ibang artista si Kathryn Bernardo.


Selos na selos din umano si Daniel Padilla kay Alden Richards at ayaw nitong may iba na nakakasama si Kathryn Bernardo sa mga pelikula at sa guestings.


Hindi rin umano nasiyahan si Daniel Padilla na nasapawan ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden ang piinagbidahan niyang pelikula kasama ang aktres bilang highest grossing Filipino Film.


Sa kabilang banda, lumalabas ngayon ang ilang mga nakaraang video ni Daniel Padilla kung saan hindi man lamang umano nito kinogratulate sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa matagumpay nilang pelikula.


Sa isang panayam, ipinagdidiinan pa ni Daniel Padilla na siya talaga ang Blockbuster King sa dami ng mga matagumpay niyang pelikula kaysa kay Alden Richards.


Samantala, kung magkakaroon man ng sequel ang Hello, Love, Goodbye ngayon ay wala nang magagawa si Daniel Padilla dahil hiwalay na sila ni Kathryn Bernardo.



Paulo Avelino Itinanggi Ang Pagkakaroon Nila Ng Relasyon Noon Ni Janine Gutierrez!

Walang komento


 Nagbigay na ng reaksyon ang aktor na si Paulo Avelino patungkol sa mga kumakalat na balitang nagkaroon sila ng romantic relationship noon ng aktres na si Janine Gutierrez.


Iginiit ni Paulo Avelino na hindi naman umano naging sila noon ni Janine Gutierrez naging magkalapit lamang sila para sa promotion ng kanilang pinagsamahang teleserye.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon ang pagkakamabutihan nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino. Bagama't hindi nila ito tahasang inaamin sa publiko makikita naman sa kanilang mga ikinikilos.


Tila naging proud pa noon si Janine Gutierrez kay Paulo Avelino dahil sinasabi niya sa ilang naging panayam niya ang paggiging mabait at gentleman ni Paulo Avelino sa kanya.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Update ni Ogie Diaz, naisiwalat nilang nagsimulang magkaroon ng lamat ang relasyon nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino na magsisimula na sanang magplano para sa kanilang kasal nang  iharap ni Janine Gutierrez si Paulo Avelino sa kanyang pamilya.


Nagsimula na umanong manlamig si Paulo Avelino hanggang sa nauwi na sa hiwalayan ang kanilang relasyon.


Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, tila hindi pa umano handa si Paulo Avelino na magpakasal kay Janine Gutierrez dahil hindi umano ito gaano ka seryoso sa aktres.


Kung totoo man ang balitang ito, napakasakit nito para kay Janine Gutierrez dahil naging bukas ang aktres sa kanyang nararamdaman para kay Paulo Avelino.


Marami naman ang naghinala na may kinalaman ang pagpasok ni Kim Chiu sa buhay ni Paulo Avelino sa dahilan ng tuluyang pagkakahiwalay ng dalawa.


Matatandaan na naging lamang ng mga bali-balita noon ang paghihiwalay at pagbabalikan nina Paulo Avelino hanggang sa muli naman silang naghiwalay ng tuluyan.


Hindi naman kasi maitatanggi na magmula noong nagkatambal sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa digital series na Linlang ay nakitaan na sila ng malakas na chemistry dahilan para hilingin ng maraming mga netizens na sana ay magkatuluyan silang dalawa.


Labis umanong nasasaktan si Janine Gutierrez dahil mas marami ang sumuporta kina Paulo at Kim, nakikita rin umano niyang naging mas malapit si Paulo sa aktres.



Kathryn Bernardo, Hindi Naitago Ang Kilig sa Ginawa ni Alden Richards

Walang komento


 Hindi napigilan ng kilalang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo na makaramdam ng kasiyahan at kiligin sa pagsurpresa sa kanya ni Alden Richards sa ikalawang selebrasyon ng kanyang 28th birthday.


Nitong martes April 2, nagkaroon muli ng isang simple at masayang dinner birthday celebration ang aktres na si Kathryn Bernardo na hinanda ng kanyang mga kaibigan bilang surpresa sa kanyang nagdaang kaarawan noong March 26, 2024.


Kumakalat ngayon ang ilang mga video na kuha mula sa nasabing selebrasyon na unang ibinahagi ng kaibigan ni Kathryn Bernardo sa Instagram.


Bukod sa mga video kumakalat rin ang mga larawan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na sweet na sweet sa isa't-isa. Dahil dito, marami ang kinilig dahil na rin sa dala ni Alden Richards na bouquet of flowers at regalo para kay Kathryn.


May mga video pa na tila kinikilig at naghihiyawan ang mga kaibigan ni Kathryn Bernardo sa pagdating ni Alden Richards na tila ba tinutukso silang dalawa.


Kaagad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang mga nasabing video nina Kathryn Bernardo at Alden Richards kung saan marami ang nakapansin na tila dumadamoves na ang aktor para maging susunod na boyfriend ng dalaga.


Marami naman sa kanilang mga tagahanga ang nasiyahan kung sakali mang magkahulugan ang dalawa dahil kilala naman umanong mabait ang aktor at nababagay ito kay Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagsasabi na mas makakabuti umano ngayon kay Kathryn Bernardo ang pagiging single at enjoyin na muna niya ang kanyang single era.


May mga bumabatikos naman kay Alden Richards dahil paasa umano ito at mangagamit kagaya na lamang umano sa ginawa nito noon kay Maine Mendoza na sinakyan lamang umano ng aktor ang kanilang kasikatan at nagiging mabait lamang kapag nakaharap sa kamera.



@philippinestar Actor Alden Richards brought "kilig" to fans after he surprised Kathryn Bernardo with a large flower bouquet on Tuesday. "Kinikilig ako #KathDen," fashion stylist Priscilla Ann "Boop" Yap-Tañedo wrote in her Instagran Story. Bernardo recently turned 28 on March 26, 2024. They worked together in the 2019 romantic film "Hello, Love, Goodbye." (Instagram/Boop Yap) #philippinestar #entertainmentnewsph #celebritynewsph #kathrynbernardo #aldenrichards #kathden ♬ original sound - Philippine STAR
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo